CHAPTER 13

2749 Words
Sandra's POV MABILIS AKONG dumiretso sa opisina ko at iniwanan si Jhake. As much as I wanted to get even with him, may trabaho pa ako at syempre, uunahin ko muna si Lycka. At kung may isang bagay man na masasabi kong masarap iparanas sa kanya, iyon ay ang mawalan ng mga kaibigan. Ang unti-unting makalimutan. Malayo pa lang ako sa pintuan, rinig na rinig ko na ang maingay nilang kantahan sa loob, "Tonight we'll dance, I'll be yours and you'll be mi-i-i-i-ne. We won't look back, take my hand, and we will shi-i-i-ine. She needs a wild heart, she needs a wild heart, I got a wild heart!" sabay-sabay silang kumakanta at hindi man lang nila naramdaman ang pagdating ko. "Oh great! Party's over!" iritable kong awat sa pagsasaya nila. Aba! Ang saya-saya nila samantalang ako natrapped sa elevator? Ang init kaya sa loob tapos ang sikip pa! Para nga akong sinasakal hanggang ngayon, e. "You're late! Nauna kami sayo!" ani Margarette habang sumasayaw pa ng dance step na hindi ko malaman kung saang lupalop ba niya nakuha. "He-he, galing!" I even rolled my eyes just to show her that I'm being sarcastic but she just laughed at me. "Bakit may party dito?" inis kong tanong sa kanila. "E, kababalik lang ng kuryente, e. Ang init kaya kanina, Mama Sands!" Alam niyo na siguro kung sino ang sumagot. Si Gella lang naman ang tumatawag sa akin ng Mama Sands, diba? "So, its time to party!" "Kababalik? Saan galing? Sa mall?" nakasimangot ko'ng sagot sa kanya. "Hue hue! Last mo na 'yan, Mama Sands!" pinaikutan pa niya ako ng mata kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Ikaw din, last mo na. Gusto mo na atang maghanap ng ibang trabaho," seryoso kong banta sa kanya. Isang hirit pa ng baklang 'to, sisipain ko na talaga siya sa planetang pinagmulan niya. "Syempre Joke lang yun ! Ikaw naman MamaSandss ! Hindi ka mabiro !" "Tss!" Inismiran ko lang siya. Kung hindi lang talaga pinsan ni Joan ang Gella na 'to, matagal na siyang may kinalagyan sa'kin. "Ella, what are my schedules for today?" tanong ko kay Ella bago umupo sa swivel chair ko. "You have a skype meeting with Mr. Chua @9:30am–" "Kay Mr. Chua?" putol ko sa sinasabi niya. "Bakit daw?"" "It seems that Ate Joan missed to meet him." sagot niya sa akin na nakatingin parin sa planner niya. Nasaan naman kaya ang cellphone nito? I told her na sa phone na ilagay ang schedule ko para kung sakali ay ise-send na lang niya sa'kin. "Kailangan daw po'ng magka-usap kayo," sabi pa niya. Minsan talaga, dagdag gawain pa itong si Joan, e. Pwede naman na siya na ang kumausap kay Mr. Chua dahil alam niyang may pagka-clingy sa akin ang Intsik naming investor kaya hangga't maaari, siya talaga ang dapat kumausap doon. Siguro'y inuna na naman niya si Mr. Esquetta, ang landi talaga! "What else?" tanong ko habang hinihilot ang sentido ko. Sa totoo lang, nahihilo talaga ako gawa ng pagkaka-trapped ko sa elevator. Para kasi talaga akong na-suffocate ako sa loob at kahit nakalabas na ako, medyo nahihirapan pa rin ako sa paghinga. "Nagpa-schedule din po si Tito Ben ng lunch meeting," "Lunch meeting?" Luch meeting my Ass, Tss! "Cancel that one," utos ko. "Ate, hindi po pwede..." Automatic na tumaas ang kilay ko. "And why not?" "E ... ate, sige na po. Mapapagalitan po ako, e." Mas tumaas ang kilay ko at kung may itaas pa ito gagawin ko na talaga dahil hindi ko ma-gets kung bakit nagkakaganyan si Ella. "No. Bakit? Sino bang magagalit sayo? Si Ben ba?" sunod sunod kong tanong sa kanya. "Ate, hindi po si Tito Ben. Si Sir Renz po," nahihiya pa niya sagot na para bang nagtatago pa siya sa tingin ng Angels. "Bakit siya magagalit sayo? Wala siyang karapatan." "Ate naman, e." bulong pa niya "Bakit ba takot na takot ka sa lalaking 'yon? Baka naman gusto mo'ng ako ang magalit sayo, Ella?" inis kong tanong. "Huwag mong ipilit, baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko," seryoso kong banta sa kanya. "Sorry po! Wag kana magalit, ate," sagot niya habang nagpapa-cute pa pero wala ako sa mood para sagutin pa siya. Ganitong hindi maganda ang timpla ng pakiramdam ko, one wrong move lang at makikita na naman niya kung paano ako mainis. "Ate ... Sorry na. Sige na, hindi na kita pipilitin. Papayag nalang po ako sa deal ni sir Renz," aniya na parang kinokonsensya pa ako. "Anong deal?" tanong ko. Ano na naman kayang ginawa ni Lorenz? Tsk! Hindi naman makasagot si Ella at umiiwas pa rin sa tingin ng Angels kaya si Gella na ang binalingan ko. "Ikaw? Anong alam mo?" "Hay nako! Ayokong makialam! Pero Mama Sands, grabe 'yang si Oppah Renz, a! Alam mo 'yon? Parang bigla kong naisip na nakakahawa ang kasamaan ng ugali mo, e. Iniipit si Ellangge sa issue niyong dalawa! Ayoko talagang makialam, pero basta! Nako!" mahaba niyang litanya. Ayaw pa niyang makialam sa lagay na 'yan. Tss! "Okay, Angelo SantoSagrado, kakalimutan ko na muna ang sinabi mong masama ang ugali ko." sagot ko. Totoo naman kasi 'yon, "Dahil ang focus ko dito ay kung ano ang deal ni Renz kay Ella. Ano ba'ng deal 'yon?" Seryoso ko siyang tinignan. "Wuy, bakla. Wag kang makialam. Lagot ka kay Renz," bulong sa kanya ni Devine pero inismiran lang siya ni bakla. "Hello? Si Mama Sands kaya ang boss ko," inirapan pa niya si Dev bago humarap sa'kin. "I think dapat si Ella ang magsabi. Basta kapag napalayas siya sa bahay niyo, sa dorm ko na lang siya mag-stay." "Sinong magpapalayas?" kunot-noo kong tanong. "Kailangan daw po na sumama kayo sa lunch meeting, dahil kapag hindi ka sumama, siguradong kasalanan ko because I don't convinced you enough. At dahil nagpa-schedule sila, they want us to be profesional with this." paliwanag ni Ella. E, gago pala talaga si Lorenz. Talagang sinasagad ang pasensya ko. "At kapag hindi ako sumama?" tanong ko habang nakataas ang kanang kilay ko. "Humanap na daw po ako ng ibang trabaho at bahay," nakayuko niyang sagot. Narinig ko pa ang pag-ismid ng Angels kaya tinapunan ko sila ng masamang tingin. "Tanga ka ba para maniwala 'don? Gago ba siya? Wala siyang karapatan na gawin 'yon dahil secretary kita. Ako lang ang pwedeng magsesante sayo, alam mo naman 'yon, diba??" Hindi ko na napigilang magalit pati sa kanya. Hindi kasi nag-iisip. Sa tingin niya ba hahayaan ko si Lorenz na gawin 'yon? "Alam ko naman po 'yon, kaya nga po nangatwiran ako," paliwanag niya habang nakayuko pa rin. "Iyon naman pala, e! Bakit takot na takot ka sa gagong 'yon?" "Ate kinuha niya kasi yung phone ko at tatawagan daw po niya ang nanay ko," Natigilan ako nang biglang nagbalon ang luha sa mga mata niya. "Gago talaga," bulong ko. "Ate, natatakot lang naman po ako, e. Baka kung ano po ang sabihin niya sa nanay. Baka biglang atakihin sa puso 'yon," aniya. "Humanda sa akin ang Lorenz na 'yan! Ang kapal ng mukha! Mandadamay pa talaga ng ibang tao para lang sa kagahuhan niya, e." gigil kong bulong habang nilalamukos ang bond paper na nasa harapan ko. "Nako, Ellangge! Away na itey!" I don't know if he's just being OA, pero kapag talagang hindi pa tumigil si Lorenz, baka mauwi talaga kami sa mas malaking gulo! "Stop it, Gella!" sigaw ni Ella sa kanya. Lokong bakla 'to, ngayon ko lang narinig sumigaw si Ella, a! Hindi bagay sa kanya, tss! "Sorry naman," Nag-peace sign pa talaga si Gella. "Wag ka nang mag-alala, Ella. I've got things covered," Binuksan ko na amg laptop ko para icheck ang mga designs galing sa main branch at para ma-email na rin si Joan. "By the way, since wala namang alam ang Missing Angels sa paggawa ng mga sketches at designs, ikuha niyo na lang kami ng tela. In that way, mapakinabangan naman namin kayo," "Edi wow," bulong ni Marg habang nakasimangot pa. "Saan kami kukuha?" tanong ni Alyson. "Stock room? Kapag wala 'don, magtanong kayo sa matandang hukluban," bored kong sagot. "Stop calling him that way, b***h!" singhal sa akin ni Lycka na basta-basta na lang pumasok dito. "Who cares, b***h?" tanong ko sa kanya habang nakangisi pa sa kanya. "I do. Dahil stepfather ko ang tinatawag mong matandang hukluban," maarte niyang sagot. "Nasaan ang paki ko?" I raised my eyebrow, "What do you want?" "I want my Angels," maarte niyang sagot. "Oh, you want them?" tanong ko at tinignan ang mga Angels na parang natataeng ewan. "Then, take them... 'yan ay kung sasama sila sayo," sabi ko na pinalungkot ko pa ang aking boses, wala lang, makapang-asar lang. "so pakibilisan lang ang pagkuha sa kanila, busy kasi kami dito," Inirapan muna niya ako bago balingan ang Angels. "Let's go, Angels! You don't have to pretend na gusto niyo siyang makasama," inis pero full of confidence niyang sabi. 'Pretend? Bakit? Napipilitan lang ba talaga sila? Masakit naman 'yon para sa akin kung nagkataon. "Lycka, ano bang pretend ang sinasabi mo?" tanong ni Ivy. "Alam ko naman na pinilit lang kayo nila Tito Ben at Lorenz, di–" "Ow," sabi ko at kunwari pa'ng nasaaaktan kahit deep inside, iyon naman talaga ang nararamdaman ko."So bad that people here are just puppets, following orders." "No, that's not true! Desisyon namin 'to. No one forced us to do this," paliwanag sa akin ni Eunica. "Lycka, kaibigan natin si Cassy and we want to spend more time with her," "Oh, come on! Stop lying! Kaibigan? Hindi na kaibigan ang turing nya sa inyo! Now you are nothing to this b***h!" sigaw niya habang dinuduro pa ako. "Hoy! Watch your language, lycky-lycky! Wag na wag mong tatawaging b***h ang Mama Sands ko at baka gawin kitang beach ball ng wala sa oras!" sobrang lakas at tuloy-tuloy na sigaw ni Gella sa kanya kaya naman bigla siyang pinamulahan ng buong mukha nang dahil sa sobrang inis. "Sino ka bang bakla ka? Ikaw ba ang kausap ko!?" gigil niyang tanong. "Eh ikaw? Sino ka ba, ha?" tanong din ni Gella kaya naman mas lalo lang nanggigil si Lycka. 'I'm liking this, huh?' "Huh? Hindi mo ako kilala? Ano ka ba? Taga-bundok? Alien?" Nameywang pa si Lycka pero pinaikutan lang siya ng mata ni bakla. "Tatanungin ba kita kung alam ko kung sino ka? Hello!! Common sense naman, girl!" "Huh! Ako lang naman si Lycka Reyes, vocalist ng Missing Angel at stepdaughter ng may-ari ng kumpanyang nagpapasweldo sayo. Kaya mag-ingat ka mga sinasabi mo," banta pa niya kay Gella. "Yeah, you should be careful 'cause she's a certified b***h," Itinuro ko pa siya gamit ang fiber castle pencil ko. "Shut up!" Inirapan pa niya ako bago balingan ulit si Gella. "E, Ikaw? Sino ka?" "Ako?" Biglang lumaki ang boses ni Gella bago lumapit kay Lycka sabay bulong ng, "Secret no clue!" aniya bago dumila, "Asa ka namang sasabihin ko sayo na ako si Darna! Oh no, nasabi ko na!! Ding ang bato!!" Kumekendeng pa niyang asar kay Lycka na halos magkulay kamatis na sa sobrang inis. "That's my Gella," sabi ko at nakipag-apir pa kay Gella na mas lalo lang ikinainis ni Lycka. "Whatever!" She even stomp her feet, "Angels, let's go!" gigil pa niyang baling sa Angels na parang hindi na malaman ang nasa isip. "Okay, I'll make this easy for everyone." I heaved a deep sigh to let them think na nanghihinayang ako, "You can leave this room and be with Lycka or you guys will stay and spend some quality time with as you call it." Ngumiti ako bago ipagpatuloy ang aking pagsasalita, "But, the moment you stepped out of that door, you can't get in anymore. " "b***h ka talaga, no?" sagot sa akin ni Lycka at maarte pa nameywang sa harap ko, 'Asa ka namang ikaw ang pipiliin ng Angels. Ang kapal lang talaga ng mukha mo. Matapos mo silang iwanan na lang bigla, sa tingin mo ikaw pa rin ang pipiliin nila?" Umiling pa siya at tinignan ako na para bang awang-awa siya sa kalagayan ko, "You're impossible," "Hindi ikaw ang pinapapili ko, Lycka. In fact, I don't even ask for your opinion," malamig kong tugon sa pagmemeste niya. "Let's hear it from them." "Angels?" Maotoridad niyang tawag 'don sa lima. Wala namang mawawala sa akin kung sakaling si Lycka ang pipiliin nila, which I'm quite sure na siya namang gagawin nila dahil iyon naman ang ginawa nila noon. "Sorry, Lycka..." kagat-labi pa'ng bulong ni Ivy. "sorry," "What? Anong sorry?" Nguniti pa siya kahit halata na sa mukha niya ang pagkapahiya. "It's okay, you're forgiven for making decisions without telling me, pero tara na. Don't worry, hindi naman ako galit sa inyo," Natatawa na lang ako sa totoo lang, mukha siyang tanga sa ginagawa niya. Hindi pa ba obvious kung ano ang desisyon ng Angels para sa kanya? "You don't understand," bulong ni Alyson. "Sorry 'cause we can't choose you right now, this is our chance to be with Cassy, and we can't just waste it. We've been waiting for so long. Sana maintindihan mo kami," I must admit, I was touched for she said. Dahil ang expect ko, si Lycka ang sasamahan nila. "What? Ganoon na lang 'yon? Paano na ang banda? Ang Missing Angel?" bulalas niya. "Ano 'yon? Tapos na?" "Woah! Don't panic Lycka, we won't quit. We just really want some quality time with Cassy," paliwanag naman ni Eunica. "Quality time?" Mabilis na umarko ang kanyang kaliwang kilay, "So, kayo pa ngayon? I mean, tayo pa ngayon ang dapat mag-adjust sa kanya? E, hindi ba't siya itong umalis ng walang pasabi? Di ba't siya itong nang-iwan sa ere?" "Past is past na kasi Lycka," ani Marg na kanina pa nagpipigil ng luha. "Past is Past? So, ganoon na lang talaga? Itatapon niyo na 'ko sa isang tabi dahil lang sa bumalik na siya? Ganoon ba?" sunod sunod niyang tanong. "Of course not! Ano bang pinagsasasabi mo? We won't do that to you, ano ba'ng tingin mo samin? Basta na lang tumatalikod sa kaibigan?!" pasigaw na sagot ni Devine. 'Yes, Dev... that's what you are,' sa isip isip ko. "Talaga? Then come with me , may pa interview tayo ngayon, diba? Tapos may practice pa tayo. Kaya tara na, umalis na tayo dito," mapilit parin niyang sagot at kulang na lang ay kaladkarin na ang Angels. Pero sa kabila 'non, walang gumalaw sa kanila. "Well, I think this discussion is over and we have the Angel's decision," seryoso ko'ng sabat sa drama nila, "Pwede ka naman na sigurong umalis, because if it is not obvious to you, kanina pa delayed ang trabaho namin dito. So go, or else.... baka naman gusto mo din na magtrabaho para sa akin?" "No way! Work your ass, b***h!" gigil na gigil niyang bulyaw sa akin. "Oww, sayang naman." Nag-kunwari pa akong nalungkot sa sinabi niya. "Ito ang itatak mo sa kukote mo'ng walang ibang laman kundi selfishness," Lumapit siya sa table ko at bahagya pang dumukwang sa akin, "hindi mo magagawang agawin ang Angels sa akin," bulong pa niya pero ngumisi lang ako sa kanya bago gumanti ng bulong. "You don't have to worry about that dahil wala naman akong aagawin sayo, pero babawiin, marami." Isinandal ko ang aking ulo sa sa swivel chair at muling bumulong sa kanya. "So you better hold on tight sa mga bagay at taong hawak mo ngayon, dahil babawiin ko ang lahat ng akin. I swear na isa-isang silang mawawala sayo, so enjoy it while it lasts!'' Isang malokong ngiti ang binigay ko sa kanya bago sulyapan ang Angels na hindi parin mga kumikibo. "Sa tingin mo hahayaan ko yung mangyari?" Tumawa pa siya. Yung tawa na bagay na bagay sa kanya, tawa ng isang b***h. "Dream on, Cassy. I won't let you win," I rolled my eyes on her bago sumagot. "You're wrong, I'm one step ahead of you and I'm already winning. And you can't win against me because in this game, I'm the master at ikaw? Isa ka lang piyesa na susunod sa gusto ko. You're just a tiny piece in this game, Lycka. So, brace yourself. Nag-uumpisa pa lang ako," Hindi na siya sumagot at gigil pang lumabas ng opisina ko. Tinapunan pa niya ng masamang tingin sina Ella at Gella pero inismiran lang siya ni bakla at inakmaan pang babatuhin ng isang gunting. Isang malokong ngiti ang kusang gumuhit sa mga labi ko. 'Naiinis ka na ba, Lycka? Tsk. Tsk. Tsk. I'm just starting.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD