EPISODE 12: Solace in Nightmare

2060 Words
“You can start working in Vallejo Mall. Sabihin mo lang sa akin kung anong posisyon ang gusto mo.” Baritonong sambit ni Dominic habang nasa byahe kami, napalunok akong bigla. Paano ako magtatrabaho doon? “Um. Pwede bang pag-isipan ko muna? H-hindi pa kasi bumabalik yung ibang memorya ko, kaya wala akong masyadong alam sa mga dati kong ginagawa.” Tugon ko rito, napahinto sa pagsscroll ng mga data sa tablet si Dominic at binalingan ako ng tingin. “Whatever you want.” Maiksing sambit nito saka muling binaling ang tingin sa tablet. Napakagat ako sa ibabang labi ko, hindi ko maintindihan kung bakit ako nauutal sa harapan ng lalaking ito. Pagdating namin ng Manor ay dumeretso kami sa libriary ni Chairman Vallejo para bumati rito. Nakangiti ito habang nakatingin sa aming dalawa ni Dominic. “Kamusta ang honeymoon niyo Cassandra?” Tanong nito, bahagya akong ngumiti saka sumagot rito. “Okay lang po dad.” “Dominic, you can start working in the company as COO together with Harry. I’m expected you two will work as one for the company.” Sambit nito, tumango naman si Dominic saka sumagot. “Yes dad.” “And don’t forget your obligation to give me a grandchild. I’m expecting it soon.” Muling sambit nito, halos mabulunan ako sa sarili kong laway. Napansin yata iyon ni Dominic dahil napatingin ito sa akin bago muling binalingan ang ama at saka sumagot. “Don’t worry dad, I won’t disappoint you.” Sambit nito na may pagngisi pa. Tiningnan ko ng masama si Dominic nang makalabas na kami ng silid, nangunot nang bahagya ang noo nito nang lingunin ako at Makita ang matatalim kong tingin rito. “Why are you looking at me like that my wife?” Tanong nito, emphasizing the word my wife. “What did you say?” Sambit ko saka ito tinaasan ng kilay at lumapit ng bahagya. “Don’t forget that we are here because of a contract Mr. Dominic Vallejo, I’m not responsible giving you a child.” Dugtong ko rito. He smirked. “But don’t forget that your still my wife and you have a duty to fulfill, my wife.” Tugon nito saka ako tinalikuran at umalis. Naiinis akong naiwan sa mahabang pasilyo na iyon at hindi namalayan ang papalapit na si Beatrix. “Welcome home Cassandra.” Nakangiting sambit nito nang makalapit sa akin, ngumiti rin ako saka tumango rito. “Thank you Beatrix. Excuse me.” Tugon ko saka pumihit na para umalis pero natigilan ako nang magsalita itong muli. “Kamusta nga pala siya? Alam ba niya na kinasal kana?” Nanunuyang tanong ni Beatrix, bahagyang nangunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? May boyfriend ba si Cassandra bago siya kinasal? Bakit hindi ko alam ito, hindi sa akin sinabi ni Harry? Tumikhim ako bago nagsalita saka tipid na ngumiti rito, “Oo, alam niyang kinasal na ako. At hindi na kami nagkikita pa.” Tugon ko, tumaas ang kilay ni Beatrix at hindi kaagad nakasagot parang hindi naniniwala sa sinasabi ko. Lalong nangunot ang noo ko, anong alam ni Beatrix kay Cassandra? “I heard you’ll start working at the Vallejo Mall, don’t worry. I’ll teach you everything that you have to know.” Aniya, saka ako nginitian alam ko naman ang pagkadisgusto sa akin ni Beatrix pero hindi ko alam kung bakit. “Thank you Beatrix.” Tugon ko, ngumisi lang ito saka umalis na rin sa harap ko. Napabuntong hininga ako ng malalim nang maiwan akong mag-isa. Ano bang problema ng pamilyang ito? At sino ang naging boyfriend ni Cassandra bago siya mamatay? Kailangan kong makausap si Harry tungkol dito.   Nakaramdam ako ng sobrang pagod dahil sa byahe kaya nagdesisyon akong umakyat na sa kwarto, nasa west wing ng manor ang kwarto namin ni Dominic, we have our own living room, tea room, entertainment room, outdoor entertainment gaya ng mini tennis court, billiards, golf area, at ang pumukaw sa atensyon ko ang shooting range. Malaki ang kwarto namin ni Dominic, it has a Spanish style, actually the whole Mansion is mixed of Spanish and modern technology. Hindi ko na kailangang sumahin pa kung aabot ba ng billion ang halaga ng kabuuan ng bahay na ito dahil sa mga gamit palang ay million na ang tansya kong halaga. Wala akong ibang kulay na nakikita sa kwarto ni Dominic bukod sa off white, beige at itim na kulay, para akong nasa isang libing. Pero hindi ko maitatanggi ang sobrang kintab ng itim na sahig at malinis na paligid. Hinubad ko na ang jacket ko saka hinagis iyon sa couch at dumeretso na sa kama para mahiga at magpahinga. Wala pang ilang minuto ay hinila na ako ng antok at nakatulog na. Nagising ako na palubog na ang araw, bumungad sa akin ang malaking chandelier sa ceiling ng kwarto. Ilang beses ko pang pinikit-pikit ang mata ko habang nakatulala sa ceiling. Hanggang sa tumambad sa harap ko ang gwapong mukha ni Dominic, wala itong suot na pang-itass at nakapulupot ang puting tuwalya sa baywang nito. Sandal akong natigalgal at tinitigan ang maamo nitong mukha na unang beses ko lang nakita, mas gwapo siyang tingnan kapag maamo ang mukha niya at hindi salubong ang mga kilay at madilim ang mga mata. Napaigtad ako nang bahagya pang tumulo sa mukha ko ang tubig na mula sa buhok nito. “Are you still dreaming?” Nakangisi nitong tanong. Tumikhim ako saka naiilang na tumingin rito, pero dahil hindi ako mapalagay na tingnan ang nakabalandrang magandang katawan nito ay binaling ko nalang ang tingin sa glass wall saka nagsalita. “W-what are you doing here? B-bakit nakahubad ka?” Halos magaralgal ko pang sambit. “Why? Are you bothered with my body?” Tugon nito habang nakatayo parin sa gilid ng kama. “As if, huwag ka ngang feeling.” Sambit ko rito saka ito binalingan ng tingin and then I realize how perfect he is! Siguro noong nagsaboy ang Diyos ng magandang katawan at kagwapuhan isa ang ninuno ng mga Vallejo sa maswerteng nakasalo. Muli akong napasinghap nang magtama ang mga mata namin, saka ako nito binigyan ng makabuluhang ngiti. “We’re having a family dinner soon, take a bath first.” Aniya, saka pumihit na papunta sa walk-in closet, tumayo na ako para pumunta sa katabing pinto at naligo na. Mabuti at wala na akong mga assistant dito sa manor, ilang minuto akong nagbabad sa shower saka sinuot ang nakasabit na bathrobe doon at lumabas na, naabutan ko si Dominic na may kausap sa phone at nakaharap sa glass wall habang nakapamulsa ang isang kamay. Nakasuot na ito ng silk polo na black at trouser na puti, lumingon ito sa akin nang maramdaman ang presensya ko. “I’ll call you later, bye.” Sambit nito sa kabilang linya, nangunot ang noo ko. Parang ibang Dominic ang nakikita ko habang kausap ang nasa kabilang linya, malumanay at malambing ang tono ng boses nito malayong malayo sa kung paano nito makipag-usap sa akin. Sino kaya ang kausap niya? “What?” Tanong nito sa akin, napaawang ng bahagya ang labi ko, saka sumagot. “Nothing.” Tugon ko saka naglakad papasok sa walk-in closet. Hindi na naalis sa isip ko ang imahe ni Dominic habang may kausap sa phone, posible kayang may girlfriend siya? Umiling ako ng ilang beses saka winaksi ang gumugulo sa utak ko, hindi siya ang dapat na iniintindi ko. Kailangan kong malaman ang kalagayan ni Nanay, kailangan kong makausap si Harry. Mabilis akong nagbihis saka nagpatuyo na ng buhok, paglabas ko ng walk-in closet, nakaupo na si Dominic sa couch habang hawak ang phone nito, umangat ang tingin nito sa akin saka ngumiti. “Are you done? Let’s go outside.” Baritonong sambit nito. Tumango lang ako saka naglakad na palabas ng kwarto, gustuhin ko mang usisain at tanungin kung sino ang kausap nito kanina ay hindi ko na nagawa pa. Nasa dining area na si Beatrix at si Harry na noon ay sabay napalingon sa amin ni Dominic. Agad na pinulupot ni Dominic ang kamay nito sa baywang ko nang makapasok kami sa loob ng dining area. Naroon na sila Harry at Beatrix, sabay silang napalingon sa amin nang dumating kami, ngumiti lang si Beatrix habang si Harry naman ay seryosong nakatingin sa akin na siyang kinabahala ko.  Pinaghila ako ng upuan ni Dominic saka ito umupo sa tabi ko. "Kamusta nga pala ang honeymoon niyo Dominic? Hindi ba masyadong maiksi ang tatlong araw niyo sa Barcelona?" Tanong ni Beatrix, nilingon ko ng bahagya si Dominic na deretsong nakatingin kay Beatrix at seryoso ang mukha. "It's okay, pwede naman kaming maghoneymoon anytime." Tugon nito, halos mapangiwi ako sa sinabi nito at napatingin kay Harry na noon ay sumisimsim ng wine at nakikinig lang sa usapan nila. "By the way Cassandra will work at the Mall soon, I hope you can help her." Dugtong ni Dominic, ngumiti naman si Beatrix saka nagsalita. "Ofcourse, I'll help her." Tugon nito, muli kong binalingan ng tingin si Dominic na noon ay nakatingin at nakangiti sa akin, bahagya akong ngumiti ngunit unti-unti itong nawala nang mahagip ng paningin ko si Harry na noon ay matiim na nakatingin sa akin,  hindi mabasa ang emosyon sa mukha nito,  pero parang may kakaiba sa mga tingin niya sa akin na nagpakalabog ng dibdib ko.  Hanggang sa may lalaking tumikhim sa may pinto,  si Chairman Vallejo. Tumayo kaming lahat saka bumati rito, ngumiti naman ito saka dumeretso sa pwesto nito at naupo na. Tahimik lang ang lahat habang nakain, halos tunog lang ng kubyertos ang naririnig sa buong dining. "Harry." Natigilan kaming lahat nang marinig na magsalita si Chairman Vallejo. "Yes dad?" Tugon nito. "Dominic will take over the project that you're working." Sambit ng matanda, sandaling natigilan si Harry, nakita ko ang pagdilim ng mukha nito nang bumaling ang tingin kay Dominic.  "But dad, it's almost done." Tugon nito. "I know,  let Dominic handle it. I have a new project for you." Chairman Vallejo said with finality, hindi na sumagot pa si Harry na noon ay nagiigting ang panga. Alam kong hindi ito sang-ayon sa pagiging COO ni Dominic, I know his plans. Kaya ako nandito dahil kailangan niya ako para makuha ang buong Vallejo Enterprises. Hindi ko maiwasang malungkot, pera nalang ba ang mahalaga sa mga taong ito?    Pagkatapos naming kumain ay dumeretso si Dominic sa libriary ng daddy niya dahil may mga aayusin silang documents sa company, wala naman akong gagawin at gabi narin kaya nagdesisyon na akong pumunta sa west wing at magpahinga. “Cassandra.” Natigilan ako sa paglalakad nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko. Napalunok ako nang Makita si Harry na papalapit sa akin. His face is unreadable, and quite serious. “Harry, m-may kailangan ka?” Tanong ko rito nang makalapit ito sa akin. Sandali ako nitong tinitigan bago nagsalita. “You’re going to start working in the Mall, gusto kong subaybayan mo ang lahat ng kilos nila at ireport mo sa akin ang mga mahahalagang impormasyon na makukuha mo.” Baritonong sambit nito. I nodded. “Okay, Um.. Kamusta si nanay? Si Anthony?” Nag-aalala kong tanong rito, bahagya itong lumapit sa akin saka sumagot. “Don’t ever mention their names inside this house, Cassandra. Don’t worry about them, may mga tauhan akong nagbabantay sa kanila.” Tugon nito saka pumuhit na para umalis pero natigilan rin nang muli akong magsalita. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend si Cassandra? Kilala mo ba siya?” Tanong ko rito, muli itong humarap sa akin. Pero wala na ang madilim at nakakatakot na ekspresyon ng mukha nito, hindi ito kaagad nakasagot yumuko ito saka muling binaling ang tingin sa akin. Muling bumalik ang pagdilim ng mukha nito. “Magpahinga kana Cassandra.” Aniya, saka tuluyang umalis. Naiwan akong nakatitig sa likuran nito habang naglalakad palayo, hindi ko alam pero sa tuwing mababanggit ang pangalan ni Cassandra nagiging iba ang awra ni Harry, nawawala ang madilim at nakakatakot nitong ekspresyon at napapalitan ng hindi ko maipaliwanag na emosyon. Nakatingin ako sa ceiling habang nakahiga at iniisip parin ang imahe ni Harry kanina, halos medaling araw na pero hindi parin ako makatulog, hanggang sa magbukas ang pinto at sumilay ang liwanag galing sa labas ng kwarto isang matangkad na lalaki ang pumasok at muling sinara ang pinto. Pumasok ito sa walk-in closet, ilang minuto lang ay lumabas itong muli saka lumapit sa kama at humiga sa tabi ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi ko alam kung anong oras na pero naalimpungatan ako nang may marinig akong ungol, kinusot ko pa ang mata ko saka tiningnan ang katabi kong si Dominic. Pawis na pawis ito at para bang nananaginip. “Don’t please, don’t go mom, please!” Agad kong binuksan ang night lamp at ginising ito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD