Sandra's POV
ISANG MALALIM na buntong-hininga ang muli kong pinakawalan. I can't understand why this is happening to me. I mean, how could this happen?
I can't fall for anyone, even with James. I'm not ready to have this feelings. It's not worth the risk.
Pilitin ko mang ibigay ang buo kong atensyon sa pagmamaneho, hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Lorenz. Mabuti na lamang at medyo mabagal ang usad ng mga sasakyan kaya't wala na akong iniintinding baka maaksidente kami.
Pinasadahan ko ng tingin ang nahihimbing kong kapatid at muling sumagi sa isip ko ang mga salitang binitawan niya.
Posible nga kaya? Pero paano? Bakit parang ang bilis? At bakit kay James pa? Falling for that jerk would be the last thing I could imagine. I need to be certain about this before it's too late.
Nabaling ang aking atensyon nang biglang tumunog ang cellphone ko. I thought it was James, but it wasn't.
“Hello?”
“Cassy, anak. Kasama mo na ba si Renz? How is he?” sunod sunod nitong tanong kaya't lantaran akong nagpaikot ng mata kahit alam kong hindi niya iyon makikita.
“Don't be overacting, dude. You're being paranoid for no reason. Tss!”
“Is he okay? Your pictures are all over the social media sites.”
“The hell, don't tell me that you're just worried because of those pictures. My brother us drunk and all you're thinking about is some f*****g publicity?”
“Hindi sa ganoon, anak. Umuwi na kayo. Dito na lang tayo mag-usap.”
“There's nothing to talk about.”
I pressed end call and released a deep sigh. I really hate having conversations with him.
Nabura lang ang aking pagkakasimangot nang muling tumunog ang cellphone ko. And this time, it was from James. Kusang gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko.
“Hello,”
“Wuy, galit ka pa rin?” malungkot niyang tanong kaya't nag-umpisa na naman akong makaramdam ng guilt, isang pakiramdam na hindi ko na usually nararamdaman.
“I'm not mad.”
“You sure?” paninigurado pa niya kaya't muli aking nagpakawala ng buntong hininga.
“Yeah. Are you feeling a little better now?”
“Of course.” May narinig pa akong mahinang hagikgik kaya't napailing na lang ako bigla.
“Good. I'll hang up now. I'm driving.”
“Okay! Drive safe. Text me when you got home.”
“Kapag naalala ko. Bye.”
Hindi ko na siya pinasagot pa at pinutol na nga ang aming pag-uusap. Somehow, nakaramdam ako ng relief upon hearing his joyful voice. Then, I find myself smiling like an idiot. Pero mabilis din iyong nabura noong naalala ko ang mga panahon na ganito ako kasaya. Na sa isang iglap, lahat ng saya bigla na lang napalitan ng sakit.
**
Kinakabahan ako. Hindi kasi sinasagot ng mga Angels yung mga tawag ko. Even Renz, ang aga nyang pumasok which is very unusual. Hindi na tuloy kami nakapag usap. Gusto ko pa namang itanong sa kanya kung may napapansin din syang mali sa Angels this past few days. Maging si Jhake ay ilang araw na ring hindi sinasagot yung mga tawag at texts ko. Hindi tuloy maiwasang mag-alala ako. Baka naman kasi may nangyari nang hindi maganda. First monthsary pa lang namin ngayon, ayoko mang maparanoid, iyon ang totoong nararamdaman ko.
Tila lantang-gulay kong tinahak ang aming homeroom ko. Parepareho kaming nasa second year college ngayong taon. We're very lucky na magkaka-kaklase pa din kami. Buti na lang talaga at magkakapareho kami ng first love, music. Okay naman kami, masaya. Well, unlike these past few days.
Ang dami kong plano para ngayon tapos ganito ang mangyayari. Kagabi ko pa hindi maisip kung bakit parang ang daming mali sa mga nangyayari sa paligid ko, napuyat tuloy ako.
♪There I was, an empty piece of a shell,
Just minding my world, without even knowing ,
That love and life was all about♪
Tila huminto ang oras. Bigla na lamang kumabog nang mabilis ang aking dibdib.
♪Then you came, you brought me out of the shell
You gave the world to me, and now that I knew
That I was so inlove you♪
I found myself crying out of joy and appreciation.
Dahil napakasarap sa pakiramdam ang haranahin ng taong mahal mo. Tumutugtog ang Great Survival, but instead of Lorenz, si Jhake ang lead singer nila ngayon.
Then there's my Angels, kanya kanya ng cheer while Alyson is busy taking videos.
♪You gave me a reason for my being
And Iove what I'm feeling.
You gave me a meaning to my life
Yes I've got beyond existing ...♪
Jhake hanged the last line of the chorus. Bumaba siya sa mini stage at lumapit sa kinatatayuan ko.
♪and it all begun .. When I met you ♪
Iginiya nya ako sa paakyat ng stage habang patuloy lang sa pagtugtog ang GreatSurvival. Ang ganda ng ngiting sumisilay sa mga labi niya at kahit basang-basa ang mukha ko nang dahil sa pag-iyak, hindi maitatanggi at maitatago yung kaligayahang nararamdaman ko.
Pinunasan ni Jhake ang mga luha ko gamit ang kaliwa niyang kamay. “Sshh... Mahal ko, wag ka nang umiyak,” aniya pero mas lalo lang akong naiiyak. “Tsk! Mahal, please stop. Stop crying.”
“Nakakaasar ka kasi!” reklamo ko habang pinupunasan ang sarili kong pisngi.
“Mahal, pasensya ka na kung hindi ko pinapansin ang mga messages mo. I just really want to surprise you. And I really want this day to be speacial as much as you wanted to.” Ngumiti muna siya bago muling nagsalita. "Two years ago, bago pa man kita makilala, I am always inside my shell, my own world. But when you came, you lead me to where I'am right now. Binigyan mo ako ng rason kung bakit ako nandito, ikaw ang nagbigay kabuluhan sa araw-araw na paggising at pagbangon ko. Honestly, isang araw paggising ko, naramdaman ko na lang na hindi ko na kakayanin pang gumising nang hindi ka nakikita at makakasama.”
Napakagat ako sa aking lower lip upang pigilan ang tumili. Hindi kasi expressive si Jhake. Nako-kornihan siya sa mga ganitong bagay. Kuntento na siya sa simple lang at walang mga ganitong ganap.
“Mahal na mahal kita, hinding hindi kita sasaktan, hinding hindi kita iiwan. I promise you that we will face our own forever, together. Walang makakapagpabago 'non. I Love you, with all my heart, Cassandra Lorena. Happy first monthsary sa atin, mahal. Today is just one step closer to our own forever.”
“Me too. I love you, Jhake.” Yinakap ko siya at napuno ng hiyawan yung loob ng room namin. Mga estudyante at maging ang mga professors namin nakikinuod din pala.
‘Kahiya!’
One year passed unnoticed. Napuno kami ng masasayang alaala. But everything changed the day my mom died. Something happened that I never thought that could occur.
I wasn't prepared.
“Don't worry. I'll tell her everything. Pero hindi muna sa ngayon.” It was Jhake. He was talking with someone on the phone. Wala akonh naiintindihan sa sinasabi niya. “No. You don't need to involve yourself.”
“Mahal, sinong kausap mo?” mahina kong tanong. Para naman siyang na-estatwa nang makita ako.
“Kanina ka pa d'yan?” he asked worriedly.
“Oo.” Tumango pa ako at sinilip ang kanyang cellphone pero mabilis din niya iyong inilayo sa akin.
“Cassy, I'm sorry.” Nag-iwas siya ng tingin kaya't napakunot ako ng aking noo.
“Bakit ka nagso-sorry? May kasalanan ka ba sa akin? May nagawa ka bang mali?” nalilito kong tanong.
“Yes. And I'm sorry, pero may iba na ako.”
Parang bomba na sumabog sa pandinig ko ang mga salitang binitawan niya.
Hindi ko alam kung anong isasagot kaya pilit na lang akong tumawa sa pag-asang nagbibiro lamang siya. “Comedian ka na pala ngayon, mahal? Kaya lang hindi naman nakakatuwa yung joke mo.” sagot ko pa kasabay nang muling pagbuhos ng luha ko. I just stopped crying few minutes ago but here I am again. Umiiyak na naman pero sa ibang dahilan naman.
“You don't get it. I'm serious. I know the timing is wrong but I can't do this anymore. I'm breaking up with you.”
Napanganga ako sa mga sinabi niya. His words were clear and it wasn't that hard to understand but I still can't convinced myself that I heard it from him.
“I'm sor-”
I cut him out with a big slap.
“Gago ka ba? Hindi nga sabi nakakatawa, e!” sigaw ko.
“Cassy, matalino ka at hindi tanga. Alam kong naintindihan mo ang mga sinabi ko at alam ko ring alam mong seryoso ako,” kalmado niyang sagot.
“Bakit? I need to know why. Saan ako nag-kulang, Jhake?”
“Wala na yung spark.”
“Spark?” hindi ko makapaniwalang tanong. “Jhake, hindi tayo poste ng meralco para hanapan mo ng spark. So don't give that lame excuse!” Hiniklat ko ang kwelyo ng suot niyang polo shirt habang pilit na pinagtatagpo ang aming mga mata.
“I'm really sorry.”
“If you really feel sorry, then stop this. Jhake, masakit. Sobrang sakit.” Paulit-ulit ko siyang sinundok sa kanyang dibdib.
Nagpakawala lang siya ng malalim na buntong-hininga bago alisin ang pagkakahawak ko sa kanya. Ni hindi niya magawang tumingin ng direkta sa mga mata ko.
“I'm sorry,” aniya at tuluyan na akong iniwan nang mag-isa.
I never thought that I'd feel this kind pain. Parang hindi ko kasi deserve?
NANG makarating kami sa bahay, dumagdag lang sa problema ko kung paanong ipapasok si Lorenz. This dummy was too drunk to walk on his own. Tila masyado ring mahimbing ang kanyang tulog kaya't hindi ko malaman kung paanong buhat ang gagawin sa kanya.
He's too heavy for my small body, tho. Baka naman mabalian na ako ng buto kapag pinilit ko siyanh buhatin.
I released a deep sigh and used all my strength to hold him firmly. Matagumpay ko siyang nailabas ng sasakyan pero ang maglakad papasok, ibang usapan na. Hindi pa kami nakakalayo nang bumigay ang nga tuhod ko. Mabuti na lang at maayos ang pagkaka-landscape ng lupa. Sinalo kami ng mga well-groomed na bermuda grass.
“That hurts,” ani Lorenz kaya't tinapunan ko siya ng masamang tingin.
“Baka magaan ka,” singhal ko at tinulak pa siya papalayo sa akin. “Kung gising ka naman pala, sana hindi ka na lang nagpabuhat. Pinahirapan mo pa ako.” Inismiran ko pa siya bago akmang tatayo pero bigla na lang niya akong hinila pabalik at pinahiga sa tabi.
“Just give me ten minutes. O kahit limang minuto lang. Please?”
Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago kunin ang kanyang kaliwang braso at ginawa iyong unan bago tumingala. “Ang daming stars.”
“Beautiful, right?” tanong niya kaya tumango ako. “Alam mo sa tuwing tumitingin ako sa mga bituin, naaalala kita… kayo ni mama.” Bakas sa boses niya ang lungkot at pagtatampo kaya't napayuko ako. “Dp you still remember the story mom used to tell us when we were little?”
“Sun and Buan? Of course, how can I forget?”
“Akala ko kasi nakalimutan mo na. Just like how you forget about everyone.”
Saglit akong natigilan sa sinabi niya.“Lorenz, let's not talk about it.”
“Just kidding,” aniya at ngumiti pa. “Mom said that we're like Sun and Buan, the twins of the universe. She also said that those stars behold our dreams. Palagi ka pa ngang umiiyak kapag walang bituin sa langit. Akala mo kasi, wala na yung mga pangarap natin.”
“Shut up. I was so young by that time. Malamang iyon ang iisipin ko.” Pinakot ko pa ang aking mga mata.
“Best part was during a meteor shower. You cried so hard tha-”
“I said shut up. It's embarrassing.” Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kababawan ko noong mga bata pa kami. But somehow, those silly moments makes me smile a little.
“Mom reminded us that when we fail and a star fall from the sky, we just have to make a wish,” he paused for a second. I looked at his eyes and smiled.
“Star star of our dreams, I wish you find another gleam,”
“Star, star of our dreams, be bright and be clear,” dugtong niya .
“To grant the wishes the star of our dreams.” Magkasabay naming tapos sa tulang ginawa ni mommy para amin. Tumingala ako sa langit at hinayaang dumampi ang malamig na hangin sa aking balat.
“Cassy… miss na miss ko na si mama.” Bahagyang nag-c***k ang boses niya kaya't napatingin ako sa kanya.
Nakapatong ang kanang braso niya sa kanyang mata.
“Me too, Lorenz. I missed her so much,” sagot ko at pilit na inawat ang mga luhang nagbabadyang bumagsak. This could be the first time that we tried to talk about mom after she died.
“Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makasama ulit,” aniya habang nakatakip pa rin ng braso ang kanyang mga mata. Bahagya din kaming yumugyog nang dahil sa kanyang pag-iyak. “Gusto ko na siyang mayakap ulit, Cassy.”
Nakagat ko ang aking ibabang labi. Ang daling sabihin ng mga bagay na gusto natin pero bakit ang hirap gawin? Gusto ko ring mayakap si mommy pero imposible na iyon. Matagal na siyang wala.
“Hanggang ngayon, hinahanap-hanap pa rin ng tainga ko ang araw-araw na sermon niya. Yung matapos niya akong pagalitan, yayakapin niya ako ng mahigpit, sobrang higpit.”
Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ramdam ko ang bawat sakit na nararamdaman niya. Buong akala ko, ako lang ang nasasaktan. Sobra sakit na hindi ko namalayang nasasaktan din pala ang kapatid ko.
Unti-unting bumagsak yung mga luha ko .
“Minsan, naiinggit ako kila Lance kasi hanggang ngayon, kumpleto pa rin sila. Samantalang ako, wala na nga si mama tapos pati ikaw nawala. Cassy, ang sakit. Sobrang sakit.” Tila isa siyang bata na nakahanap ng mapagsusumbungan. “Umalis ka, hindi mo manlang naisip kung paano ako samantalang pareho lang naman tayong nawalan!”
Bumangon ako at pinunasan ang mga luha ko. Masyado nang kinain ng sistema ni Lorenz ang mga alak na ininom niya kaya nasasabi niya ang mga ganitong salita. Tinanggal ko ang braso niya sa kanyang mata at sunod na pinunasan ang mukha niya. Inalalayan ko pa siya para maupo din.
“Lorenz, we both miss her and we will never stop missing her. Because she is our mom. Kahit kailan, hindi magbabago 'yon. Okay? I have my reasons why I left you behind. Huwag ka nang umiyak.” Yinakap ko siya at hinagod ang malapad niyang likuran. “If you feel like your missing mom, just hug me.”
“Huwag ka na ulit aalis, Cassy. Please?” bulong niya pero hindi ako sumagot. Inalalayan ko na lang siyang tumayo at pumasok sa loob.
“Oh, thank God you're back!” Nag-aalalang bungad sa amin ni papa. “Renz, bakit masyado ka naman yatang nagpakalasing?”
“He needs some rest,” matabang kong bulong bago tabigin ang kamay niya. Dirediretso kami sa itaas. “Lorenz, try mong huwag magpabigat ng onti. Hindi ako masyadong firm para saluhin ang buo mong bigat.”
Tumango lang siya at nagkunwaring pinagaan ang sarili but it was useless. Pabagsak ko siyang inihiga sa kama.
“Thank you, Cassy. You should rest too.”
“Not yet. You need to wash first.” Tatayo na sana ako pero muli niya akong hinila. “Oh, come on! Lorenz, amoy alak ka. Maglinis ka muna ng katawan!”
“Mamaya na. Makakapaghintay naman 'yon.”
“No, it won't!”
“Yes, it can!”
We are in the middle of arguing nang biglang may kumatok, kasunod na niluwa noon si Tita Gina.
“Cassy, naghanda ako ng pamunas para kay Renz. Ako nang mag-aasikaso sa kanya. Magpahinga ka na rin sa kwarto mo.”
Sinimangutan ko siya bago tanggalin ang pagkakadantay sa akin ni Lorenz. “No. I'll take care of my own brother. Iwan mo na lang yan. Pwede ka nang lumabas.” Utos ko bago siya irapan. Bahagya siyang nagulat sa ginawa ko pero mabilis din na ngumiti sa akin.
“Okay. Nagtabi ako ng pagkain sa ibaba. Kumain na lang kayo kung magutom ka.”
Tango lang ang isinagot ko sa kanya at sinenyasan pa siyang umalis na. Nang makalabas siya, tuluyan na akong bumangon at kinaha ang dinala niyang pamunas para kay Lorenz.
“Cassy,”
“What? Matulog ka na, please lang.”
“Are you really happy being Sandra?”
“Of course, I do!” mabilis kong sagot. “Why do you have to ask a stupid question?”
“Baka kasi tama si Ella. She's right about accepting you for what makes you happy.”
“So, the end point is?”
“Gusto kong malaman mo na hindi mahalaga kung ikaw si Cassy or si Sandra. As your brother, I should be supporting you. Suportado ko naman talaga ang lahat ng mga ginagawa mo. Well, except for two things.”
“Namely?”
“You being rude especially to dad.”
“I'm not being rude, I'm just being true.”
“Shut up. Hindi pa ako tapos.”
“Okay, fine. Go ahead.”
“And I don't like you being closed with Red.”
Okay, I wasn't expecting that.
“Why?”
“He's a thief.”
“What the! Like seriously?”
“Yes. Inaagaw ka niya sa akin! Magnanakaw siya ng kapatid. He's stealing you and your time. You have more time with him! Kakakilala mo pa lang sa kanya pero, your attachment to him is this close,” aniya na pinagdikit pa ang pointing at middle finger niya. “While us? We're like this!" Tinaas naman niya ang thumb at pinky finger niya.
Ang dami niyang alam. Sinasabi ko nang ang alak dapat talaga sa tiyan, hindi sa utak.
“Where did you get that stupid idea?” tanong ko at ibinababa pa ang kanyang kamay.
“Hindi yon stupid. Tell me, kapag ba sinabi kong layuan mo si Red, lalayo ka?” Nabigla ako. Bakit niya naitanong iyon? “See? Sa reaksyon mo, hindi mo magagawa, e.”
“Of course I can do that. I just don't I'll last. Maybe you're right, I'm starting to like him. But I don't want any of this, okay?”
“Bakit naman?”
“Because I swear to myself that I won't fall again. But what can I do? I just can't stop. It's out of control.”
“But you just met him. Wala pang isang linggo mula nung unang beses kayong nagkita. And now you're telling me that you like him already? Isn't to soon?”
“Hindi ko rin alam. I'm really confused right now. Tama ka, we just met but for a very short period of time, he's been always there for me.”
Siya naman ang hindi sumagot.
“Renz, paano kung masaktan ulit ako?”
“Then I'll kill him.”
“How violent.”
“Hindi ko nagawang protektahan o ipagtanggol kay Jhake noon, hindi ko hahayaan na mangyari pa ulit iyon.”
“What if I cant stand seeing you hurting him?”
“Then you're crazy. You must have lost your mind.”
“Tss! Matulog ka na nga!” sagot ko at ginulo pa ang kanyang buhok.
“Bahala ka. Basta ako, taga-suporta lang. But, I still think that you should stop yourself while you still can. Stop this madness.”
PADABOG akong nag-dive sa ibabaw ng kama ko. Wala na akong pakialam kung isipin man ni Ella na mukha akong ewan.
“You seems to be stressed out, ate.”
“You have no idea,” bulong ko bago gumulong papalapit sa side ng study table kung saan siya abala sa pagguhit ng mga sketches. In all fairness, maganda at refreshing ang mga designs si Ella. I can see that she has a big future ahead in the industry.
“Ate, you should answer your phone,” aniya. Noon ko lang napansin na tumutunog pala ang cellphone ko kung kaya't mabilis ko iyong sinagot.
“Talk to me.”
“Where are you?”
“Bahay na.”
“I told you to text me when you got home.” I rolled my eyes. Based on his voice, mukhang nakanguso na naman ang asungot na ito.
“Nakalimutan ko. Bakit ba?”
“Nothing. I just want to make sure that you're home safely.”
Gumuhit ang malapad na ngiti sa aking mga labi at tahimik na pinakinggan ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.
‘f**k this heartbeat!’
“Wuy?”
“Hmmn?”
“Wala. Sige na nga, pahinga ka na. Usap na lang tayo bukas. Sunduin kita, ha?”
“Fine. Bye...”
“Bye…”
I was waiting for him to hang up but he didn't. “Ano ba? Ibaba mo na.”
“Ikaw na muna.”
“Para kang tanga. Sige na. Bye!” Mabilis kong pinindot ang end call saka ko ibinaon ang aking nag-iinit na mukha sa unan.
“You're blushing.”
“Am I? No. Medyo mainit kasi. But I'm not blushing. Bakit naman ako magba-blushed?”
“And you look different. Your face lights up those beautiful smile. Ngayon ko napatunayan na ikaw nga siya.”
Napakunot ako ng noo nang dahil sa pagtataka but she just smile and signaled me to look at my pictures on the walls.
“Of course, I look like her. Silly.”
“No. Sandra Martin never wear that kind of smile.”
“Does it bad?”,I asked. Hindi ko kasi alam kung anong ibig sabihin ng salitang different sa kanya.
“Of course not! You look good, ate. And you should do that more often. You deserved to be happy.”
“You think so?”
“Of course. Well, nandito lang din naman ako para iremind ka, ate. Sabi mo, ipaalala ko kung sino ka. That you are Sandra Martin and yes, you are still you. Pero wala namang masama kung magiging masaya ka.” Muli siyang ngumiti bago imisin ang mga nagkalat na papel sa lamesa. “Pwede ko bang malaman kung bakit masaya ka ngayon?”
Umiling ako sa kanya habang nagpipigil ng ngiti. “You can't.”
“That's unfair, ate.”
“It's nothing serious.”
“You're smiling for nothing? You must be insane, ate. But, let me guess, it's because of Kuya Jared, right?"
“What are you? A paparazzi from Hollywood?” natatawa kong tanong.
“I knew it!”
“Fine. Now, shut up and don't tell anyone.”
“You like him, don't you?”
“I dont like him.” Pagtanggi ko na sinagot niya ng nakakalokong tingin. “I swear, hindi talaga!”
“Stop denying, ate. It's no use. Dapat sa mga feelings natin, hinahayaang mag-grow. Let it grow. Sabi nga nila sa isang kanta: Let the love begin, let the love grow shining in.”
“Baka mapakanta ka pa?” Natatawa ko pang ginulo ang mahaba niyang buhok.
“Para feels na feels,” aniya at bigla pang yumakap sa akin. “But seriously, ate. Hayaan mo lang, huwag mong itago. Sige ka, the more na tinatago mo yan, magugulat ka na lang out of control na pala.”
“Masyado kang maraming alam. Matulog ka na nang matuwa pa ako sayo.”
Tawa lang ako isinagot niya at mas yumakap pa sa akin. “Good night, ate.”
Napailing ako nang ginamit pa niyang lullaby ang tono ng kantang Let the Love Begin habang nakapikit.
‘Puro kalokohan.’
Hinagod ko ang kanyang buhok at habang iniisip ang mga sinabi nila ni Lorenz.
Ano nga ba ang dapat kong gawin? I don't want to feel the same pain pero ayoko ding mawala si James. Should I take the risk?
--