Agad na lumandas sa pisngi ko ang sunod-sunod na luha. Para akong naubusan nang lakas at ngunit tanging pag-iyak nalang ang nagawa ko. Hindi ito maaari, pupuntahan pa namin ni Harry si nanay sa hospital hindi ba? Bakit nandito ang pangalan niya? Si Anthony! Agad kong nilingon ang gate ng sementeryo at patakbong tinungo iyon saka hinanap si Anthony, pero hindi ko na ito naabutan nakita kong may dumaan na taxi kaya agad ko iyong pinara at sumakay. Humahagulgol ako sa loob nang taxi habang nakatingin sa bintana at inaasahan na baka makita ko pa sa malapit si Anthony. Hindi ko matanggap ang nakita ko, bakit namatay si nanay? Hindi ba tumupad sa usapan si Harry? Pinapatay niya ba si nanay? Muling pumatak ang panibagong luha sa aking mukha, sinabihan ko ang driver na ihatid ako sa Vallejo Ent

