Sandra's POV Hindi ako mapakali at nakatingin lang ako sa box na narecieve ko kanina lang. Dahil sa lintik na box na to, hanggang ngayon hindi pa din ako kinakausap ni James. Hindi pa nga bumabalik eh. Pero mali ba talaga yung mga nasabi ko? Mali ba na mas pinili kong maging relax at matapang? Hindi naman talaga ako natatakot kasi for me kaduwagan yung pagpapadala ng mga death notes eh. Past 1 o'clock na, ibig sabihin halos isa't-kalahating oras na mula nung iwan nya kami dito sa sala. Tulog na yung tatlo. Pinagkasya nila yung mga sarili nila sa sofa, convertible naman yun kaya medyo maluwag pa. Nasa gitna nila si Joan na nagmukha nang Unan na yakap-yakap ng dalawang bata. Natatakot pa kasi si Ella na pumanhik sa kwarto namin para doon na matulog. Kaya ayan, nagtsaga silang tatlo sa so

