CHAPTER 18:
Hindi ko na alam kung anong sasabihin o gagawin ko nang tumawid na si Anthony sa kabilang kalsada at unti-unti itong nawawala sa paningin ko. Tumayo ako at kinuha ang bag ko, hindi ko na naisip pa na kasama ko si Dominic o narinig pa ang pagtawag nito sa akin, nagamadali akong lumabas ng restaurant at nangingilid ang luha habang nakatingin kung saan dumaan si Anthony, dahil rush hour narin ay marami na ang tao sa kalsada. Hanggang sa makatawid ako sa kabilang kalsada kung saan ko nakita si Anthony, inikot ko pa ang paningin ko sa buong lugar pero hindi ko na siya naabutan.
I’m crying unconciously, and didn’t realized a pair of eyes glaring at me on the other side of the road. Sinundan ako ni Dominic, he saw me crying again hindi iniinda ang dami ng mga taong nakakakita sa akin. What does it mean? Why he’s here? Hindi ba tinupadni Harry ang pangako niya sa akin? Si nanay? Anong nangyari sa nanay at kapatid ko?
Hindi ko na namalayan ang paglapit sa akin ni Dominic, seryoso ang mukha nito pero mas lamang ang pagtataka at pag-aalala.
“Cassandra, what happened?”Tanong nito. Patuloy lang ako sa pag-iyak at paghikbi. Hindi ko alam ang isasagot ko, alam kong hindi ako titigilan ni Dominic kaya pinilit kong pigilin ang pag-iyak, pinunasan ko ng palad ang mga luha ko saka umiling rito.
“I-It’s nothing. I-I just thought I saw someone I knew. I’m sorry, can we just go home?” Halos utal-utal kong sambit rito, saka naglakad na pabalik sa restaurant.
Sumalubong sa akin si Con at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan, nakayuko akong pumasok roon at tahimik na binaling ang tingin sa bintana. I’m anxious thinking about my brother.
Maya-maya lang ay sumunod nang sumakay si Dominic. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paninitig nito, pero hindi ito nagsasalita hanggang sa inabot nito sa akin ang isang kulay puti na panyo. Sandali ko pa iyong tinitigan bago tuluyang kinuha at piunasan ang basa kong mukha.
“I wouldn’t ask you what happened, dahil alam kong hindi mo rin sasabihin. But I want you to know that my shoulder is free and ready to cry on Cassandra.” Sambit nito, his eyes are glaring at me, shimmering by the lamp post lights that pass through him. His sincerity and warmth makes my tears flow to my cheecks. Hindi ko na muling napigilan pa ang pag-iyak, lumapit ito sa akin at niyakap ako.
I’m overwhelmed by his embrace, his warm body reminds me of my mom’s warmed hug. Hindi ko na alam kung ilang oras kami sa ganoong posisyon, o kung naririnig o nakikita man kami ni Con. Wala na akong pakialam sa paligid ko, ang alam ko nalang ay nandyan si Dominic para damayan ako.
Nanatiling nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Dominic hanggang sa di ko na namalayan na nakatulog ako. Nagising nalang ako nang marinig ko ang boses ni Dominic na tinatawag ang pangalan ko, marahan kong minulat ang mata ko na noon ay mahapdi pa dahil sa kakaiyak ko.
“Hey, we’re here.” Bulong nito, tinitigan muna ako nito saka binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas na. Alam kong gustong-gusto nitong magtanong, nakikita ko ang pag-aalala nito. Pero wala akong magawa, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang lahat.
Sinalubong kami ng mga katulong pagpasok naming sa bahay. “Good evening, Sir Dominic, Ms. Cassandra. Sir pinapatawag po kayo ni Chairman sa library.” Sambit nito. Muli akong binalingan ng tingin ni Dominic.
“Magpahinga kana Cassandra, pupuntahan ko lang si dad.” Baritonong sambit nito, saka naglakad na papunta sa library ni Chairman.
Nagmamadali akong pumunta sa west wing at tiningnan ang buong paligid bago kinuha ang phone ko at tinawagan si Harry, muli kong sinipat ang paligid kung may ibang tao habang nakadikit sa tenga ko ang phone hanggang sa marinig ko ang boses nito sa kabilang linya.
“Cassandra.” Baritonong sambit nito.
“Nasaan ka? Kailangan kitang makausap.”
“Meet me at the wine cellar in five minutes.” Tugon nito saka binaba ang phone. Agad kong tinungo ang wine cellar ng manor, nasa bandang likod iyon ng manor, naroon ang iba’t-bang klase ng wine, para itong malaking refrigerator na kakasya ang halos dalawampung tao. Dito rin nakadisplay ang mga pinakamahal at pinakamatatandang wine na milyon-milyon ang halaga.
Pagpasok ko sa cellar ay bumungad sa akin ang malamig na temperature sa loob. Naabutan ko si Harry na nakaharap sa mga shelf kung saan maayos na nakasalansan ang mga bote ng wine. Nakasuot ito ng dark blue na polo shirt at gray na pants, malamang ay nasa manor lang ito dahil ito ang kadalasang suot niya kapag nasa bahay lang.
Ngumisi ito nang humarap sa akin at Makita ako. “What do you want to talk about Cassandra?” sambit nito sa malalim at baritonong boses. Bumugso ang galit sa kaibuturan ko at mabilis na lumapit rito at sinampal ito.
Malalim at madilim ang mga mata nito nang binaling ang tingin sa akin habang hawak ang pisngi.
“Sinungaling ka! Ang sabi mo hindi mo pababayaan ang kapatid ko! Nasaan si Anthony? Wala siya sa University hindi ba? Sinungaling ka Harry!” Singhal ko rito, lalo itong ngumisi at tumalim ang mga tingin.
“Hindi ko alam kung anong sinasabi mo, ngayon bumalik kana doon kay Dominic and do your job!” Aniya saka lumapit sa akin at hinawakan ako ng mahigpit sa braso. “Sinabi ko na sa’yo ako na ang bahala sa nanay at kapatid mo bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?” Dugtongnito. Kumawala ako sa pagkakahawak ni Harry saka kinuyom ang mga palad, punong puno ako ng galit na halos mangilid na ang mga luha ko.
“Nakita ko si Anthony malapit sa restaurant na pinuntahan namin ni Dominic, anong ginagawa niya rito? Hindi ba dapat nasa dorm siya ng university?” Sambitko, sandaling natigilan si Harry at nanlaki ang mga mata.
“Nakita niya kayo? Nakita ba siya ni Dominic?” Nagaalalang tanong nito. Napaawang nalang ang labi ko, mas iniisip niya pa kung nakita ba ito ni Dominic.
“Sinungaling ka! Sasabihin ko na kay Dominic ang totoo! Sasabihin ko sa kanya ang lahat ng plano mo!”Sambit ko rito saka ito tinalikuran. Muli itong ngumisi saka nagsalita.
“Sige, mukhang hindi na mahalaga sa iyo ang buhay ng nanay mo. Nakakalimutan mo yatang ako lang ang may alam kung nasaan ang nanay mo Yasmine.” Aniya, tuluyang lumandas sa pisngi ko ang luhang kanina pa nagbabadya at humarap sa lalaki saka marahang umiling.
“Napakasama mo, hindi ako dapat nagtiwala sayo.” Sambit ko, habang umiiyak. Ngumisi ito saka muling lumapit sa akin at hinaplos ang buhok ko.
“Don’t say that. Remember that we are on the same boat now, wala kang ibang pwedeng pagkatiwalaan kundi ako lang. Dahil ako lang ang nakakaalam kung sino ka talaga, at tayo lang dalawa ang magkakampi rito Yasmine, wala nang iba.” Tugon nito, hinawi ko ang kamay nito at inipon ang natitirang lakas ng loob saka muling nagsalita.
“Gusto kong makita si nanay, dalhin mo ako sa kanya kung hindi sasabihin ko kay Dominic ang totoo.” Mariin kong sambit rito, tinitigan muna nito ang mukha ko saka tumugon.
“Okay, dadalhin kita sa kanya bukas. Don’t waste your tears Cassandra.” Sambit nito saka ako hinawakan sa pisngi at pinunasan ng hinlalaki ang mga luha ko. Pagkatapos ay umalis na at naiwan akong mag-isa. Hinaplos ko ang dibdib ko dahil sa paninikip nito, ilang minuto pa ang lumipas saka ko inayos ang sarili ko at nagpasya nang lumabas ng Cellar. Ang importante ay makikita ko na bukas si nanay saka ko aalamin ang tungkol sa kapatid ko.