Niyakap ko ang mga tuhod saka muling umiyak nang maiwan akong mag-isa sa loob ng silid. Nang maging maayos kahit papaano ang pakiramdam ay tumayo na ako mula sa kama at saka napansin ang tray na nakapatong roon. Muli akong umupo sa kama at kinain ang mga pagkain na hinanda ni Dominic. Halos buong maghapon akong walang gana at nakaupo lang sa may balkonahe nakatitig sa mga punong sumasayaw sa ihip ng hangin at pinagmamasdan ang mga ibon na lumilipad sa kalangitan. Napalingon ako sa phone ko nang bigla itong tumunog at lumabas sa screen ang pangalan ni Harry, piñata ko ang phone saka mariing pumikit. Kailangan kong makaisip ng paraan para mapigilan si Harry sa mga plano niya. Pero paano? Kinagabihan ay bumaba ako sa dining area nang makaramdam ng gutom, magmula nang lumipat ako sa manor

