Renz' POV
WALANG PAGSIDLAN ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon. At kung hindi lang ako pwedeng ma-front page sa mga dyaryo o maging trending sa social media, baka kanina pa ako sumigaw sa sobrang saya. It's been so long since the last time I felt this kind of happiness na nararanasan ko lang sa piling ng kapatid ko. I missed being our young selves.
Chase and Loren are the names we used to call each other every time that we were playing years ago. At aaminin ko, ang sarap maging bata ulit. Ang sarap sa pakiramdam na kahit isang araw lang, wala kaming ibang inisip o ginawa kung hindi ang mag-enjoy at maglaro. Sana, ganito na lang kami palagi... masaya lang at walang iniintinding problema.
Kasalukuyan na kaming bumibiyahe pauwi at hinayaan ko nang magpahinga si Cassy. After what we did today, mas napatunayan ko kung gaano ko siya nami-miss. Kahit imposibleng mangyari, umaasa pa rin ako na sa simpleng pagpaparanas ko sa kanya kung paanong maging masaya, unti-unti na siyang bumalik sa dati. Sana sa paggising niya, siya na ulit si Cassy.
Habang binanagtas namin ang daan pauwi, bigla na lang nag-ring ang cellphone ko na naka-connect na sa isang Bluetooth headset. Si daddy iyon kaya naman mabilis ko'ng sinagot. "Yes, dad?''
"Anak, kumusta ang lakad niyo? Pauwi na ba kayo?" tanong pa niya mula sa kabilang linya.
"Yes, po. Pauwi na po kami, medyo na-traffic lang," sagot ko naman. "dad, let's talk later. Nagmamaneho po kasi ako,"
"O, sige. Magkita na lang tayo dito sa bahay," sagot niya. "mag-ingat kayo."
"Thank you, dad. Bye," tugon ko pa bago i-off ang linya.
Nakangiti ko namang tinignan ang nahihimbing sa pagtulog na si Cassy, pero kaagad na nawala ang mga ngiting iyonpagtulogsin.sin ko'ng tila humihikbi siya sa kanyang pagtulog. "Mommy..." bulong niya kaya nagawa kong mag-park sa isang gilid ng kalsada. "don't do this... mommy... don't... please..."
Tinanggal ko ang aking seatbelt at kaagad siyang dinaluhan, "Cassy, shhh... don't cry," yinakap ko pa siya ng mahigpit at pilit na pinatahan.
"No mommy... wag ..." aniya sa pagitan ng kayang pag-iyak. 'Anong klaseng panaginip ang mayroon siya ngayon?'
"Cassy, wake up," bulong ko habang dahan-dahan siyang niyuyugyog.
"Renz? Renz si mommy..." parang bata niyang bulong bago ako yakapin ng mahigpit.
"Sshhh... it was just a dream," bulong ko habang hinahagod ang kanyang likuran.
'Cassy... Dont worry. I'm here and I won't leave you, no matter what happened.'
Hindi ko alam kung gaano kami katagal na nasa ganoong sitwasyon. Naramdaman ko na lang na muli siyang nakatulog kaya't inayos ko na ang kanyang pwesto at nagmaneho na ulit para makauwi na kami.
**
NANG MAKARATING kami sa baha, tulog na tulog pa rin si Cassy. Marahil, sobra siyang napagod dahil nakalimutan ko'ng halimaw nga pala ang isang ito pagdating sa mga rides, dahil wala siyang lula sa katawan. Hindi ko na siya ginising at binuhat na lang siya papasok sa bahay.
"Anong nangyari?" worried na tanong ni dad nang makitang karga ko si Cassy.
"Don't panic, dad. She's fine. Nakatulog lang sa daan at hindi ko na ginising. Napagod to," paliwanag ko.
"Okay, dalhin mo na siya sa kwarto niya. Nandoon ang mga kaibigan niya," tumango ako bilang sagot, "then meet me in the study room. May pag-uusapan tayo," seryoso pa niyang bilin. 'Tungkol saan kaya?'
"Okay po, dad." sagot ko na lang at dinala na sa itaas si Cassy. Naabutan ko naman sa loob ang angels na abala sa pag-uusap. "Hey, Angels. Clean up the bed, tulog na si Cassy," utos ko sa kanila na mabilis naman nilang sinunod.
"Renz, have you seen this? Well, I doubt it." ani Alyson na nakapag-pakunot sa noo ko, "Look, trending ang pangalan mo ngayon with the hashtag GSRenz," dagdag pa niya habang tutok na tutok sa kanya laptop. Kaya naman matapos kong ibaba si Cassy, kaagad ko nang sinilip ang tinitignan niya.
It was a news article about me sayinf that I was found in a theme park with my new girlfriend.
'Great! Pinanindigan nilang girlfriend ko si Cassy nang dahil lang sa nangyari."
"What's your plan then? Nagkalat na yung pictures sa iba't-ibang social media sites with the hashtag of #RunawayCouple and #SweetEscape," nakapameywang pa na wika ni Devine.
"Let them think what they want," kalmado ko lang na sagot sa kanya.
"How can you be so Manhid?" Marg asked. "You haven't even noticed that you were being followed?"
"I don't know," sagot ko. "girls, hayaan niyo munang magpahinga si Cassy. She's tired," dagdag ko pa habang nakatingin sa kanya. "Kausapin ko lang muna ang dad," paalam ko sa kanila bago lumabas ng kwarto.
I can't imagine how difficult it was for Cassy. She's still having bad dreams about our mother. How did she survive for the past three years. Sa nakikita ko, parang ako na mismo ang nasasaktan para sa kanya. She can't even let other people to see her own pain.
"Dad," bungad ko kay dad na nakaupo sa kanyang study table.
"Have a seat," mahina niyang utos sa akin kaya sinunod ko naman siya, "so, tell me what happened?"
"About our plan or the trending issue?" I asked trying to be funny but dad just gave me a bored look, "Well, I told you. Chase is the key to unlock her inner kindness,"
"Do you think it will work?" seryoso niyang tanong kaya tumango ako.
"Yes, hope so. Afterall, that's all what we can do for now, ang umasa na magiging okay dj ang lahat," I released a deep sight, "by the way dad, nainom mo na ba yung mga gamot mo?"
"Yes, with your tita Gina around? Do you really think I can skip my med?" natatawa niyang sagot habang nakatingin sa malaking portrait na nada right side ng study room. It's actually a family portrait, ako, si Cassy at ang mga magulang namin. Dati sa receiving area ito nakasabit, but now that Tita Gina is with us, we decided na dito na lang namin ilagay.
This was a gift from Cassy that she painted herself. Naalala ko pa nga noong ginagawa niya 'to, it was weeks before Mother's day mga limang taon na ang nakakalipas.
FLASHBACK
I was standing infront of Cassy's room for about ten minutes now, and no matter how hard I try, she just won't let me in.
"Cassy! Tawag ka na nga ni mama!" sigaw ko dahil ako na ang napapagalitan nang dahil sa pagkukulong niya.
"Wait lang kasi, busy pa ako." narinig ko namang sagot niya.
'Bakit ba kasi ayaw niya akong papasukin?'
"Let me in," I said while gently knocking on her door.
"Nah, I cant."
Kung may level man ang pagiging makulit, iniisip ko na nasa level99 na siya.
"And why is that?"
At syempre, level100 na ako.
"Dahil minsan, walang preno 'yang malaki mong bibig," tugon naman niya. Bigla akong napahawak sa bibig ko, hindi naman kasi malaki, e.
"Promise, I won't spread your secret," sagot ko at kahit alam ko na hindi naman niya nakikita, nag-taas pa rin ako ng kamay at nag-cross my heart pa."just let me in."
"No. It''s still a no, Lorenz." pagtanggi pa rin niya.
"Sige ka, I will sing if you don't let me in," banta ko pa sa kanya.
"Oh, no! Please, pumasok ka na dito!" natataranta pa niyang binuksan ang pinto.
Tignan mo 'tong babaeng to. Kung ang buong Campus ay humahanga sa boses ko, siya namang ikinaayaw niya. Kapatid ko 'yan ha? Take note, kakambal pa.
Nang tuluyan na akong nakapasok, handa na talaga akong batukan siya, pero naagaw ng isang bagay ang atensyon ko. Isa iyong canvas na nakalagay malapit sa bintana ng kwarto niya. Ipinagsalit ko ang tingin mula sa canvas at sa mukha ni Cassy na may bahid pa ng pintura.
"Wow, ikaw gumawa nito?" namamangha kong tanong sa kanya.
"Yup! You like it? Basta 'wag ka munang maingay kay Mommy, ha?" nakangiti pa niyang bilin sa akin kaya tumango ako.
"Buti may budget ka? Ako nga walang pera, e." nakanguso kong bulong. Wala pa nga akong naiisip na ibigay kay mama, e.
"Sa savings ko. Sabi ko naman kasi sayo, ipon din kapag may time, hindi yung puro ka gastos." umusli pa ang kaliwang sulok ng kanyang labi kaya mas ngumuso na lang ako sa kanya. "So, what do you think? Magugustuhan kaya 'to ni Mommy?"
"Baki hindi, e ang gandang ng gawa mo. It's almost perfect!" I exclaimed. "How can you be so talented? Matalino at magaling ka sa maraming bagay gaya ng sports, music and now even arts. Sinolo mo yata lahat ng talent at wala nang itinira para sa'kin, e." kunwari'y nagtatampo ko pang sagot sa kanya.
"Ay, grabe ka naman sa papuri sa akin. Na-touched naman ako," todo ngiti pa niyang sagot habang pinipisil ang magkabila ko'ng pisngi. "Ang cute mo talaga!" sabi pa niya bago panggigilan ang matangos kong ilong.
"You're really sweet, Cassy." nakangiti ko'ng wika bago siya yakapkin. "Ang swerte ko talaga na ikaw ang kakambal ko,"
"I know," sagot niya. "oo nga pala, nagte-text ba sayo si Mahal ko?" Kumunot ang noo ko at itinulak siya palayo sa'kin.
"Kadiri na 'to! Mahal pa, e. Pwe!" iritable kong sagot sa kanya. Mamula kasi nung naging sila ni Jhake, wala nang ibang bukang bibig kundi si Mahal ko, kadiri lang talaga! Para akong kinikilabutan!
"Tse! Inggit ka lang kasi, palibhasa wala kang matinong love life dahil puro flings ang meron ka. Ampalayang 'to," tinapunan pa niya ako ng nakakainis na tingin pero dinilaan ko lang siya, "ano nga? Nagte-text ba sayo? Hindi nagpaparamdam sa'kin, e."
"Hindi din, e. Wala naman kasi kaming halos practice nitong mga nakaraan na araw." Sagot ko naman, "Hala ka, baka may bago na 'yon! Wala pa man din kayong isang buwan!" pananakot ko pa sa kanya pero ngumuso labg siya sa akin bago sumagot.
"Hindi naman siguro," bulong niya. "hayaan na nga natin. Magpaparamdam din naman 'yon. Ang mabuti pa, maghimalos ka na," suhestiyon pa niya sa'kin kaya nagtaka ako.
"Bakit?" naguguluhan ko'ng tanong.
"Basta, i-check mo lang sa salamin," aniya bago pumasok sa loob ng banyo.
'Ano bang trip 'non?'
Nakasimangot akong naglakad palapit sa cabinet niya na may malaking salamin.
'Oh, great!'
"Cassandra Lorena!!" sigaw ko sa pangalan niya. Magaling, e. Gawin daw ba'ng canvas ang napaka-gwapo ko'ng mukha?! "Lumabas ka d'yan at magtutuos tayo!"
"Peace Chase Lorenz!" ganti naman niyang sigaw habang tumatawa. "I love you!"
-End of flashback-
Remembering that scene made me smile... I really miss the old time. Mga panahon na masaya kaming lahat. I miss how my sister laugh over simple things. The way she sees everything positively.
Nagbago ang lahat nang mawala si mama. She never cried in front of me but I know her, she's deeply wounded up until now.
Alam ko kung gaano siya naapektuhan sa pagkawala ni mama dahil kahit naman ipinapakita niya sa akin na ayos lang siya, na matatag at masaya pa rin siya, alam ko kung gaano kasakit. I felt that pain too, but I chose to let go and moved on, because that was the right thing to do. Naawa na ako sa kapatid ko dahil mula nang iwan kami ni mama, pinasan niya lahat ng sakit. Sinolo niya ang lahat ng lungkot at kahit na minsan, hindi niya pinakitang sobrang napapagod at nabibigatan na siya.
"Renz," bumalik ako sa reyalidad nang tawagin ni dad. Nakatayo na pala siya sa aking likuran. "You miss her too, right?" I heaved a deep sigh and smiled painfully.
"We both know that, dad," sagot ko sa kanya at ibinalik ang tingin sa family portrait namin "How about the anniversary? Next month na 'yon , diba?"
"Yes, and we will stick to our plan," seryoso niyang sagot kaya tumango ako bago magpaalam na magpapahinga na.
"Good night, dad," I said.
"Good night, Renz." bulong ni Dad at yinakap ako nang napakahigpit. Yakap na alam kong gusto rin niyang ipadama kay Cassy.
'Don't worry, dad. I'll do everything just for you to hug her again. I promise.'
**
Sandra's POV
NAGISING AKO sa pakiramdam na may mga matang nakatingin sa akin... and guess what?
I have visitors, yey! Insert sarcasm here!
"What are you doing guys doing in here?" bored ko'ng tanong sa kanila bago sinilipin ang oras mula sa wall clock, "Oh s**t! I'm late!" dali-dali akong bumangon at pumasok sa banyo. f**k! Bakit hindi ako higising ni Ella?
Mabilisan na ang ginawa kong paliligo dahil late na talaga ako. One of the things I hate the most is being late, I hate causing delays.
After kong maligo, basang basa pa ang buhok ko pero lumabas ako ng banyo, sa labas na lang ako magbibihis. Binalot ko na lang muna what sarili ko ng violet bathrobe ko.
Napakunot ako ng noo nang makitang nandito pa rin ang Angels."Oh? Bakit nandito pa kayo?" iritable ko'ng tanong sa kanila. Nakakainis kasi, mukhang kanina pa sila dito pero hindi man lang nila ako ginising!
"We just want to inform you that we applied," nakangiting sagot ni Alyson kaya mas napasimangot ako.
"Applied? For wha?" tanong ko na hindi sila nililingon dahil busy ako sa paghahanap ng pwede kong isuot. Badtrip naman kasi, e!
"As your staff sa VSC," natigilan naman ako sa sinabi ni Eunica. Ano daw?
"Wait? Did I hear it correctly? Gusto niyong magtrabaho sa'kin?" tanong ko.
"Oh yesssss, wiith five 'S'!" sigaw ni Marg.
"Oh, no. I cant, I mean you ca–"
"We dont accept no for an answer," putol ni Devine sa sinasabi ko. "and besides, ang sabi namin, 'applied' hindi 'applying'," nakapameywang pa siyang ngumiti sa akin.
"And guess what? Tanggap na kami!" maarte namang singit ni Ivy.
"As in today na! Tadaaa! Surprised!" sigaw ulit ni Marg. "Thanks to Tito Ben, hindi na namin kailangang dumaan sa mga proseso like mahabang pila and interviews,"
"No! Kung yung matandang hukluban na 'yon ang nag-hired sa inyo, edi sa kanya kayo magtrabaho! Pero I'm not accepting you in my department!" giit ko. They can't work for me, guguluhin lang nila ako 'don.
"Why don't you say that to him? He's in the study room lang naman," nakangisi pang suhestiyon sa akin ni Ivy kaya padabog kong isinara ang cabinet ko. Pinaikutan ko pa siya ng mata bago lumabas ng kwarto.
Dumiretso ako sa study room at pagkabukas ko ng pinto, "Who the hell do you think you are para makialam at manghimasok sa department k–shit! I have to go!"
Damn s**t times eight for infinity! Nakakahiya!
Sino ba ang mga iyon? Well, naka-form kasi silang lahat ng isang malaking bilog at may mga hawak pa'ng bible!
"Cassy! Bumalik ka dito!" narinig kong sigaw ng matandang hukluban pero never na akong babalik doon!
I'm so embarrassed!
"Hey!" napalingon ako sa humawak sa braso ko. "Sandra, pinapabalik ka ni tito Ben," aniya habang nagpipigil nang tawa, "why do you look so red?"
"Sige, tawa pa ka!" gigil ko pa siyang tinapunan ng masamang tingin.
"Sorry naman!" natatawa pa rin niyang sagot kaya tinalikuran ko na siya, "Oy, tawag ka nga ni tito Ben!"
"Ayokong bumalik doon! s**t naman kasi, sino ba kasi yung mga nasa loob?!" hysterical kong tanong. Ang dami kasing tao sa loob ng study room. E, ang astig lang naman ng entrance ko, diba!? May pasigaw-sigaw pa akong nalalaman!
"I don't know, mga investors ng company, stock holders, heads of different departments? At saka parents ko," nakangisi niyamg sagot kaya gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko! s**t naman talaga e, nandoon ang parents niya! This is so embarassing!
"Ano bang nangyayari sayo?" pikitmata akong tumalikod sa kanya at babalik na sana sa kwarto ko pero nagsalita ulit siya, Hey! Pinapabalik ka nga ni tito Ben!"
"Ayoko nang bumalik doon! nakakahiya!"
"Since when nakaramdam ng pagkapahiya ang isang Sandra Martin?" natigilan ako sa sinabi niya.
He's right! So what kung maraming tao? Ano naman kung nandoon ang lahat ng importanteng tao sa VSC? So what if nandoon ang parents nitong si Jared? I don't f*****g care dahil ako si Sandra Martin. Supposedly, wala akong dapat na pakialam sa sasabihin ng ibang tao.
Akma na akong babalik sa study room nang awatin na naman ako ni Jared. 'Siraulo na 'to, kanina panay ang sabi na bumalik ako, ngayon naman pinipigilan ako!'
"Now, what!?" I hissed.
"Magbihis ka muna kaya? Then magsuklay ng buhok?" napapakamot pa sa ulo niyang suhestiyon kaya automatic na dumako ang paningin ko sa aking reflection mula sa isang salamin na nakasabit sa hallway.
'Oh, s**t! Hindi pa pala ako nakakapagbihis! Ano pa bang kamalasan ang mararanasan ko ngayon?? Tell me!'
"Who cares?" ismid ko at nilampasan ko na siya na parang walang nangyari kahit deep inside, gusto ko nang lumubog nang dahil sa kahihiyan!
Sinipa ko ang nakakabig na pintuan at halata sa mukha ng lahat nang pagkagulat. Si Jared naman nasa likod ko lang at nakasunod sa akin.
"Anak," bungad sa akin ng magaling kong ama pero tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.
"Bakit ka nakikielam sa department ko?" tanong ko nang hindi tinatanggal ang masamang pagkakatingin ko sa kanya.
"Anak, don't shout, may mga bisita ako." kalmado niyang sagot. Sa ginawa niyang iyon, mas lalo lang uminit ang ulo ko.
"I don't f*****g care, Ben." malamig kong sagot sa kanya. "I don't want the Angels in my department,"
"Pero mga kaibigan mo sila," ngumiti pa siya sa akin at akmang lalapit sa akin pero mabilis akong umiwas.
"Noon 'yon," pagtatama ko sa kanya, "At walang kinalaman 'yon sa trabaho ko. Hindi rin parte ng punyetang kontrata na pwede kang makialam sa gagawin ko sa departamento ko. I want them out! They're singers not some f*****g dressmaker!"
"Baby, watch your language," paalala sa akin ni Jared.
"Huwag ka nga'ng makialam dito! Baka gusto mo'ng ikaw ang mapagdiskitahan ko?"
"Can you please atleast be professional with this? Trabaho to, iwanan mo muna ang personal issues mo,"
"Oh, great! Mag-ama mga kayo ni Lorenz!" I said sarcastically, "At saka, anong sabi mo? Trabaho? Personal issues? Ano ba'ng alam mo?" inismiran ko pa siya, "FYI, may trabaho na ang Angels, at hindi ko sila kailangan. I want them out,"
"Then, tell them. It's out of my hands," itinaas pa niya ang dalawa niyang kamay.
"You're useless, dude!" galit ko'ng sigaw at tumalikod na pero nakalimutan kong nasa likod ko si Jared kaya napasubsob ako sa dibdib nya.
's**t! Bakit ang bango niya??' !
"Ayos ka lang?" bulong niya habang inaalalayan ako.
"Tss! Paharangharang ka kasi!" inayos ko yung sarili ko at tinapakan pa ang paa niya .
"Aray!" daing niya, "Ang baby ko naman, nagpapakabrutal na naman!" tumawa pa siya.
"Shut up!" sigaw ko at sinuntok siya sa tiyan. Narinig ko pa ang pagdaing niya pero padabog na akong umalis at bumalik sa kwarto ko kung saan naabutan ko ang Angels na animo mga model dahil kanya kanya sila ng posing, tss!
"So?" sabay sabay nilang tanong kaya seryoso ko silang tinignan.
"Girls,"
"Girls? You never called us girls," kunot noo pang putol ni Devine sa pagsasalita ko. "We're your Angels, remember?" para akong nablangko sa sinabi niya.
"Whatever," sagot ko nang makabawi ako, "you can't work for me,"
"Why not!?" sabay-sabay ulit sila.
"Because I say so," sagot ko. "by the way, nasaan si Ella?"
"Nasa VSC na, and come on Cassy, 'wag mong baguhin ang usapan." Nameywang pa si Eunica sa harap ko, "We want to spend more time with you, right angels?"
"Yes," sabay-sabay ulit nilang sagot.
"Fine! Whatever you say, but don't blame me kapag nahirapan kayo," blangko ko'ng paalala sa kanila. Akala yata nila laro lang ng ginagawa namin sa ACL.
"Yes!" tuwang-tuwa pa nilang sigaw at nag-apir pa sa isa't-isa.
"Tss, labas na. Magbibihis pa 'ko," pagtataboy ko sa kanila na mabilis naman nilang sinunod.
Bahala na nga sila, basta hindi ko sila pinilit.
****