Jhake's POV
HALOS madapa na ako sa aking pagtakbo makarating lang kaagad sa kwarto ni Cassy. Medyo late na noong nalaman namin mula kay Renz naisugod daw si Cassy sa ospital. Idagdag pa na sobrang tindi ng traffic! Nakakainis!
Kung alam ko lang, dapat pala nag-motor na ako. Kaya pala parang nag-papapansin sa akin ang bagong linis kong big bike kanina, may ganito pa lang emergency. Naunahan tuloy ako ni Red.
Para tuloy akong may hinahabol na flight sa sobrang pagmamadali. Mahirap na at baka maungasan pa ako ni Red. Mabuti na lang at alam ko na kung anong room number si Cassy, at least, hindi ko na kailangang maghanap pa.
'Ito na,'
Huminga muna ako nang malalim bago akmang bubuksan ang pintuan nang may narinig akong nag-uusap sa loob. It was Cassy and Red. Kailan pa sila nag-umpisang maging ganito kalapit sa isa't-isa?
I need to do something. I can't just let Red steal her away from me. Oo, isa akong malaking gago dahil hinayaan kong mawala siya sa akin noon. Pero hindi naman ako tanga hayaang mangyari pa ulit iyon.
Mabilis akong pumasok sa loob at dumiretso sa kama ni Cassy. Hindi ko rin pinansin si Red na prente lang na nakaupo sa isang sofa. "Cassy, are you okay?" I asked worriedly.
"What are you doing here?" tanong niya bago ako paikutan ng mata.
"Pre, hindi na oras ng bisita. She needs to rest," ani Red at hinawakan pa ako sa aking balikat. Tiningnan ko siya ng masama at inalis ang kanyang kamay bago binalingan si Cassy.
"I'm so worried about you. Nakainom ka ba ng gamot?" Hinawakan ko pa ang kanyang pisngi subalit mabilis din niya iyong tinabig.
"James, gusto ko nang magpahinga. Tell him to leave," malambing niyang baling kay Red na nagkibitbalikat lang sa kanya. "Please?"
"Pre, bukas na lang kayo mag-usap. Hayaan mo munang makapagpahinga si Sandra." Sumingit pa si Red sa pagitan namin ni Cassy.
Sa ginagawa niya, malapit ko nang kalimutang kaibigan at kabanda ko siya. Naiinis ako sa kanya dahil masyado siyang nanghihimasok sa amin.
"No. I won't leave." Pagmamatigas ko at humila pa ako ng isang monoblock.
Hindi ako papayag na maiwan silang dalawa dito. I won't let that happen.
"Jhake, narinig mo naman kasi siya, diba? Sige na. Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa dito." Prisinta pa niya pero hindi ulit siya pinansin. Nagpakawala siya ng malalim na buntonghininga bago muling magsalita, "May maganda akong ideya, umuwi ka muna. Go home and have some sleep. You can always talk to Sandra, but not tonight," suhestiyon pa niya.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Alam mo, Red? May mas maganda akong ideya. Pwede naman na ikaw na lang yung uuwi tapos ako na ang magbabantay kay Cassy, hindi ba mahal? Mas maganda iyon," ganti kong sagot habang pilit na kinakalma ang aking sarili.
"Hindi na, pre. Umuwi ka na at baka hinahanap ka na ng nanay mo?"
"Bakit hindi na lang kaya ikaw?" tugon ko bago siya muling tapunan ng masamang tingin. At kung hindi naman talaga siya nanggagago, talagang nakipagtagisan siya sa akin.
Natigil lang kami nang biglang tumikhim si Cassy.
"You know what? I think I had the best idea. How about you two will stay here? Magbantay na lang kayo pareho. Tapos, ako na lang yung uuwi!" aniya at inirapan pa kaming pareho ni Red. "Actually, I don't need any of you to look after me. I just want to have some rest. Now, umuwi na yung dapat umuwi."
Muli akong nakipagtagisan ng tingin kay Red dahil hindi ako magpapatalo sa kanya. At lalong hindi pwedeng mawalan ng kasama dito si Cassy. Kung may kailangan maiwan dito, ako iuon at hindi si Red.
"Sabihin niyo lang kung uuwi na ako." Akma niyang tatanggalin ang mga swero na nakakabit sa kanya.
"Ano bang ginagawa mo? Mahiga ka nga ulit!" sigaw ni Red sa kanya.
I can't believe that she let him shout on her face. But surprisingly, hindi manlang nagalit si Cassy at sumunod pa ito sa sinabi ni Red.
"Oo na! Mahihiga na ulit. Wag kang sumisigaw kasi hindi ako bingi! Sipain kita, e!" sagot nito at umirap pa kay Red.
"Matulog ka na kasi! Uuwi na si Jhake, hindi ba Pre?"
"Bakit ako? Pwede namang ikaw?" napipikon kong tugon.
"Magpapahinga na nga si Sandra!" sagot niya pero muli ko siyang binalewala bago tumingin kay Cassy na nakahiga lang habang nakataas ang kilay sa amin.
"Mahal, pwede namang ako na ang magbantay sayo. Ako na lang, please?" pakiusap ko pero wala akong nakuhang tugon mula sa kanya. Blangko ang kanyang mukha at hindi mababakasan ng emosyon o kahit kakaunting kagustuhan na makasama ako.
"Mahal your ass," bulong niya.
"Sige na nga! Ako na ang uuwi!" ani Red at nag-umpisa nang maglakad patungo sa pintuan.
'Tangina mo, Red. Susuko ka din pala pinatagal mo pa!'
"Stop there, James. Ipapaalala ko lang na saiyo ako hinabilin nila Renz. You can't just leave, jerk!"
"Pinapatulog na kita, diba? Saka, wala namang difference kung ako o si Jhake ang magbabantay sayo. Kasi ang importante, makapagpahinga ka. Kanina pa nauudlot yung tulog mo, e. Mukhang hindi rin naman magpapatalo si Jhake kaya sige na, ako na yung uuwi," mahaba niyang litanya.
"Buti alam mo," bulong ko.
"Go on, take another step. Go home and I promise that you will regret everything. Yung lakad natin sa linggo? You'll go by yourself if leave this f*****g room," banta ni Cassy rito.
"Ano bang gusto mong gawin ko? Ayaw ngang umuwi ni Jhake!" sagot niya na parang isang batang nagmamaktol. "Pinapasakit mo yung ulo ko."
'Si Red ba talaga ito? Hindi kaya nauntog ang ulo nito sa kung saan saka nagkaroon ng amnesia? This is not him.'
"Wow! Now it's my fault? Isaksak ko kaya sayo lahat ng swero at hose na nakakabit sa akin?" Pagtataray pa ni Cassy.
I cleared my throat to get their attention. Mukhang nakalimutan na kasi nila na nandito pa ako. Naiinis ako sa dahil pakiramdam ko, pinagseselos nila ako.
'Damn, because it's working!'
"Mukhang masama pakiramdam mo, pre. Ipa-check up mo na kaya iyan? Nandito ka na rin naman sa ospital."
"Bakit ba ang daldal mo?" tanong ko habang tinatapunan siya ng masamang tingin.
"Concern lang naman ako sa'yo. Saka tigilan mo nga lang ang pagtingin sa akin ng masama. Sawang-sawa na ako sa ganyan. I always get that look with Sandy," aniya at bahagya pang natawa kung kaya't saglit na nagprocess sa utak ko ang nangyayari.
'I knew it! Hindi talaga si Red to!'
Because he never laughed.
I shaked my head and get into my senses. Hindi ngayon ang oras para magpadala ako sa mga kakaibang ginagawa ni Red.
"Uuwi ka ba o ano?" gigil kong tanong sa kanya dahil mukhang wala na naman siyang balak na umalis. Nakakainis na rin kasi ang kadaldalan niya. Dati naman siyang walang kibo, e. Nasaan na yung Red na tahimik lang? I hate to say but I'm starting to miss the old him.
"Anong magagawa ko? Ayaw nga akong pauwiin, diba?"
"But you said you'll go home, right?"
"He's not going anywhere. Ikaw ang uuwi," ani Cassy na kaagad na nagpalambot ng mga tuhod ko. Mabuti na lang at nakaupo ako ngayon dahil kung hindi, baka kanina pa ako nasa sahig. "Now, go."
"No. Ako ang magbanantay sayo. Si Red ang uuwi. I will stay with you tonight."
"Ano ba sa salitang ayoko ang hindi mo naintindihan? Ayokong umuwi sa James at ayokong makasama ka. Huwag kang makulit!" sigaw niya.
"Pero-"
"Saang lupalop ba ng impyerno mo naiwan iyang punyetang utak mo? Hindi ka naman siguro tanga para hindi ma-gets na ayaw kitang makasama!" malakas ulit niyang sigaw. Bumangon pa siya sa pagkakahiga at nakasimangot na itinuro ang pintuan. "Go home. Subukan mong hanapin yung utak mo nang sa susunod na magkikita tayo, hindi ko na kailangang mag-effort para lang maintindihan mo yung mga sinasabi ko. You know what? Gusto ko lang magpahinga. Masyado mong sinasayang yung energy at pasensya ko, e."
"O-okay," bulong ko bago habang nakayuko. "Uuwi na ako. But I'll see you tomorrow," malungkot ko pang paalala bago tahakin ang daan papalabas ng silid na iyon.
I was rejected and embarrassed. Her words were too harsh. I never imagined that she will say that to me or to anyone. Totoong nagbago na siya. But I can't stop now. I can't and I wont give up that easy. Besides, kasalanan ko din naman kasi nga, gago ako.
But I still love her and I will do everything to win her back.
~~
Sandra's POV
HINDI KO maiwasan ang pamangiti habang nakatingin sa pag-alis ni Jhake. Hindi kasi siya makaintindi. Hindi makuha sa isang sabi mas lalo lang tuloy siyang nagmukhang kawawa.
'I can now smell the scent of sweet revenge.'
"Galing! Ikaw Sansdy? Saang lupalop naman ng impyerno mo iniwan ang puso mo? You don't have to be that rude and harsh. You should mind your manners, too."
"As if I care," sagot ko at pinaikutan pa siya ng mata. "And look who's talking about being rude and harsh? Para namang ang bait mo kay Lycka, diba?"
"First of all, magkaiba tayo ng sitwasyon. Your step sister is so clingy and I don't like that."
"Whatever."
"Sige na, matulog ka na!" aniya habang naglalakad pabalik sa sofa. Ako naman ay umayos na higa at tumagilid pa para hindi niya makita ang mukha ko.
"James, can you do a favor?"
"It depends."
"Never do that again. Never leave me just because of Jhake or anyone else. Just stay."
I know, masyadong selfish yung hinihingi ko sa kanya. But, I guess that I trust him now more than I trusted myself. Losing him will be much painful.
"Please?"
"Oo na. Hinding-hindi kita iiwan. Panindigan mo dahil kahit magmakaawa ka pa at maglupasay sa harap ko, I will never leave your side. Magsasawa ka sa mukha ko," sagot niya kaya napangiti ako.
"Thank you."
"That was the first..." bulong niya kaya kunot-noo akong napatingin sa kanya. "Never mind, matulog ka na."
~~
PUPUNGAS-PUNGAS akong bumangon nang sumunod na umaga. Bwisit din kasi talaga si James, natutulog pa yung tao tapo bigla gigisingin at uuwi na daw kami.
I really want to extend my sleep kaya nagtalukbong pa ako ng kumot pero kaagad din niyang inalis iyon.
"Bilisan mo na. Tumawag si Ren, sa bahay niyo daw tayo kakain ng almusal," aniya pero hindi pa rin ako kumilos. "Lakad na sa banyo! May tulo-laway ka pa!"
Napatakip ako sa bibig ko.
's**t! Nakakahiya!'
"Joke lang," dagdag pa niya habang nagpipigil ng tawa kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Get up, Sandy."
"Tss!" singhal ko sa kanya bago tumayo. Inirapan ko muna siya bago pumunta sa CR nang bigla kong maalala na naka-dress nga pala ako. "Anong sasakyan dala mo?"
"Motor. Bakit?"
"I'm wearing a dress. Call a cab. Magtaxi na lang ako."
"Huwag mo nang isipin 'yon. Ako nang bahala."
Hindi na ako sumagot dahil hindi rin naman kasi ako mananalo laban sa kanya. Nag-ayos lang ako sandali ng aking sarili bago muling bumalik sa kama habang nagsusuklay ng aking buhok.
"I-settle ko lang sandali yung sa discharge papers mo," paalam niya kaya tumango ako.
Nang makalabas siya bumalik ako sa cr para tingnan ang repleksyon ko sa salamin. Mabuti na lang at nadala nila Ella kagabi ang pouch ko kaya kahit papaano ay nakapag-retouched ako.
Nang makalabas ako ng cr, muntik pa akong mapasigaw nang may maabutang babae sa loob ng kwarto. Nakaupo lang kasi ito sa sulok ng sofa at nakatulala sa akin. Idagdag pa na nakasuot ito ng white pants at white din na jacket. Akala ko tuloy, minumulto na ako.
"Excuse me?" Tawag ko sa atensyon nito.
Kumurap pa ito ng tatlong beses bago ngumiti sa akin. "Hi!"
"Who are you? What are you doing here?" tanong ko dahil hindi naman siya mukhang nurse.
"Hello po! I'm Shiela," aniya at kuntodo ngiti pa.
Nakasimangot ko siyang tinignan mula ulo hanggang paa.
'Sino naman kaya ang batang 'to?'
"I don't care. Labas. Hindi kita kilala." Pagtataboy ko dito bago maupo sa gilid ng kama.
"Wait! Ako po yung kapatid ni Kuya Jayjay. Yung masungit na akala mo kung sinong gwapo na guitarist ng Great Survival!" mahaba niyang pagpapakilala sa sarili niya.
But wait... Masungit? Great Survival?
"You mean... James Jared?"
"Tumpak! Pasok sa banga!"
'Ano kayang inalmusal ng batang ito? Ang taas ng energy, e.'
"Nasa labas pa ang kuya mo. Maupo ka muna habang hinihintay mo siya," sagot ko bago siya talikuran.
Ginawa ko na lang busy ang aking sarili pag-aayos ng buhok at hinayaan na lang siya na maupo sa couch.
I was in the middle of fixing my hair when I felt an awkward sensation... bigla 'kong liningon si Shiela, and I was right, the young lady is staring at me. "Staring is rude, just so you know."
"Sorry po! You look so familiar po kasi," paliwanag niya at hindi ko maintindihan kung bakit namumula siya.
I was about to ask her nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si James. "Kanina ka pa?" seryoso niyang tanong sa dalagitang kaharap namin.
"About few minutes ago?" sagot naman nito nang hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Then why are you still wearing that dress?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong gusto mo? Umuwi ako nang naka-panty at bra lang?" sarkastikong sagot ko.
"No." mabilis niyang tugon bago kunin sa kamay ng kapatid niya ang isang paperbag at binato sa akin. "Go and change."
"Tss!"
Inirapan ko pa siya bago talikuran. Dali-dali akong pumasok sa cr at binuklat kung ano ang laman ng paperbag.
One pair of jeans and black T-shirt with a spade logo at the back and 'GSRed' written on its front side. May isang pares din ng sandals sa loob ng bag.
Hindi na ako nagdalawang isip pa at nagbihis na kaagad. Nagugutom na rin naman kasi ako. Wala pa akong kain mula kahapon ng tanghalian.
'Ayos, a! In all fairness, hindi na masama ang suot ko.'
Inilagay sa papernag ang dress na hinubad ko at nagkibit balikat pa sa aking sarili bago lumabas ng banyo.
Nandito pa rin pala yung kapatid ni James, at hindi ko talaga alam kung bakit titig na titig siya sa akin. It's quite uncomfortable, actually.
"I told you, staring is rude, young lady."
"I'm sorry, kamukha niyo kasi si Ms. Sandra Martin. Yung CEO ng Angel's Clothing Line."
"Of course." I rolled my eyes. Malamang kamukha ko, ako 'yon, e. "I'm Sandra Martin, the one and only," mayabang kong pakilala.
Mukhang nag-loading pa sa brain system niya ang sinabi ko dahil natulala siyang bigla. After exactly ten seconds, bigla na lang siyang nagtititili with matching talon pa.
"Ikaw nga si Sandra Martin!" aniya.
Bahagya akong napaaatras dahil masyado siyang magaslaw at baka masapak ko siya. Napatingin ako kay James na kanina pa nakasimangot.
Papalapit na sa akin ang kapatid niya nang pigilan niya ito sa pamamagitan ng paghila sa hood ng suot nitong jacket.
"Aray naman kuya! Nasasakal ako!" reklamo nito pero patuloy lang sa paglapit sa akin. "I'm a big fan po. Pa-picture naman po. Saka po pala autograph, please?"
I want to say no but I had no choice, nakatapat na sa mukha ko ang cellphone niya. "S-sure."
"O, sure daw. Panis ka kuya, let me go and we're gonna take selfies," aniya at pinagpag pa ang kamay ng kanyang kuya.
Walang nagawa si James kung hindi ang pakawalan ang kapatid niyang mabilis na lumapit sa akin. And when she said selfies, she mean it. Hindi ko na alam kung nakailang pindot siya dahil iba't-ibang angle ang walang sawa niyang kinuhanan ng litrato.
"That's enough." walang mababakas na emosyon sa pagkakasabing iyon ni James. "Now, go straight home."
"Last na po. Fansign o kaya autograph na lang po para sa bestfriend ko. Super fan niyo din po siya, e."
I don't even know what a fansign is, kaya gusto ko nang tumanggi pero masyadong mapilit itong kapatid ni James. Saka, mukhang masayang-masaya siya sa simpleng pictures kaya pinagbigyan ko na lang.
Naglabas siya ng isang marker at magazine na featured ang ACL. May mga pictures ako at si Joan sa mismong cover kaya doon ako pumirma.
"Maraming thank you po, Ma'am! Oh, can I just call you Ate? Please? Sige na po, ang formal kasi masyado ng ma'am. Sige na, ate? Ha? Please?"
"O-okay..." I said awkwardly. Mukhang wala naman akong choice, e.
"No problem. Kapatid ka naman nitong si James, e." Ngumiti pa ako sa kanya just to ease the awkwardness that I am feeling right now.
"Yieh! Girlfriend po kayo ni Kuya?"
"No," mabilis kong sagot.
"Not yet," segunda pa ni James kaya't mabilis ko siyang binato ng unan.
"Ayieh! Aware naman ako na sikat ka brother, pero yung maabot mo yung Sandra Martin? Ibang level ka, kuya!" kantsaw nito kay James na nakasimangot lang.
"Oo na! Umuwi ka na,"
"Sungit nito," bulong pa ni Shiela at umirap pa kay James. "Yieh, ba-bye na po, ate Sandra. Ingat po kayo dyan sa kuya ko, medyo malakas po ang saltik sa ulo, e."
Bigla akong natawa sa sinabi niya kaya mas sumimangot si unggoy.
"Ang dami mong alam, Shie. Umalis ka na. Dumiretso ka lang sa bahay."
"Oo na po, sungit!" pang-aasar pa nito habang nagmamartsa palabas ng kwarto.
"Abnormal talaga," bubod ni James kaya mas lalo akong natawa.
"Parang ikaw lang, diba?"
"Tara na, iuuwi na kita sa inyo," malamig niyang tugon. Napikon yata si abno.
"Problema mo?" tanong ko subalit hindi naman siya sumagot kaya inirapan ko na lang siya ng mata. "Thanks for the shirt, by the way."