CHAPTER 13: The Pain you Implicted

1573 Words
Harry. 1 month ago.   “Pagkatapos kong magpakasal kay Dominic anong plano mo?” Tanong ni Yasmine habang nag-uusap kami sa loob ng hospital. Humarap ako rito saka nagsalita. “Make him trust you. Make him want you physically so he can trust you.” Sambit ko rito, nangunot ang noo nito saka binalingan ako ng tingin. “A-anong ibig mong sabihin? G-gusto mong ibigay ko ang sarili ko sa kanya?”Kunot-noong tugon nito, ngumisi ako saka lumapit ng bahagya rito. “Why? Isn’t normal for a married couple to do that? You can have everything he has. Next year dad will appoint the next CEO of Vallejo Enterprises, kailangang makuha mo ang lahat ng shares niya sa company bago mahuli ang lahat.” Tugon ko rito. “P-pero bakit? Kailangan niyo ba talagang pag-agawan ang Vallejo Enterprises kung sa inyo rin naman mapupunta ang lahat ng ito? Isa pa, hindi ba’t pamilya kayo? Bakit kailangan niyong magkaganito para lang sa pera?” Kunot-noong tanong nito, lumapit ako sa glass wall saka pinasok sa bulsa ang dalawang kamay. “You clearly know why Cassandra, alam mo kung anong pakiramdam ng walang pera. Kaya ka nga nandito hindi ba? And besides, family doesn’t matter to the rich people like us. Hindi porket magkakasama tayong kumakain sa hapag ay isang pamilya na tayo at gusto natin ang isa’t-isa. We’re together because we want something to each other.” Tugon ko rito saka muling humarap kay Cassandra na noon ay nakaawang ang labi at natigalgal sa sinabi ko. “Focus on being Cassandra Montemar, remember that we’re doing this because we have the same goal Yasmine. Money and power.” Dugtong ko saka iniwan ito at lumabas na ng silid. Simula pa ng pagkabata ay kay Dominic nakatuon ang atensyon ni dad, lalo na nang mamatay ang ina nito. Bata palang ako nang inuwi siya ni dad sa manor, halos magkasing-edad lang kami ni Dominic, anak siya sa labas ni dad at namatay ang nanay niya dahil sa isang aksidente. Simula nang dumating si Dominic sa buhay namin ay nagbago na ang pakikitungo sa akin ng aking ama, nahati ang dapat na atensyong sa akin lang. Hanggang sa pinag-aral siya sa New Zealand at para kalimutan ang nangyaring trahedya sa kanya. Akala ko ay magiging maayos na ang lahat at babalik nasa dati ngunit nagkamali ako, kahit na wala si Dominic rito ay siya parin ang inaalala ni dad. Simula noon ay pinangako ko sa sarili ko na aagawin ko ang lahat ng sa kanya, because that’s all mine, inagaw niya lang. He doesn't deserve any of this. Lahat ng mga plano ko ay nakahanda na, at si Cassandra lang ang susi sa tagumpay ko. Masakit para sa akin ang nangyaring trahedya kay Cassandra, at hinding-hindi ako titigil hangga’t hindi ko nalalaman kung sino ang may-ari ng itim na sasakyang nakita ko ng gabing iyon. Nag-iigting ang panga ko habang nakatayo sa tapat ng glass wall sa loob ng opisina, tinatanaw ang buong syudad, at mga naglalakihang building. Hindi ko parin maiwasang malungkot sa pagkawala ni Cassandra, pero para sa kanya at sa mga plano namin, kailangan kong magtagumpay at makuha ang lahat. Napalingon ako nang may kumatok sa pinto, si Vincent. May hawak itong itim na folder at saka pumasok sa loob ng opisina ko. Humakbang ako papalapit sa swivel chair ko at saka naupo bago inabot sa akin ni Vincent ang folder na hawak nito. “What happened? Nalaman niyo na ba kung sino ang may-ari ng kotse na iyon?” Tanong ko rito. “Hindi pa sir, pero base dyan sa nakuha kong impormasyon. Nirentahan ng isang babae ang kotse na nakita niyo ng gabing iyon.” Sambit nito, nangunot ang noo ko. “Babae?” Ulit ko rito, saka tiningnan ang laman ng folder. “Yes sir, babae ang may gamit ng itim nasasakyan ng gabing iyon, tinted ang salamin ng sasakyan kaya hindi nakita sa cctv kung sino ang sakay non, pero sir. Kung makikita niyo may suot itong singsing.” Tugon nito, lalong nangunot ang noo ko nang makita ang ilang litrato nakuha ng cctv, kita sa picture ang kamay ng nagmamaneho na nakahawak sa steering wheel, may suot nga itong singsing, base sa disenyo nito ay hindi ito mumurahing alahas at iilan lamang sa lugar ang nagbebenta ng mga high-end jewelries. “Look for every jewelry shop and find the information of this ring!” Utos ko rito, tumango naman ito saka lumabas na ng opisina ko. Hating-gabi na ng umuwi ako sa manor, tulog na ang lahat maliban sa ilang katulong at bodyguards na nakashift sa pang-gabing trabaho. Dumeretso ako sa kwarto saka ko naabutan si Beatrix na umiinom ng wine habang nakaupo sa couch, nangunot ang noo ko saka niluwagan ang neck tie. “You’re drinking again?” Sambit ko rito, saka nilapag sa couch ang hawak kong bag at hinubad ang coat. Ngumiti ito sa akin, a sad emotion was visible on her face. “That’s not good for your health, Beatrix.” Dugtong ko saka ito nagsalita. “I’m just happy, bukas na darating si Dominic. Sa wakas makikita ko na ang brother-in-law ko, ah! Magkakaroon kana ng bagong sister-in-law. That’s why I’m celebrating!” Aniya, saka tinaas ang hawak na baso ng wine. “Beatrix, magpahinga kana.” Tugon ko rito saka ito tinalikuran at papasok na sana sa banyo nang bigla itong nagsalitang muli. “Nalulungkot ka ba na magpapakasal na si Cassandra sa kapatid mo?” Mahinang tanong nito, nandilim ang paningin ko saka humarap rito. Pero bago pa ako tuluyang makaharap ay nakalapit na sa akin si Beatrix at yumakap sa baywang ko saka sinubsob ang mukha sa likod ko. “Bakit hindi mo ako magawang mahalin?” Hinawakan ko ang kamay nito at tinanggal sa pagkakayakap sa akin saka humarap rito. “I’m sorry, I’m not the man who deserved to be loved, Beatrix.” Sambit ko rito, gumuhit ang lungkot sa mukha nito saka lumandas ang luha sa pisngi. “Why? Is it because of Cassandra? Harry ikakasal na si Cassandra sakapatid mo!” Singhal nito. I’m exhausted; I massage my temple and glanced at her. “If you’re not contented that I’m here with you, we can just get a divorce!” Tugon ko rito, natigalgal ito, bahagyang napaawang ang labi. “Let’s get divorce Beatrix.” Dugtong ko rito. “W-what did you say?” Halos nauutal na sambit nito, saka humakbang papalapit sa akin. “No, I-I can’t please, Harry.” “Walang namamagitan sa amin ni Cassandra, so please if you don’t trust me, then let’s file a divorce Beatrix.” Sambit ko saka muli itong tinalikuran, naramdaman ko ang muling pagpulupot ng mga braso nito sa baywang ko habang umiiyak. “Please, don’t leave me. I can’t live without you Harry. I trust you, I really do.” She said between her sobs. Muli akong humarap rito saka ito niyakap, I know Beatrix won’t agree to leave me. Alam ko kung gaano niya ako kamahal, at alam ko kung gaano ko pa siya kailangan para sa mga plano ko.  Cassandra/Yasmine. Habol hininga at pawis na pawis na napabalikwas sa pagkakahiga si Dominic.  “Are you okay?” Kunot-noo kong tanong rito, pero imbis na sagutin ang tanong ko ay hinila nito ang braso ko saka ako niyakap ng mahigpit. Napaawang nalang ang labi ko dahil sa pagkabigla, nananaginip parin ba siya? Hindi ko alam kung ilang oras kami sa ganoong posisyon, hindi ko alam kung anong napanaginipan niya pero kita ko ang takot at lungkot sa mukha niya nang gisingin ko siya kaya hinayaan ko nalang siya na yakapin ako, hinagod ako ang likuran niya hanggang sa kusa siyang kumawala sa pagkakayakap sa akin. Ibang bersyon ng Dominic ang nasa harapan ko ngayon, para siyang bata na takot na takot hindi ko maintindihan kung saan nanggagaling ang ganitong emosyon. Muli itong humiga sa kama saka pinatong ang braso sa noo at pumikit. Muling nangunot ang noo ko saka nagsalita. “Okay kalang ba? Gusto mo ikuha kita ng tubig?” Tanong ko rito, pero hindi ito sumagot. Sandali ko pa siyang tinitigan saka akmang tatayo para kumuha ng tubig pero natigilan ako nang hawakan nito ang pala-pulsuan ko, muli ko siyang binalingan ng tingin. “Please don’t go, don’t leave me here.” Mahinang sambit nito, I finally saw his face against the dim light of the night lamp, his eyes are full of sorrow and pain. Who would have known the great Dominic Vallejo has this kind of emotion? “O-okay.” Sambit ko saka muling nahiga. Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko, ilang beses ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko para makuha ang tamang linaw habang nakatitig sa glass wall saka ko naalala ang nangyari kagabi, si Dominic! Agad kong nilingon ang katabi kong si Dominic na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang titigan ang gwapong mukha nito. Maamo at payapa, malayong-malayo sa itsura ng mukha nito kagabi. At malayong-malayo sa itsura ng mukha nito kapag gising, dominante at arogante.  I smiled unconsciously, hanggang sa bumaba ang tingin ko sa kamay ko. Bahagyang napaawang ang labi ko nang makitang hawak parin ni Dominic ang pala-pulsuan ko, saka ako nakaramdam ng pangangalay. Magdamag niya bang hawak iyon? Marahan kong tinanggal ang kamay nito sa pagkakahawak sa pala-pulsuan ko, pero bago pa man tuluyang matanggal ay napasinghap ako nang bigla magsalita ang lalaki sa tabi ko. “What are you doing?” Halos paos pang boses na sambit nito. Naiilang akong lumingon rito saka sumagot. “G-good morning.” Sambit ko, saka binaling nito ang tingin sa mga kamay namin mabilis nitong binitawan ang pala-pulsuan ko saka tumayo. Bahagyang nangunot ang noo ko sa naging reaksyon nito. Muli itong humarap sa akin saka akmang may sasabihin pero hindi nito tinuloy saka naglakad na papasok sa banyo. Napaawang ang labi ko at nirolyo ang mata habang nakatingin sa pinto ng banyo. Bumalik nanaman ang aroganteng Dominic Vallejo. Tsk!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD