“Why don’t you start at the stockroom area?” Sambit sa akin ni Beatrix nang pumasok ako sa opisina nito, ito ang unang araw ko sa mall.
“Stockroom? P-pero, sinabi sa akin ni Dominic sa marketing department niya ako nilagay as director.” Tugon ko rito, ngumisi ito saka muling nagsalita.
“It’s just temporary hangga’t hindi pa bumabalik ang alalala mo, mahirap na kapag nagkamali ka, kailangan mo munang magsimula sa umpisa para matutunan ang lahat, am I right Cassandra?” Aniya, bahagyang nangunot ang noo ko dahil sa tuwing nagkaka-usap kami ni Beatrix ramdam na ramdam ko ang pagkadisgusto nito sa akin.
“Beatrix, I know you don’t like me, pero pwede mo bang sabihin sa akin kung bakit?” Tanong ko rito, tumaas ang kilay nito saka tumayo at lumapit sa akin.
“It’s not that I don’t like you, I hated you. Kapag bumalik na ang ala-ala mo, malalaman mo rin kung bakit.” Tugon nito, napakagat ako sa ibabang labi ko saka muling sumagot.
“Anong ibig mong sabihin?” Muli kong tanong rito.
Sarkastiko itong tumawa saka muling nagsalita.
“You really want me to tell you? I hated you because you’re a slut! Alam kong may relasyon kayo ni Harry.” Mariing sambit nito, natigalgal ako at napaawang ang labi, nangingilid ang luha nito at matatalim ang mga matang nakatigin sa akin.
Paano nagawa ni Cassandra iyon?
May relasyon sila ni Harry? Unti-unti kong napagtanto ang lahat, pero bakit pumayag si Harry na ipakasal si Cassandra kay Dominic?
“Um, I-I’m sorry.” Mahina kong sambit, wala akong ibang masambit kundi ang mga salitang ito, mali ang ginawa nila Cassandra at Harry. Isang malaking kasalanan ang pumatol sa may-asawa na pero paano nilang nagawa iyon kay Beatrix? Naramdaman ko nalang ang hapdi ng sampal sa pisngi ko at bumalik ako sa realidad.
Hinawakan ko ang pisngi ko na noon ay namumula dahil sa pagsampal sa akin ni Beatrix, nang lingunin ko ito ay nasa ere pa ang kamay nito at namumula ang mga matang nakatingin sa akin, bakas ang sakit at galit.
“That’s not enough for making my life miserable. I won’t forgive you!” Sambit nito, bumaba ang tingin ko saka lumabas na ng opisina nito. Nakatulala ako habang nasa loob ng inventory room, iniisip ang nangyari kanina, at si Harry. Kaya ba ganun nalang ang reaksyon niya sa tuwing binabanggit ko si Cassandra?
Hanggang sa biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Dominic, he looks furious and angry. Yumuko ako nang magtama ang mga mata naming dalawa, ayokong Makita niya ang namumula kong pisngi.
“Why are you here? You suppose to be in the office.” Seryosong sambit nito, napalunok ako saka inangat ang tingin rito, bahagyang nanlaki ang mga mata nito nang makita na namumula ang pisngi ko.
“What happened?” Muling tanong nito.
“I-it’s nothing.” Halos mautal ko pang sambit rito, hinawakan nito ang kamay ko saka ako hinila palabas ng inventory room, halos pagtinginan kami ng lahat ng empleyado sa mall at mga customer na naroon, wala akong ibang nagawa kundi ang yumuko at itago ang mukha dahil sa hiya.
“Con, sa manor tayo.” Baritonong sambit ni Dominic nang makasakay na kami sa backseat. Muli akong binalingan ng tingin ni Dominic saka nagsalita. “Hindi mo ba sasabihin sa akin kung anong nangyari Cassandra?” Muling tanong nito, napayuko ako. Paano ko sasabihin na sinampal ako ni Beatrix? Paano ko sasabihin na may relasyon si Cassandra at Harry? Paano ko sasabihin na hindi ako ang tunay na Cassandra, na nagpapanggap lang ako at hawak ni Harry ang buhay ng nanay at kapatid ko?
Umiling ako saka kinagat ang ibabang bahagi ng labi ko, nangingilid ang luha ko sa hindi malamang dahilan. Tumango-tango si Dominic saka muling nagsalita.
“Okay, don’t tell me if you can’t.” Sambit nito, hindi na ito muling nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa manor. Dumeretso ako sa west wing at nagkulong sa banyo, hindi ko na hinintay pa si Dominic.
Tinitigan ko ang sarili sa salamin at saka binalot ng takot at pangamba, makakaya ko pa bang magpanggap? Parang nakokonsensya na ako, pero kapag tumigil ako anong mangyayari sa nanay at kapatid ko? Napabalikwas ako nang may kumatok sa pinto ng banyo.
“Cassandra, are you okay?” Baritonong tanong ni Dominic.
“Um, oo okay lang ako.” Tugon ko rito, hindi na ito muling kumatok, pinunasan ko ang luha ko saka hinubad na ang mga damit ko at naligo. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Dominic na nakaupo sa couch at nakatupi na ang polo nito hanggang braso, maluwag narin ang necktie nito at nakapatong sa sandalan ang coat.
“Huwag ka nang bumalik sa mall, ililipat kita sa company.” Sambit nito habang nakatingin sa akin. Sandaling nangunot ang noo ko saka sumagot rito.
“Um, h-hindi naman kailangan.” Tugon ko rito, tumayo ito saka lumapit sa akin.
“I know what happened, Con report it to me. It makes no sense, hinayaan mo lang sila na itrato ka ng ganun? I can’t believe it Cassandra.” Sambit nito saka pinatong ang dalawang kamay sa baywang at naiinis na nakatingin sa akin, hindi ako makatingin ng diretso rito dahil sa pagkailang at dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko, kung si Cassandra ang nandito malamang hindi siya pumayag sa ginawa ni Beatrix pero hindi ako si Cassandra. At hindi ko alam kung papaano ko ipagtatanggol ang sarili ko. Malalim itong bumuntong hininga saka muling nagsalita.
“Okay ka lang ba? Masakit ba? Ikukuha kita ng ice bag para hindi mamaga iyang pisngi mo.” Aniya, saka ako tinalikuran pero bago pa man ito makahakbang ay pinigilan ko na ito.
“Hindi na kailangan, Dominic, okay lang ako. You don’t have to worry.. and thank you.” Tugon ko saka yumuko at pumasok sa walk-in closet. Wala na sa kwarto si Dominic nang lumabas ako, narinig ko ang pagtunog ng phone ko kaya lumapit ako sa couch kung saan nakalagay ang bag ko at kinuha ang phone ko roon, nakita ko ang pagrehistro ng pangalan ni Harry sa screen sandali ko pa iyong tinitigan bago sana tuluyang sagutin pero biglang nagbukas ang pinto ng kwarto at iniluwa noon si Dominic. May dala itong icebag, ngumiti ako ng bahagya rito nang magtama ang mga mata namin.
“Come here.” Baritonong sambit nito, umupo ito sa couch saka minowestra na umupo ako sa tabi niya. Tumikhim ako saka marahan na lumapit dito at naupo sa tabi niya, nilapat niya sa namumula kong pisngi ang ice bag. Dala ng pagkailang, umiwas ako saka kinuha ito.
“Ako na, you don’t need to do this things.” Sambit ko. tiningnan ako nito ng matalim saka muling kinuha ang ice bag sa kamay ko at nilapat sa pisngi ko.
“Stay still, be grateful, because I don’t usually do this.” Seryosong tugon nito, napangiti ako at hinayaan nalang siya sa ginagawa niya. Ngayon ko lang ulit natitigan ng malapitan ang mukha ni Dominic, napaka-depina ng mukha nito. Walang sinomang babae ang makakatanggi rito, unti-unting nawala ang mga ngiti ko nang magtama ang mga mata namin ni Dominic.
“Thank you for staying last night, don’t worry it wont happened again.” Sambit nito.
Ang malalalim nitong mga mata na para bang may gustong ipahiwatig at ang lungkot ay muli kong nakita. Napalunok ako saka nagsalita. “Madalas ka bang binabangungot?”. Bumaba ang tingin nito at para bang nagdadalawang-isip kung sasagutin ang tanong ko o hindi, hanggang sa tumango ito at nagsalita.
“Since my mom died, palagi ko siyang napapanaginipan.” Tugon nito, napaawang ang labi ko. Nakita ko kung gaanong takot na takot si Dominic nang magising ito I can’t believe na nalampasan niya ito noong bata siya. I can’t imagine na mananaginip ng ganun ang isang bata.
“Don’t look at me like that.” Sambit nito, saka binaba ang ice bag. “I don’t need your sympathy.” Dugtong nito.
“I-I’m sorry.” Tugon ko saka yumuko. Tumayo ito saka tumalikod sa akin. “I can’t bare to see you sympathize on me, not you Cassandra.” Tugon nito saka lumabas ng kwarto, napabuntong hininga ako saka sumandal sa upuan.
How can I used Dominic, kung ganito ang kalagayan niya? Napakasama kong tao, kung aminin ko kaya sa kanya ang totoo? Pero paano? Maiinitindihan niya ba? Mariin akong napapikit dahil sa dami ng iniisip. Napaingon ako sa pinto nang may marinig akong kumatok.
“Come in.”
“Ms. Cassandra, nakaready na po ang dinner.” Nakangiting sambit nito, tumango lang ako saka ito lumabas sa silid. Malalim akong bumuntong hininga at inipon ang lahat ng natitirang lakas ng loob para harapin si Beatrix.
Tahimik lang ako habang kumakain, iniiwasang tingnan si Beatrix at Harry. Nag-uusap paminsan-minsan sila Harry at daddy nila, minsan ay sumasabat si Dominic.
“Dad, gusto kong ilipat sa main office si Cassandra.” Napalingon ang lahat kay Dominic, maging ako ay nabigla rin, kahit sinabi na nito sa akin na ililipat niya ako pero hindi ko naman inasahan na agad-agad.
Nangunot ang noo ni Chairman Vallejo saka tumingin sa akin.
“Why? May problema ba sa mall Cassandra?” Tanong nito, muli kong binalingan si Dominic tumingin rin ito sa akin saka nagsalita.
“It’s not her expertise, sa company siya ng daddy niya dati nagtatrabaho kaya mas makakabuti sa kanya kung sa main office nalang siya, baka mas mapabilis ang paggaling niya kapag nilipat natin siya sa pamilyar na lugar.” Sambit ni Dominic, sandaling natigilan si Chairman Vallejo saka tumango, at sumang-ayon kay Dominic.
“Okay, do that.” Sambit nito.
Nakita ko ang pagngisi ni Harry sa akin, at ang matatalim na mga tingin ni Beatrix. Binaling ko nalang ang tingin kay Dominic na noon ay nakatingin sa akin, ngumiti ako ng bahagya saka pinagpatuloy ang pagkain.