CHAPTER 19

3969 Words
THIRD PERSON'S POV "How did Tita Lorry die?" Ikinagulat ni Sandra ang tanong ni Jared. Nahalata naman iyon ng binata kaya mabilis niyang binawi ang tanong. "If you're not comfortable talking about it, it's okay. I won't ask anymore." aniya subalit ngumiti sa kanya ang dalaga. "It happened almost three years ago. My mom killed herself." Isang payak na ngiti pa ang muli niyang ibinigay niya sa binata bago tingnan ang puntod ng kanyang ina, "Damn, how I hate her for doing that to herself. I had no idea why she did something like that. I mean, we're happy. Or at least that is how I see it." "So why did she end up taking her own life?" Jared askes curiously. "Every household had it's dirty little secrets, James. Baka hindi niya kinaya kaya ayon, nagpakamatay siya sa bahay, in the kitchen area to be specific." Halos lumuwa ang mga mata ni Jared sa kanyang nalaman. "S-sa kitchen?? " Mababakas sa mukha ng binata ang takot. 'Sa kitchen kung saan madalas akong tumambay?' "Yeah. At first, I had no clue what pushed her to blew herself up. Cause I can't find any f*****g reasons why she had to do that. Mas matatanggap ko nga kung umalis na lang siya, kung lumayo na lang siya sa amin. Dahil at least sa ganoong paraan, may chance pa para magkita kami. Para maitanong ko sa kanya kung anong nangyari? Kung ano yung problema? Pero, wala e. Nagpakamatay siya. Wala nang pagkakataon para magkasama ulit kami." Huminga nang malalim si Sandra na para bang humahanap siya ng sapat na lakas ng loob para ituloy yung mga gusto niyang sabihin. "When I finally uncover the truth, alam mo yung pakiramdam na sana pala hindi ko na lang nalaman kasi ang sakit? Parang paulit-ulit na nagpapakamatay si mommy sa harapan ko kasi sobrang sakit." Sandra have no enough strength to stop herself from crying. The thought of remembering how and why her mother left them gives her reasons to cry and feel the pain that her mother felt before. "Sshh... Sige lang, Sandy. Iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo yung bigat," Jared can't find the right words that would help to ease the pain that Sandra is feeling right now. He wasn't used to this kind of situation at all. "Alam mo ba, nagpakatatag ako that time," pinunasan ni Sandra ang kanyang basang mukha "Pinilit kong maging malakas. Pero nung malaman ko kung bakit kailangan mangyari ang lahat... kusang bumigay ang sistema ko. I can't think right. Nagalit ako nang sobra at pakiramdam ko wala na talagang dahilan para manatili pa ako." "Kaya ka umalis at nagbago?" bulong ni Jared. "No. I mean, that was not the only reason." umiling pa siya. Umalis si Sandra sa pagkakasandal niya sa balikat ni Jared at muling pinunasan ang kanyang mukha. "The same day that my mom died. My boyfriend broke up with me, dahil wala na daw yung sKahitpang natawa si Sandra "Naghahanap siya sa akin ng spark? Ano ako? Poste ng meralco?" "Natatawa ka pa talaga, ha?" "Kasi ang babaw ng pagmamahal sa akin ni Jhake, just because of spark." Kahit nagagawa pang tumawa ni Sandra, hindi pa rin niya maitago ang pinong sakit na nararamdaman niya. "So, ex mo pala si Jhake," Hindi man gustuhin ni Jared ay nakaramdam pa rin siya ng inis nang makompirmang may naging relasyon nga sina Jhake at Sandra. "Sige, tuloy muna yung kwento," "Pinagpalit niya ako sa babaeng tinanggap ko sa bahay namin dahil anak siya ng Best friend ng mommy ko. Tinanggap ko rin na baka nga mas mukhang may supply ng kuryente si Lycka kumpara sa'kin. I treated her in the most hospitable way, kasi I believe that she is a very nice girl. I introduced her to the Angels. Maging si Renz pinakilala siya sa Great Survival. Then, we started hanging around at hindi ko itatanggi na may kirot sa puso kapag nakikita ko sila ni Jhake na masaya. Perro, ako si Cassy, e. Takot ako na ipakitang nasasaktan din ako. So I pretend that everything was okay. Sinasarili ko yung sakit kasi ayokong isipin nila na ayoko silang maging masaya." Muling ngumiti ang dalaga subalit kasabay 'non ang pagtulo ng kanyang mga luha. "Noong araw na inuwi ni papa sina Tita Gina at Lycka sa bahay, naramdaman ko na kaagad na may mali. But I kept it myself dahil si Cassy mabait, matiisin at maunawain. But why do I always have to be like that?" Huminga nang sobrang lalim si Sandra bago tumingala sa langit. Papalubog na ang haring araw at mukhang kailangan na nilang umuwi. "James," "Bakit?" "Thank you for making me feel that I am special." ''You're special, Sandra." "I know," Pagmamayabang naman ng dalaga. "Psh. Don't ruin the moment," naiiling na bulong ni Jared. "Bawasan mo nga ang pagiging hambog, may nanalo na 'don." pagbibiro pa ng binata. Natawa naman si Sandra sa sinabi ni Jared. "Seriously, salamat." Isang ngiti naman ang isinagot ng binata sa kanya. "Paano ka sa pag-uwi mo?" biglang tanong ni Jared. "What about that ?"Inabot ni Sandra yung plastic na may Ice cream at nagsalin sa tatlong plastic cups na binili din nila kanina. Inilagay ni Sandra ang isang ice cream sa puntod ng mommy niya at ang isa naman ay sa kamay ni Jared. "How will you deal with your brother?" tanong niya habang sinusubo ang ice cream na iniabot ni Sandra. "Same old, same old. I learned that the less emotions I show, the lesser the pain I'll feel. So, I'll just keep on pretending that I'm okay, then everything will be fine." nakangiting sagot ni Sandra. "Hanggang kailan ka ba magtatago sa likod ni Sandra Martin?" "Forever? I mean for a lifetime. Wala namang forever, e." "Bitter," bulong Jared, "Ayaw mo na bang bumalik sa dati?" Natahimik bigla si Sandra. "Wag mo nang sagutin, mukhang alam ko naman na yung isasagot mo. Dont worry, I won't force you to change. Hindi kita pipilitin kagaya ng ginagawa ng lahat." "Bakit ba ang bait mo sa akin? Kahit na ang samasama ng ugali ko?" may halong guilt na tanong ni Sandra. Subalit ngumiti lang si Jared. "Bakit nga kasi?" Pangungulit ni Sandra. "I don't know. Bakit nga ba?" nakangiti pa rin na sagot ni Jared bago ubusin ang kanyang ice cream pagkatapos ay tumayo na rin. "Let's go, Sandy. Malapit nang gumabi. Baka nag-aalala na sila Renz sayo," "Asa naman ako. I'm sure he's having a great time with his sister." Hindi talaga maitagao ni Sandra ang pagkairita. Tumayo na rin siya. "Let's go?" pag-aaya ni Jared pero umiling si Sandra. "Why?" "Let's stay for another minutes." sagot niya at nag-angat pa ng kanyang kanang kamay. "Gonna say my farewell to my mom." Nakangiting pa niyang wika at humarap na sa puntod ng kanyang ina. 'Mom, I know that you're watching over me . I know that you never failed to guide me. I know that it is hard for you to see me being like this, and I'm sorry about that because, yeah... I've been a bad girl, right? Today, I introduced James to you. He's been really nice to me. Even for a very short time, he reminds me of you a lot. I don't know why, but whenever I'm with him, it feels like I'm with you. Goodbye for now. I will visit you again. Please, continue to look after me. I miss you, Mom.' Tahimik at masusi namang pinagmamasdan ni Jared si Sandra habang nakapikit ito. He just can't take his eyes off from her. He smiled and utter words of promises in his mind. 'Tita Lorry, I'm James Jared. I am someone who adores you're pretty princess. Alam ko na napakabilis para masabi ko:ng espesyal siya para sa akin. But your daughter is like my gravity. She keeps my feet on the ground. Today, I promised you that I will stay beside her. Kahit anong mangyari, I will never let her down. I will do everything and anything just to protect her from all the pain that she felt, feeling and about to feel. I will take good care of your daughter. I promise.' Matapos magpaalam ng dalawa sa puntod ni Lorry, sabay at kapwa may ngiti silang umalis sakay ng motor ng binata. Samantala, sa dulong bahagi ng sementeryong pinanggalingan nila ay may mga matang tahimik na pinanuod lang ang kanilang pag-alis. "Enjoy your life. I will come and take everything you treasured. I won't stop not until we got even. I will take away all your happiness because you don't deserve it." **** Sandra's POV Aaminin ko, iba talaga kapag si James ang kasama ko. Hindi ako nagsisisi na sa kanya ako nagpasama. Same as hindi ako nagsisising pinapasok ko siya sa totoong mundo ko. Sa mundo ni Sandra na puno ng pagpapanggap at sa mundo ni Cassy na puno ng galit sa mga taong mahal ko. After many years, ngayon na lang ulit ako nagtiwala ng ganito sa iba, lalo na sa lalaki. Dahil matapos akong masaktan ng tatlong pinakamahalagang lalaki sa buhay ko, aaminin ko na takot na akong muling magtiwala at magpahalaga sa damdamin ng iba. Pakiramdam ko kasi lahat ng lalaki sa mundo ang purpose ay manakit at mang-iwan. Wala talagang forever! Bitter na kung bitter. Paano ako maniniwala sa forever kung lahat ng nangako ng forever sa akin iniwan at pinagpalit ako? Si papa, si Jhake at si Renz... They all thought me how to love and to be loved. But their love didn't last for long. But now that I have James as my bestfriend, sana hindi siya matulad sa mga lalaking nang-iwan at nagpaasa sa akin. Ngayon na lang ulit ako nagtiwala, ayoko namang mangyari ulit lahat ng naranasan ko noon. I'm afraid that I wasn't strong enough. NANG makarating kami bahay, nakangiti pa niya akong pinapasok sa loob. Inirapan ko naman siya bago taas kilay pa rin na sumagot, "Wag mo akong utusan." "Tss, hindi naman kita inuutusan, e." Ganti niyang sagot sa akin. "You should get in, dito ka na mag-dinner." Walang gana kong paanyaya sa kanya na alam ko namang hindi niya tatanggihan. Likas kasing makapal ang mukha nito. "Na-miss mo naman yata kaagad ako?" nakangisi pa nyang tanong. 'Tss, makapal na nga ang mukha, assuming pa!' "Kung ayaw mong kumain, edi wag!" Mataray ko pa siyang pinaikutan ng mata. "Hindi ka naman pinipilit." "Ito naman tampo agad. Aminin mo na lang kasi na miss mo na kaagad ako," aniya habang nakanguso. "Shut up and don't give me reason to punch you." "Bad, Sandy. Bad!" muli niyang sagot at mas pinahaba pa ang kanyang namumulang nguso. "Stop pouting, James! Puputulin ko talaga yang nguso mo!" sigaw ko sa kanya at itinapat pa ang aking kamao sa mukha niya. Sa halip na tumigil, nginitian niya lang ako at hinuli pa ang aking kamay. "Init palagi ng ulo mo. Baka pwede na akong mag-prito ng itlog dyan, a!" kantsaw pa niya at lakas loob pa akong inakbayan. I rolled my eyes as a response. Masyado siyang nagpapa-cute. "Pasok na nga tayo!" "Alisin mo muna yang kamay mo sa balikat ko. Baka ano pang isipin nila." "Ayoko. Hayaan mo nga silang isipin ang gusto nilang isipin. And besides, I think we look cute together." Mahina pa siyang humagikgik kaya't muli kong pinaikot ang aking mata. May mga banat kasi siyang masyadong korni pero deep inside, nakakapagpangiti sa akin. "Oh, naka-uwi na pala kayo." Nakangiting bungad sa amin ng magaling kong ama kaya't inismiran ko siya. "Good evening po, tito." Bati sa kanya ni James at pinandilatan pa ako pero siniko ko lang siya bilang sagot. "Dito kakain ng dinner si James," wika ko nang hindi tumitingin kay papa. "That's great!" anitong hindi manlang inintindi ang malamig kong pakikitungo sa kanya. "Tamang tama naman at kakain na rin kami. Pababa na rin si Ella at mukhang mamaya pa ang uwi ni Renz. Sabay sabay na tayo." "Baka naman kumakain na sila ni Lycka," bubod ko na hindi magawang itago ang pagkairita. "Hindi naman niya kasama si Lycka. Mag-isa siyang umalis after kang sunduin ni Red." Sabat sa usapan ni Tita Gina. "Anyways, he's old enough. Kumain na tayo." Magiliw pa silang nauna ni papa sa paglalakad papunta sa dinning hall kaya't sumunod na rin kami ni James. "Oy, okay ka lang?" Puna ko sa kanya dahil may kakaiba sa kanya. Biglang naging malikot ang mga mata niya at para bang nag-iingat sa bawat hakbang. "Dito ba nagpakamatay ang mommy mo?" mahina niyang bulong as if ayaw niyang marinig nila papa. "Oo. Gusto mo ituro ko sayo kung saan?" taas kilay kong tanong dahil kahit medyo offensive sa akin ang tanong niya, hindi ko maiwasang mangiti sa itsura niya. Para kasi siyang tanga. "Don't!" sigaw niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong matawa. 'Cute.' "Thanks! Matagal ko nang alam na cute ako. Marami nang nakapagsabi." "Dala lang ng gutom yan. You're hearing stuff." Nag-iwas pa ako ng tingin dahil hindi ko naman expected na lalabas sa bibig ko at maririnig niya 'yon. "Wag mo baguhin ang usapan. Narinig kita. Tinawag mo akong cute." "Are you even aware what the word cute really mean?" "Cute means cute, period." "No. Cute mean, ugly but adorable. In short you look adorable with that damaged face." Nakangisi ko pang pintas sa kanya. "First, you said I was cute. Then now you admit it," aniya at muli pang umangat ang sulok ng kanyang labi. "Admit what?" "That I'm adorable and you admire me. To put it simple, you like me, huh?" aniya na sinundan pa niya ng pamatay na kindat. "Kumain na nga tayo para makalayas ka na. Nasusuka na ako sa pagmumukha mong ubod nang pangit." "Pangit daw, e ikaw na nga nagsabing cute ako. And i can't just leave. Mami-miss mo ako kaagad." "Lakas!" sigaw ko at malakas pa siyang siniko sa tagiliran na kaagad din niyang ininda. "Wag nga kayong nakaharang sa daan! Tss!" Si Lycka na hindi ko namalayang nasa likuran na pala namin. "Good evening, ate!" Bati naman ni Ella na halos kasunuran lang ni Lycka. "Here, naiwanan mo sa cr." Nakasimangot kong tinanggap ang cellphone na iniaabot niya. "You should call Ate Joan. She called and wants to talk with you." "Okay." Tumango pa ako habang hinahalungkat ang call logs ng phone ko. I have missed calls na mostly ay galing sa number ni Joan. May isa pang number na may limang missed calls pero hindi naka-register kaya hindi ko na lang inintindi. Naupo na kami at nagumpisa nang kumain subalit hindi pa nag-iinit ang pwetan ko sa pagkaka-upo nanh biglang nag-ring ang phone ko. It was the same unregistered number earlier kaya't mabilis ko iyong sinagot at baka importante. "Hello?" "Cassy? Ikaw na ba yan?" Kusang kumunot ang aking noo. Pamilyar yung boses ng lalaking nagsalita sa kabilang linya. "Lorenz?" "Uhuh! It's me! That one and only! Ang pinakagwapo mong kakambal!" anito at base palang sa pananalita niya, wala na siya sa wisyo. "Nakauwi ka na ba? Bakit ngayon mo lang sinagot tawag ko?" "Nasaan ka ba?" "Dito lang sa bar. Nagpapalipas ng sama ng loob sayo!" sagot nito at bahagya pa na nag-c***k ang boses. "Saang bar? Susunduin na kita." "I can't remember, e." "Stupid. Open your GPS," utos ko. Saglit naman siyang tumahimik marahil ay binubuksan na nga ang GPS ng kanyang cellphone. "Game na." "I got your location. Stay there and don't do anything more stupid than this," gigil kong paalala. "Nasaan ang kotse ko?" "Nasa VSC pa, anak." Si papa. "Bakit nandoon pa din? Wala bang nakaisip sa inyo na dalhin dito? Minsan talaga wala kayong pakinabang. Anong gagamitin ko para masundo si Renz?" "Try mong maglakad." "You better shut up kung ayaw mong lakaran ko yang makapal mong mukha. James, get up. Ihatid mo ako." "Can't you see thay he's still eating? Wag ka ngang bastos." "Ikaw ang bastos dahil sumasabat ka kahit hindi ka naman kausap. Ikaw ba si James?" Ginantihan ko ang ipinupukol na matatalim na tingin. Akala naman niya, madadala niya ako sa ganoon, never! "That's enough. Hindi tamang mag-ayaw sa harap ng grasya." Hindi ko siya pinansin at binalingan na lang si James na hindi pa rin tumatayo at mabilis pang tinatapos ang pagkain. "Sasamahan mo ba ako o hindi?" iritable kong tanong. Pero ano naman kung hindi niya ako samahan, diba? Kaya ko namang mag-isa. I can just ride a taxi. Its just that... Basta! Nakakainis! Mabilis akong nagmartsa papalabas ng bahay. 'Tangina mo James. Inuna pa kasi pagkain. Mabilaukan ka sana!' Nang tuluyan akong makalabas, kung tinamaan ka naman talaga ng malas, walang naliligaw na taxi. Marahil medyo late na rin kasi. And the hell, nasa loob ako ng subdivision. I can't just expect na mah dadaan na taxi dito kaya nag-umpisa na akong maglakad. Hindi pa ako masyadong nakakalayo nang bigla kong narinig ang motor ni James. 'Uuwi na ang hudyo!' "Hey! Sandy! Sakay na!" aniya subalit tiniis kong huwag siyang lingunin. "Wag ka nang magtampo. Please?" "Get lost, epal." "Ito naman. Masyado ka na, a? Gutom na talaga ako. Saka tinapos ko lang yung pagkain ko. Nakakahiya sa papa mo kung basta tayo aalis." "Wala akong pakielam sa paliwanag mo, pula. Bumalik ka na doon. Kumain ka nang kumain. Makipagsubuan ka pa kay Lycka kung gusto mo." Sa halip na sumagot, humalakhak siya bilang tugon kaya't tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Alam ko na kung bakit nagkaka-ganyan ka. Nagseselos ka kay Lycka, tama ba?" "At bakit naman ako magseselos? Dream on!" sagot ko ss kabila ng sobrang pag-iinit ng aking pisngi. "I didn't know that you're a jealous type, baby." aniya habang nakangisi pa. "No, I'm not!" "And a little defensive at the same time." "f**k! I'm not defensive for f*****g sake, James!" sigaw ko at hinampas pa siya sa kanyang dibdib. "Aray! Nananakit ka na naman, a! Saka, bakit ba pulang-pula ka?" Gigil akong napatadyak sa lupa sa sobrang inis. Masyadong matatag sa buskahan ang pangit na ito at mukhang wala akong chance na manalo against him. Padabog akong sumakay sa kanyang motor dahil ito lang ang paraan para matigil na siya. Idagdag pa ang katotohanang kanina pa naghihintay si Lorenz sa akin. Hindi na lang ako kumibo, ibinigay na lang sa kanyang ang exact location ng kapatid ko at hinayaan siyang magmaneho. -- NANG MAKARATING kami sa address ng club kung nasaan si Renz, noon lang muling nagsalita si James. Hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya dahil masyado akong occupied nang dahil sa kapatid ko. "Hey, I said let's got!" Nakangiti pa niya akong inakbayan subalit mabilis ko iyong inalis. "No. You should go home. I had taken most of your time, masyado na akong nakakaabala. Ako nang bahala sa kapatid ko," matabang kong sagot. "I'll go with you. Saka hindi ka nakaka-abala, okay?" "No. You're not going with me. You're going home. Kaya ko na 'to." "Sandy," tawag niya sa pangalan ko bago magpakawala ng buntong hininga. "Nagtatampo ka pa rin ba sa akin?" nakalabi pa niyang tanong subalit hindi ko siya pinansin at pumasok na sa loob ng bar. Hinanap ko kaagad si Lorenz dahil hindi ako natutuwa sa maingay na lugar na ito. Masyadong magaslwas ang mga tao na mostly ay wasted na. Inilibot ko ang aking paningin hanggang sa isang side na halos dumugin na ng mga kababaihan. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at tumungo na rin doon. "Alis. Tabi." Isa isa kong hinawi ang malalanding linta na halos pansamantalahan na ang katawan ng kapatid ko. "OMG! She's the girl! I mean yung girlfriend ni Renz!" Everyone gasp and turned their full attention to me. 'Geez!' "Move," bulong ko bago hilahin papalayo kay Lorenz ang isang babaeng akala mo ahas sa paraan ng paglingkis sa beywang ni Lorenz. At ito namang magaling kong kakambal, hindi na magawang tumanggi dahil sa sobra nitong kalasingan. "Back off, bitch." Akma nitong hahablutin ang buhok nang hawakan siya ni Lorenz. Tinapunan pa niya ito ang masamang tingin. "Don't you ever dare to lay a single finger." Banta niya rito kaya't kaagad din itong natameme. "Let's go home," bulong ko at pilit pa siyang itinayo but he just stay still and even rested his head on my shoulder. "Bati na tayo?" "Let's not talk here. You look so wasted." "Sige na, wag na tayong mag-away, Loren." "Fine." Pagpapa-ubaya ko. Ano naman kasi ang sense na makipagtalo sa lasing? Wala naman. "Hey, don't sleep!" Nagulat pa ako nang biglang sumulpot sa gilid ko si James at kinuha si Lorenz sa akin. "Let me carry him." Bigla na lang naghiyawan ang mga tao sa paligid na para bang katapusa na ng mundo. Hindi OA ang description ko dahil ganoon talaga ang mga reaksyon nila. "No need. I can manage," mabilis kong tugon at medyo tinabig pa ang kanyang kamay na nasa braso na ni Lorenz. "Umuwi ka na." Sinubukan kong palamigin ang aking boses dahil gusto kong maramdaman niyang ayokong tumanggap ng tulong mula sa kanya. "I'm giving you this favor, okay? Mabigat si Lorenz, hindi mo siya kakayanin," aniya bago seryoso pa akong tiningnan sa mata. The hell! Hindi ko alam kung bakit tila may pinong kirot akong nararamdaman sa puso ko nang dahil sa mga mata niya. "Let's go, buddy." Dahan-dahan niyang ipinasan si Lorenz sa kanyang likuran habang hinahawi ko pa rin ang mga taong nakaharang sa amin. "Keys?" bulong ko kay Lorenz pero walang silbi iyon. Kahit siguro sigawan ko siya wala pa ring mangyayari. Parang masyado siyang lunod sa epekto ng alak kaya ako na ang naghanap ng susi ng kanya sasakyan. Luckily, nasa bulsa lang naman iyon ng kanyang pants. "There." Seryosong inginuso ni James ang direksyon kung nasaan ang itim na hammer ni Lorenz. Mabilis akong tumakbo doon upang pagbuksan sila ng pintuan. I made sure na nasa komportableng posisyon siya nang maisakay siya ni James. I cupped my brother's face using my hands and whispered to him, "Idiot." "I'm sorry, Cassy. It's all my fault," mahina niyang bulong. I don't even know kung paraa saan yung sorry but I just kissed him on his forehead. "Now we will talk." Si James na seryoso pa ring nakatingin sa akin "About what? Speed up." "What's wrong with you? Okay naman tayo kanina. What happened? Bakit ganyan ka na naman?" sunod sunod niyang tanong. He looked so desperate and it makes me feel uncomfortable. "I don't know either." Yumuko ako at pinagmasdan lang ang aming mga paa. That's the truth. I don't know why I'm feeling this way. I have no idea what's happening to me. "Can you please enlighten me? Is there something wrong that I juat did?" "It's not you, James." "Then, tell me." Hindi ko alam kung ano ang dapat isagot. Marami din akong mga katanungan sa sarili ko. "Bukas na tayo mag-usap, James." "Sagutin mo muna yung tanong ko, Sandra." "James, I don't even the answers, okay? Kung tapos ka na, aalis na kami." Tinalikuran ko siya at mabilis nang sumakay ng sasakyan. I can see how sad his face is. At yung lungkot na nasa mga mata niya unti-unting tumugon sa puso ko. Masakit. Sobra. What's wrong with me? I feel so guilty. Binuhay ko na ang makina kahit may isang parte sa akin na ayaw siyang iwanan. 'I'm sorry, James.' "You like him." Napabalikwas ako ng tingin kay Lorenz. "You really like him." "What?" 'Tss. I thought he was sleeping.' "I said you like him." "No, I don't think so." Mabilis kong tanggi. "Yes you do. Dahil kung hindi, hindi ka naman magkakaganyan." "Lasing ka lang. Matulog ka na ulit," sagot ko bago ibalik ang aking atensyon sa pagmamaneho. Pero sa likod ng isip ko, I was caught thinking about what my brother said. 'Do I really like James? But I can't, really can't.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD