CHAPTER 07

2761 Words
Chapter 7 SANDRA'S POV I WAS lost for words but only for a few seconds. Hindi ko lang talaga alam ang dapat sabihin o gawin. I missed them so much but I don't want to show it. Nakatingin lang silang lahat sa akin at hindi ko malaman kung matutuwa ba ako o hindi sa mga reaksyon nila. For sure, they all witnessed eveything that just happened. 'Great!' I composed myself. Hindi naman bagay sa akin ang nag-mumukhang tanga, masyado akong maganda para 'don. "Oh my!" Napalingon ako kay Gella na kalalabas lang ng elevator. "Nandito ka lang pala, Mama Sands! Mababaliw na kami kakahanap sayo, e!" Nakanguso niyang reklamo kaya pinaikutan ko siya ng mata. "Saan ka nanggaling? Hindi mo ba alam na uso ang cellphone? Ginawa 'yan para gamitin ng tao, kaya dapat ginagamit mo!" Mahaba niyang litanya kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Sino ba boss sa atin? Last time I checked, ako, diba? Daig mo pa ang amo kung makatanong, a!" cold kong sagot sa kanya. "Walang amo-amo!" Nameywang pa siya sa harap ko, "Abaa! Piinag-alala mo kaya kami ni Ella!" Tumitirik pa ang kanyang mata habang nagsasalita. "Where's Ella?" Tanong ko at binalewala na ang mga sinabi niya. "Ay! Oo nga! Wait! I'll call her." Maarte pa niyang kinuha ang kanyang cellphone, "Kanina pa 'yon hindi mapakali dahil bigla ka na lang nawala." Sabi niya at tinawagan nga si Ella. Using my peripheral vision, nakita ko'ng papalapit sa akin ang Angels kaya hinawakan ko na sa braso si Gella. "Tara na, bali na tayo sa taas." Hinila ko pa siya nang may bigla akong maalala. "Gusto ko ulit ng ice crea… bumili ka nga!" Utos ko sa kanya. "Kahit ano'ng flavor, basta yung nakakatanggal ng bad vibes." Dagdag ko pa. "Una na ako sa taas." "Wait!!" Malakas niyang sigaw kaya tinapunan ko siya ng masamang tingin. "Pahingi ng pera!" "Tss, pulubi!" Ismid ko pa bago ibato sa kanya ang isang debit card ko kaya lumayas na nga siya. "Arte, psh!" I glared at him, kahit kailan… epal talaga 'to. "Jerk!" Sabi ko at ninapakan pa ang paa niya. "Aray ko!" Daing niya bago ako tapunan ng masamang tingin. "Napakabrutal mo!" "So? Hanapin mo yung paki 'ko. Tss!" Pinaikutan ko lang siya ng masamang tingin. "Tss ka din!" Napipikon niyang sagot "Whatever, epal." Bulong ko at sumakay na sa elevator. Sumasakit tuloy ang ulo ko, tsk! Ang init kasi sa labas, tss! Idagdag pa ang nakaka-stressed na mga tao. Hindi ko alam kung bakit masyado akong apektado kay epal. Oo, I always win against him pero bakit pakiramdam ko, ako yung natatalo sa tuwing nag-aaway kami. Dumiretso na ako sa opisina ko at planong doon na lamang magpahinga. "Ate, saan ka ba nanggaling?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. "I'm fine Ella. Don't panic, buhay pa ako." Sagot ko na lang sa kanya. "Kanina pa kita kino-contact, e. Hindi ka naman sumasagot." Nakalabi pa niyang sabi. 'Speaking of… nasaan ba 'yon?' Dumiretso ako sa drawer ko at hinanap doon ang cellphone ko, pero wala iyon 'don. "Ate, ano'ng ginagawa mo?" Nagtataka niyang tanong sa akin. "Nakita mo ba yung phone ko?" Napakamot pa ako sa ulo ko sa aking batok, "kanina ko pa hindi nakikita, e." Imbis na sumagot, natawa naman sya sa sinabi ko . 'Bakit? Seryoso kaya ako.' "Bakit? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Wala po. Ipahanap na lang po natin." Nakangiti pa niyang sagot kaya tumango na lang ako sa kanya. "Ella, I'll just take a short na. Ang init kasi sa labas, e. Sumakit tuloy ulo ko." Paalam ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagpapaalam sa kanya, e ako mga yung boss. "Sure, ate." Tumatango-tango pa niyang sagot kaya dumukdok na ako sa ibabaw ng table ko. ** NAGISING AKO nang dahil sa malakas na kalabog sa pintuan. "s**t times eight for infinity!!" Gulat ko pa'ng sigaw. 'Damn! Natutulog ako, diba? Nasaan ba si Ella?' "Hi, Cassy!" Sabay sabay na bati sa akin ng mga angels pero hindi ko sila pinansin. "Tsk! Binabayaran ka ba para matulog lang?" Nakangisi niyang bungad sa akin. Sinimangutan ko muna siya bago magsalita, "Pwede naman. Ikaw? Binabayaran ka ba ng matandang hukluban para sirain ang tulog ko?" "Para sa isang empleyado, you're rude." Maarte niyang puna bago ako tignan mula ulo hanggang paa. "I know, right?" Sagot ko at nginisian pa siya. "So, what brings an angel like you here at my office? Feeling too much heaven at the peak of your success?" I said and give her a wide grin. "Want to feel some hell?" "No sister, nandito lang kami ng Missing Angel para magpasukat." bored niyang sagot. "Para saan? Naka-advanced na ba ang pagpapagawa mo ng kabaong?" Umismid p ko sa kanya. "Tsk, you're at the wrong room. And for the record, don't call me sister. Hindi kita kapatid." Bored ko din na sagot sa kanya habang diretso lang ang tingin mata niya. "Whatever!" She rolled her eyes and flipped her blonde hair. "Just do your job." Iritable niyang sagot. "If you say so," Matipid kong sabi at kinuha na ang tape measure. "Who wants to go first?" Baling ko sa angels. "Ako!" Sabay sabay nilang sabi except kay Lycka. I rolled my eyes because they never changed. Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang kakambal kong abot-tainga ang ngiti kasama si Ella na numumula. 'Damn this jerk!' Dinampot ang gunting na nasa ibabaw ng table ko at ibinato iyon sa direksyon ni Lorenz. "What the f**k?! Papatayin mo ba ako!?" Sigaw sa'kin ni Lorenz. Yung kaninang abot-tainga niyang ngiti biglang napalitan ng takot. "Paano kung hindi ako naka-iwas!? Ang gwapo ko'ng mukha!!" "Saan kayo galing?" Cold ko'ng tanong at hindi pinansin ang pag-iinarte niya. "A-ate… pasensya na po." Napapakamot pa siya sa kanyang batok. "Sinabi ko ba na mag-sorry ka? Ang sabi ko, saan kayo galing?" Poker face ko'ng sagot sa kanya. "Ate, wag ka nang magalit. Pinatawag lang po ako ni Tito Ben." "Tito Ben?" Tanong ko habang nakataas ang aking kilay. "Bakit ka pinatawag?" "Malamang! Gumawa ka lang naman ng eksena kanina." Singit ni Lorenz na abala ang mata sa pagtingin sa gunting na nakabaon sa pintuan. "Ikaw ba ang kausap ko? 'Wag ka nga'ng sabat nang sabat! Baka gusto mo'ng gamitin ko ang gunting na 'yan para putulin ang dila mo." Inis ko pang banta sa kanya. "So, ano daw?" "Iyon nga po, Gusto daw pong magdemanda ni Mr. Smith," "Sino nga ulit 'yon?" tanong ko . "Ate, iyon daw po yung binugbog at tinutukan niyo ng baril kanina." Sagot niya. 'Ah, si manyak pala!' "O, you should call your ate Joan. Tell her to make herself useful." sagot ko at itinuloy na ang kanina pa'ng nahintong pagsusukat ko kay Ivy. siya na ang inuna ko since siya yung pinakamalapit sa pwesto ko. "Tapos?" "Iyon nga po, magde-demanda daw po siya at hindi papayag na hindi mo mapagbayaran yung ginawa mo. Anak pala ng isang General sa London si Mr. Smith." "Ayos lang 'yon. Mag-demanda siya kung gusto niya. General lang pala tatay niya, e. Yung sa'kin Demonyo, wala silang laban." Sagot ko at narinig ko'ng sabay-sabay na napa-gasped ang angels. "Hoy Cassy! Umayos ka, a! Ayan ka na naman?!" sigaw ni Lorenz sa akin. "Tapos may kakambal pa ako'ng halimaw! Tsk! Tsk! Tsk! Kawawang Smith, luging-lugi siya." "Pero okay naman na po. Nagawan naman na daw po ni Tito Ben ng paraan." Napasimangot ako sa sinabi niya. "E, bakit ipinatawag kapa? Para saan pa? Tss!" Ang hukluban na 'yon! Gusto pa talagang ipamukha sa akin na may ginawa siyang pabor para sa akin. "Para lang daw po inform tayo." "Tss!" ismid ko bago lapitan si Alyson para siya naman ang sukatan. "Nakita na ba yung phone ko?" Tanong ko kay Ella. It is my own way to ignore the angels, I know, how lame, right? Umiling si Ella bilang sagot kaya naman napabuntong-hininga ako. Kabibili ko lang 'non kahapon, e. "I'm back, Mama Sands!! Sorry, natagalan ako!" Bungad ni bakla at hulas na hulas pa ang pagmumukha. "Tamang-tama, ikaw na ang magpatuloy ng pagsusukat sa Missing Angel." Ibinato ko pa sa kanya ang hawak kong tape measure, "Ice cream ko?" "Mama Sands naman, pagod na ang beautyness ko. Kaya mo na 'yan." Pagtanggi pa niya. Tinapunan ko siya ng tingin. 'Aba't ang kapal ng mukha ni bakla!' "Sabi ko nga! Wala akong nararamdamang kahit katiting na pagod, e. Ako na magsusukat!" Natataranta niyang sagot kaya pinaikutan ko siya ng mata at kinuha ko na ang ice cream na pinabili ko. "BTW, nakita ko yung phone mo sa ibaba." "Saan mo nakita?" "Sa ibaba nga! Maarte niyang sagot, "alam mo, maganda ka, e. Bingi lang." "Sakalin kaya kita?" "Joke lang, hindi ka naman mabiro!" inirapan ko lang siya bago tanggapin ang iniaabot naman niya sa akin na phone ko. "Uso ang magsabi ng thank you, Mama Sands." "Tss!" Ismid ko sa kanya at hindi na siya pinansin. 'Thank you? Naaah. I won't say that f*****g word. Tss!' Maybe I should call Joan first. Napakarami niyang missed calls, e. "Hel— "Bakit ngayon ka lang tumawag!?!" Inilayo ko ang cellphone sa tainga ko. She's too loud! "Joan ! Alam mo ba'ng nahati sa tatlo ang eardrums ko? Bakit ka ba sumisigaw?" Kalmado ko'ng tanong. "Because you're not answering my calls! My God, Sandra! You freaked out the hell off me!" May pagka-OA naman niyang sagot. "Nawala nga kasi yung phone ko." I tried my best to stay relax. First, wala ako sa mood na makipagtalo sa kanya. Pangalawa, it will make her mad and that will be fun. "Palibhasa, burara ka!" Gigil niyang sigaw. "Pang-ilang beses mo na nakakalimutan kung saan mo iniwan ang mga gamit mo, Sandra! It's not healthy anymore!" "Ano ba'ng sasabihin mo dapat? Sabihin mo na bago pa madurog pati yung kiliit-liitang parte ng tainga ko nang dahil sa lakas ng boses mo." Sagot ko. "Well, I already closed the deal here at France!" Excited niyang sagot. "My flight back to Cali will be any minute by now." "Good!" Nakangiti kong sagot. "Then?" "I will just finish some important matters there then uuwi na din ako ng Pinas." I saw a stray of light sa sinabi niya. "Great! When you are here then… I can go back to Cali, right?" "Of course that won't do, my dear. Pupunta lang ako d'yan to check you and Ella. Pero I won't stay for long." Awts… why? "'Kay. Kailan ang dating mo dito?" "Why? Excited much to see me?" Narinig ko pa siyang napatawa nang mahina. Damn her, now she's really pissing me off. "Sort of. I really want to grip your neck sweetheart for signing the contract and by leaving me no choice." "Oops ! If that was the case, then hindi na lang pala ako pupunta d'yan!" "Silly, I'm just joking." Nakangiti ko'ng sagot. "Seriously? Sandra Martin is joking? You gotta be kidding me!" Tila hindi pa siya makapaniwala. See what's wrong with this loud lady? "Tss! Shut up." Saway ko sa kanya."I'll hang up. I'm kinda busy here." Hindi ko kasi makain ng maayos ang ice cream ko. "Busy doing what?" "I'm eating." "Okey! See you soon bestfriend!" "Uhu. Flight safe," bilin ko pa. "Ayieeh! You're concern? I'm so touch!" Kinikilig pa niya. "Of course naman. It will be hell finding new business partner when you're dead." Naka-smirked ko pang sagot. "So mean!" "I know ! But don't worry, I'll make sure that Lorenz will sign on your coffin if ever that happens. See you soon Joan." Sabi ko pa at tinapos na ang pag uusap namin. And I focused myself on eating my ice cream. "Tsk! So messy!" Ismid ni Lorenz sa akin at pinunasan niya yung gilid ng labi ko gamit ang dulo ng daliri niya. I dont know, pero kusang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. Nakita ko din na ngumiti si Lorenz at niyakap ako ng mahigpit. "I missed this," bulong nya. "But I missed you more." "Me too, Lorenz." Because our life used to be so simple. It was always just us. "Just be you again, Cassy. Smile again." Bulong pa rin niya. "I can't." Sagot ko. Tinignan ko siya sa kanyang mga mata, at sa huling pagkakataon… ngumiti ako sa kanya. ** IT WAS five o'clock in the afternoon when we finally wrapped things up. Nakakapagod? Yes. But it was all worth it. "Ella, sabay ka na lang ulit kay Lorenz, huh?" Baling ko kay Ella. Wala naman kaming choice, e. I stilk need to buy a car at tanging motor lang ni epal ang service ko. "Okay po." Sagot niya habang kumakamot sa kanyang patilya, kaya nag-ayos na ako yung mga designs na nasa table ko at tumayo na. "I'll go ahead." Paalam ko pa aa kanila ni Gella bago umalis. Dumiretso na ako sa parking area para sa motor ni epal. And to my surprise, may asungot na naghihintay sa akin. "Psh. Talagang dadamahin mo yung motor ko, noh?" Bungad niya habang nakangisi pa. Hindi ko na lang siya sinagot at sumakay na sa motor niya habang si epal nakatingin lang. "Bakit? Makikisabay ka ba?" Nakangisi kong tanong. "Oo sana," sabi nya at nginisian din ako. Impakto talaga, e! Magsasalita pa sana ako nang bigla siyang sumakay. "You better hold on tight, spider monkey," sabi ko pa bago paandarin ang kanyang motor nang naka-full speed. "Slow down! Ayoko pa'ng mamatay!!!" sigaw niya. Note that we're not wearing any helmets. Hindi ko siya pinansin at mas binilisan ko pa! Next thing I knew ay sumisigaw na siya. "STOP THIS!! IBABA MO AKO!!" Hininto ko naman at hinarap siya. Hindi ko napigilang mapahalakhak dahil sa hilatsa ng pagmumukha niyang halos mamutla dahil sa sobrang takot. "Dude are you alright?" Nakangiti ko'ng tanong sa kanya. Bigla siyang ngumiti kaya kumunot naman yung noo ko. 'Problema nito?' "Wait! Magsmile ka pa, dali!" Pakiusap pa niya sa akin. 'Ano daw?' "Baliw." I mumbled. Pinaikutan ko pa siya ng mata bago buhayin ang makina ng motor niya. "Where shall I drop you?" I asked him. "Sa bahay niyo. Mag-o-overnight ang banda. Sort of celebration daw sa nalalapit na comeback ng Angels." Mahaba niyang sagot. 'Tss, dami pa'ng sinabi, e." "Okay." Matipid ko lang na sagot. "Request lang sana, 'wag masyadong mabilis. I don't want to die because of heart attack." Muli akong napabaling sa kanya. "Bakit? May sakit ka sa puso?" I asked out of curiosity. Noong una'y parang nag-aalangan pa siya na sagutin ako, pero ngumiti muna siya bago magsalita. "Parang gan'on, pero hindi naman na malala." Nakangiti pa rin niyang sagot. "Tsaka matagal na 'yon!" Tumango ako at dahil mabait ako, hindi ko na tinodo ang bilis namin. Ayoko namang maging dahilan ng pagkamay nitong si epal. Kahit naman likas na epal 'to, e nakakaawa pa rin… wait? Did I just say nakakaawa? Kailan pa ako naawa sa iba? ** NAKARATING KAMI nang ligtas sa bahay at hindi ko na hinintay na mag-thank you pa si epal. Dumiretso na ako sa kwarto ko at iniwanan siya sa sala para doon na niya hintayin sila Lorenz 'Ano kaya yung dati niyang sakit? Siguro enlargement of the heart… teka, e, ano ba'ng paki ko? Tss!' I decided to take a shower. Feeling ko kasi, na-absorb ko ang lahat ng polusyon sa kalsada. Habang naliligo ako, hindi ko maiwasang mapa-isip sa mga nangyayari. My life is a complete mess again… how I wish that mom was here. "Spend all your time waiting…" I Started singing my mom's favorite song: Arms of an Angel. "for that second chance, for a break that would make it okey… There's always some reason to feel not good enough and it's hard at the end of the day." How I love this song. Madalas ko itong kantahin kay Mommy bago kami matulog sa tuwinng naglalambing ako sa kanya. I need some distraction or a beautiful release. Memories seep from my veins. Let me be empty. Oh and weightless and maybe I'll found some piece tonight…" Kasabay ng pag-agos ng tubig sa mukha ko ay ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata ko. 'I miss my mom, so much.' "In the arms of the angel, fly away from here. From this dark cold hotel room, and the endlessness the you f-fear…" Hindi ko na naituloy ang aking pagkanta. Napa-upo na lang ako at yinakap ang aking mga tuhod habang tuloy pa rin sa pag-iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD