Sandra's POV
PADABOG AKONG bumangon at tinapunan ng masamang tingin si Margarette. 'Bakit ba kung kailan nakakatulog na ako, doon naman ako bubulabugin nito?'
"Ang ingay mo, doon ka nga sa labas!" Marahan ko pa siyang itinulak papalayo sa akin. Kanina pa siya nangungulit dito sa loob ng kwarto ko. Pasaway talaga, e. "Pwede ba? Gusto ko'ng magpahinga. Pagod ako," mahinahon kong pakiusap kay Marg.
"Bakit? Hindi mo ba ako na-miss? Miss na miss kaya kita!" Naknguso pa niyang sagot sa akin.
"You're drunk," puna ko sa kanya.
"Konti lang," sagot pa niya habang sinisinoksinok pa.
"I see, sige na. Labas na. Nakakaistorbo ka na," pagtataboy ko pa sa kanya pero umiling muna siya ng mabilis, bago mag-dive sa ibabaw ng kama ko.
"Sleepover kaya 'to! So dito ako matutulog," pagpupumilit pa niya.
"Tss! Ano ba?! Tigilan mo nga ako! Margarette, isa!" Sigaw ko sa kanya.
"Aish! Stop shouting! Ang ingay mo!" Ganti naman niyang sigaw bago ako talikuran. Nagawa pa niyang magtakip ng kanyang tainga gamit ang unan ko. 'Wow, just wow!'
"Ate, hayaan niyo po. Malaki naman yung kama," awat sa akin ni Ella habang nagsusuklay siya ng kanyang buhok.
"Nakakainis! Bakit kasi nagpapaka-lasing? Hindi naman pala kaya!" Iritable ko pang bubud. Inis akong lumabas ng kwarto at naabutan ko namang naninigarilyo si Jack sa may hagdanan. "Jack! Get Marg out of my room," Utos ko sa kanya.
"Bakit ako?" Naka-pout pa niyang reklamo.
"Dahil sinabi ko. And besides, can you stop smoking here?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. Nagmamadali naman niyang pinatay ang sindi ng kanyang sigarilyo.
"Pwede ba'ng sa room mo muna si Margarette? Mabigat 'yon, e. Tapos, nakainom din ako, hindi ko kakayanin 'yon,"
"Bakit ba kasi may nalaman pa kayo'ng party party? Nasaan ba si Lorenz?" Nakasimangot ko'ng tanong sa kanya.
"Inside his room," matipid niyang sagot at itiniro pa niya ang kwarto ng kapatid ko gamit ang kanyang nguso. Tumango lang ako at pinasok na ang silid ni Lorenz. 'He deserved an high five, on the face.'
"Oh, great!" Padabog ko pa'ng isinara ang pinto bago balingan ang magaling ko'ng kakambal na naka-handusay sa lapag. "Get up," utos ko sa kanya pero hindi manlang siya gumalaw. Tumalungko ako sa gilid niya bago siya bulungan, "nakakainis ka. Alam mo ba 'yon? You know that I hate seeing my friends being drunk pero nilasing mo pa rin," naiinis ko pa'ng sermon sa kanya habang pilit siyang itinatayo papunta sa kama niya.
'Damn! He's heavy!'
Nilamukos ko ang aking mukha bago siya iwanan para magpunta sa kitchen. Kumuha lang ako ng basin na may malamig na tubig at bimpo. Talagang bininigyan ako ni Chace Lorenz ng trabaho, wow great!
Nang makabalik na ako sa itaas, wala na doon si Lorenz, 'saan naman kaya nagpunta ang isang 'yon?' "Lorenz? Saan ka?"
"Cr," narinig ko'ng sagot niya mula sa banyo. Tapos, sunod sunod na tunog lang ng pagsuka ang narinig ko.
'kadiri!'
Sa kabila ng labis na pandidiri, I decided na pasukin na siya sa loob. Napapailing na lang ako habang pinapanuod siya sa kanyang walang humpay na pagsuka sa toilet bowl.
"Tsk, tsk, tsk! Ganyan talaga ang mapapala mo kapag pinipilit mong uminom, hindi naman pala kaya." sermon ko sa kanya habang hinahagod ang kanyang likuran.
"Sorry," sabi pa niya sa pagitan ng kanyang pagsusuka.
"E, bakit sa'kin ka nagso-sorry?" taas-kilay kong tanong sa kanya.
"Kasi hinayaan ko'ng malasing si Marg," sagot naman niya.
"Come on. I'll fix you up," sabi ko na lang at inakay na siya pabalik sa higaan niya. "next time, Chace Lorenz, 'wag ka nang magpapainom dito sa bahay. Alam mo namang ipinagbabawal ni Mommy 'yon, diba?" seryoso ko pang paalala sa kanya pero hindi naman na siya sumagot kaya hinayaan ko na. Pinunasan ko lang ang mukha niya gamit ang hinanda kong cold water at towel.
"Cassy, can you sing for me?" request pa niya habang titig na titig sa akin.
"Ano'ng trip mo?" tanong ko sa kanya habang pilit na inaawat ang aking sarili na matawa sa kanya.
"I just missed you so much, pati narin yung boses mo." sagot naman niya bago ipikit ang kanyang mga mata. "Please?"
"I'm not in the mood. Matulog ka na," sagot ko at tumayo na pero hinawakan niya ang kamay ko.
"Can you stay here, please?" bulong niya.
"Ayoko. Matutulog na ko," nakasimangot ko pang tanggi.
"Please?" pakiusap pa niya. "I don't want to wake up without you, again," bakas sa boses niya ang pagtatampo. Hindi man niya direktang sinasabi, alam kong malaki ang hinanakit niya sa akin nang dahil sa biglaan kong paglayo.
"Lorenz, inaantok na ako." sabi ko at pilit na binabawi ang kamay ko.
"Please? I really miss you, Cassy... please ... wag ka na ulit aalis... wag mo na ulit ako iiwanan," nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makitang umiiyak siya. Mahal ko si Lorenz dahil kapatid ko siya. Wala akong ibang ginusto kung hindi ang maging masaya siya... pero paano naman ako, diba? "Wag ka na ulit aalis, please?" hindi ko magawang sumagot sa kanya dahil hindi ko masabi sa kanya na noong una pa lang, ayoko nang bumalik dito. Ayoko nang makita ang mga taong nagparamdam sa akin ng sakit. Paano ko sasabihin sa kanya? Paano ko ipapaliwanag na ayoko na? Paano ko 'yon gagawin ngayong labis ang pakiusap niya na huwag na akong umalis? "Ang hirap nang mag-isa, Cassy. Ang hirap mula nang umalis ka... sobra," parang bata pa siyang nagsusumbong sa akin.
'I know how it feels, Lorenz. I really do.'
Gusto ko iyong sabihin sa kanya pero mas pinili ko'ng huwag na lang. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo ko at niyakap siya nang sobramg higpit.
"Sorry," bulong ko sa kanya. Maging ako sa sarili ko, I was surprised that I said that, because this is the first time na muling lumabas ang salitang iyon sa bibig ng isang Sandra Martin.
"Just stay here. Ibalik natin kung paano tayo noon," hinawakan pa niya ang magkabila kong mga kamay.
"I can't," mabilis pa akong umiling sa kanya.
"Of course you can. Please? For me?" pakiusap pa niya.
"Matulog ka na, I won't leave this room," sagot ko kahit alam ko naman na hindi iyon ang stay na tinutukoy niya.
Inaantok naman syang tumango at ngumiti pa bago tapikin ang kama niya. Tinabihan ko na siya ng higa at yumakap pa sa kanya. 'Sleep tight, my dearest Lorenz,'
**
NAGISING LANG ang diwa ko nang dahil sa sunod-sunod na pagflash ng liwanag sa mukha ko. 'f**k, I will surely kill whoever this asshole!'
" Good morning," bati niya sa akin habang patuloy lang sa ginagawa niyang pagkuha ng litrato sa akin gamit ang isang DSLR.
"Damn you, Lorenz! Stop taking pictures!" iritable kong utos sa kanya habang pilit na itinatago ang aking mukha gamit ang kamay ko. "Chase Lorenz?!!" sigaw ko pa sa buo niyang pangalan.
"Cassandra Lorena!" napasimangot ako nang ginaya lang niya ang ginawa ko.
"f**k! Cut this s**t out!" sigaw ko na sinundan ko ng isang malakas na pagsipa.
"Aba, lumalaban na, ang cute mo talaga!" tuwang-tuwa pa niyang sagot.
"Cute? Ano ako? Tuta?!" tumayo ako at akmang susugod sa kanya pero mabilis na siyang tumakbo. "Talagang nang-aasar ka, a?"
Bumalik ako sa kama niya at binato siya ng mga unan pero tinawanan lang niya ako kahit natatamaan ko na siya. 'Badtrip talaga, e.'
"Come on, fix yourself. May pupuntahan tayo," awat niya sa akin at kulang na lang ay itulak na ako palabas ng kwarto niya.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko.
"Surprise muna," nakangiti pa niyang sagot kaya sinimangutan ko siya.
"Huh? But I still have works to do," paalala ko sa kanya. 'Lokong 'to. Bad influence din minsan, e.'
"Nakapagpaalam na ako kay Daddy. Pumayag na siya and besides, nasa VSC na si Ella at Gella. Nagbilin na rin ako sa kanila," aniya.
"Saan ba kasi talaga tayo pupunta?" tinaasan ko pa siya ng kilay.
"Mamaya mo malalaman. Basta, gumayak ka na," sagot naman niya.
"Whatever, hindi ako sasama sayo," inirapan ko pa siya.
"Bilisan mo na, please?" sabi niya na nakanguso pa.
"Ano ba'ng mapapala kung sasama ako sayo?" iritable kong tanong sa kanya. Sandali naman siyang nag-isip.
"I'll give you a kiss and a tight hug!" todo ngiti pa niyang sagot kaya mas sinimangutan ko siya.
"Yuck! Huwag na lang, hindi talaga ako sasama sayo. Ano namang gagawin ko sa kiss and hug mo," pinaikutin ko pa siya ng aking mata.
"Huh! Gan'on?! Ganyan ka naman, e! Kapag si Jared ang hahalik, kilig na kilig ka!" sumbat pa niya.
'Ano daw? Ako, kinikilig?!'
"Hindi ako kinikilig sa manyak na 'yon!" giit ko.
"Hindi daw," bulong niya habang masama pa ang pagkakatingin sa akin.
"Hindi naman talaga, a!" sigaw ko sa kanya. Bakit ba kasi ipinipilit niya, e hindi naman talaga kinikilig, e!
"Sumama ka na kasi sa'kin!" nakanguso pa niyang sagot kaya naman nagpakawala na lang ako ng buntong hininga.
"Fine, sasama na ako sa'yo." tumango pa ako sa kanya. Hindi naman kasi siya titigil hangga't hindi ako pumapayag.
"Yes! O, dali. Magbihis ka na," pagtataboy pa niya sa akin kaya inirapan ko siya bago tuluyan siyang iniwanan. Dumiretso na ako sa kwarto ko para maligo.
**
MATAPOS KO'NG mag-ayos ng aking sarili, bumaba na ako para matapos na 'tong pakulo ni Lorenz. Naabutan ko siyang naghihintay sa akin na naka-upo sa harap ng grand piano. Nakapangalumbaba pa siya habang isa-isang pinapatunog ang bawat tiles at paminsan-minsan pa'y nagpapakawala ng malalim na buntong hininga.
"Hey," tinapik ko pa siya sa kanyang likuran dahil mukhang hindi niya namalayan na nakababa na ako.
"Let's go?" pag-aaya niya sa akin kaya tumango naman ako sa kanya. Ikinawit pa niya ang kamay ko sa kanyang braso at sabay na kaming lumabas ng bahay.
Hindi ko naman alam kung saan kami pupunta kaya hinayaan ko na lang siya na magmaneho at hindi na nagtanong. Ginawa ko'ng abala ang aking sarili sa pagtingin sa labas ng umaandar na sasakyan. Nakakapanibago. Hindi ko na makilala ang daan na dinadaanan namin na kung tutuusin, dito ako lumaki. Pero marami nang nagbago sa nakalipas na tatlong taon.
Kinuha ko na lang ang cellphone at headset ko at nagpatugtog. It is a good way to ease boredom. Ayoko nang kausapin pa si Lorenz dahil tinatamad ako.
Mayamaya pa, itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang sikat na theme park. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang dahil sa sobrang tuwa. Matagal ko nang gustong puntahan ang lugar na 'to kaya lang, wala kaming panahon nila mommy.
"Alam ko'ng pangarap mo na pumunta dito," nakangiti niyang bulong sa'kin bago magsuot ng shades at bonet. Naglagay pa siya ng fake mustache kaya napasimangot.
"Tanggalin mo nga 'yan. Mukha kang tanga," inirapan ko pa siya.
"Ayoko nga, baka makilala ako sa loob. Pagkakaguluhan ako. Ang gwapo ko kasi, e." pagmamayabang pa niya. 'Ang kapal din talaga ng mukha, e.' "Baba na tayo," bumaba na siya kaya naman sumunod na rin ako.
Si Lorenz na mismo ang bumili ng ticket namin at naiwanan lang ako sa labas ng sasakyan. Nang makabalik siya, nakangiti pa niyang kinuha ang magkabilang kamay ko, "Cassy, today we are not Sandra and Renz." bulong niya. "We are Loren and Chace," sinimangutan ko siya at pilit na inuunawa ang gusto niyang sabihin. "I mean, today let's pretend that nothing happened three years ago. Let's forget about everything... ngayon tayo lang naman ang nandito, wala sila at hindi natin sila kilala,"
"Ah, so ang gusto mo, lokohin natin pareho ang mga sarili natin, gan'on?" tanong ko sa kanya.
"It wasn't like that. I just want us to forget about everything. I want us to be happy, to be just who we really are, kahit ngayon lang. Please?" ngumiti pa siya sa akin at nagpa-cute pa.
"I am happy," giit ko.
"Liar. Do you really think I will believe that?" tanong niya bago pitikin ang noo ko. "We're twins, Cassy. You can't lie to me because I know you pretty well," dagdag pa niya.
"Fine then," bulong ko. "Deal," nakipag-shakehands pa ako sa kanya. Well, totoo naman ang sinabi niya.
It's been three years mula nang naging masaya ako. Yung totoong masaya. Lorenz gently pinched my cheeks and hold my hand.
"Let's enjoy this day, Loren." bulong niya kaya tumango ako.
"Of course, Chase." ngumiti pa ako sa kanya kaya't sabay na kaming pumasok sa loob. "Ah! Selfie muna tayo," kinuha niya ang kanyang cellphone.
"Teka, ang pangit ng disguise mo, e." reklamo ko. Ang pangit talaga, promise!
"Talaga ba?" nakapout niyang tanong kaya tumango ako. Doon lang niya tinanggal ang kanyang bonnet at bigote. Akma niyang huhubarin ang suot niyang shades pero inawat ko na siya.
"Okay na yung salamin," sabi ko at kinuha ang sarili kong shades. "Bagay ba?"
"Oo naman," sagot niya. Then we took different shots that he so called selfie.
**
NASAKYAN NAMIN ang halos lahat ng rides at kung hindi pa kami nakaramdam ng pagod at gutom, hindi pa kami talaga titigil.
Napili naming kumain sa isang fast food chain at talagang pumwesto kami sa pinakasulok para naman maging kumportable naman kami. Tahimik lang kami habang hinihintay ang order namin nang mapansin ko'ng tila naiilang si Lorenz kaya kinalabit ko siya, "Chase? Are you okay?"
"Someone's tailing us," bulong niya bago pasimpleng itinuro ang isang lalaking nakaupo sa gilid namin. Nakasuot ito ng black cap at naka-face mask pa. "Kanina pa 'yan, simula nung dumating tayo dito,"
"Baka naman nagkataon lang," sagot ko.
"Tss, you really don't know a thing. Ganyan talaga mga galawan ng mga paparazzi ngayon," dagdag pa niya habang nagro-rolyo ng tissue. "ang hirap talagang maging gwapo, tsk." Pinilit ko'ng huwag siya paikutan ng mata sa kahanginan niyang taglay.
Mabuti na lang at dumating na ang order namin, "Kumain na lang tayo, para mapuntahan na natin yung mga hindi pa natin napapasok na rides and attractions." sabi ko habang inaayos ang mga pagkain na kanina pa namin hinihintay. "Gutom lang 'yan, e."
"Luh, oo na. Kumain na tayo," nakangiti naman niyang pagsang-ayon. "pero before that, selfie ulit tayo... smile!" Matapos niyang kumuha ng selfies, sinimangutan ko na siya dahil kotang-kota na ako sa kakangiti. Mas maraming beses na yata akong ngumiti ngayong araw kumpara sa tatlong taon na nasa California. "You know, dapat siguro, sa susunod na pupunta tayo dito kasama na ang Angels. Matutuwa ang mga 'yon, especially Marg,"
"Chase, I thought we both agreed that we don't know them today? Technically speaking, hindi natin dapat pinag-uusapan ang mga taong hindi naman natin kilala, diba?" paalala ko sa kanya dahil ayokong masira ang mood ko.
"Sorry, nakalimutan ko lang," sagot niya. "wag mo nang isipin yung sinabi ko at ngumiti ka na ulit," aniya at pilit pa akong pinatawa gamit ang pagme-make face niya. Umiling na lang ako sa kanya bago ngumiti. "that's more like it,"
"Chase, gusto ko ng stuff toy na wizard," sabi ko habang kumakain. "daan muna tayo sa souvenir shop, ha?" Wala lang, kulay violet lang kasi 'yon, e.
"No problem," nakangiti naman niyang sagot. "umuwi na nga tayo pagtapos nating kumain," bulong niya. "hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa lalaking 'yon."
"Bahala ka. Basta yung stuff toy ko," paalala ko pa sa kanya. Tumango naman siya at sumenyas pa na kumain na ulit ako.
**
"THERE YOU go, as promised," nakangiti pa niyang iniabot ang isang malaking stuff toy na hiniling ko.
"Thanks, Chase!" tuwang-tuwa ko namang sagot at humalik pa sa kanyang pisngi, "you really made me happy."
"You're welcome! Dali, selfie ulit tayo kasama 'yang stuff toy mo." Mabilis akong tumango at sabay pa naming hinubad ang mga suot naming salamin at nag-selfie na nga. "You look beautiful here," bulong niya kaya ngumiti ako.
"Yeah, I like that shot too," tumango pa ako.
Pero nawala ang pagkakangiti ko nang may biglang sumigaw sa isang gilid. "Si Renz ng Great Survival!!"
"s**t!" magka-antabay pa naming mura ni Lorenz na halos mataranta sa pagsusuot ng kanyang salamin. "Run," bulong niya sa bago ako hawakan sa kamay at mabilis na tumakbo. Liningon ko pa ang pinanggalingan namin at para kaming nasa zombie apocalypse nang dahil sa mga humahabol sa amin. Napalunok ako nang mapansin kong unti-unti silang dumarami!
"Bakit kasi hindi ka nag-iingat!" pagrereklamo ko. "f**k!" Sigaw ko nang may mga naka-abang na rin sa amin sa unahan. "You gonna be kidding me," bulong ko nang halos ma-corner na nila kami.
"Keep close," bulong sa akin ni Lorenz at kinulong pa ako sa kanyang mga bisig habang tinatakpan ang mukha ko mula sa sunod-sunod na flash ng mga camera.
"Renz, sino 'yang kasama mo? Is she your girlfriend?" tanong ng isang lalaki kaya hindi ko maiwasang magtaas ng kilay. 'Magkasama lang, girlfriend na kaagad? Tss!'
Nasundan pa ng mga ganoong tanong ang binato nila kay Lorenz pero hindi pa rin siya sumasagot. Mabuti na lang at may mga security guards na dumating kung kaya't nahawi na ang mga nagkakagulong tao. Kinuha namin ang pagkakataon na iyon para tumakas.
Kapwa hingal na hingal kaming sumakay sa kotse at doon sabay na tumawa ng malakas. "That was fun, wasn't it?" tanong pa niya kaya tumango ako.
"Nag-enjoy ako. Thanks to you, Chase." nakangiti kong sagot.
"You're always welcome, Loren." ginantihan niya ang ngiting ibinigay ko sa kanya.
Wala naman sigurong masama na maging masaya kahit ngayon lang... because I don't want this feeling. Because happiness is deceitful. It will make give you false hope that everything is okay, pero sa huli... masasaktan ka lang ulit.
**