CHAPTER 19: It's okay, I'm here!

1415 Words
Pumihit na ako at naglakad sa pinto, ngunit ganun nalang ang pagkabigla ko nang hindi pa man ako nakakalapit sa pinto ay bigla itong bumukas at iniluwa non ang isang matangkad na lalaki, si Dominic. Bahagyang nangunot ang noo nito nang Makita ako. “Cassandra?” Sambit nito, marahil ay hindi niya inaasahan na makita ako rito, saka ko naalalang kalalabas lang ni Harry. Nakita niya kaya ito? Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi kaagad nakapagsalita. “Why are you here Cassandra?” Muling tanong ni Dominic. Tumikhim ako bago nagsalita. “Um, naglakad-lakad lang ako saka ko napunta rito nang hindi ko namamalayan. I-ikaw? Anong ginagawa mo dito?” Tugon ko rito, tinitigan ako nito sa bawat sulok ng aking mukha bago ngumiti at nagsalita. “I’m looking for you. Let’s go, malamig dito sa Cellar.” Baritonong sambit nito, tumango ako saka naunanang lumabas nang hindi ito nililingon. “Are you hungry? Hindi ka nakakain kanina.” Muling sambit nito habang naglalakad kami sa pasilyo, umiling lang ako saka matipid na ngumiti rito, pero ganun nalang ang pamumula ng mga pisngi ko nang biglang tumunog ang tiyan ko. Binalingan ako ng tingin ni Dominic hanggang sa bumaba ang tingin nito sa tiyan ko at saka tumawa. “You’re not a good liar Cassandra. Let’s go, I’ll cook for you.” Nakangiting sambit nito saka hinawakan ang kamay ko at hinila ako papunta sa kusina. Ang kusina ng manor ang pinakamalaking kusina na nakita ko sa buong buhayko, para itong kusina sa isang hotel. Kumpleto ang mga gamit at may malaking refrigerator kung saan maayos na nakasalansan ang mga frozen goods, gulay, prutas at iba pang pagkain.  Napapanganga nalang ako habang sinusundan si Dominic, hanggang sa balingan ako nitong muli ng tingin. “Mabuti pa, umupo ka nalang doon.” Sambit nito saka tinuro ang barstool sa may center island ng kusina. “Tutulungan na kita.” Tugon ko, tinaasan lang ako nito ng kilay saka muling ngumuso para ituro ang upuan sa may center island at pinagpatuloy ang ginagawa.  May mga chef at katulong sa kusina nang gabing iyon pero pinaalis ni Dominic, kaya naman daw niyang magluto mag-isa. Nakahalumbaba ako habang pinagmamasdan ito sa kusina. Sinong magaakala na marunong pala sa kusina ang isang Dominic Vallejo? Hindi ko maiwasang mapangiti rito, ramdam ko ang pamumula at paginit ng mga pisngi ko kapag tumitingin ito sa akin at ngumingisi.  Inilapag nito ang isang plato na may lamang French omellete saka ngumiti sa akin at hinubad ang suot na apron. “Taste it.” Aniya, tinitigan ko muna ang pagkain saka kinuha ang kubyertos, muli kong naramdaman ang pagkarambola sa loob ng tiyan ko nang maamoy ang pagkain. “How does it taste?” Tanong nitong muli nang makakain ako, lumapit pa ito at umupo sa katabi kong upuan habang hawak ang dalawang baso ng wine. Tumango ako saka nilunok muna ang pagkain bago nagsalita. “Masarap, hindi ko alam na magaling ka palang magluto.” Sambit ko rito, inabot nito ang isang wine glass saka ngumiti. “I don’t have a choice, mag-isa lang ako sa New Zealand. Wala akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko.” Sambit nito saka sumimsim ng wine. Muling gumuhit ang lungkot sa mukha nito, hindi madali ang mamuhay mag-isa lalo na at malayo sa pamilya. “Tomorrow is the death anniversary of my mom, can you come with me?” Dugtong  nito, parang bumara sa lalamuna ko ang huli kong sinubong omellete at hindi kaagad nakasagot. May usapan kami ni Harry bukas, kailangan kong makita si nanay bukas. Napansin ni Dominic ang pagdadalawang-isip ko kaya muli itong nagsalita. “It’s okay if you’re not free, Cassandra.” Aniya. Humigpit ang hawak ko sa kobyertos saka kinagat ang ibabang labi, bakas parin ang lungkot sa mukha nito. “Um, Sige, sasamahan kita, besides it’s the first time that I meeting her.” Tugon ko rito, lumiwanag ang mukha nito saka ngumiti sa akin at humarap. “Thank you.” Aniya, saka ako tinitigan sa mga mata. “Alam kong nandito tayo dahil sa kontrata natin, pero gusto ko lang sabihin na.. nandito lang ako kung kailangan mo ng tulong. Okay?” Dugtong nito, parang may kung anong mainit na humaplos sa puso ko. Gusto kong maiyak muli sa harap ni Dominic, gusto kong sabihin sa kanya ang totoo pero hindi ko magawa. “Finished your food, pagkatapos magpahinga kana rin, maaga pa tayong aalis bukas.” Muling sambit nito saka tumayo na, matipid akong ngumiti rito saka tumango. Pinagmamasdan ang likuran nito habang papalabas ng dining area. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan ko saka dumeretso na sa kwarto, umupo ako sa gilid ng kama at tinanaw ang madilim na tanawin sa labas mula sa glass wall. Hanggang kailan ko maitatago kay Dominic ang lahat? Kung naabutan ko si Anthony kanina malamang ay nalaman na nito ang totoo, bakit biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Dominic? Ganun parin kaya ang turing niya sa akin kapag nalaman niyang hindi ako si Cassandra?  Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng walk-in closet, napasinghap pa ako nang lingunin iyon at makita si Dominic na nakapagpalit na ng damit, nakaputi na itong t-shirt at itim na pajama. Medyo magulo pa at basa ang buhok nito halatang katatapos lang mag-shower. “What’s wrong Cassandra?” Tanong nito, umiling ako saka tumayo. “Um, wala. Kanina ka pa ba dyan?” “Yeah, nagbihis lang ako. Matulog kana.” Baritonong sambit nito saka naglakad patungo sa pinto. Napaawang ang labi ko at humakbang palapit rito bago nagsalita. “S-sa library ka ba ulit matutulog?” Tanong ko, marahan itong humarap sa akin, bakas ang gulat sa mukha nito dahil sa hindi inaasahang tanong. “I might disturb you.” Aniya, I bit my lip and smiled at him. “No, Um.. I mean, maaga tayong aalis bukas baka hindi ako magising ng maaga, kaya mas okay kung dito ka nalang matulog para magising mo rin ako.” Hindi ko alam kung bakit ko nasambit iyon, alam kong kompleto ang mga gamit sa library ni Dominic pero hindi ko alam kung maayos ba itong nakakatulog roon. Sandal pa kaming nagkatitigan ni Dominic bago ito sumagot at ngumiti. “Okay, if you insist.” Aniya, saka lumapit sa kama. Pumasok ako sa walk-in closet saka tinungo ang banyo. Hindi ko maintindihan ang kakaibang kaba na nararamdaman ko, nanlaki ang mga mata ko nang humarap ako sa salamin at nakita ang sariling repleksyon sa salamin, at nakita ang pangangamatis ng mga pisngi ko.  Tinapik-tapik ko ang magkabila kong pisngi saka nagpasya nang maligo. Pagkatapos ay lumabas na ako ng banyo at tinungo ang kama. Liwanag lang mula sa night stand ang nagsisilbing ilaw sa buong silid, hindi ko alam pero pakiramdam ko ay lalong lumamig ang temperatura sa buong kwarto dahil sa aircon. Inangat ko na ang quilt saka nahiga, nakatalikod sa akin si Dominic kaya hindi ko alam kung tulog na ba ito. Pumikit na ako saka pinilit na matulog, sa dami ng mga nangyari ngayong araw pagod na pagod ang katawan at isip ko, saka hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Naalimpungatan nalang ako nang makarinig ako ng mahihinang ungol, nilingon ko ang katabi kong si Dominic saka ko nakita na para itong nahihirapan, pawis na pawis rin ito at impit ang boses. “No, please don’t leave me mom! Please wake up!” Sambit nito, bumangon ako saka ito pilit na ginigising, hanggang sa mapabalikwas ito at napaupo sa kama. Habol hininga at halos butil-butil ang pawis. Nag-aalala ko itong tiningnan at hinawakan sa braso. “Are you okay? Nananaginip ka.” Napalunok ito nang tingnan ako, bakas parin ang takot sa mga mata saka ako niyakap. “It’s okay, I’m here.” Bulong ko rito, kumawala ito sa pagkakayakap sa akin nang kumalma ito. “Okay ka na ba?” Muli kong tanong rito, yumuko ito kaya hindi ko makita ang mga mata nito, tumango lang ito saka muling inangat ang tingin sa akin, kalmado na ang itsura nito hindi kagaya kanina na para siyang may kinakatakutan. “I was five years old back then, I was there when my mom died.” He said with a hoarse voice, my lip parted and I blinked several times, pinipilit na iproseso ang sinabi nito. “Nabangga yung sinasakyan naming kotse, sinusubukan ko siyang gisingin, ilang beses kong tinatawag ang pangalan niya pero hindi na siya gumagalaw. And then I saw someone, sinilip niya kami sa loob ng kotse, I was crying for help. Pero hindi niya kami tinulungan, ngumisi lang siya sa akin saka umalis.” Dugtong nito, parang may bumara sa lalamunan ko, hindi parin makapaniwala sa narinig. Paano naranasan ng isang five year old na bata ang malagim na insedenteng iyon? “N-nakita mo ba kung sino iyon?” Tanong ko rito, umiling ito saka muling nagsalita. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD