CHAPTER 14

4037 Words
Sandra's POV "Intense! Para akong naka-tune in sa isang telenovela! Ang galing mo doon, Mama Sands!" Pumalakpak pa talaga si Gella. Galak na galak naman si bakla! "I know," matipid ko na lang na sagot dahil tinatamad ako. I was a about to check an email nang biglang may malakas na tunog ang bumulabog sa amin kay automatic na napadako ang paningin ko sa pinto. Sinasalakay na ba ako ng mga Isis?? Literal na nawasak ang pinto ng opisina ko. 'Who the hell did that?' "Cassy, okay ka lang ba?/Baby ko, nasaktan ka ba?" magkasabay pa nilang tanong habang humahangos papalapit sa akin. Bakit ba nangyayari 'to? At anong pag-iinarte ang ginagawa ng dalawang unggoy na 'to? "Lorenz! Jared! Ano ba'ng trip niyo!? Ang OA ng entrance niyo, a? Kailangan ba talagang sirain yung pinto?!" bulyaw ko sa kanila. "Natrapped ka daw sa elevator?" Nanlalaki pa yung mga mata ni Lorenz habang nagtatanong. Ang OA talaga diba? "Oo nga Baby ko! Natrapped ka ba talaga sa elevator?" tanong din ni Jared na mas ginalingan pa si Lorenz sa pagiging OA. They're so annoying, at pinapasakit lang nila masyado ang ulo ko. "Pre, 'yon din yung sinabi ko! Inulit mo lang!" mahinang bulong ni Renz. "Pareho lang ba?" pabulong din naman niyang tanong kay Renz. Tumango naman si bulol bilang sagot. "E, bakit ba? Paki mo ba? May Baby ko ba yung sayo? Wala naman, diba?" Muntanga naman na parang nag-isip pa si Lorenz, "Ay oo nga, no? Sorry naman, 'pre!" Napa-facepalm sabay hilot na lang ako sa sentido ko. Anong klaseng droga kaya ang tinira ng dalawang 'to? "Baby ko, nasaktan ka ba, ha?" Pilit pa niyang sinuri ang buo kong katawan. "Gusto mo ba'ng dalhin kita clinic?" "Alam mo...niyo, kung may ranggo man ang pagiging OA, Heneral at Coronel kayo!" Sininghalan ko pa sila, "Kung makapagreact kayo, akala mo naman na-kidn*pped ako! Oy na trapped lang ako sa elevator," "Worried lang naman kami, e." Lumabi pa si Renz, tss. Akala yata niya bagay sa kanya. "Ang sabi kasi ni Jhake, gumegewang ka na nung makalabas kayo sa elevator. Nahihilo ka ba?" tanong pa niyang tanong at akmang lalapit pa sa akin pero mabilis na pumagitna sa amin si Jared. "Ako, baby ko, worried na worried ako sayo. Si Renz kasi worried lang," Sinimangutan ko siya dahil parang ayaw niyang magpalamang kay Lorenz. "sure ka bang okay ka lang?" "Aish! Ewan ko sa inyong dalawa!" iritable kong sigaw. "Pero, hindi. Seryosong usapan, okay ka lang ba talaga?" Bigla na lang naging seryoso ang boses ni Jared at punong puno ng concern na pagsasalita niya. Agad naman akong nakaramdam ng parang biglang may naghajanulang mga kabayo sa loob ng dibdib ko. Bakit ang gwapo ng pangit na 'to kapag seryoso? I cleared my throat pambawi lang sa kabaliwan ng utak ko. "I'm fine! Paranoid lang naman kayo, e. Medyo nahihilo lang ako," sagot ko naman. What's the point of lying? E, hindi rin naman ako titigilan ng dalawang bugok na 'to, diba? "Are you sure?" seryoso na ring tanong ni Renz. "Yes and for Pete's sake, I'm not a two-year-old girl, okay? Alam ko naman ang dapat gawin if ever that I'm not okay. So, you both don't have to freak-out." Hindi ko maiwasan ang mainis sa kanila. "You two better fix that door. I want that be repaired at least by tomorrow," "Don't worry, ako na ang bahala," seryoso pa ring sagot ni Renz. Tss! Kanina lang mukhang tanga sa pagiging OA, ngayon naman nakakatakot na ang pagiging seryoso niya. Abno talaga, e. Hindi niya ba alam na hindi bagay sa kanya? "Sure na sure ka bang ayos ka lang?" mas seryosong tanong ni Jared, isa pa itong abno, e. "Oo nga…" Pinaikutan ko siya ng mata, "look, kumpleto pa ang body parts ko, nakakahinga pa ako," sabi ko at talagang nag-effort ako na tumayo! Ewan ko ba kung bakit ako nagpapaliwanag sa mga bugok na 'to, dahil parang nasasayang lang ang laway ko, e. Paulit-ulit lang, e. "That's good to know," sagot naman niya at hindi pa rin tumatakas ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha. Titig na titig lang siya sa akin kaya hindi ko maiwasan ang biglang makaramdam ng pagkailang. "By the way, baka makalimutan mo yung date natin sa sunday, huh? Baby ko?" Medyo lumambot na ang ekspresyon niya pero titig na titig parin sa mukha ko. "Anong meron sa sunday?" tanong ni Lorenz sa amin pero hindi ko siya pinansin. "Seryoso ka ba?" tanong. Akala ko kasi wala lang 'yon. Bigla siyang sumimangot sa tanong ko. Bakit? May nasabi ba akong mali? "B-bakit ganyan yung mukha mo?" Umiling muna sya bago sumagot. "Seryoso ako sa date natin. Susunduin kita, early in the morning." "Date?!" sigaw nilang lahat. Tss! "Ah, 'kay." sagot ko na lang. Masyado siyang excited. Friday pa lang, sa makalawa pa yung sinasabi niyang 'date' namin. "Oh? Tapos na kayo?" medyo iritableng tanong ni Renz sa amin. Tumango naman ako at bumalik na sa pagkakaupo. "Good! Alis na kami, a? May praktis pa kasi kami, e." 'Sila lang naman ang OA na sumugod dito, tss!' Lumapit siya sa akin at humalik pa sa noo ko. "See you later sa lunch meeting , we already made the reservation sa JADE's Place," aniya at nakita kong bahagya pa siyang sumilip kay Ella. "By the way, 'wag ka munang manonood ng TV." "Bakit?" Tinaasan ko pa siya ng kilay. "Basta. Sumunod ka na lang," nakasimangot niyang sagot sa tanong ko. "I stopped following orders three years ago. Asa ka namang susunod ako sayo," bored kong sagot. "Tss! I'm the man here, okay? You must obey me!" Parang bata niyang pagmamaktol sa harapan ko. "Man your ass," I gave him a straight face. "You're now in the 21st century, Renz. There is this what we call equality and besides, women rule the world," seryoso kong sagot habang nakapangalumbaba pa. "That's not true, diba Jared? Nananatiling mga lalaki ang dapat masunod, diba pre?" sabi niya at kinalabit pa si Jared. Naghanap pa talaga ng kakampi ang gunggong! Hindi naman agad nakasagot si Jared dahil pinandilatan ko siya. Subukan lang niyang panigan si Lorenz, tatamaan siya sa'kin. "Ah... eh... pre, gusto sana kitang sang-ayunan, e..." Pag-uumpisa niya, "kasi kung ako man, I believed that men are always on top, pero..." Binitin pa niya sinasabi niya at nilingon pa ako, "As long as it's my baby who's on top, I'll still be happy," Ngumiti pa siya sa akin bago kumindat. Naramdaman ko na lang ang pag-init ng aking pisngi. 's**t! Ang hot!' Fuck! Cut it out, Sandra! Nagiging OA ka na rin masyado! Nahawa na yata ako sa dalawang kumag, tss! "L-lumayas na nga kayo!" iyon na lang ang nasabi ko at pilit silang pinalayas. Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mga pisngi ko, idagdag pa ang malakas na pagkabog ng puso ko. This is not so me, it's more like of Cassy, the girl who believes in fairytales and happy endings. Pero ako si Sandra at sino ba ang niloloko ko? Fairytale? Happy ending? Sa libro lang nage-exist ang mga 'yon. "Isa kang taksil sa ating lahi! Taksil ka Jared, taksil!!" Nagawa pa talaga niyang magdrama. 'Kiilala nyo ba 'to?' Parang gusto kong ipagkaila na kapatid ko ang gunggong na 'to, e. "Lumayas na kayo!" Pagtataboy ko sa kanila. "Hanggang may natitira pang pagtitimpi sa utak ko, umalis lang kayong dalawa sa harapan ko. Lalo niyong pinapasakit ang ulo ko!" "Oo na. Ito na nga't aalis na!" Lumabi pa sa akin si Lorenz, "Basta 'wag kang manunuod ng TV, okay? Angels, bantayan niyo 'tong pasaway na 'to, ha?" Pangungulit pa niya bago humalik sa aking noo. Tumango naman ang Angels na kanina pa nakatunganga sa amin, "Wag ka nang makulit, ha?" bilin pa niya. "Kay," sagot ko na lang pero asa naman na susunod ako. Bugok ba siya? E, mas matanda ako sa kanya ng tatlong minuto kaya 'wag siyang umarte. "Ba-bye na, baby ko!" paalam naman sa akin ni Jared at sasagot pa sana ako nang biglang na lang lumapat ang kanyang labi sa pisngi ko! "Manyak!!" malakas kong sigaw. "I love you more, baby ko!!" sigaw dib niya habang kumakaripas ng takbo palabas ng pinto. Bwisit! Nakakarami na sa akin ang hampas- lupang pangit! Isa pa talaga at ihahampas ko na siya sa lupa! "Ayieh! Hashtag, in love, pumapag-ibig!" Pang-aasar pa ni Ivy. "S-shut up, Ivy! I'm not in love with that psychotic perv!" giit ko pero mas lalo lang siyang ngumisi. "Okay, sabi mo, e." "I said I'm not in love with him! Hindi pa ba malinaw 'yon?!" sigae ko pero mukhang pinipikon talaga niya ako! "Okay. Kung 'yan ang sabi mo, e." Nagkibit-balikat pa siya. "Urgh! Talking to you is non-sense!" inis kong bulyaw kay Ivy at nilingon yung iba na nakatingin lang sa akin. "What!? I said I'm not in love with him, okay?!" "Kay. Chillax lang, Mama Sands! Wala naman kaming sinasabi, e." Nagawa pa talagang tumawa ni bakla. Aba! Hindi ba niya alam na nanggigigil na ako sa kanya? "Huwag mo na kaming idamay kung nasa confusion stage pa. Ang defensive mo masyado!" "No I'm not ! Bakit naman ako magiging defensive? Huh? With that Jerk? Never!" Pinandilatan ko silang lahat pero tawa at ngisi lang ang sinagot nila. 'Ugh! What is their problem? Bwisit!' "Gella, buksan mo yung TV," utos ko kay bakla. Hindi naman uso sa akin ang manuod ng TV pero nang dahil sa pag-iinarte ni Lorenz, na-curious tuloy ako. It's like he's hiding something, e. Sumunod naman agad si Gella pero hinarang siya ni Devine, "Hoy! Bakla, bawal nga daw, diba?" "Ay! Oo nga pala!'' Nagmamadali pa siyang ibinalik ang hawak na remote control. Automatic na tumaas ang aking kilay, "Teka? Sino ba ang boss sa atin? Parang ako yata 'yon, diba? At saka, diba may inuutos pa ako sa inyo?" Baling ko sa Angels, "Shoo! Alis na! Kailangan na namin yung tela," "Oo na! Alis muna kami pero babalik din naman agad," sagot naman ni Alyson kaya tumango lang ako. "Walang magbubukas ng TV, ha?" pahabol pa niyang bilin bago lumabas ng opisina. "Sige lang," matipid kong sagot habang nakatingin sa cellphone ko. Pasimple ko pa'ng hinintay na makalabas silang lima. At nang tuluyan na nga silang nakaalis, kumuha ako ng isang scratch paper at linamukos iyon bago ibato sa direksyon ni Gella. Muntikan pa akong matawa nang makitang halos magmukhang crumpled paper ang mukha ni bakla! "Ano ba, Mama Sands?" nakasimangot niyang tanong. Mukhang napalakas yata ang pagkakabato ko, e. Itinuro ko sa kanya yung TV gamit ang aking nguso pero umirap lang ang bakla, "Bawal nga daw, diba? Alin ba 'donbang hindi mo ma-gets?" "Wala akong pakielam," I gave him a bored look, "Turn it on!" utos ko pa. "E, sabi nga ni Oppa Renz, bawal." nakanguso pa niyang sagot. 'Aba't matindi!' "Okay... Gella, let's have some reality check here, hmm?" Nakangiti ko pang pagsisimula at tumango naman siya. Pati si Ella na abala sa pagdo-drawing ay nakatingin na sa akin "Gella, sino ang nagpapa-sweldo sayo?" "Uhm, ikaw po Mama Sands, pero technically speaking, ang kompanyang ito ay pagmamay-ari ni Mr. Villaruis, so it means siya ang nagpapa-sweldo sa akin," maarte niyang sagot. Bugok pala talaga 'to, e. Huminga muna ako nang malalim bago muling nagsalita, "Okay. Let say that you have a perfect point there, pero..." Kinuha ko yung gunting na nakalagay sa ibabaw ng table ko bago ngumiti sa kanya, "sabihin mo sa akin, sino sa tingin mo sa amin ni Lorenz ang may kakayahang iturok ang gunting na 'to diretso d'yan sa lalamunan mo? As in right here and right now," Pinalamig ko pa ang aking boses habang pinaglalandas ang kamay ko sa gunting. I saw him gulped twice bago umiling nang napakabilis. Hindi maipinta ang kanyang mukha habang nagpipigil naman ng tawa si Ella. "So, buksan mo na yung TV bago ko maisip na palusutin ang gunting na 'to sa leeg mo," "Y-yes, Mama Sands!" nauutal pa niyang sagot at halos madapa sa pagkuha ng remote control. Hindi na napigilan ni Ella at napabulalas na siya ng tawa. "Anong nakakatawa?! Ikaw kaya ang harap-harapang tutukan ng gunting?" galit niyang baling kay Ella na tawa pa rin ng tawa! "Asa ka naman kasing gagawin talaga ni Ate Sandra, 'yon!" natatawa paring sagot ni Ella. "S-sure ka?" Ako naman ang natawa ngayon. Takot na takot yung itsura ni Gella. Yung mukha niya, hindi maipinta pero the best talaga yung panginginig niya! "Mama Sands naman, e! Nakakainis talaga! Tinakot mo ko!" "I won't do it. Hindi sayo, Gella. So, let's find out kung ano ang itinatago ni Lorenz." Nanginginig pa rin niyang binuksan ang TV kaya nanuod na lang ako, "Put it on the news channel," Hindi naman na siya sumagot at sinunod na lang ang utos ko. {SHOWBIZ UPDATE ! RENZ' GIRLFRIEND: REMAIN UNKNOWN! Mga fans, nagluluksa!} Okay, ang OA ng headline na 'yan. Nagluluksa? Anong akala nila sa kakambal ko? Namatay? At saka, ito ba yung ayaw niyang ipakita sa'kin? Pero, teka... "Holy crap! That's me!" sigaw ko habang nakatutok sa TV. And the heck with that news, girlfriend?? Hindi ko alam ang ire-react ko pero I just found myself laughing... out loud! "Wow! Ang saya mo lang, Mama Sands? Tuwang-tuwa ka naman masyado, no?" Inirapan pa ako ni bakla habang tawa pa rin ako ng tawa. "Tsk! Bakit ba kasi dalawa ang mga oppa mo?" "Dalawang ano?! Oppa?" Tuloy lang ako sa pagtawa. Ano bang iniisip nitong si Gella? Don't tell me na naniniwala siyang boyfriend ko si Renz? "So! Mama Sands, oras na para mamili ka. Si Oppa Renz o Oppa Red?" sabi ni Gella habang papalapit nang papalapit yung mukha niya sa mukha ko. "Ano bang sinasabi mo? Walang dapat piliin, okay? Hindi ako girlfriend ni Lorenz," "Hindi? E, bakit magka-date kayo kahapon sa isang Theme Park? Tapos hinalikan ka pa niya sa noo bago umalis! Tapos sasabihin mong Hindi ka niya girlfriend? So si Jared ang boyfriend mo? Mama Sandss, isa-isa lang! Wag sabay sabay ang mga Oppa na sobrang yummy!" mahaba niyang litanya. "Baliw! May depekto ba yang mga mata mo at lahat ng tao sa Pilipinas? Bakit ba gwapong-gwapo kayo sa mga pangit na 'yon?" tanong ko. "Not me ate, not me." natatawang side comment ni Ella. "E, bakit ganun? Kung hindi si oppa Renz, si Oppa Red naman! Hinatid ka niya sa mall, lagi siyang nagsasabi ng I love you, diba?" "W-Wait!" awat ko sa kanya. ''Can you please stop that delusion? There's no way na magiging kami ni Renz and even that jerk Jared. Hindi talaga!'' "I don't believe it!" mataray na sagot ni Gella. "If I were you Gella, tigilan mo lang si Ate Sandra." bulong sa kanya ni Ella. "E, bakit? I'm just concern lang naman! Alam ko at nating lahat na mala-dyosa ang ganda niya pero it's not right na mamangka siya sa dalawang ilog," "Woah! Grabe, ha? " natatawa kong sagot. Hindi ko yata magagawang magalit sa baklang 'to. Though his interpretation about everything is... well, out of this world. Hindi ko lang talaga maiwasang matuwa sa reaksyon niya. "Okay Gella, may ishe-share ako sayong open secret na dahilan kung bakit hindi kami pwede ng Oppa Renz mo, ha?" "Open secret? Don't tell me..." Tinakpan pa niya ang kanyang bibig, "tomboy ka?" "What? Get lost with that idea!" natatawa kong sagot. "E, ano ba yung open secret?" "Patapusin mo muna kasing mag-explain si ate," ani Ella bago siya ilingan. "OkeyAyChatap," sagot ni bakla. Ayan na naman siya sa mga alien word niya. "Okay, Angelo Louis Santosagrado," Nakita ko siyang sumimangot ng todo matapos ko siyang tawagin sa totoo niyang pangalan. Baliw talaga! "Alam mo ba kung ano ang totoong pangalan ko?" Umiling lang siya bago sumagot. "Sandra Martin, diba?" "Nope. Ayoko mang sabihin 'to, but my real name is Cassandra Lorena Martin Villaruis." "Villaruis? It means... magpinsan kayo?" Napasapo na lang ako sa aking noo. Bakit ang slow niya? "Magkapatid kami ni Lorenz, infact magkambal pa nga, e." paliwanag ko. "Ah... okay. Twins lag na–twins? Is that for real?? Weh??" Mukhang hindi siya convinced. Tss! "Unfortunately, yes. May kakambal akong gunggong!" Nagpakawala pa ako ng malalim na buntong hininga. "Hindi ako inform na may kakambal pala si Oppa Renz. Grabe, I feel so betrayed!" maarte pa niyang sigaw. "Ang hindi ko maintindihan sa inyong mga fans ng Great Survival, you are all so obsess with them!" Reklamo ko. "Hindi na ako magugulat kung may manghaharang na naman sa akin at bubugbugin ako. It all happened before. Ang pagkakaiba lang ngayon, lalaban na ako at hindi ako titigil hanggat hindi nababalian ng buto kung sinuman ang mag-aatempt na saktan ako," sabi ko habang inaalala yung insidente ng pambubully sa akin ng mga fans nila Renz sa banyo. Pinili kong tawanan sila that time dahil wala naman akong mapapala kung magagalit ako. At saka, hindi marunong magalit si Cassy. "Ate, you mean napagkamalan ka na rin na girlfriend ni Sir Renz noon?" Nakapangalumbaba pang tanong ni Ella. "Yeah, and believe me na awang-awa ako sa mga fans nila that time. Masyado silang humaling na humaling sa mga pangit na unggoy!" natatawa kong sagot. "Pero, Mama Sands! Ang lakas mong makatrending ngayon, a!" maarte pa siyang rumampa sa aking harapan. "Bakit naman?" I asked. "Can't you see? Halos buong Pilipinas nagpapaka-detective Conan just to find out kung sino ka talaga. Tinabunan mo bigla yung issue tungkol sa trapiko, mas pinag-uusapan kung sino ka kaysa sa presyo ng bigas at gasolina!" He said with matching hand gestures pa. "Okay, ang OA ng explanation mo. I bet may mga mas valuable issues naman siguro ang nasa isip ng mga tao than to find out kung sino ako, diba?" I asked. "Siguro," nagkibit-balikat pa siya. "E, Mama Sands yung kay Renz, okay na. Pero paano yung kay James Jared? Kamag-anak mo din ba siya?" "James Jared?" Sino naman 'yon? "Edi si Jared!" Ahh... so, James Jared pala ang full name niya. "Well, Jared's case is different," Napayuko pa ako. ''I don't see myself being in a relationship ever again." sagot ko. Halata naman sa mukha nila na gusto nila ng additional explanation kaya nagpakawala ako ng buntong hininga. Wala naman sigurong masama kung magkukwento ako, diba? I think I can trust both of them naman, e. "I know a story of a girl who at the very young age ay nakaexperienced na malunod, kahit naka-survived siya, the fear of getting drown is always there. Kasabay niyang nag-grow yung takot niya sa tubig. Let's just say that I'm just like her. Just different scenario, but still the same.'' Nag-angat ako ng ulo at tinignan sa Gella. "In short, hindi ka maka-move on sa past? Hello naman Mama Sands, hindi lahat ng lalaki sa mundo kagaya ng ex mo," he stated. "Nand'yan pa ang kakambal mo at most of all pati ang father mo, diba?" "I know, but that's the worst part..." Yumuko ulit ako para itago ang namumuong luha sa aking mga mata ko, "hindi naman ako ganoon kababaw para dahil lang sa iniwan ako ng boyfriend, I mean ng Ex ko, e magbabago na ako. Marami kasing nangyari that time, nagkapatong-patong lahat ng sakit at sama ng loob kaya nagdesisyon akong iwanan sila at baguhin ang sarili ko." Naramdaman ko na lang na may humahagod ng likuran ko. It feels so comforting. Kasabay nito ang pagbagsak ng mga luha ko. "Ssshh, it's okay, ate. Okay lang 'yan. Sige lang, iiyak mo lang 'yan," Tuluyan na niya akong yinakap. "Sorry Mama Sands, hindi ko naman po alam, e. Don't worry, I won't ask anymore. Tumahan ka na," pag-aalo pa niya sa akin habang hinahahod ang aking likod at pinupunasan ang luha ko. Huminga ako nang malalim bago magsalita, "Para akong tanga! Umiiyak ako sa mga walang kwentang tao!" I faked a laugh to cover the pain . Pero, ang hirap pa rin pala. Ang hirap parin kahit sobrang tagal na. Somehow, nakaramdam ako na parang gumaan ang pakiramdam ko. Kailan ba ako huling umiyak nang ganito? Kay Joan pa ata 'yon, e. "Wow! May group hug! Sali ako!!" Narinig ko ang boses ni Marg. Pasimple kong pinunasan ang mukha ko. Ayoko namang makita niyang umiiyak ako. "Nakakuha kayo?" tanong ko matapos kong kumalas sa pagkakayakap nung dalawa. Nang tignan ko si Marg, may dala nga syang tela pero yung mga malilit na samples lang na pinadala ko kanina at isang rolyo ng kulay itim na tela. "Yan na 'yon? Todo na yan? Ang dami nung pinapakuha ko. Iyan lang ang available?" "Huh? Hindi a! Kumpleto kaya!" sagot naman niya pero kumunot ang noo ko. E, nasaan diba? At saka, nasaan ang Angels? "Oh, need daw ng pirma mo dito," aniya at iniabot pa sa akin ang isang folder. "E, nasaan yung mga tela? At bakit ikaw lang? Nasaan yung mga kasama mo?" tinaasan ko siya ng kilay. "Kasunod ko na. Bitbit nila yung mga tela. Hindi mo naman sinabi na nasa first floor pala ang stockroom!" reklamo niya. "Tapos under maintenance yung elevator dahil nagalit daw ang tito Ben nang malamang natrapped ka sa loob then hindi gumana yung emergency button. Ayon, kaya gumamit kami ng hagdan. Nakakapagod nga, e!" "What? Humingi naman siguro kayo ng tulong, diba?" "Hala, pwede ba kaming humingi ng help?" nagtataka niyang tanong. "At saka, dapat hinintay niyo na lang na maayos yung elevator! Nasaan na sila?" inis kong tanong sa kanya. "Kasunod na nga," sagot niya na para ba'ng nakukulitan na siya sa'kin. "Iniwan mo sila??" "Oo ng bagal nila, e." nakanguso pa niyang sagot. "What?'' bulyaw ko sa kanya. Hindi na naman niya ginamit ang utak niya. Tss! "Gella, hurry. The Angels need our help," Tumayo na ako at dumiretso agad sa hagdanan. Kasunod ko naman yung tatlo. "Marg, bakit mo sila iniwanan? Mabibigat 'yon! You should have asked someone para buhatin 'yon para sa inyo!" may halong pagkairita ko'ng sermon sa kanya. "Cassy, 'wag ka nang magalit. Sayo naman pala nagmana ng pagiging OA ni Renz, e." bubod pa niya. Tsk! OA na kung OA pero hindi naman sila sanay sa ganito, e! Nagsisisi tuloy ako na tinanggap ko sila. Mayamaya lang nakasalubong na namin ang Angels at kulang na lang at kulang na lang patayin na nila sa tingin si Marg. "Walangya ka Marg! Iniwan mo kami! Ang bigat kaya ng mga 'to!" inis na reklamo ni Devine na may bitbit na apat na rolyo ng tela. "Magtago ka na dahil mababatukan talaga kita!" I don't know, bigla kasi akong naawa sa kanila. I know how heavy those silks are. Plus the fact na hindi naman sila sanay sa ganitong mga gawain. They were treated like princesses sa kanya kanya nilang households. "Bakit hindi kayo humimgi ng tulong? Ang daming nagkalat na lalaki sa ibaba!" sermon ko habang tinutulungan sila at ganoon din ang ginawa nila Gella. 's**t, this shits are heavy!' Pakiramdam ko lalo lang nadagdagan yung pagkahilo ko. Parang bumigat na din ang sarili kong katawan. Medyo nahihirapan na din akong huminga. Ewan! Baka dahil lang sa mabigat talaga yung mga bitbit namin. Nang makabalik kami sa office, kanya kanya sila ng reklamo pero pinili kong manahimik muna. "Grabe! Kangalay!" sigaw ni Alyson. "Oo nga ! Grabe!" sang-ayon naman ni Ivy. Tss! "Wait, kukuha muna ako ng maiinom." ani Eunica. "Ay girl, samahan na kita!" Prisinta pa ni Gella. "Anong gusto mo, Mama Sands?" Sasagot na sana ako pero napangiwi ang labi ko biglang pagkirot ng sentido ko. "Ate? Bakit? Okay ka lang?" "Ha? I'm fine. B-bakit?" tanong ko kahit alam ko namang hindi ako okay. s**t, sinusumpong yata ako! "Namumutla ka kasi, e. At saka ang bigat ng paghinga mo," worried niyang sagot. "Pagod lang 'to." pagdadahilan ko na lang. "Saan niyo naman ba kasi iniwanan ang mga utak niyo? Hindi ba ka–" medyo naudlot ang pagsasalita ko nang kumirot na naman ang ulo ko. "Fine. Magpahinga muna kayo." bulong ko. Parang umiikot yung paningin ko. "Ate?" "Ayos lang ako. I'm fi–" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko dahil bigla na lang nagdilim ang paningin ko at ang tanging narinig ko na lang ay ang mga sigawan nila. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD