CHAPTER 20: Dreaming of having a simple life with you

1498 Words
“I can’t remember her face, ang natatandaan ko lang ay ang itsura ni mommy nang gabing iyon, at paulit-ulit ko iyong napapanaginipan.” Tugon nito. “Have you tried to seek for a doctor?” Tanong ko rito, inangat nito ang tingin sa akin saka umiling, “No, I can’t.. I’m afraid.” Mahinang tugon nito, parang may kung anong kirot akong naramdaman nang nakita ang lungkot at sakit sa mga mata nito. He’s sincere when it comes to his feelings at nakikita ko iyon.  “After you get what you want, what’s your plan? Are you also leaving me?” Dugtong nito, natigalgal ako at hindi kaagad nakasagot, hindi ko alam kung dapat ko ba itong sagutin at kung ano ang dapat kong sabihin. Pagkatapos kong makuha ang lahat nang meron ang lalaking ito at malaman niya ang katotohanan, wala na akong dahilan pa para manatili sa tabi nito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtanto ko ang lahat, tama si Harry wala kaming pinagkaiba, I’m trying to hurt this person na may malalim na pinagdaraanan para lang sa pera. Mali ito Yasmine! Maling-mali, pero pumayag ka na gawin ito at maging sunod-sunuran sa mga plano ni Harry. Pagkundina ko sa sarili. Tinitigan ko ito sa mata saka malalim na bumuntong-hininga. “I have nowhere to go, Dominic. Kaya w-wala sa plano ko ang umalis sa tabi mo.” Sambit ko rito, hindi ko na alam kung tama pa ba ang mga desisyon ko at kung may patutunguhan ba ito pero isa lang ang alam ko, at iyon ay ang protektahan si Dominic, kahit na ano pang mangyari. Hindi ako papaya na magtagumpay si Harry sa mga pinaplano niya. “Are you not afraid of me? You see—I’m not normal.” Sambit nito habang nakatingin sa mga mata ko. Hinawakan ko ang kamay nito saka ngumiti rito. “Well, I’m not normal too. I have a amnesia, marami akong hindi naaalala sa nakaraan. Isipin mo nalang na pareho tayong may mga pinagdadaanan, and we need each other. Besides, you told me that if I need some help, you’re always there for me. Ganun din ako Dominic, nandito lang din ako.” Tugon ko rito, he smiled and feel relieved. Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon, iniisip kung anong mga susunod na mangyayari ngayon na tuluyan nang lumambot ang puso ni Dominic sa akin, at kung paano ko ito maililigtas sa madilim niyang nakaraan. Hindi ko lubos maisip na buong buhay niya iyong pinagdudusahan. At sino ang babaeng nakita niya noong gabing iyon? May kinalaman ba iyon sa aksidente ng mommy niya? Maaga kaming umalis papunta sa semeteryo kung saan naroon ang mommy ni Dominic. I know this is a death anniversary, pero ngayon ko lang nakita ang masayang bersyon ni Dominic, he looks dashing on those smiles. He’s just wearing a polo shirt and jeans, pero angat na angat parin ang kagwapuhan nito. “Are you hungry? Gusto mo dumaan tayo sa drive thru?” Tanong nito, saka ako bahagyang nilingon. Umiling ako saka ngumiti. “Hindi na, mamaya nalang siguro pagbalik natin.” Sambit ko rito. Nginitian lang ako nito saka muling binalik ang atensyon sa kalsada. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang kalabog ng dibdib at pag-init ng pisngi. Ano bang nangyayari sa akin? Oh, the Dominic-effect na tinatawag nila Leila at Jc. Halos magtatanghali na nang makarating kami sa tapat ng isang public cemetery.  “We’re here.”  Nakangiting sambit nito, saka hinubad ang seat belt at binuksan ang pinto ng kotse, natigalgal ako nang mapagtanto ko kung nasaan kami. Isang pamilyar na lugar na matagal ko nang hindi napupuntahan. Napalunok ako nang maramdaman ang panunuyo ng lalamunan at kung pwede ay ayoko nang lumabas nang sasakyan, hanggang sa buksan ni Dominic ang pinto. Nangunot ang noo nito nang makita ang reaksyon ko. “Are you okay Cassandra?” Kunot-noong tanong nito, tumikhim akong muli bago nagsalita at hinubad ang seatbelt, saka lumabas na ng kotse. Habang si Dominic ay may kinuha sa likod ng kotse, isang bouquet nang bulaklak na nadaanan namin kanina habang papunta kami rito. Inikot ko ang paningin sa paligid, halos ilang taon narin nang huli kaming pumunta rito nila nanay at Anthony. Hindi ko na nga alam kung narito parin ang libingan ni tatay. Hinawakan ni Dominic ang kamay ko na siyang kinasinghap ko at napatingin rito. Habang ang isang kamay ay hawak ang bulaklak.  “Let’s go.” Nakangiti nitong sambit, ngumiti rin ako at naglakad na. Habang papunta sa libingan ng mommy niya ay hindi ko na naiwasan pa ang magtanong, sa yaman ng mga Vallejo bakit dito nakalibing ang mommy ni Dominic? “Um, Dominic. Bakit nga pala dito nakalibing ang mommy mo?” kinakabahan kong tanong rito, agad naman itong sumagot saka nilingon ako. “It’s my mom’s sister, gusto niya kasing isama ang mommy sa mga lolo at lola ko.” Sagot nito, saka ako muling nilingon. “Are you really okay? Masama ba ang pakiramdam mo? You look pale.” Dugtong nito saka huminto sa paglalakad, nakagat ko ang ibabang labi ko saka umiling at ngumiti rito. “I’m okay, mainit lang kasi.” Sambit ko, nginitian ako nito saka muling nagsalita. “Don’t worry, hindi naman tayo magtatagal dito.” Huminto kami sa isang puntod, halos matabunan na ng damo ang lapida nito kaya isa-isa iyong binunot ni Dominic hanggang sa magmukha na itong malinis, tinititigan ko lang ito sa ginagawa habang hawak ang payong. Nilapag nito ang hawak na bulaklak saka sinindihan ang kandila na galing sa bulsa niya at saka tumayo at tumabi sa akin. “She’s pretty.” Sambit ko rito habang nakatitig sa litrato na nakaemprenta sa lapida nito. hindi maitatanggi ang ganda ng mommy ni Dominic, para siyang manika, bilugan ang mata, matangos ang ilong, at makipot ang labi kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganun nalang kagwapo si Dominic. “My mom used to be a celebrity, pero ng nagbuntis siya sa akin. Nagdesisyon siyang huminto na sa pagaartista.” Aniya. “Nasaan na nga pala yung kapatid ng mommy mo?” Muli kong tanong rito. Ngumiti ito saka muling sumagot. “She’s in the States, may sarili narin siyang pamilya kaya wala nang ibang dumadalaw rito, magmula nang magpunta ako sa New Zealand.” Tugon nito, I felt sorry for him. Parang ang bigat-bigat ng dala-dala niya, naturingan siyang anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa pero hindi niya man lang naranasan ang magkaroon ng isang buong pamilya. “What’s your dream Cassandra?” Tanong nito sa akin. Ano nga ba? Tanong ko sa sarili, dati ang pangarap ko ay ang magkaroon ng maraming pera at maiahon sa hirap sila nanay at Anthony pero ngayon. Ang gusto ko nalang ay magkaroon nang tahimik at masayang buhay. “I’m dreaming of having a simple life.” Sambit ko rito habang nakatingin sa malayo, tumango naman ito saka muling nagsalita. “I also want that, I want to have a simple life with you.” Baritonong sambit nito habang nakatingin sa akin, napalingon ako rito saka umawang ang labi. Having a simple life with Dominic? Is it possible? Pwede kaya? Alam mo kung anong sagot diyan Yasmine! “Kung dumating yung araw na malaman mo ang lahat ng tungkol sa akin, at hindi parin nagbabago ang pagtingin mo sa akin, then maybe we can do that. We can have a simple and peaceful life together.” Tugon ko rito, ngumiti naman ito saka lumuhod sa puntod ng ina. “You heard it mom, you can rest now. Hindi mo na kailangang mag-alala pa sa akin dahil nandito na ang asawa ko, Cassandra won’t leave me, and I promise to protect her no matter what.” Sambit nito, halos mangilid ang luha ko. He has the sofiest heart na nakilala ko, I felt the sincerity and the warmth. I felt a warm hand touch my heart. Magkahawak kamay kaming naglalakad palabas ng sementeryo nang biglang magring ang phone ni Dominic, sumeyas ito na sandali lang siya, ngumiti naman ako at tumango rito saka binitawan nito ang kamay ko saka lumayo nang bahagya. Nilibot ko ang paningin sa paligid habang naghihintay, hanggang sa matanaw ko ang imahe ng isang pamilyar na lalaki, nakasuot ito nang itim na t-shirt at maong na pantalon, may nilapag itong kumpol ng bulaklak sa isang lapida. Umurong ang lahat ng dugo ko sa katawan at namutla ako nang matitigan ko itong maigi, si Anthony! Nanlambot ang mga tuhod ko at nanginginig ang mga kamay ko, anong ginagawa ni Anthony rito? Dinalaw ba niya si tatay? Nanlaki ang mga mata ko nang lumingon siya sa direksyon ko, agad kong hinarang ang hawak kong payong para hindi ako nito makita. Nang muli kong silipin ito ay nakita kong papalabas na ito ng semeteryo, nakayuko at bagsak ang mga balikat. Muli kong binalingan ng tingin ang direksyon kung saan siya naglapag ng bulaklak, hanggang sa maramdaman ko nalang ang mga paa ko na kusang kumikilos papalapit roon. Kinakabahan ako habang naglalakad papalapit roon,hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Tiningnan ko ang puntod at nabasa ang pangalan ni tatay sa taas noon,sumunod ang pangalan ko.. at ang pangalan ni nanay.  Nabitawan ko ang payong na dala ko at napatakip nang bibig dahil sa pagkabigla. Bakit nandoon nakaukit ang pangalan ni nanay?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD