Sandra's POV
"Slave, give me my water." Tinitigan ko siya bago balingan ang baso ng tubig na nasa kaharapan lang naman niya. I rolled my eyes at hindi siya sinunod. Tss, anong akala niya? Hindi naman siya lumpo, e. Tiyaka, obvious naman na nagpapasikat lang siya sa mga kabanda niya. Si Jhake lang kasi ang kulang sa kanila, nandito sina Lance, Echo, Jack at ito nga'ng epal na 'to. "Slave, I said water!" utos nya ulit.
"Oh tapos, anong gusto mo? Ako pa magpapa-inom sayo? Inutil ka ba?" Taas-kilay kong tanong sa kanya, nakita ko siyang ngumiti nang malapad kaya mas napasimamgot ako.
"Hindi sana," nakangiti pa niyang sagot. "pero since ikaw ang nag suggest, why not try it, diba? So, painumin mo na ako… or else, you won't see your loving Casper ever again." Pagbabanta pa niya. f**k! Kung hindi ko lang talaga mahal si Casper, I won't do this s**t! Padabog kong kinuha ang baso ng tubig na kung tutuusin ay mas malapit naman sa kanya… I flashed an evil grin before I emptied the glass by giving him a free shower. "Putcha! Ano ba?!" Sigaw niya sa akin habang pinupunasan ang kanyang sarili.
"Ops, my bad." Nakangiti kong sagot sa kanya kaya naman mas nainis siya sa akin.
"Sinadya mo 'yon!" Muli niyang sigaw.
"So?"Pinaikutan ko siya ng mata bago ismiran, "Ilang utos pa ba bago ko makuha si Casper? May trabaho pa ako." Flat ko'ng sagot sa kanya. Totoo naman, e. Saan ka nakakita? Dito na nga sila nakikain ng almusal at parang wala pa silang balak na mag silayas! Mga peste din talaga, e. Tapos, idagdag pa 'tong epal na to! Napa-expert niya sa pambubwisit sa akin.
"Hindi mo siya makukuha!" Inis niyang sigaw kaya tinapunan ng masamang tingin.
Huminga ako nang malalim bago siya pagmasdan. If hindi ako nagkakamali, base na rin sa suot niya, sigurado akong may dala din siyang motor ngayon. I smirked. Gusto mo ng laro? Then I'll give you a game.
Padabog akong pumanhik sa kwarto para maligo. Akala yata ni epal, papatalo ako sa kanya, e. Mabilis kong ginawa ang mga morning rituals ko bago magbihis nang pinaka-komportableng damit at dali-dali nang bumalik sa ibaba. As expected, nandoon pa rin silang lahat dahil nga makalapal ang mga mukha nila.
"Lorenz, isabay mo muna sayo si Ella." Nakita ko pa ang kakaibang ngiti sa labi ni Lorenz kaya pinutol ko rin kaagad ang pagpapantasya niya. "Lilinawin ko, isasabay mo lang Lorenz. So, lay a single f*****g finger on her at kakalimutan ko na blood is thicker than water. Naiintindihan mo?"
I saw him gulped twice bago sumagot. "O-okay. Don't worry, I won't."
"Good!" Sagot ko bago ngitian si Ella.
"E, how about you, ate?" Nagtataka niyang tanong, I smiled at her na kaagad din naman niyang ginantihan ng isang matamis na ngiti.
"Well…"Mabilis kong sinunggaban ang susi ni epal na nakalagay lang sa ibabaw ng lamesa at dali-daling tumakbo, "Bye!! Sa'kin na muna yung motor mo!" Sigaw ko sa kanya at para naman siyang tanga na biglang tumakbo para sundan ako. Pero the hell, ang tanga lang kung iniisip niyang maabutan niya ako.
Bago pa siya tuluyang makalapit, agad na akong sumakay sa motor niya na nakaparada lang sa harap ng bahay. I even gave him an evil smile bago ko patakbuhin ang kanyang motor.
**
Nakarating ako sa VSC ng walang kahirap-hirap. In fact, masyado akong nag-enjoy sa pagmamaneho, muntik pa nga akong lumagpas, e. Nilalaro ko sa aking daliri ang susi ng motor ni epal habang hinihintay magbukas ang elevator. Tss, napakabagal ng elevator na 'to, dapat dito pinapalitan na, e.
"Hoy, babae?!" Tinakpan ko ang aking tainga, nakita ko naman mula sa salamin ng elevator ang galit na galit na mukha ni epal. Hind na ako nag-abala pang lingunin siya pero mas hinigpitan ko ang hawak sa susi niya. "HOY!" Sigaw niya at hinigit pa ang kanang braso ko.
"Masakit." I coldly stated.
"Ibalik mo yung motor ko!" Sabi pa niya at mas hinigpitan pa ang hawak sa akin.
"Bitiwan mo 'ko." utos ko sa kanya pero parang wala siyang naririnig at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa akin. I rolled my eyes. Tss, ang dami na namang nakatingin sa akin, I mean sa amin pala. "Where's Casper?" Bored kong tanong kahit ang totoo ay nasasaktan na ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya.
"Hindi mo talaga makukuha si Casper!" Gigil niyang sagot sa akin kung kaya't inismiran ko siya.
"Edi palit muna tayo." Sagot ko "Tiyaka, bitiwan mo na nga ako!" Iritable kong utos sa kanya. "Bwisit ka, alam mo ba'ng kapag ako nagkapasa sa higpit ng hawak mo, mapapatay kita." Talagang pinalamig ko ang tono ng pananalita ko sa huling dalawang salitang binitiwan ko. Lumuwag naman ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi pa rin ako binitiwan.
Sakto namang dating ng magaling kong kapatid. Great! Dagdag drama na naman! "Jared! Bitawan mo kapatid ko!" Maotoridad niyang utos. Pero hindi natinag si epal na Jared pala ang pangalan, tss! As if may pakielam naman ako sa pangalan niya. Si Lorenz na mismo ang nagtanggal ng kamay ni Jared sa braso ko bago ako kumustahin. "Masakit ba?" Worried niyang tanong. Hindi ko siya sinagot at tinignan na muna ang braso ko. Ini-angat ko ang sleeve ng suot kong blouse para makita iyon.
Shit! Nag-kulay pula ang braso ko at bakat na bakat pa ang buo niyang kamay. Huminga muna ako nang malalim bago ibinalik sa ayos ang damit ko. "Lorenz, at the count of three dapat nakapagtago na sa lungga ninyo 'yang epal na 'yan." Babala ko sa kanila bago mag-umpisa sa pagbibilang. "One… hindi ako nagbibiro, Lorenz. Talagang mapapatay ko talaga 'yan." Nanlaki naman ang mga mata ni Lorenz at kaagad na naalarma. "Two… you better start running." Nakapikit ko'ng pagtutuloy sa pagbilang.
"Jared, tara na! Takbo!" Narinig ko pang sigaw ni Lorenz at naramdaman mabilis nilang pagtakbo.
"Three." Bulong ko, kasunod and pagbukas ng elevator.
"Ate, ano'ng nangyari?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Ella na kadarating lang. "Are you okay?"
"Yes." Sabi ko na lang bago pumasok sa loob ng elevator. Papasara na ito nang biglang may pumigil doon na isang kamay.
"Pwedeng maki-sabay?" Nakangiting tanong sa amin ni Jhake. Hindi ko sya pinansin dahil wala naman akong karapatang ipagbawal ang pagsakay niya dito. Kung nasa ACL pa kami, baka sakali na pwede ko siyang itulak palabas Tiyaka, malinaw sa alaala ko ang mga nangyari kagabi noong nag-uusap kami. Oo, nakainom ako pero alam ko ang lahat ng sinabi niya. Pasara na ulit sana ang elevator nang may kamay na namang pumigil doon.
"Mama Sands!!" Malakas niyang tawag sa akin, "buti naka-abot ako! Hello Bebe Ella." Tango lang ang isinagot namin sa kanya kaya ginawa na lang niyang abala ang kanyang sarili sa pagkukulot ng buhok ni Ella. Tss, itong baklang 'to!
"Cassy, yung tungkol kagabi…" Peste! Ayokong pag usapan 'yon ! Nabu-bwisit na naman ako sa kanya, e.
"Ang alin?" Painosente ko'ng tanong sa kanya bago muling nagbukas ang elevator. Agad akong lumabas at sumunod naman agad yung dalawa na nagtatawanan, ingay lang! Tss!
"Ella, dumating na daw ba yung mga tela?" Tanong ko.
"Not yet, ate. Mamaya pa 'yon. Do you want me to call them para mag-follow up?" Sabi pa niya.
"No need, let's just finish the designs." Sagot ko. Dadating naman iyon on time, "Gella, get us some coffee." Mabilis namang kumilos si Gella para sundin ang gusto ko. Kaya nag-focus na ako sa ginagawa ko'ng designs ng damit. Next month na kasi ang Anniversary ng VSC at may performance daw lahat ng mga talent and artist sa Grand Ball na gaganapin.
"Ate, si Mr. President po nasa line 1." Tumaas ang aking kilay bago kuhanin ang telepono sa aking tabi.
"Anong kailangan mo?" Bored ko'ng tanong sa kanya.
"Paparating na ang Missing Angel… Save some time to meet them para masukatan na rin sila."
"Fine. May sasabihin ka pa? Kung wala na ibababa ko na." Hindi siya kaagad magsalita kaya ibinaba ko na ang telepono.
I hate having conversation with him. Tss! But… ngayon na ang dating ng Angels. Handa na ba akong harapin sila? Paano na?
**
IT WAS lunch time nang matapos ko ang mga sketches ko, sakto namang nakatayo na sila Ella, "Kakain na kayo?" I asked.
"Yes po, ate. Would you like to come with us?" Nakangiti niyang alok sa akin.
"Sige." Tipid kong sagot. Hindi na naman kasi ako nakakain ng maayos dahil sa mga bwisit at epal sa bahay kanina.
"Mama Sands! Libre mo kami, ha?" Nagpapa-cute pa na sabi ni Gella.
Tss! Sinuswerte lang?
"Bakit? Kasing dukha ka na ba ng daga at kailangan na kitang ilibre ng pagkain? Wala ka'ng pera? Ano ka pulubi?" Nakasimangot ko'ng tanong sa kanya na nakapag-pahaba ng nguso niya.
"Grabe ka naman, Mama Sands!" Reklamo niya na may kasama pa na pagdadabog bago pumunta kay Ella.
"Well, since marami naman akong pera at ayokong nagugutom ang mga tauhan ko, dahil babagal ang production. Sige, sagot ko na meal mo. Huwag ka'ng makikipaglaro sa mahihirap, a?" Mayabang ko'ng sagot sa kanya.
"Iyon naman, oh! Manlilibre naman pala nanlait pa, e." Nakanguso pa rin niyang sagot bago ngumiti ng malapad. "Anyways, thank you, Mama Sands! Love you much!" Sabi pa niya na may kasama pa'ng flying kiss. Ang daming alam na arte ng baklang 'to. Ikinawit pa niya ang kanyang kamay sa braso ko. Mabuti at doon sa walang pasa, kapag nagkataon paliliparin ko siya pabalik sa planeta ng mga baklang tulad niya.
Peste! Kasalanan kasi ni epal 'to, e! Babawi talaga ako sa kanya! Tss!
Nakarating kami sa Cafeteria na nasa first floor nang hindi ko sila kinikibo. Medyo dumistansya rin ako sa kanila dahil sobrang ingay nilang dalawa. Akala mo naman nakatutuwa yung topic nila. Tss!
And as the usual, yung mga tao biglang nag-transform sa mga bubuyog na bulungan lang ang alam at kayang gawin. Akala ko ba talent agency 'to? Bakit parang hindi pa sila nakakakita ng tao? Hindi pa ba sila sanay na makakita ng maganda?
Pumwesto kami sa isang table na pinakamalapit sa counter. "Ate, ano'ng gusto mo?" Tanong sa akin ni Ella, pero inilingan ko lang siya.
"Ako na." Tipid ko'ng sagot at tumayo na. Tinitigan ko lahat ng nasa buffet area.
"Wala ba kayo'ng totoong pagkain?" Nakahalukipkip ko'ng tanong doon sa lalaking kaharap ko na mukhang ka age lang ni Ella.
"Anong tingin mo d'yan, fake food?" Sarcastic na sabat ng lalaking kararating lang. Epal talaga.
"Oo." Bored kong sagot sa kanya.
"Psh, arte! Ibili mo ako. Nagugutom na ako." Walang emosyon din niyang utos sa akin. Kumunot ang noo ko, alam niyo yung makapal? Siya na 'yon!
"Bakit? Namumulubi na ba ang banda niyong JERK SURVIVAL at wala ka nang pambili ng sarili mo'ng pagkain?" Sabi ko pa bago siya ngisian.
"Una sa lahat, hindi ako namumulubi. Pangalawa, it's Great Survival. Pangatlo, nakakalimot ka yata. You're my slave, remember?" sabi niya at ginantihan din ako ng smirk.
Ibang klase talaga! Ang kapal niya, sobra!! Nakakagigil! But, I want to remind him. I am Sandra Martin, hindi ako marunong magpatalo. "Una din sa lahat, kung hindi ka namumulubi… bumili ka ng sarili mo'ng pagkain. Pangalawa, alam kong GreatSurvival ang tawag sa banda niyo dahil ako ang nagbigay ng pangalan na 'yon sa kanila, hindi ka kasama kasi sampid ka lang. Sadyang mas bagay lang talaga ang Jerksurvival dahil jerks sila, tapos dumagdag ka pa! At higit sa lahat, pangatlo…" tinaas ko ang susi ng motor niya. "Ikaw yata ang nakakalimot, nasa akin pa rin ang motor mo, isoli mo si Casper at ibabalik ko rin ang motor mo. Quits lang tayo. So, slave your f*****g ass, asshole." Dirediretso ko'ng sagot sa kanya. Hindi naman siya sumagot at tinalikuran lang ako. "By the way, may atraso ka pa nga sa'kin…" Humarap siya sa akin na parang may question mark pa sa mukha niya.
"I don't remember anything." Bored niyang sagot.
"Oh, really?" Sabi ko at itinaas pa ang manggas ng blouse ko exposing my bruises. "I can sue you because of this, you know?" Nakangisi kong sagot.
"What? Ikaw din naman, a!" Sigaw niya "Magnanakaw!" Ngumisi ako sa kanya.
"Alam mo, kung tutuusin… ikaw ang magnanakaw, e. Ninakaw mo si Casper, diba? You even blackmailed me." Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti. "You can never win against a Sandra Martin, Mr. Epal!" Mukhang napikon ito sa sinabi ko kaya naman nanggigigil siyang lumabas ng Cafeteria.
Nabaling naman ang atensyon ko sa mga bubuyog na kanina pa bulong ng bulong at kanina pa rin nanunuod sa amin, kairita!
"What?!! The f*****g show is over!!" Sigaw ko na nagpatahimik naman sa kanila. Mukhang mga nasindak, e.
That's right! Matakot kayo, because I am Sandra Martin… the fearless, the meanest and heartless.
Tss! Badtrip! Nawalan tuloy ako ng gana. Punyemas kasi yang epal na yan, e.
"I want an Ice cream." Utos ko sa lalaking kanina pa nasa state-of-shock sa eksena namin ni epal, tss! Hindi naman kumilos yung lalaki. Ah! Bwisit talaga! "Ano kuya? Tutunganga ka na lang ba? Ano ba trabaho mo dito? Sinuswelduhan ka ba sa pag-nganga mo sa mga kumakain dito? Try mo kayang kumilos?!" Hindi pa rin siya natinag at lalo lang napanganga sa sinabi ko. Bwisit talaga! "Ano ba?!" Sigaw ko sa kanya kaya natataranta itong kumilos. Hindi nga niya malaman ang gagawin, e .
"Ano po ulit yung gusto niyo?"
"Kapag ba sinabi ko'ng gusto kong bumili ka ng bagong utak, bibili ka ba? Tatanga-tanga ka kasi! Wala ka'ng kwenta! Puro kasi pag-tunganga ang alam mong gawin! I said I want an Ice cream!" Inis ko'ng sagot. Imbyerna!
"Pero wala po kaming ice cream, e." Nagpapa-cute pa niyang sagot.
"Kapag ba nagpa-cute ka nang ganyan lalabas na lang bigla ang ice cream?" Sarcastic kong tanong sa kanya.
"Sorry po, wala po talagang ice cream dito, e."
"Ay, ganun? Bakit hindi pa kayo magsara?!" Sigaw ko ulit. Nakakairita na talaga!
"Cassy!" Sigaw ni Lorenz mula sa aking likuran.
"Isa ka pa'ng bwisit ka! Sinabi nang Sandra ang pangalan ko! Isa pang tawag ng Cassy at gigilitan na kita ng leeg, Lorenz!" Seryoso ko'ng banta sa kanya.
"Chill! 'wag ka namang gumawa ng eksena dito." Nakangiti pa niyang tinapik ang braso ko. Peste! Nakita na nga niyang galit na galit ako, nagawa pa niya na tawanan ako!
"Huwag mo akong bwisitin, Lorenz. Baka magulat ka na lang, sunod na eksenang gagawin ko dito ang pagpatay sa'yo?!" Sigaw ko sa kanya at padabog akong umalis!
**
RENZ's POV
Matapos ang ilang oras na pag-eensayo. Hindi ko pa rin makita na maayos ang performance namin para sa darating na anniversary mg VSC. The anniversary is something important for everyone.
"Jared, saan ka pupunta?" Tanong ko rito dahil bigla na lang siyang bumaba ng stag. "May practice pa tayo."
"Kakain lang." Sagot niya sa akin.
"Wuy! Ibili mo rin kami!" Sigaw ni Jack. Tss, childish talaga!
"Hindi mo ako alalay." Sagot ni Jared at lumabas na.
"Sungit!" Sigaw ni Jack. "Renz, bili din tayo, gutom na ako, e."
"Edi kumain ka!" Ismid ni Jhake at bumaba na din ng stage.
"Problema 'non?" Tanong ko kay Echo na kanina pa nakangiti.
"Ewan ko 'don." Nakangiti pa rin niyang sagot sa akin.
"E, bakit ba ang saya mo naman yata?"
"Ano ka ba, bro! Uuwi na sila Ivy ngayon!" Oo nga pala, paniguradong matutuwa sila kapag nalaman nilang nandito na ulit si Cassy.
"Renz, bili ka din ng pagkain!!" pangungulit pa ni Jack.
"Ano?! Inuutusan mo ba ako?" Sinubukan ko siyang sindakin gamit ang pananalita ni Cassy pero hindi naman effective.
"Hindi naman, pero sige na please? Gutom na talaga ako."
"Fine! Dadaanan ko din naman si Cassy. Sabay kaming kakain." Nakangiti ko pang sagot. Miss na miss ko na siya, e.
"Sige, Bro." Nakangiti niyang sagot. "Goodluck! Sana kapag nagkita tayo mamaya kumpleto pa body parts mo. Ingat ka kay BigBoss!" Pahabol pa niya.
"Oo nga Bro, Goodluck talaga!" Natatawa ding sabi ni Echo bago makipag-apir kay Jack.
"Mga bugok! Hindi ako kakatayin ng kakambal ko! Mahal ako 'non, e." Sagot ko naman.
"Okay, sabi mo, e." sabay pa nilang sabi at tinalikuran na ako. Tignan mo 'tong mga 'to, mga bugok talaga, e! Mukha ba talagang ganoon kasama si Cassy? Grabe lahat ng sasagot ng oo.
Well, tumuloy na ako sa pagpunta kay Cassy, kaya lang wala akong naabutan sa loob.
E, asan kaya 'yon?
Bumaba na lang ako sa Cafeteria. Sus! For sure, pagkakaguluhan na naman ako, palibhasa gwapo ako, e.
"O, Jared? Bakit hindi maipinta 'yang mukha mo? Aba! Kahit si Michael Angelo, e hindi kayang gawan ng paraan yang mukha mo!" Paano ba naman, halos magdikit na ang mga kilay niya sa sobrang pagkakasimangot niya.
"Wala kang paki. Tabi!" Sabi niya sa akin at nilagpasan na ako. Tignan mo 'to, ang rude talaga, e! Pumasok na lang ako sa Cafeteria at ito ang eksenang naabutan ko.
"Ano po ulit yung gusto niyo?" Tanong sa kanya ni Mark. Isa itong OJT na sponsored ng VSC ang pag-aaral.
"Kapag ba sinabi ko'ng gusto kong bumili ka ng bagong utak, bibili ka ba? Tatanga-tanga ka kasi! Walang ka'ng kwenta! Puro kasi pag-tunganga ang alam mong gawin! I said I want an Ice cream!" Inis na sabi ni Cassy, ice cream lang kung maka insulto sa kapwa, wagas!
"Pero wala po kaming ice cream, e."
"Kapag ba nagpa-cute ka nang ganyan lalabas na lang bigla ang ice cream?" Sarcastic niyang sabi, nagpapa-cute ba si Mark?
"Sorry po, wala po talagang ice cream dito, e."
"Ay, ganun? Bakit hindi pa kayo magsara?!" Sigaw ulit ni Cassy kaya naman sumabat na ako sa usapan nila. Kawawa naman kasi si Mark.
"Cassy!" Tawag ko sa kanya.
"Isa ka pa'ng bwisit ka! Sinabi nang Sandra amg pangalan ko! Isa pang tawag ng Cassy at gigilitan na lita ng leeg, Lorenz!" Seryoso niyang banta sa akin. Ito na ba yung good luck na sinasabi nila na kailangan ko?
Pero nginitian ko muna siya bago magsalita kahit kinakabahan na ako. "Chill! 'wag ka namang gumawa ng eksena dito." Nakangiti ko pang tinapik ang braso niya.
"Huwag mo akong bwisitin, Lorenz. Baka magulat ka na lang, sunod na eksenang gagawin ko dito ang pagpatay sa'yo?!" Kinilabutan talaga ako sa sinabi niya.
Lorenz, goodluck talaga sayo! Dapat na ba akong magpaalam sa mga fans ko'ng patay na patay sa akin?
Dyos ko hindi pa ako ready! Huwag naman po sana akong i-chopchop ng kakambal ko.
Nakahinga lang ako nang maayos noong lumabas siya ng Cafeteria.
"Sorry about that," narinig kong sabi ni Ella.
"Ano ba'ng nangyari? Sana inawat niyo naman si Cassy." mahinahon kong sagot.
"Edi kami naman ang napagbantaan ng bongga? Nako, mahal ko pa ang maganda kong life!" Singit ni bakla. Feeling close din masyado, e. Hindi naman siya yung kausap ko.
"Mark, pasensya kana kay Cassy. She don't mean what she said earlier. Mabait 'yon." Sabi ko rito na tumango lang kahit halata namang hindi siya convinced sa sinabi ko'ng mabait si Cassy.
I just found myself releasing a deep sigh. Cassy, kailan ka ba babalik sa dati? Kasama ka nga namin pero parang ibang tao ka na.
**
BUMALIK NA kami nila Ella at Gela sa itaas nang matapos kaming kumain. Balak ko'ng kausapin si Cassy, sesermunan ko muna siya ng onti. Aba! Nagmukha akong tanga at kawawa kanina sa harap ng mga tagahanga kong patay na patay sa akin. Kaya lang, pagpasok namin sa opisin niya, wala naman siya doon.
"Nasaan si Cassy?" tanong ko kahit alam ko naman na wala sa amin ang makakaalam.
"Mukhang hindi pa siya bumabalik, a." bulong ni Ella.
"Huh? E, saan kaya nagpunta 'yon?" bigla kong naitanong. Nako, baka tinakasan na naman ako 'non, a?
"Nako, baka uminom na naman 'yon." Nag-aalala pa niyang sabi.
"s**t!" Bulong ko bago nagmamadaling lumabas. Nako naman, Cassandra Lorena, Mababatukan kita! Huling beses na uminom siya, si Jared ang nag-uwi sa kanya! Paano kung sinong gago ang makakita sa kanya? Anak talaga ng bilasang isda, o! Saan naman kaya nag lusot 'yon?
Napakahirap pa namang maghanap ng isang tao, lalo na yung ayaw magpahanap. Sumakay na ako sa aking kotse at binaybay ang daan na maaaring puntahan ng magaling kong kapatid.
I was in the middle of driving when my phone rung. "Hello?" sagot ko.
"Hoy!! Nasaan na yung pagkain ko?" Ani Jack na sa pakihula ko'y nakanguso na naman, "gutom na ako, Renz!" Inilayo ko ang aking Bluetooth headset sa tainga ko. Mabibingi talaga ako sa lalaking 'to!
"Hoy ka din, Jack." Sagot ko nang maibalik sa aking tainga ang headset. "At utang na loob, 'wag muna katakawan ang isipin mo. Busy ako."
"Bakit? Ano ba ginagawa mo na mas mahalaga pa sa pagkain ko, aber?" Napasapo ako sa aking ulo. Bakit ba palagi na lang pagkain ang mahalaga dito?
"Naghahanap ako ng tao." Huminga ako nang malalim, "Umalis na naman si Cassy and I can't let her leave us again. I need to find her,"
"Relax ka lang, bro! Ang OA mo, hindi naman siguro magtatago ng another 3 years si BigBoss, e." anito.
"Bugok! Mabuti na yung sigurado!" Sagot ko habang tumitingin sa paligid. Teka? Motor ni Jared 'yon, a!
"Hello bro? Yuhooo? Buhay ka pa ba o nagkita na kayo ni BigBoss at napatay ka na niya? Yuhooo!??"
"I'll deal with you later." sagot ko bago tanggalin ang Bluetooth heasdset sa tainga ko.
I parked my car but stayed inside. Tahimik ko lang na pinanuod ang magaling kong kapatid. Of all places, she's here at a convenience store, eating ice cream. I just found myself smiling as I watch her. What I'm seeing now is my real sister. She's smiling because of simple things.
Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan siya ng litrato. This scene is candied.
Now that I'm sure that she's safe I decided to go back. May mga commitments pa ako sa banda. Nakapag-ice cream naman na siya, e. Lalamig na ang ulo 'non.
**
NANG MAKABALIK ako sa VSC, halos mapuno ng mga fans ang lobby. Why? I dunno. Baka dahil sobrang gwapo ko!
"Renz! We missed you, as in super!" sigaw ni Lycka. "E? Hindi mo manlang ba ako yayakapin? Hindi mo ba ako namiss?" Pasensya naman, na-surprised kasi ako, e. Akala ko ako yung pinagkakaguluhan, hindi naman pala.
"Syempre I missed you!" Sabi ko at niyakap siya ng mahigpit. It's been a month mula nang umalis sila para magbakasyon sa Korea, e.
"How's tito and mommy?" Nakangiti niyang tanong matapos yumakap sa aking beywang.
"Doing better. You should have called us, para nasundo namin kayo sa airport." Sagot ko naman sa kanya.
"Where's the element of surprise 'don, diba?" Nakangiti niyang sagot.
"Hi, Angels! I missed you all." Baling ko sa Angels na isa-isa namang yumakap at humalik sa pisngi ko.
"Renz!" ani Margarette na mukhang tuwang-tuwa. Kasi naman, sobrang gwapo ko, e.
"You seems to be so happy to see me." Pagmamayabang ko pa.
"No, it's not you! But I saw her!" Excited niyang sagot. I gave her a confused look. "Si Cassy! I saw her, I really do!" Tuwang-tuwa niyang sigaw.
"Stop it, Marg!" Saway sa kanya ni Lycka. "Hindi nga si Cassy 'yon! You're such a childish brat, wag mo nga'ng ipilit." Galit pa'ng sabi ni Lycka.
"But I really saw her, I know it was her! You saw her too, right, Aly?" Baling pa niya kay Alison na hindi naman sigurado sa isasagot niya.
"No, I don't know, Marg." Sagot naman ni Alyson.
"Baka naman jet lag lang 'yan." Sabi pa ni Ivy.
"Akala mo siguro, nasa dreamland ka! Palibhasa, isipbata ka." Sabat naman ni Devine na may kasama pang kutos sa ulo ni Margarette
"Aray! Ang bad niyo! Kaya ako nagiging slow, e! Panay ang batok mo sa'kin, Devine! Dapat nga, Devil pangalan mo, e." Nakapout pang sabi ni Marg na mangiyakngiyak pa.
"Girls…" Tawag ko sa atensyon nila. "Margarette is right… she's back." nakangiti kong sabi .
"What/ Really?" Sabaysabay nilang sigaw. I smiled to confirm the news. "Tell us where she is. We missed her a lot!" They said in unison, except kay Lycka. Hinila pa nila ako papunta sa isang couch at pinaupo bago kulitin.
"Renz, tell us what happened dali!" sabi ni Eunica na abot tainga ang ngiti. Ugh! That smile… I missed it, same as I missed her.
Ngumiti na lang ako sa kaniya bago mag-umpisang magkwento, mula sa kontrata hanggang sa pinaka-recent na nangyari mula nang umuwi si Cassy. Maging ang mga pag-babago sa ugali niya, ikinwento ko na para naman hindi na sila masyadong mabigla.
"You mean, iba na siya? Nagbago, ganoon?" Nag-aalangang tanong ni Ivy.
"Yeah…" Tipid kong sagot. Sabay-sabay kaming napabuntong hininga. Magsa-salita pa sana ako nang biglang pumasok si Cassy.
'Ano na naman kaya ang nangyari? Bakit naka-simangot na naman siya? Kanina lang maganda na ang mood niya, a?'
****
SANDRA'S POV
MATAPOS ANG nakakabwisit na tagpo sa Cafeteria, napagdesisyonan ko'ng umalis na muna. I really need to eat something sweet right now. Mabuti na lang at may nakita akong convenience store kaya dito na muna ako tumambay para naman magpalamig ng ulo. Bwisit talaga yung epal na 'yon, e. Tawagin daw ba akong mag-nanakaw?!
"Hey, lady. I'm Valdimir Smith." Sabi ng isang lalaking puti sa harap ko na may british accent pa. "I like you…" Malagkit pa siyang tumingin sa akin, especially sa dibdib ko, 'kadiri.'
"f**k you. " Sabi ko na ginaya pa yung pananalita niya.
"How about I f**k you?" Nakangisi pa niyang sagot kaya inismiran ko siya.
"f**k yourself, dickhead. Tss!" Inirapan ko aiya at tumayo na para umalis.
"Tsk, that's rude you know, but you can't just talk to me like that, you know?" Mayabang pa niya akong tinignan mula ulo hanggang paa bago dilaan ang ilalim ng kanyang labi. 'Yuck, disgusting!'
"I don't f*****g car, you know?" iritable ko'ng sagot at tinalikuran na siya. Napahinto ako nang bigla niyang hawakan ang braso ko'ng may pasa. 'Bullshit!'
Ikinuyom ko ang aking kamao bago iyon padapuin sa kanyang mukha.
"f**k you!" Sigaw niya habang sapo ang kanyang bagang. "You, b***h!" aniya habang dinuduro ako sa mukha. Tinapunan ko siya ng masamang tingin dahil sa itinawag niya sa akin. Ngumisi pa siya kaya kinuha ko ang isang large cup of softdrink ko at ibinuhos iyon sa kanyang mukha. "Oh! You bitchy slut! How dare you?!"
I rolled my eyes on him at tinapakan pa ang kanyang paa bago umalis at agad na sumakay sa motor ni epal. 'Such a very unfortunate day for me, f**k!'
Nang makarating ako sa VSC, kaagad ko'ng binalingan ang receptionist. "Hoy! Make sure na walang makakapasok na lalaking naghahanap sa'kin dito, naiintindihan mo?!"
"B-bakit po?" Tanong niya sa akin kaya pinaikutan ko siya ng mata.
"Bakit!? Required ba na sagutin ko ya--"
"Hey! You, b***h! You can't just runaway after what you did to me! You can't hide!" Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Kapag talaga hindi ito tumigil, papatayin ko na 'to!
"Get a life, you perv!" Sigaw ko sa kanya.
"You really think that I'll just let a b***h like you to punch and pour a drink on my face?!" Matapang niyang tanong sa akin na sumusugod pa. Mabuti na lang at may mga security guard na pumipigil dito.
"I don't f*****g care, dickhead! I should throw a dagger on your face, you know?" Umismid pa ako sa kanya. "Ano ba?! Tutunganga lang kayo? Hulihin niyo na 'yan bago magdilim ang paningin ko!" inis na baling ko sa mga guard. Agad naman nila itong kinaladkad palabas prro panay pa rin ang pagsasalita, minura pa ako!
"Bitchy slut! I'll make you pay for this! No one dares to mess up with Vladimir Smith!" E, nairita ako. Mabilis kong hinugot ang baril ni manong guard at mabilis na itinutok sa kanya.
"Shut the f**k up." Cold kong bulong sa kanya. "I hate noisy boys." Dagdag ko pa. Wala naman akong balak tuluyan 'to, e. Huwag lang siyang magkakamali. Mabuti na lang at natameme n siya. "Ilabas niyo na 'yan." Utos ko nang hindi inaalis ang pagkakatutok ng baril sa kanya.
"Psh! Pabibo." I rolled my eyes when I heard a familiar voice kaya nilingon ko siya para tapunan ng masamang tingin.
"So? Epal ka naman. Huwag ka ngang makialam, kung ayaw mong unahin kita." Cold ko'ng sagot sa kanya. Kaimbyerna talaga itong epal na 'to.
"Psh!" Ismid pa nito. Hindi ko na siya pinansin at binalikan na lang itong manyak na 'to.
"Dalin niyo sa mga pulis 'yan. Sampahan ng s****l harassment o kahit anong pwedeng i-kaso. Stalker ko yata, e. Masyadong makulit!" Uttos ko, pero hindi kaagad kumilos yung tatlong guard. "Wag ninyong hintayin na ako pa ang magdala sa isang iyan. Ididiretso ko sa morgue 'yan?!" Sigaw ko kaya inalis na ang bwisit na manyak na 'yon. "At ikaw naman, talagang pinanindigan mo ang pagiging epal, 'no?" Baling ko naman kay epal na nakatayo lang sa isang gilid. "Wala ka'ng pakielam kung gumawa ako ng eksena dito. Ginusto nilang bumalik ako, now face the consequences?!" Sigaw ko pa at akmang susugurin siya…
"Cassy, enough!" Si Lorenz.
"Shut up Lorenz, sinabing Sandra pangalan ko, S-A-N-D-R-A! Wag ka ngang bobo!" Nilingon ko si Lorenz at …
'f**k, they're back!"