Jared's POV
SI Renz ang siyang naabutan ko sa receiving area ng bahay ng mga Villaruis. Wala doon si Sandra at bago ko pa siya hanapin, hinarap naman kaagad ako ni Lorenz.
"Pre? Nabalik ka?" Halata sa mukha niya ang bahagyang pagkabigla sa aking pagdating. "What's up? May nakalimutan ka ba?"
Umiling muna ako bago sumagot, "Sunduin ko si Sandy."
Napasimangot naman siya nang dahil sa sagot ko.
"May lakad kayo? Kauuwi lang niya diba?" Hindi ko alam kung bakit may bahid ng inis ang kanyang boses.
'Ano bang problema nito?'
"Hindi pa nga kumakain si Cassy, e. Wag mo naman sanang masyadong kulitin at pagurin yung kapatid ko," sabi pa niya.
"Excuse me?" Tinaasan ko siya ng kilay, "Hindi ko kinukulit ang kapatid mo, Renz. Pinapunta niya ako dito. Nagpapasama siya sa'kin." paliwanag ko naman. Aba, anong akala niya sakin?
"She asked you?" natatawa niyang tanong.
I don't know why, but I feel insulted the way he laughed. Pero pinili ko na lang na isawalang-bahala iyon. Ayoko namang gumawa pa ng gulo dito. Nakakahiya kay Tito Ben at hindi naman ako pinalaking basagulero ng mga magulang ko.
"James!" Nabaling ang aming atensyon sa nag iisang babae na tumatawag sa akin ng James, si Sandra. Suot pa rin niya ang tshirt ko, and I find her very cute. Honestly, she really looks so good with my shirt. "Kanina ka pa ba?" tanong niya habang diretso lang ang tingin sa akin. Narinig ko na naman ang malamig niyang pananalita gayong hindi naman na siya ganyan kagabi sa ospital.
"Not really, let's go?" Nakangiti ko pang inalok ang aking kamay sibalit inirapan niya lang ako.
"Hindi ako baldado. Tss!" aniya bago ako lagpasan. Nauna na siyang naglakad papunta sa labas pero hinarang siya ni Renz. "Bakit?"
"Cassy, saan ka na naman pupunta?" iritableng tanong ni Renz kay Sandra. Hindi ko tuloy alam kung dapat na ba akong mauna o hihintayin ko pa rin si Sandra.
"Wala kang pakialam Renz." Malamig na tugon ni Sandra.
"Bawal kang magpagod, diba?" paalala pa sa kanya ni Renz at hinawakan pa ang kanyang braso.
"I will do whatever I want whenever I want it, Renz." Binawi pa niya ang kanyang braso bago ako tapunan ng masamang tingin kaya lumapit na ako sa kanila.
"Don't worry, Renz. Akong bahala kay Sandy," nakangiti kong pagbibigay ko ng assurance sa kanya. Pero hindi naman niya ako pinansin. Ang sama din ng ugali. Ang hirap kayang ngumiti para sa akin dahil hindi naman ako sanay, pero para lang mag-establish ng trust ginawa ko pa rin tapos di man lang niya papansinin.
"Pwede ba na dumito ka na lang muna sa bahay?"
"Pwede ba, Renz? Get lost! Hayaan mo naman muna sana akong gawin yung gusto ko. Wag mo naman akong ikulong sa bahay na for the first place ay ayokong uwian!" malakas na sigaw ni Sandy. Medyo na-alarma ako dahil nag-uumpisa nang tumaas ang boses niya at mukha nag-iinit na ang ulo nilang pareho.
"You want to unwind? Bakit si Jared pa ang kailangan na kasama mo? Nandito naman ako! Pwede ka namang sumama sa amin ni Lycka. You should have just asked me. Hindi mo kailangang abalahin si Red!" gigil na sagot sa kanya ni Renz bago ako tapunan ng matalim na tingin.
Ako? Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko? Loko 'tong si Renz, idadamay pa ako. Psh!
"I asked you and you said no, remember? And besides, I don't want to be anywhere close with your stepsister." Hindi ko alam kung bakit may kakaibang kilabot akong naramdaman sa lamig ng boses niya. "Let's go, James. It's useless to talk to this man," aniya bago mabilis na naglakad papalabas ng bahay. Wala naman na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Binalewala ko na lang ang matatalim na tingin ni Renz. Maybe he was just upset.
Nabalot naman kami ng katahimikan ni Sandra. Walang kumikibo sa amin hanggang sa marating namin ang church kung saan ko naiwang nagpa-practice ang mga church mates ko.
"Hey, we're here." pagbasag ko sa katahimikan.
"A Church," bulong niya. "Nagsisimba ka pala." Nakangisi pa niya akong tinignan mula ulo hanggang paa. "Hindi halata."
"Wala sa itsura ang pagiging Kristiyano, baby." sagot ko na lang. "Bakit? Tanungin nga kita, kailan ka huling nagsimba?"
"Tss!" ismid niya at hindi naman sinagot ang tanong ko.
"Oo nga pala, nasa loob din sina Aly and Shiela. Hope you don't mind being around with them." Napakamot pa ako sa aking batok. Nakalimutan ko kasi na baka mailang siya.
"Okay lang. Ako na nga itong makikigulo sa schedule mo, ako pa ba ang mag-iinarte." sagot niya habang inililibot ang paningin sa paligid ng church.
"Pasok na tayo?" pag-aaya ko.
"Ikaw. Baka mas trip mong tumayo lang dito sa labas maghapon," sarkastiko niyang sagot kaya naiiling ko na lang na kinuha ang kanyang kamay at sabay na nga kaming pumasok.
Isang genuine na ngiti ang gumuhit sa kanya mapupulang labi nang sabay naming marinig ang malakas na tugtugan mula sa mga instuments, kaya napangiti na lang din ako.
"Nakabalik na 'ko," pagtawag ko sa atensyon ng lahat na mabilis namang huminto sa pagtugtog.
"Kyah!! Si Ate Sandra!!" malakas na sigaw ni Shiela. She's really too loud for a short girl. Isang matipid na ngiti naman ang isinagot ni Sandra. Aba, himala at hindi siya nag-taray.
"What's up, Cassy? Are you feeling better?" tanong ni Alyson.
"Yeah," sagot niya at hindi manlang ngumiti.
"Manuod ka lang muna samin, ha? After this we'll go somewhere else, " paalam ko pa sa kanya bago umakyat ng stage. Kinuha ko ang gitara ko mula kay Aly para ipagpatuloy na ang aming practice.
Nag-umpisa na akong mag-strum at kumanta.
[Song Title : Get Up by the PlanetShakers]
♪ With every move that I make, I praise you! With every breath that I take... ♪
I continued singing as I watch Sandra's every move. I secretly smiled as I see her groove. She's enjoying the beat.
♪Everybody get up, if you love Him. Everybody get up, get up and praise Him. Everybody get up and give Him the Praise!♪
Just seeing her smile, alam kong may isang bagay kaming mapagkakasunduan, ang musika.
**
"You played good," ani Sandra. I smiled as she compliment me. "Hindi halata, e."
"Okay na, e. Inangat mo na ako tapos bigla mo naman akong ibinagsak. Ayos ka rin talaga, e." natatawa kong sagot bago tumabi sa kanya ng upo. Nasa labas sina Alyson kasama yung iba para bumili ng pagkain so ayos lang na magkwentuhan na muna kami para huwag naman siyang mainip.
"Nag-enjoy ka ba?" nakangiti kong tanong at tumango naman siya. "May nakita akong picture sa loob ng kwarto mo na tumutugtog ka ng gitara. Sample naman d'yan,"
"You were in my room?" Tinaasan pa niya ako ng kilay.
"Long story. Tugtugan mo naman ako." sagot ko at inilapit pa sa kanya ang isang gitara.
"Naah... I don't know," Naiiling pa niyang sagot. "matagal na mula nang huling beses akong tumugtog, e. I'm not sure if I still know how to do it."
"Dali na!" pangungulit ko pa sa kanya.
"May gagawin ka pa ba pagkatapos ng practice niyo?" Kumunot ang noo ko, ang galing lang kasi maka-change topic, e.
"Wala na. Ganyan lang schedule ko kapag weekend. Church at saka bahay lang. O kaya naman minsan, lalabas sa mga malls para sa meet-and-greet ng banda," nakangiti ko pang sagot.
"Dami mong sinabi. Tss!" Pinaikutan pa niya ako ng mata.
"Psh. Bakit mo naman ba natanong?"
"Kanina kasi... I asked Renz na samahan ako," Yumuko siya bago muling magsalita, "I really want to visit our mother, kaya lang he rejected me, e." Nag-angat siya ng kanyang mukha at mapait na ngumiti sa akin.
"Akala ko ba, gusto ka niyang makasama?" tanong ko. Dahil base sa pag-uusap nila kanina, parang nagagalit pa nga si Renz na aalis kami ng kapatid niya.
"Yeah, I thought so, too. Pero pareho pala tayong mali. Mas pinili niya kasi si Lycka." Nag-iwas siya ng tingin bago huminga nang sobrang lalim. "Somehow, I feel so jealous over Lycka."
"You shouldn't be," sagot ko habang nakangiti kahit hindi naman niya nakikita dahil sa iba siya nakatingin.
"I know, because I'm way better than her." mayabang niyang sagot kaya nawala ang pagkakangiti ko.
"Yabang talaga," side comment ko pa.
"Yeah. May maipag-mamayabang naman kasi ako," sagot ulit niya.
"Okay. Pero seriously, bakit ka naman nagseselos kay Lycka?" Hindi naman sa tsismoso ako, curious lang.
"She has everything I used to have. Friends, band and now even my own twin brother." malungkot niyang sagot bago magpakawala ng malalim na buntong-hininga. "How I wish to take everything and everyone back. But I just can't. Iniwan ko sila, e. Finder's keeper, loser sucks, ika nga nila, diba?"
"Bakit ba kasi kailangan mong umalis?" seryoso kong tanong. "Care to share?"
"I don't know, James." nakangiti niyang sagot. "I hate story telling."
"But it doesn't mean that when you hate something you won't do anything about it, right?" pangungumbinsi ko pa sa kanya pero mabilis siyang umiling.
"Maybe some other time."
"What is the difference? I really want to know you. So, please tell me." seryoso kong sagot. Bahagya siyang namula sa sinabi ko bago mabilis ulit na umiling habang nakangiti.
****
NANG matapos ang last practice namin para bukas, pinasabi ko na lang kay Shiela na may lakad ako. Baka kasi hanapin ako nila dad since hindi pa ako umuuwi mula kagabi.
"Let's go?" Pag-aaya ko kay Sandra. Nakalabas na kami sa church at isa-isa na ring nakaalis sina Shiela. Nakatutuwang isipin na hindi na talaga nag-taray itong si Sandra. Behave lang siya at medyo nakikipag-usap din sa iba except kay Alyson. Pakiramdam ko tuloy, talaganga may galit o kaya naman tampo siya para sa pinsan ko.
"Where?" clueless niyang tanong kaya ngumiti ako. "Ayoko pang umuwi. 'Wag mo muna ako ihatid sa bahay," malungkot niyang bulong.
"Sino ba nagsabing iuuwi na kita?" nakangiti kong tanong sa kanya.
Mabilis na kumunot ang kanyang noo bago magtanong, "E, saan ba tayo pupunta?"
"We'll visit someone." sagot ko bago ilahad ang aking palad, "Pakilala mo ako sa mommy mo." dagdag ko pa.
"What, like seriously?" tuwang-tuwa niyang tanong kaya tumango ako. "Can we buy an ice cream first?"
"Ice cream? I thought we're supposed to bring flowers? Kailan pa nabago?" tanong ko dahil parang ang weird lang na ice cream ang bibilhin namin.
"Well, ice cream buddy ko kasi ang mommy, pero syempre bibili parin tayo ng flowers." paliwanag niya habang nakangiti. And she's absolutely more beautiful when she smile like that.
"Okay. So, tara na?"
"Sure!"
**
NANG makarating kami sa semeteryo, halos hindi maipinta ang mukha ni Sandra. Aakalain mong isa na naman siyang bulkan na sasabog sa sobrang galit. "They're not taking care of my mom!" sigaw niya.
Well, sobrang makalat naman kasi ang puntod na naabutan namin.
"Wala man lang bang bumisita sa mommy ko? Look at all this messes!" Napakamot na lang ako sa aking batok. May mga tuyong dahon at bulaklak. Halos mag-kulay dilaw na rin ang kulay puting pintura ng munting museleyo.
"Sandy, we are almost in the middle of year. They won't really visit here. But, maybe they did last November," pagpapaliwanag ko.
"Tss. Kahit na! Tuwing undas lang ba ang pagbisita? How about during her birthdays and anniversaries?" iritable niyang sagot. "You know what? I can't let them do this to my mother!"
"Tama na, hindi naman lilinis 'tong puntod ng mommy mo kung magagalit ka, diba?" seryoso kong awat sa kanya habang nag-iimis ng mga kalat. Nakasimangot naman siyang tumulong, aba't dapat lang, diba?
**
AFTER SOME cleaning, nag-mukha namang presentable ang paligid. That is when we sitted next to her mother's tomb.
"Mommy," pagtawag ni Sandra sa mommy niya na para bang sasagot sa kanya 'yon. "S-sorry. Sorry kung it took me three years bago ako bumisita sa'yo." Unti-unting nag-luha ang kanyang mga mata. "Sorry for being thoughtless. Sorry for making it hard for you there," Isinandal ko ang kanyang ulo sa aking balikat habang patuloy lang siya sa pag iyak. "Im sorry if napabayaan kita dito. Umalis ako without thinking na baka hindi ka na nila maaalagaan at maaasikaso. I'm really sorry, mom."
I even tapped her head. Hindi ko alam kung sapat iyon para gumaan ang pakiramdam niya, pero sana kahit papaano'y makatulong iyon.
"Sandy, do mind if I asked you something?" tanong ko tutal medyo kumalma naman na siya. "How did Tita Lorry die?"