CHAPTER 17

2655 Words
Sandra's POV KUNG INIISIP ni James na susuyuin ko siya, well manigas siya! Aba! Masyado naman yata siyang sinuswerte? Hindi ko nga alam kung anong pinag-iinarte niya kaya wag siyang mag-expect na magri-reach out ako sa kanya. 'Kairita, a!' Hininto niya ang motor sa tapat ng bahay at nauna nang pumasok sa bahay nang hindi manlang ako kinikibo. Kapal talaga ng mukha, e! Kung makapasok, akala mo bahay niya. Nakasimangot na akong sumunod sa kanya dahil mukha na akong tanga dito sa labas. Sinalubong naman ako ni Renz ng mainit na yakap. Sa sobrang higpit, muntik na akong hindi makahinga. Ramdam na ramdam kong nag-alala siya sa nangyari kahapon. Natouched naman ako syempre, but I really can't breath so I tapped his shoulder. "Renz, are you trying to suffocate me?" "Sorry," aniya at medyo niluwagan ang kanyang pagkakayakap sa akin. Ngumiti pa muna siya bago ako akybayan. "Okay ka na ba talaga?" "Ang kulit mo. Kagabi pa nga ako okay, kayo lang naman ang mapilit na magpalipas pa ako ng gabi sa ospital." "That's good to know. Bintantayan ka ba ng maayos ni Red?" "Don't even ask about that asshole," nakasimangot kong sagot sinimangutan pa siya. Nakakainis kasi si James. Bigla na lang nagbabago ang mood. Kung hindi ba naman mukhang tanga, diba? "Fine, I won't ask." Natatawa pa niya akong inalalayang papasok ng bahay. "Next time nga, wag ka masyadong nagpapagod. Baka sumpungin ka na naman, mababaliw na ako sa pag-aalala sayo," seryoso pa niyang bilin kaya lihim akong napangiti. "Sweet mo naman yata ngayon?" "Sweet talaga ako, medyo manhid ka lang talaga," biro niya pero medyo tinamaan ako. "Joke!" Matipid na ngiti lang ang isinagot ko at bahagya pang yumuko kaya tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin. "Lorenz, thank you nga pala, saka pasensya na kung madalas malamig ako sayo. Alam kong iniisip mo na hindi ngayon na hindi kita naa-appreciate but that's not true." "Ano bang sinabi mo? Halika nga dito!" nakangiti niyang sagot bago ako yakapin. "Ang drama mo masyado." "Tss! Ewan ko sayo." Pinaikutan ko siya ng mata bago gumanti ng yakap. "Busy ka ba?" "Hmmn, depende. Bakit?" "Ayain sana kitang puntahan si mommy. Matagal na rin simula nung huling beses na nabisita ko siya, e." Paglalambing ko. "Ngayon na ba? May commitment na kasi ako ngayon, e. Some other day na lang. Nakapangako na kasi ako kay Lycka." Natigilan ako sa sagot niya. Para iyong bomba na sumabog sa tainga ko at paulit-ulit na nag-echo sa aking pandinig. Pagkatapos ay unti-unting gumuhit ang sakit. It was the same pain I felt when he rejected me before. Mga panahon na, unti-unti na niya akong nakakalimutan. It was about three years ago when I asked him to stay, but he chose to be with someone else. Kung alam lang niya kung gaano ko siya kailangan ng mga panahon na iyon, I don't think he could leave me alone. "Okay. Ayos lang," mabilis kong sagot at nauna nang maglakad dahil ayokong makita niya ang namumuong luha sa aking mga mata. "Next time na lang, ha?" "No need. I changed my mind. Hindi na lang ako pupunta," sagot ko nang hindi siya tinitingnan. Pumwesto na ako sa isang upuan na katapat ni James. What's the point of asking him. He will only say na next time na lang pero hindi rin naman kami matutuloy. Palagi naman kasing ganoon ang nangyayari noon. Bakit ba ganito? Bakit kung kailan gusto ko siyang bigyan ng chance para makabawi, siya naman ang gumagawa ng paraan para maalala ko kung paano niya ako binalewala noon? I'm willing to forget everything and forgive him because he's my brother. Alam kong nasaktan din siya katulad ko. Ayoko nang idamay siya sa galit ko pero hindi pa rin pala siya nagbabago. "What's wrong, Sandy?" Nag-angat ako ng tingin. And to my surprise, nasa tabi ko na pala si James. "Wala." "Come on, tell me. Anong nangyari?" "I think I forgot to put my mask on," bulong ko at kinagat pa ang aking labi. I don't want to burst out in tears but I don't think I can hold it back kaya't mabilis akong tumayo bago pa man makabalik sila Renz. "Hey, Sandy?" Naramdaman ko ang kanyang kamay sa braso ko kaya't sinalubong ko ang kanyang mga mata. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala kaya't matipid akong ngumiti at inalis ang kanyang kamay bago bumulong. "Later. I'll tell you later. I just want to be alone." "Pero hindi ka pa kumakain mula kagabi." "Don't worry. Kakain ako kapag nakaramdam ako ng gutom." "You sure?" Paninigurado niya kaya't tumango ako at sinenyasan siyang bumalik na sa upuan niya bago magpatuloy sa pag-alis. "Oh? Saan ka pa pupunta? Kakain na tayo," ani Renz nang magkasalubong kami. "Wala akong gana. Matutulog na muna ako," matabang kong sagot at nilampasan na siya. Hindi naman na siya sumagot at hinayaan na ako. "Ate? Are you okay?" she asked. Sinalat pa niya ang aking noo kaya mabilis ko iyong inalis. "Kumain ka na. Magpapahinga muna ako sa itaas," sagot ko at piniling huwag intindihin ang kanyang tanong. "Ikaw? Kumain ka na?" tanong ulit niya kaya ngumiti ako bago siya talikuran. Ramdam ko kasi na concern siya sa akin. At ayokong magpadala na naman sa emosyon ko. Masyado nang mabigat ang talukap ng mata ko at hindi ko na kayang pigilan pag-iyak. Pakiramdam ko, isa pang beses na may magtanong kung okay ako, kusa nang bubuhos ang mga luha ko. Ibinagsak ko ang aking katawan sa malambot na kama at sinarili ang emosyon na kanina pa gustong kumawala. I just really miss my mom. In times like this, mas lalo ko lang naaalala ang lahat ng nangyari tatlong taon na ang nakakalipas. Umuwi ako noon galing sa isang gig. Malalim na ang gabi subalit hindi ako nakakaramdam ng pagod dahil higit akong masaya nang dahil sa nagdaang gabi. Performing infront of a big crowd makes my heart flutter. Excited na akong ikwento kila mommy at papa ang mga nangyari kahit pa alam kong makakagalitan ako ni mommy gawa nang late na naman akong nakauwi. But it's okay, dahil naka-plano nang hihingi ako ng tulong kay Renz para hindi na masyadong magalit si mommy. Pero nawala ang matamis na ngiti sa mga labi ko nang mapansin na may mga tao sa loob ng bahay namin. Hindi lang basta mga kapitbahay na nakiki-usyoso dahil may ilang mga pulis at mga lalaking nakasuot ng black tshirt na may tatak na SOCCO. Akala ko noong una, may shooting ng pelikula o kaya naman teleserye sa bahay namin pero unti-unti akong sinampal ng katotohanan. May nangyaring hindi maganda. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Pilit kong pinakalma ang sarili ko bago humanap nang pwedeng kausapin. Saktong nagtagpo ang mga mata namin ni papa. Lalong bumangon ang kaba at takot sa aking dibdib nang mapagmasdan ko ang kanyang itsura. Nababalot siya ng dugo at namumugto rin ang kanyang mga mata. Tumakbo ako sa kanya at sinalubong naman niya akong ng mahigpit na yakap. Nag-ipon ako ng lakas ng loob para itanong kung anong nangyari pero hindi kaagad rumihistro sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni papa. "Anak, I'm sorry. Wala na ang mommy mo," aniya at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap sa akin. "Patay na siya." Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko kasabay ng pagtigil ng mundo. Masakit. Sobra. Hindi sapat ang mga nakalipas na taon para mabawasan yung sakit kaya hinayaan ko lang na umagos ang mga luha ko. Ang tagal ko nang kinikimkim ang sakit at lungkot ng pagkawala ni mommy. Kaya ayos lang naman siguro na kahit ngayon lang, gusto ko munang mailabas lahat ng sakit. ~~ Ella's POV ISANG AWKWARD na sitwasyon na naman ang napasukan ko. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko hindi ako dapat na nakaupo lang dito kasama ang pamilya ni Ate Sandra. Nauna nang umalis si Kuya Red na masungit kaya naman sobrang weird at awkward talaga ang pakiramdam ko. Mula kasi nang maupo ako dito, wala ni isa sa amin ang kumikibo at tahimik lang na kumakain. Ramdam na ramdam ko ang mabigat na atmosphere sa paligid na para bang any moment ay may sasabog sa amin. "Is there something wrong, Ella? Hindi ba masarap ang pagkain?" nakangiting tanong sa akin ni Tita Gina kaya natuon sa akin ang atensyon maging nila Sir Lorenz. "Hindi naman po sa ganoon." Yumuko pa ako at nahihiyang nagsalita ulit, "Para po kasing may mali kay Ate Sandra. She doesn't look okay po kasi." "Masanay ka na. Ganoon talaga si Cassy. Maybe she just want some attention," maarteng sagot sa akin ni Ms. Lycka kaya't kusang umarko ang kilay ko. Alam kong wala ako sa posisyon para magalit pero hindi ko talaga nagustuhan ang mga sinabi niya. "I'm sorry, maybe she's not feeling well. But I'm sure she doesn't mean to seek attention from you," sagot ko habang pilit na pinapakalma ang aking sarili. "Huwag mo na nga siyang ipagtanggol! Wala kang alam, okay? Ang rude nga, e. We waited for her para sabay sabay tayong kakain, pero anong ginawa niya? Nag-inarte! Diba, Renz?" "Y-yeah." Sang-ayon naman ni Sir Lorenz kaya mas lalo lang akong nainis. "Maybe wala talaga akong alam. Pinagtatanggol ko lang si Ate Sandra dahil wala siya dito para gawin iyon sa sarili nila. And she's not being rude. Kagagaling lang niya sa ospital sana maintindihan niyo na baka masama pa ang pakiramdam ng tao?" sunod sunod kong paliwanag bago tumayo. "Pasensya na po kayo. Maraming salamat sa pagkain." Yumuko pa ko kina Tito Ben at Tita Gina bago lisanin ang hapagkainan. Alam ko namang mali yung ginawa ko. Wala ako sa lugar. Pero mali din naman si Ms. Lycka sa mga sinabi niya. Masyado silang unfair kay Ate Sandra kaya mas lalo lang akong naiinis sa kanila lalo na kay Sir Lorenz. Sana ipinagtanggol man lang niya si ate, pero hindi, e. Dumiretso na ako papanhik sa kwarto namin ni ate pero hindi ko magawang pumasok. Medyo nakabukas kasi ang pintuan ng silid kaya nagagawa kong makita ang loob mula sa maliit na siwang. Malaya ko ring naririnig ang mahinang pag-iyak na nanggagaling mula sa loob. Halos madurog ang puso ko habang napapanuod ko ang pagiyak ni ate. Hindi ganito ang Sandra Martin na kilala ko. Gusto ko syang lapitan at yakapin pero nagdadalawang isip ako dahil natatakot ako sa pwede niyang maging reaksyon. "Ella." Mabilis kong isinara ang pintuan at humarang pa ako doon upang hindi na niya makita si ate. Ewan, iyon kasi ang itinuro ng instinct ko. "Yes?" "What happened earlier? Hindi mo dapat ginawa iyon. Galit na galit ni Lycka." "Sir Lorenz, isang tao lang ang kinakatakutan kong magalit at si Ate Sandra 'yon. Wala akong magagawa kung nagagalit sa akin si Ms. Lycka for defending my employer's side." "Kahit na. Sana hindi ka na lang nagsalita." "I can't withstand it. I apologize for behaving that way pero sana pagsabihan niyo rin si Ms. Lycka. I think ate Sandra deserves some apology too. Let's not be unfair here." "I'm not being unfair, Ella." "Talaga ba? Hindi kasi ganoon yung ginawa mo kanina. Ipapaalala ko lang sayo na sumang-ayon ka sa mga sinabi ni Ms. Lycka. Sana manlang pinagtanggol mo si ate. Ikaw kasi ang dapat na gumawaga 'non hindi lang ako." "Kinukwestiyon mo ba ang pagiging kapatid ko kay Cassy?" galit niyang tanong kaya medyo napaatras ako. "No. Nire-remind ko lang. Baka kasi nakakalimutan mo," sagot ko ulit at hinawakan na ang door knob. I need to escape. Masyado na akong maraming nasasabi. "Sana ito ang una't huling beses na nangyari 'to. Hindi kasi fair para kay ate na ikaw na mismong kapatid niya, hindi siya nagagawang ipagtanggol sa iba. Excuse me." Dali-dali akong pumasok at isinara kaagad ang pintuan. Medyo madaldal yata ako ngayon kaya marami akong nasabi. Sinubukan kong balikan ang mga salitang binitawan ko para masigurong wala nama akong nasabing below the belt. Mukhang wala naman kaya medyo nagrelax na ako. "What are you doing?" matabang niyang tanong kaya't nahihiya akong lumapit sa kanya. Hindi kasi alam kung galit ba siya sa mga sinabi ko sa kakambal niya. "Ate, sorry. Napasobra yata ako sa mga sinabi ko kay Sir Lorenz." "You don't have to apologize. Baka kailangan niya din iyon para magising siya sa katotohanan." Mapait pa siyang ngumiti sa akin at unti-unting nagbalon ng luha ang kanyang mga mata. "Salamat." Akala ko galit siya pero hindi naman pala. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at yinakap siya ng mahigpit. Feeling ko, ito ang kailangan niya ngayon. At ito lang din naman kasi ang kaya kong i-offer sa kanya. Ang iparamdam na may kakampi siya. Sana lang maging sapat ang yakap ko para maramdaman nyang hindi sya nag-iisa. Na nandito pa ako para damayan siya. ~~ Jared's POV NATIGIL ANG lahat sa pagpa-praktis nang biglang nagfeedback ang hawak kong gitara sa speaker. "Ano ba kuya? Konting focus naman d'yan!" Kantsaw sa akin ni Shiela. Kanina pa kasi ako hindi mapakali. May kung anong bagay ang nagsasabi sa akin na tawagan si Sandra at alamin kung anong problema niya dahil maayos naman siya bago kami umuwi. Ako lang naman itong nag-iinarte sa pag-asang susuyuin niya ako. Pero wala, e. Ako din yung sumuko. "Let's take five!" Ibinaba ko na ang gitara ko at sandaling nag-inat. Ginayuma yata ako ni Sandra. Nawawala ako sa hulog e. Hindi kami madalas mag-breaktime sa oras ng practice pero nang dahil sa kanya nagugulo utak ko, damay pati itong pagpa-practice namin. "Tawagan mo na kasi, kuya! O kaya, bigay mo sa akin yung number, ako na tatawag!" kuntodo-ngiti pang bulong sa akin ni Shiela kaya tinalikuran ko na siya. Mangungulit na naman siya tungkol kay Sandra kaya mainam na lumayo na ako sa kanya. "Bilis na, kuya!" "Ayoko," matipid kong sagot. Ano siya sinuswerte? Pahirapan nga bago ko nakuha yung number ni Sandra. Bakit ko ibibigay sa kanya ng libre? "Wag ka nang masungit kuya! Bilis na!" "Nag-aaway na naman ba kayong magkapatid?" Nakahalukipkip pang tanong ng pinsan kong si Alyson. "Wala na ba kayong alam gawin kung hindi ang magbangayan?" Hindi ako sumagot at inismiran lang siya. Nakahanap na naman ng kakampi si Shiela. 'Tss!' "Kasi si Kuya! Ang sungit! Pinagtatanggol pa naman kita sa mga fanns ng niyo, ang sabi ko hindi ka naman masungit. Eh masungit ka naman talaga!" "Manahimik ka na nga!" "Ano bang hinihingi sayo?" tanong ni Alyson pero umilingang ako. "Number lang, kuya! Number! Hindi ko naman hinihingi yung exact address ni Ate Sandra, number lang. Hindi ko siya aagawin sayo, promise!" aniya habang nag-mamartsa sa harap namin ni Alyson. "You mean si Cassy?" tanong ni Aly kaya muli akong umismid. "Seriously? May number ka niya? Pahingi rin ako." 'Isa pa ito. Tsk!' "Kilala mo rin si Ate Sandra, te?" Singit ni Shiela sa pagitan namin. Tumango naman si Aly bilang sagot kaya napatili pa si Shiela sa kilig. "Hindi nga?" "Yeah. Siya yung sinasabi ko sayo na founder ng Angel's Fame." "Talaga? Ang galing! Small world!" sigaw pa ni Shiela. Mukhang nalilibang na sila kaya mabilis akong lumabas at hinanap ang number ni Sandra. Matawagan na nga! "Hello!" masigla kong bati nang sagutin niya iyon. "Bakit?" matamlay niyang sagot. "Ayos ka na ba? Are you feeling better now?" "Onti. Bakit?" "Nagaalala kasi ako sayo. Ano bang nangyari kanina?" tanong ko habang sinisipa-sipa ang isang maliit na bato. "Wala. Hindi naman importante." "Sigurado ka? E, bakit ang tipid mong magsalita?" "Wala lang." "Weh?" Narinig kong nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago muling magsalita, "Can you come here? Igala mo naman ako. I need some fresh air." "Ngayon na ba?" "Hindi. Next year pa. Huwag na nga!" "Joke lang! Ito naman masyadong seryoso. Papunta na ako. Chill ka lang d'yan." "Sige," sagot niya at bigla na lang naputol ang linya. Pambihira! Wala man lang goodbye? Naiiling akong bumalik ulit ako sa loob ng at nagpaalam na aalis muna sandali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD