Sandra's POV
MABILISANG PAGKILOS ang ginawa ko dahil late na late na talaga ako. Tsk! Kasalan 'to ni Lorenz, e! Kung ginisilang niya ako ng mas maaga, edi sana hindi ako nagkukumahog ngayon, diba?
Nagmamadali akong lumabas at muntik pa akong madulas sa gulat dahil nasa labas pa rin pala ang Angels. "Balak niyo ba'ng mag career movement? From singers to models?" sarcastic kong tanong sa kanila dahil daig pa nila ang Charlie's Angels kung makapag-posing!
"Onti lang," nakangising sagot ni Ivy.
"What's with the smirk Ivy?" flat kong tanong.
"Wala lang," sagot naman niya na nakangisi rin kaya para akong nakaramdam ng kaba.
"Are you girls up to something?" nakataas kilay kong tanong sa kanila dahil parang may mali talaga sa mga ngiti at tingin nila sa akin. Pero wala sa kanila ang sumagot sa tanong ko.
"Wow! You look so gorgeous, baby!" I rolled my eyes as I heard that annoying voice.
"Baby your face, tss!" galit kong sagot at tinapunan pa siya ng masamang tingin. Naiinis ako sa kanya pero mukhang tuwang-tuwa naman ang Angels sa kanya, mga nagtawanan pa, e! 'Great! Just Great!'
"Awts," nagkunwari pa siyang may masakit sa kanyang dibdib. Tss! Daming alam na arte! "Baby ko naman, hindi mo ba ako na-miss? Because I missed you. Renz kidn*pped you yesterday." Imbis na sagutin siya, sinimangutan ko lang silang lahat.
"Anong palabas ba 'to? Could you please stop this stupid act?" flat kong utos sa kanila. "Last time I checked, gitarista ka, hindi artista."
"Who told you that I'm acting?" seryoso niyang tanong sa akin bago balingan yung lima, "kayo ba Angels?"
"Nope!" they answered in unison.
"Whatever, tss!" ismid ko. "Kayo namang lima, kung talagang gusto ninyong magtrabaho for me, dapat naman siguro maunahan niyo ako sa VSC, no? Dahil kung hindi, kahit magmatured pa si Margarette never ko talaga kayong tatanggapin," seryoso kong banta sa kanila pero hindi kaagad sila kumilos, "What are you waiting for? Go!" tila nagsilbi iyong go signal para umalis sila na halos mag-unahan pa sa pagbaba ng sasakyan. "O, ikaw? Bakit hindi ka pa rin lumalayas?" sabi ko at iniwan na siya. Wala naman akong balak na tumambay pa sa harapan niya dahil una, may trabaho pa ako, ito nga't sobrang late na ako, diba? At pangalawa, gusto ko munang dumistansya sa kanya. His presence is making me feel weird. Something na dati ko nang naranasan pero sa sobrang tagal na, hindi ko na maalala kung ano ang tawag doon. It all happened after he kissed me.
"Wait! Pasabay ako sayo," habol niya sa akin.
"Why? Nasa iyo na yung motor mo diba? Sinoli ko na nga kahit hindi mo pa ibinabalik si Casper, e." nakasimangot kong sagot sa kanya.
"Yeah, I know. But you see my dad over there? He's a bit paranoid about my driving. So he forbid me to ride my motorbike." napapakamot pa sa kanyang batok niyang sagot.
"Well, he shouldn't be, you drive even slower than he could even imagine." I said, but of course that was a bluff.
"Maybe,'' he said in a teasing tone. "So, sabay na ako sayo, ha? Tara na, late na tayo, diba?" sabi niya at nauna pa sa akin na bumaba at lumabas ng bahay.
Is there anyone out there who can remind me if ever na pumayag ako? Parang wala kasi akong matandaan, e. Ang kapal talaga mukha, diba? Nauna pa sa kotse ko!
"I can't believe that I will be a f*****g driver of a jerk today," I mumbled. "siguro naman may natitira pang kanipisan iyang panget mong mukha, no? Baka gusto mong ikaw na ang magdrive? Nakakahiya naman kasi sa akin kung ako pa gagawin mong driver, diba?" sabi ko at hinagis sa kanya yung susi. "Siguro naman marunong kang magmaneho ng four-wheels," pang-aasar ko sa kanya but he just smiled at me. Ugh! That annoying smile! Ang mas nakakapikon pa nginitian niya na nga lang ako, sumisipol pa siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Kairita!
Tahimik lang ako sa buong biyahe dahil wala ako sa mood makipag-socialized sa kanya. I'd better sleep rather than to talk to him. Tss! Masasayang lang ang laway at energy ko sa kanya.
Pero... bakit gan'on? Kahit anong subok ko, hindi ko mahanap ang tulog na gusto ko? Dahil lang ba 'to sa masyado nang mahaba ang naitulog ko o dahil alam ko na nasa tabi ko lang si Jared? Tsk! Ang weird ko na talaga these past few days.
"We're here!" pag-a-announce pa niya na abot tainga pa ang pagkakangiti. Tss!
"Yeah, obviously." sabi ko at nauna nang bumaba pero hindi ko naman siya iniwan.
"Oh, pumasok ka na! Late ka na, diba? Kahit 'wag mo na akong hintayin," nakangiti pa niyang taboy sa akin.
Wow! Siya na talaga! Siya na ang may pinaka-makapal at pangit na mukha! Napaka assuming talaga!
"Who told you na ikaw ang hinihintay ko?" nameywang pa ako sa harap niya, "sabihin mo at papatayin ko. Masyado ka'ng pinapaasa, e. Likas ka pa namang assuming." ngumisi pa ako sa kanya bago ilahad ang kamay ko, "yung susi ng kotse ko, dahil last time na naiwan yung susi ng sasakyan ko sayo, hanggang ngayon di pa nababalik pati yung motor ko. I just bought that car. Asa ka naman na papayag akong nakawin mo agad!"
"Edi wow!" sabi nya at tinaas pa ang dalawa niyang kamay "ang dami mong sinabi ... kung makanakaw ka naman! Nasa pagawaan pa si Casper mo at kahapon ko lang nakuha. E, diba wala ka dahil kinidnapped ka ni Renz? Paano ko kaya isosoli?" sabi niya habang nakanguso pa. "Minsan nga, gusto ko nang magselos sa motor mo na 'yan, e!" litanya pa niya.
"Arte mo," bulong ko.
"Mahal mo naman!" Full of confidence pa siyang sumandal kay Fame.
"Asa!" I hissed.
"Sus! Denial pa siya, o!" nakangiti pa niyang asar sa akin pero inismiran ko siya, "I love you, baby ko!" sigaw pa niya kaya inakmaan ko siya ng suntok.
"Isa pang tawag ng baby sa'kin at susuntukin na talaga kita. Kapag napuno ako sa mga hirit mo, baka paglamayan ka nang wala sa oras," banta ko pa sa kanya. I saw him gulped twice bago iabot sa akin ang susi ng kotse ko. Inismiran ko lang siya bago talikuran. "You!" sigaw ko sa front desk officer na kung anu-ano ang ginagawa! Tama ba namang maglari ng Candy Crush sa oras ng trabaho? Ang matindi pa 'don, full volume pa kaya rinig na rinig ko ang sound effects ng nilalaro niya. "Instead of wasting time... tell me, nasa loob na ba ang kapatid ko?"
"Si Ms. Ella po?" tanong niya kaya pinaikutan ko siya ng mata.
"Who else?" maarte kong sagot. "is she here?"
"Y-yes po. Kasabay po ni Sir Renz," sagot naman nito.
"Oh, f**k that Lorenz," bulong ko bago iwanan ang lalaki sa harap ko. Sinamantala talaga ni Lorenz na tinanghali ako ng gising. Sinasabi ko lang talaga sa kanya! Once na mainlove sa kanya si Ella, buburahin ko talaga sa history ang katagang blood is thicker than water.
Inis akong pumasok sa loob ng elevator at kung minamalas ka nga naman, sa lahat ng pwedeng makasabay, bakit silang dalawa pa? E, mas gugustuhin ko pang kasama at makita ang makapal na mukha ni Jared kaysa naman sa dalawang 'to dahil nasusuka ako sa mga pagmumukha nila!
"So Cassy, tell me, totoo ba, ha?" mataray na tanong sa akin ni Lycka.
Tinapunan ko muna siya ng masamang tingin bago sagutin "f**k off, it's not Cassy, it's Sandra."
"Whatever! Wala akong pakialam sa mga kaartehan at kadramahan mo," maarte niyang sagot. "totoo ba na ikaw ang dahilan kung bakit ipina-cancel ng Missing Angel ang mga schedules namin for the whole month?"
"Poor Lycka," bulong ko trying to annoy her, "last time I checked, ikaw ang leader nila, bakit sa akin ka nagtatanong? Anong malay ko sa takbo ng mga utak nila? Hindi ba dapat ikaw ang may alam?" tinapunan ko pa siya ng nakapang-asar na tingi, "By the way, kung makatanong ka akala mo kung sino k, bakit close ba tayo?''
"You little b***h!" iritable niyang sigaw.
"Don't you ever dare to call me a b***h, b***h!" nakangisi kong sagot sa kanya.
"No, Cassy. Yung pangalan mo kasi parang another term for bitchness, e." maarte niyang tugon habang pinandidilatan pa ako ng mata.
"Oh, look who's talking, is this some wisdom from a great b***h herself?" Mas lumapad ang aking pagkakangisi ko dahil mukhang any moment ay sasabog na siya sa galit.
"b***h ka talaga! Pangalan pa lang b***h na, e!" Nawala ang pagkakangisi ko sa sinabi niya. I stared at her coldly.
'How b***h, si mommy kaya ang nagbigay sa akin ng pangalan ko. Tss!'
"You just know my name, not my story. Kaya wala kang karapatan para husgahan ako. Kung meron mang b***h dito, ikaw 'yon." Makahulugan ko siyang tinignan bago pasimpleng tumingin kay Jhake na tahimik lang na nakikinig at nanonood sa pagtatalo namin.
"It seems that someone is still stucked in the past. Move on, girl!" nakangisi pa niyang sagot sa akin but I just smirked.
"I know," sagot ko. "alam mo, mabuti na lang at nand'yan ang Angels, pati na rin si Lorenz. Tapos idagdag pa si Jared. They're all helping me a lot, big time. Especially Jared, talagang inaalagaan niya ako," asar ko sa kanya.
"Ugh! Bwisit!" sigaw niya bago lumabas ng kabubukas lang na elevator. Lihim ako tumawa, gigil si Bess, e!
So, si Jared pala talaga ang gusto niya ngayon. Ang sarap niyang kalbuhin! Ano naman kaya ang nagustuhan niya kay Jared, e ang lampa-lampa na nga, manyak pa! Tss!
"Cassy," tawag niya sa akin. Nawala ang aking pagkakangiti nang narinig ang boses niya.
"What? Mang-iinis ka rin ba, Jhake? Please lang, ha?" nakasimangot kong sagot sa kanya.
"Of course not, bakit ko naman gagawin'yon? I just want to say tha-"
"Don't even bother say anything," putol ko s sinasabi niya, "cause I simply don't f*****g care," I said in a very cold tone.
"Cassy, please give me a chance," pakiusap niya pero tinapunan ko lang siya ng masamang tingin.
"Chance? You want me to give you a chance? Para saan? Para magmukha ulit akong tanga? What a great idea, Jhake!" I answered sarcastically.
"Please listen to me first. Cassy, I'm sor-"
"Stop it, Jhake!" I cut him again. "Don't say anything because I'm not inter-" This time, ako naman ang hindi nakatapos ng sinasabi nang biglang namatay ang ilaw sa loob ng elevator. "Oh s**t times eight for infinity!" I cussed matapos yumanig ang sinasakyan namin, "What just happened!?" Hindi ko maiwasan ang mag-panic. Mabilis at paulit-ulit ko namang pinindot ang emergency button. "f**k!"
"Hey! Masisira na 'yan. Okay na yung once," ani Jhake na naglakas-loob pa na hawakan ang kamay ko. Kaagad ko iyong binawi sa kanya at tinapunan pa siya ng masamang tingin.
"Huwag mo nga akong hnahawakan!" singhal ko sa kanya, "I can't be stucked in here, especially with someone like you!" sigaw ko bago ipagpatuloy ang pagpindot sa walang kwentang emergency button na 'to.
"Papagurin mo lang ang sarili mo kakapindot d'yan. Ang mabuti pa, magrelax ka lang."
Relax? Paano ako magre-relax kung nandito ako sa loob ng sirang elevator kasama siya, diba?
Inirapan ko lang siya at kinuha sa bag ang phone ko. I need to call Ella, para makalabas na ako dito, pero walang signal so I can't contact her.
"This building is bullshit!" iritable kong sigaw.
Bakit ba ang malas ko ngayong araw? May nakain ba ako o sadyang pampamalas lang kapag si Jared kaagad ang nakikita ko sa umaga?
Nakakainis!
"Guess we're really stucked here," nakangiti pa niyang bulong.
"Yey! Ang saya lang, diba?" sarcastic kong sagot bago siya muling irapan.
"Don't you get it, Cassy? Pagkakataon na ang binigay sa atin," nakangiti pa rin siya habang nagsasalita, "Now, mag-uusap na tayo."
"Bakit hindi mo i-try kausapin ang sarili mo? O kaya naman yung dingding? 'Wag mo akong gambalain dahil wala tayong dapat pag-usapan."
Nawala ang kanyang malapad na ngiti sa sinabi ko at nagkawala pa siya ng malalim na buntong-hininga bago magsalita, "Okay. Makinig ka na lang sa'kin,"
"I'm not interested. Get lost," tanggi ko bago siya talikuran.
"Please?" pakiusap pa niya pero hindi ako sumagot. "Bakit ba ayaw mo akong pakinggan?"
"Bacause I did listen to you once," seryoso kong sagot. "You said you don't love me anymore and you have someone else. You asked me to be happy for you and that's what I did." Tinaas ko pa ang aking kilay. "I heard everything I need to hear. Matutulog na lang ako kaysa makinig ulit sa mga kwento mo, because I hate fabricated lies."
"I won't lie. Just give me a chance to explain my side. Please? Promise, I won't lie,"
"There's nothing to explain, Jhake." sagot ko, "And I hate promises, a lot." dagdag ko pa bago umupo sa isang sulok. Mag-iipon na lang ako ng energy kaysa makipag-usap sa kanya.
Promises? Second Chances?
Those are just words that will make you look stupid. It will make yourself believe that life is easy and full of light... and I can't give him that. Sabi nga nila, you can't give something you don't have. All I have for Jhake is hate and that's all I can offer.
I want to get even. I want him to feel the pain I endured by myself.
I want all of them to pay the price of hurting me.
**
Jhake's POV
Ano ba ang dapat ko'ng gawin? Ayaw niya akong pakinggan. Hindi ko manlang magawang kausapin siya ng maayos. Sa tuwing lalapit ako sa kanya, palagi na lang nag-aalab ang kanyang mga mata nang dahil sa sobrang galit.
Hindi ko ba talaga deserve mabigyan ng second chance? Wala na ba'ng pagkakataon na magbago ang isang tao? I want to make everything okay. Gusto kong itama ang mga pagkakamali ko.
Napaka-simple lang ng gusto ko, simple pero bakit parang imposible?
Sumandal ako sa dingding ng elevator. Opportunity ko na sana to para masolo at maka-usap ko siya. Gusto kong maayos 'to, as soon as possible. Dahil napapansin ko na nagiging sobrang close na sila ni Jared. Hindi pwedeng mapunta sa kanya si Cassy.
I won't let thar happen.
Malaki ang laban ko dahil matagal ko nang kilala si Cassy, e sila? Wala pa'ng isang linggo mula nang una silang magkita. Tapos sasabihin ni Jared na gusto na niya si Cassy. Ganoon kabilis? Sinong maniniwala sa kanila, diba?
I know Cassy pretty well, and I know that she's only hiding the fact that she's still inlove with me. Dahil kung hindi, bakit nasasaktan pa siya sa tuwing nagkikita kami? Hindi naman sa natutuwa ako na nasasaktan siya, sadyang isa lang 'yong aasurance na hindi pa ako nawawala sa puso niya.
Minsan na akong nagkamali nang pakawalan at iwan ko siya. Hindi na ako papayag na mangyari ulit 'yon, lalo na ngayon na mas napatunayan kong siya talaga ang mahal ko. I waited three years just to prove that to her.
Nagpakawala ako ng malaim na buntong hininga bago siya tabihan sa kanyang pagkaka-upo. I just can't stop admiring her beauty. Maamong-maamo ang kanyang mukha, taliwas sa ipinapakita niya ngayon.
"Cassy... mahal ko," tawag ko sa kanya pero wala akong nakuhang sagot. "namimiss na kita. I'm sorry for taking you for granted before." bulong ko. "Sorry kung iniwan kita, sorry kung hindi ko pinanindigan ang pangako ko sayo na hindi kita iiwan at sasaktan. Na tayo forever. I'm sorry kung nasaktan kita, sorry kung ipinagpalit kita." I heaved a deep sigh before I reached for her hands, "Sorry kung naiparamdam ko sayo na wala kang halaga. Sorry kung naging mahina at mababaw ako. Sorry kung huli na nung na-realize ko na ikaw talaga ang mahal ko. Sorry talaga. Mahal na mahal kita," Kahit wala naman akong nakukuhang response sa kanya, patuloy lang ako sa paghingi ng sorry sa kanya.
Mukhang nakatulog na naman siya. She has this habbit of sleeping anywhere whenever she feels like it.
"Huwag kang mag-alala, Cassy. Papatunayan ko sayo na mahal na mahal kita. Gagawin ko ang lahat." bulong ko ulit. "I love you, mahal ko. Sleep tight..."
Parang sobrang tagal na mula nang huling beses na naging magkalapit na kami katulad ng ganito.
Pero saan at paano nga ba kami nagsimula ni Cassy? Well, we started as strangers. Para kaming dalawang tao na hindi nag-eexist ng mundo ng isa't-isa. Hanggang sa ipakilala kami ni Renz sa isa't-isa. Sinong mag-aakala na may kapatid pala si Renz?
Hindi ko akalain na magiging malapit kami sa isa't-isa, salamat na rin dahil naging madalas na magsama ang banda namin at banda niya.
**
MATAPOS ang ilang minuto, bumalik na din ang liwanag at ramdam ko na rin ang pag-andar ng elevator.
"Cassy, wake up. May kuryente na ulit," Ginising ko na siya pero di pa rin siya gumalaw kaya niyugyog ko na siya. "Cassy!"
"f**k naman!" galit niyang mura sa'kin. "Gising na ako! You don't have to shake the hell out of me!" gigil niyang singhal sa akin.
"Sorry," bulong ko.
"Tss, puro sorry. Let's see it in action hindi yung puro ka salita," seryoso niyang sagot at tumayo na.
Napangiti ako. "Okay... I promised to prove you myself."
"Tss," ismid niya bago ako iwanan.
**
Sandra's POV
I heard it all. Everything that he said, I clearly heard it all.
Yes, it feels good to hear that he's sorry. But that doesn't change the fact that I still hate him. Well, since it feels so good that he's sorry, how about I'll make used of it? Sa ganoong paraan manlang, makabawi ako sa lahat ng sakit na ibinigay niya sa akin.
Sige lang, Jhake. Umasa ka na mapapatawad pa kita para sa huli, mas masaktan ka. And when that happens, ako naman ang magpapakasaya habang nagdudusa ka. Just like how you hurt me.
**