bc

SHAKIA TERRYLE

book_age4+
12
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
comedy
sweet
campus
city
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Nung panahong down na down ako, may isang babaeng dumating sa buhay ko, sya yung tipo ng babae na papangarapin ng lahat.

Sya kasi yung tipo ng babae na aalagaan ka, papasayahin ka, at mamahalin ka ng buong buo.

Kaya ako?ayaw ko na syang pakawalan.

Nung naging okay ako, niligawan ko sya.

Pagkatapos ng ilang buwan sinagot niya ko, masaya kami, sobrang saya namin, dumating na din sa point na pinagtatawanan na ko at hindi ko alam kung bakit.

Hanggang isangg araw.

Iniwan niya ko ng mag-isa.

Iniwan niya ko ng umiiyak.

Pero ano pang magagawa ko?hindi kami pwede.

Kahit na mahal na mahal namin ang isa't isa kailanman hindi kami pwedeng magsama.

Alam niyo yung pinakamasakit na nangyari sa buhay ko?  yun yung time na kailangan ko na syang palayain.

Hello, it's me ZHAI CLIFFORD CRUZ, kung ayaw mong pasayahin kita sa una, at paluhain sa dulo ngayon palang wag mo nang ituloy ang iyong balak na magbasa, dahil bawal ang mahina dito.

Pero dahil mapilit ka sige ituloy mo pero tandaan mo binalaan kita.

Walang sisihan kutusan ko kayo dyan ehh, joke.

ZHAI CLIFFORD AGAIN ang pinakagwapong nilalang sa istoryang ito.

chap-preview
Free preview
♡CHAPTER 1♡
FIRST MEET ZHAI'S POV "ZHAI" agad akong napalingon nung halos ipagsigawan na yung pangalan ko yung tipong halos lumuwa na yung lalamunan, sa inis ko hinarap ko yung impaktong tumawag sakin. Agad ko syang sinalubong ng batok. "Para san yun?"sabi niya habang hinihimas himas yung ulo niya. "Kailangan sumigaw? hayop ka nasa school tayo"sabi ko Napatingin naman sya sa paligid niya aytt pumapasok lang talaga ito para maghanap ng jowa ehh. "Sorry naman may emergency kasi, sakin tumawag yung ate mo hindi ka daw kasi macontact" sabi niya sakin napakunot naman ang noo ko at binatukan ulit sya. "Bakit di mo sinabi agad? hanep ka!"ako na tuloy yung nakahiyaw ngayon. "Hanep ka din, kung sana pinagsalita mo muna ko bago batukan edi sana nasabi ko na!"sigaw niya sakin. "Napakadami mong sat-sat sabihin mo nalang" pasigaw ko ding sabi sa kanya "Sinugod daw sa hospital yung mommy mo!"sabi niya napatulala ako Damn it anong nangyari, agad akong tumakbo at kahit tinatawag niya ko hindi ko na sya pinansin. Mabilis lang naman akong nakarating sa parking lot ng school at, pagkasakay ko sa kotse ko agad kong pinaharurot yun at talaga namang nilalagpasan ko lahat ng sasakyang madadaanan ko. Grabe na yung kaba ko mukha na kong bakla sa mga pinagsasabi ko pero, wala na kong pake dahil nanay ko na yung pinag-uusapan dito. Pagdating sa hospital tumakbo agad ako sa emergency room. Halos bumagsak ako nung nakita ko si ate na halos maglupasay na sa sahig at sigaw ng sigaw. No,no,no nakakabakla man pero sunod sunod nang tumulo yung luha ko. "Mom no, pleaseeeeee, mom don't leaveee usss mommmm"sigaw ni ate. Naglakad ako papalapit sa kanila at wala kang makikitang hindi umiiyak, si ate na inaalalayan ni daddy, pagkakita ko kay mommy napaluhod na ko damn it anong nangyari bakit ganon? "Anong nangyari?"mahina kong sabi alam kong nakuha ko yung atensyon nila. Pinunasan ko yung luha ko at tinignan silang lahat. "ANONG NANGYARI DAMN IT ANSWER ME!!"sigaw ko at napahagulgol silang lahat. "Calm down Zhai"si tito yun agad napakunot ang noo ko. "Calm down? gusto niyong kumalma ko! pagkatapos mamatay ng nanay ko!"buong lakas kong sabi. "Sinaksak yung mommy mo! sinaksak sya! at sampong saksak yung nakita sa katawan niya!"sigaw sakin ni tito napatulala ako. Sinong hayop ang gagawa nun sa mommy ko! "Sino?Sino ang pumatay sa mommy ko?" tumutulo ang luha kong sabi. Wala na kong paki kung makita nila kong umiiyak, halo halo na yung nararamdaman ko, galit, sakit, lungkot gusto kong ilabas lahat ito. "Nasa kulungan na sya ngayon"si ate ang sumagot Mabilis akong naglakad palabas ng hospital, tinatawag nila ko pero hindi ko sila pinapansin, gusto kong harapin yung taong pumatay sa nanay ko, sa kanya ko ibubuhos lahat ng galit ko. Pabagsak kong sinara ang pinto ng kotse ko at pinaharurot yun papunta sa presinto. Mabilis lang ako nakarating dun at wala ng makakapigil sakin agad akong pumasok sa loob ng presinto at padabog ko talagang sinara yung pinto at rinig ko nabasag pero wala akong pake dire diretso lang ako. "IHARAP NIYO SAKIN YUNG PUMATAY SA NANAY KO!!" nanginginig na boses ko sa galit! Hinarap naman nila sakin yung lalaki at sinalubong ko agad ng suntok. "Tang*na anong karapatan mong patayin yung nanay ko"sigaw ko Sinapak ko lang sya ng sinapak binubuhos ko lahat ng galit ko hanggang sa may pumigil na sakin. Inis kong tinignan yung kinginang pumigil sakin at si ate pala. "Damn it let me go, hindi pa ko nakukuntento sa pagsapak sa kinginang yan" inis na inis kong sabi habang nakatingin sa demonyong lalaki na pumatay sa mommy ko. "Tumigil ka"sigaw sakin ni ate tinignan niya ko ng may pagbabanta kaya nanahimik nalang ako kahit sasabog na ko sa galit. Tinitignan ko nalang kung ano ang susunod niyang gagawin. Nilapitan niya yung lalaking duguan na ngayon at pinagsasampal niya. Hindi na ko nagulat dahil galit na galit talaga kami parehas. "Hayop ka! mamatay ka na sana"si ate na napaluhod na kakaiyak wala na syang lakas nilapitan ko sya at inalalayang tumayo. "TANG*NA MO! MABUBULOK KA SA KULUNGAN TANDAAN MO YAN"Sigaw ni ate. Lalapit pa sana ko dun sa lalaki nung biglang bumagsak si ate. Agad ko naman syang sinalo para hindi sya bumagsak sa sahig. "Dalin niyo na sa sya sa hospital"sabi nung isang pulis awtomatikong humarap ako dun sa bobong pulis nayun, at binigyan ko sya ng nakakamatay kong tingin. Hanep, hindi naman kasi ako bobo para hindi maisip yun. Binuhat ko si ate at dinala sa kotse ko,tang*na naman kasing buhay ito sumakay ako sa kotse ko at pinaharurot yun. Tinatanong niyo kung bakit? Aba malamang yung ate ko hinimatay alangan namang pabayaan ko. Pagdating namin sa hospital agad naman syang inasikaso. Ako? Nasa sulok lang nakaupo, nag-iintay ng balita kung ano nang nangyayari. Nakatulala lang ako nung may napansin akong tumabi sakin. IIsang magandang babae, sobrang ganda niya, sobrang puti, matangos ilong, maganda ang mata, mahaba ang mga pilikmata niya at may manipis na labi ,para syang diwata sa sobrang ganda niya. "Hello"nakangiti niyang sabi sakin nagpilit din ako ng ngiti "Shakia Terryle"dugsong niya pa. "Zhai Clifford"sabi ko nagulat ako sa sunod niyang ginawa sinandal niya ko sa balikat niya. "Nakikiramay ako"sabi niya dahilan ng pagtulo ng luha ko Medyo nagulat ako sa sunod pa niyang ginawa niyakap niya ko. "Kung nasasaktan ka na, wag mo nang itago, hindi ka naman masasabihang bakla dahil lang dyan sa pag-iyak iyak mo"sabi niya habang hinihimas himas yung likod ko. Hindi ko alam pero unti unti na kong napahagulgol sa balikat niya. AFTER 1 HOUR... Agad akong napadilat nung may naramdaman akong kumakalabit sa akin, agad hinanap ng mata ko si shakia pero hindi ko sya nakita. "Zhai? sino hinahanap mo?"sabi ni ate "Wala"sabi ko at tumayo na "Tara na ba?"sabi ko bahagyang tumango si ate at umalis na sa harap ko . Sumunod ako sa kaniya at sa parking na sya dumiretso, agad hinanap ng mata ko yung kotse ko at, nung makita ko, sumakay na ko at pinaharurot agad yun. Pagdating ko sa harap ng bahay namin napakadaming bulaklak bumuntong hininga ko at lumabas ng sasakyan para akong patay na naglalakad papasok sa bahay, pigil na pigil yung luha ko. Naramdaman ko nalang na biglang may yumakap sakin. "Condolence Zhai"sabi ni keith, girl bestfriend ko . "Thanks"pilit ang ngiti kong sabi. Umupo nalang ako sa isang tabi at tinatanguan ko nalang lahat ng bumabati sakin. Si Shakia sya yung gusto kong makita,at makasama sa mga oras na ito, hindi ko alam pero sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya. "Bro"si jasper kaibigan ko tinaguan ko nalang sya Lumipas ang ilang minuto at may narinig nalang akong humahagulgol sa labas, tumayo ako at tinignan kung sino yun. "Anak, bakit mo ko iniwan, anaakkkk koooo"si mama napayuko nalang ako, lalo na nung nakita kong umiiyak na lahat. Nakita ko si ate at daddy na nahihirapan ng alalayan si mama, kaya lumapit na ko. "Ate ako na"sabi ko nakayuko kasi sya at nung humarap sya sakin, dun hindi ko na napigilan umiyak Kasabay ng pagbagsak ni mama ang pagbagsak naming umaalalay sa kanya, hindi ko kaya sobrang sakit, napatingin ako sa paligid ko at humahagulgol silang lahat. "A-ate t-tum-mayo k-ka n-na d-dyan"pinipilit kong magsalita, pinipilit kong maging malakas para sa kanila pero ang pag-iyak nila ang nagiging kahinaan ko. Bastos mang tignan pero iniwan ko sila dun sa gitna, hindi ko na kasi kaya, pag di pa ko lumabas, isa na ko sa hahagulgol dun. "Zhai"agad akong napalingon sa tumawag sakin. "Shakia"sabi ko, nginitian niya ko at ibinuka niya yung mga kamay niya na parang nagbibigay ng permiso na yakapin sya. Hindi na ko nagdalawang isip pa at nilapitan ko sya at niyakap ng mahigpit. Oo kakakilala ko lang sa kanya pero iba talaga yung pakiramdam ko kapag kasama ko sya. Pagkayakap ko sa kanya niyakap naman niya ko ng pabalik. "Sabi ko naman sayo Zhai, okay lang umiyak"sabi niya habang tinatap yung likod ko. Hindi ko alam pero sunod sunod na tumulo yung mga luha ko at maya maya pa ay napahagulgol na ko sa balikat niya. "Shakia, sobrang sakit na"pinipilit kong ayusin yung boses ko pero tang*na pabigay na ko. "Shhhh, andito ako, pag hindi mo na kaya lapit ka lang sakin"mahinahon niyang sabi sakin at mas binaon ko pa yung mukha ko sa balikat niya. Pagkatapos ng ilang minuto nakaupo na kami parehas sa isang upuan sa garden namin. Nakasandal lang ako sa kanya hanggang sa hinawakan niya yung mukha ko at pinunasan ang luha ko. Binigyan niya ko ng isang matamis na ngiti, kaya kahit papapaano napangiti din ako. "Thank you, thank you dahil hindi mo ako iniwan shakia"sabi ko at tumulo na naman yung luha ko. "Thank you din dahil nandyan ka, thank you dahil binuo mo ko, kung hindi dahil sayo wala ako dito Zhai, kaya thank you talaga"tumutulo ang luha niyang sabi Hindi ko parin alam pero napayakap ako sa kanya basta ang alam ko lang sa mga oras na ito kailangan namin ang isa't isa. Matagal kami sa ganong posisyon nung biglang may tumawag ng pangalan ko,humiwalay sya sakin. "Kailangan ko ng umalis wag mong papabayaan yung sarili mo, kumain ka huh?"sabi niya "Okay, ikaw din take care"sabi ko tumango sya at nagtatakbo na paalis sa harap ko. Huminto muna sya atska tumingin sakin, nagsasayaw pa sya na parang bata, nagflying kiss pa at nag heart sign bago nagwave sakin at sumenyas na aalis na sya nagthumbs up lang ako at nagwave din atsaka pumasok sa loob ng bahay namin. "Bro san ka galing?"bungad sakin ni jasper umupo ako sa tabi niya. "Dyan lang nagpahangin"sabi ko at pumikit. "Kumain ka na muna Zhai"napadilat ako nung may nagsabi sakin non si ate pala aayaw na sana ako kaso biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Shakia, kumain daw ako. "Kain lang ako Bro"sabi ko at nagdire diretso na sa paglalakad papunta sa kusina. Binigyan lang nila ako ng pagkain at kumain naman agad ako dahil iyon ang sabi sakin ni shakia kumain daw ako hehehe. "Pasabay ako"si keith pala bahagya lang akong ngumiti at tumango. "Buti kumakain ka"ngumiti lang ako pagkatapos niyang sabihin yun. "May nag-utos lang alagaan ko daw sarili ko"nakangiti kong sabi sa kanya Medyo napangiti ako nung napangiwi sya. "Ayieee may girlfriend na sya"sabi niya ako naman ang napangiwi "Lol, wala kaya,kaibigan lang yun"sabi ko tinawanan niya lang ako "Lol mo mukha mo, kaibigan, kaibigan ka dyan, type mo yun nohh?"sabi niya dahilan ng pagyuko ko, binatukan niya naman ako "Magdeny ka na sa iba wag lang sakin ulol"dugsong niya pa napailing ako, at natawa na naman sya "Tsskk, oo na type ko na sya happy?"nakasibangot kong sabi, sya naman ang natawa at binatukan ako "HMMM HAPPY NA KO ZHAI"sabi niya napakunot ang noo ko "Gago ka"sabi ko, tinawanan niya lang ako "Gaga ko ,hindi gago, hellooo zhai babae ako"nakangisi niyang sabi natawa ako "Ahh babae ka pala di halata"binatukan niya ko matapos kong sabihin yun takteng tohh "Tssskkk i hate you zhai"sabi niya at inambaan ako ng suntok "I hate you more Keith"sabi niya bahagya akong natawa nung umikot yung mata niya, tapos may nahagip akong babae sa may bintana sa garden. Si Shakia yun, bakit kaya sya nandito? "Keith excuse lang may titignan lang ako"sabi ko tumango lang sya at ako naman naglakad na palabas. Dumiretso ako sa garden namin at tama ako si Shakia nga. Nakaupo sya upuan, kinawayan niya ko kaya nakangiti akong lumapit sa kanya. "Bakit ka andito? late na ahh"sabi ko ngumiti sya ulit sakin "Dumaan lang ako dito, gusto ko lang masure kung kumakain ka"sabi niya natawa ako at hinawakan sya sa buhok "Opo, kumakain po ako boss, ikaw po kumain ka na ?"nakangiti kong sabi "HMM kumain na ko, ohh sige na aalis na ulit ang dyosa ng buhay mo"natawa ako sa sinabi niya dyosa daw?sya kaya reyna ko. Pinisil ko yung ilong niya at hinila sya papayakap sakin. "Ingat ka pauwi, magpakita kasakin bukas ahh"sabi ko humiwalay naman sya sakin "Sige, basta lahat ng paalala ko ahh, bye na"sabi niya sakin nakangiti akong tumango "Bye, take care my queen"sabi ko tumawa sya pero kitang kita yung pula ng mukha niya "Take care din my king"sabi niya at hinalikan ako sa pisngi atsaka nagtatakbo paalis katulad ng lagi niyang ginagawa. Huminto muna sya at nagsasayaw na parang bata, nagheart sign at nagflying kiss, atsaka sya nag wave sakin. Napangiti nalang ako sa kakyutan niya hanggang sa may umakbay sakin. "Bro sino yung kausap mo kanina? nababaliw ka na ba?"napatingin ako dun sa umakbay sakin si Jasper lang pala. "Oo baliw na ko sa kanya"nakangiti kong sabi "Baliw na baliw"dugtong ko pa. Medyo nagulat ako nung tumawa sya ng malakas, pero wala na kong pake basta ako? masaya ako ngayon na malungkot. Mixed emotions ganon. "Kulang ka pa sa kain bro, gusto mo ikuha kita?"si carl na ikinakunot ng noo ko "Gago lang?"sabi ko tumawa na naman sya aba't nakakapikon ahh Kumuha ako ng stick at ihahampas ko na sana sa kanya kaso bigla syang tumakbo kaya ayun. Naghabulan kami sa loob ng bahay kung saan nakaburol si mommy, maraming natawa, dahil para talaga kaming bata parehas. Atskaa para talaga kaming tanga kung tutuusin hehehehe.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
122.4K
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
582.7K
bc

SILENCE

read
393.6K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.5K
bc

Angel's Evil Husband

read
269.0K
bc

A Writer's Block (TAGALOG)

read
50.8K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook