LAST DAY...
ZHAI'S POV
2 weeks, 2 weeks na simula nung binurol si mommy at ito na yung araw kung saan ihahatid na namin sya sa kanyang huling hantungan.
Masakit, dahil namatay si mommy pero mas masakit pala, pag yung ililibing na
Nakaupo lang ako sa isang sulok nakashades dahil magang maga na yung mata ko.
Kung tatanungin niyo si shakia?
Nagkikita kami araw araw, sorry din sya ng sorry ngayon kasi hindi niya ko masasamahan, bawal daw kasi, naiintindihan ko naman yun pero malungkot parin dahil sya nalang yung lakas ko ngayon, tapos di pa niya ko masasamahan.
Napansin ko si ate na walang kasama kaya,pinilit kong tumayo at lumapit sa kanya.
Pagdating ko palang sa harap niya napayakap na agad sya sakin at iyak sya ng iyak.
Ginagawa ko ang lahat para hindi ako maiyak,ako nalang yung makikita nilang malakas ehh, tatagan ko yung loob ko para sa pamilya ko.
"Zhai, umiyak ka hindi mo kailangang ipakita na malakas ka lahat tayo nasasaktan, wag mong kimkimin yan bunso baka mapano ka pa"sabi ni ate dahilan ng pag-iyak ko, iyak lang kami ng iyak parehas.
Tang*na pasensya na pero nakakagalit talaga sobrang sakit, ni hindi ko ma-explain kung gano kasakit yung nararamdaman ko, bakit ba kami pinapahirapan ng ganito, anong ginawa naming masama para maranasan namin ito, pakisabi sakin please, now na
(A/N:Sasabihin din namin wag ka atat!charr bwahahaha gusto ko lang sumingit,andrama na ehh?♀️)
Sobrang daming epal sa mundo, lalo na ngayon si jasper na sinusura ako dahil umiiyak ako, ano sya? nababaliw?
Namatay yung nanay ko alam mo namang tumawa ako ng tumawa dito tapos ibalik sakin yung tanong ko, ano ka? nababaliw?
Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko nagmumukha nakong adik sa kanto hayssttt pagod na ko mommy baka pwedeng kunin mo na ko, pagod na pagod na ko.
Napaupo nalang ako nung dahan dahan ng sinasakay si mommy sa kotse, hindi ko kaya.
"Halika, Zhai, sakin ka nalang sumabay"si Keith na magang maga na ang mata inalalayan niya kong tumayo, inalalayan niya din akong makasakay sa kotse.
"Tubig"alok ni jasper, umiling lang ako at sumandal sa bintana ng kotse, atsaka tahimik na umiyak..
Pagdating sa libingan agad akong bumaba sa kotse at isa sa nagbuhat nung coffin ni mommy.
Kung titingin ka sa paligid mo wala kang makikita kundi mga umiiyak na tao at halos himatayin na,wala ka ding ibang maririnig kundi sigaw ng pamilya ko, mga naghahagulgulang tao.
Sobrang bait ni mommy kaya mahal na mahal sya ng mga tao, andami namin ngayon dito at iyak lang kami ng iyak ako? napaluhod ako sa harap ng coffin ni mommy.
Wala akong naintindihan sa sinabi ni father dahil puro iyak lang naririnig ko.
Hanggang sa nakita ko si ate na nag-sasalita na sa harap.
"Good afternoon po, m-maraming s-salamat p-p-po sa p-p-pagpunta n-niyo p-po d-d-dito"umiiyak na sabi ni ate actually wala akong naintindihan sa sinasabi niya dahil iyak lang sya ng iyak, huminga muna sya ng malalim at nagsalita ulit.
"Thank you po sa pagsama namin dito, ahmm mommy gusto ko lang pong malaman niyo na miss na miss ko na po kayo"humahagulgol na sabi ni ate ramdam na ramdam talaga yung sakit na nararamdaman niya, dahilan para mas lumakas ang iyakan naming lahat.
"Sorry po mommy sa lahat lahat, ako na po bahala kay bunso wag po kayong mag-alala, sana po maging masaya kayo kasama si papa god, mahal na mahal ko po kayo"sabi ni ate at kiniss yung coffin ni mommy, at parang babagsak na si ate kaya inalalayan na sya agad, tinignan niya ko at sinenyasan na magsalita din sa harap.
Buong lakas akong naglakad papunta sa harap bumuntong hininga muna ko at hinawakan yung mic.
"Mommy i miss you and i love you"yun palang nasasabi ko napaluhod na ko, mahina ako, hindi ko kaya, pinipigilan kong humikbi pero ng makita ko yung picture ni mommy napahagulgol na ko, niyakap ko yung coffin ni mommy.
"MOMMMMMYYYY"sigaw ko, paulit ulit kong sinasabi yan, hanggang sa may humawak sa dalawang kamay ko at nilayo ako sa coffin ni mommy.
"No,let me go,gusto kong mayakap si mommy please,let me go"buong lakas kong hiyaw, sobrang sakit na ng nararamadaman ko wala ng awat sa pagtulo yung mga luha ko.
Lahat sila mga nakaupo na at iyak ng iyak dahil sa reaksyon ko, hindi ko gustong iparamdam kahit kanino kung gano ko nasasaktan pero hindi ko na kaya pang itago, mababaliw ako.
"Please,yakap lang"nagmamakaawa kong sabi.
Halos lumuhod na ko sa harap ni daddy tumango lang sya at sabay pa kami ni ate na tumakbo at niyakap yung coffin ni mommy.
"MOMMMMYYYYYYY KOOOOO,MOMMMYYYYY"hiyaw namin parehas ni ate, pumipiyok pa ko dahil iyak talaga ko ng iyak.
Halos matumba na yung coffin ni mommy ayaw ko na syang pakawalan, ayaw kong iwan niya ko.
May humawak na naman sa dalawang kamay ko, at magpumiglas man ako wala na akong magagawa.
Dahan dahan ng binababa yung coffin ni mommy.
"Mommmmyyyy noooooooo mommmyyyy koooo,mommmyyyyyy"hiyaw ko, gusto ko talagang tumalon papunta sa coffin ni mommy.
Yakap yakap na ako ni keith at nakaupo na talaga ko sa lupa, humahagulgol, at sinisigaw ang pangalan ni mommy.
Kulang ang 100 percent para sa sakit ng nararamdaman ko, walang makakapagsabi kung gaano ko nasasaktan ngayon.
Feeling ko wala nakong buhay ngayon, dahil wala na yung taong nagbigay ng buhay sakin.
Sobrang sakit talaga pero ano pang magagawa ko?kailangan na sya ni lord.
Unti unti nang tinatabunan yung coffin ni mommy? ako iyak lang ako ng iyak.
Nag-aalisan na yung mga tao, tinatapik muna nila ko sa balikat bago sila umalis.
"Zhai"napalingon ako kay ate.
"Uuwi na ko"sabi niya at simpleng tango lang yung sinagot ko.
Hanggang sa ako nalang mag-isa,nakaupo lang ako at tinitignan yung pinaglibingan ni mommy, walang tigil sa pagpatak yung luha ko, huling araw na ito na makikita ko yung maamong mukha ni mommy, at sobrang sakit nun para sakin.
Biglang umulan ng malakas, nakikiayon yung panahon sa nararamdaman ko.
Tumayo ako at naglakad na parang zombie, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, hindi ko alam kunh pinagtatawanan na ko dahil para talaga akong tanga na naglalakad sa buwan habang umuulan, basang basa na ko pero ano bang paki ko? sobrang nawasak ako sayo mommy, sobra.
Inalala ko lahat ng masasayang araw namin hanggang sa huling araw na nakasama ko sya.
FLASHBACK~~
"Mommy pupunta na po ako sa school"malambing kong sabi at niyakap sya.
"ang sweet sweet ng bunso namin ahh"sabi ni mommy ngumiti ako
"sweet na pogi"sabi ko sabay kindat tinawanan niya lang ko kaya napapout ako ng wala sa oras kinurot naman niya yung lips ko.
"Mommy naman ehh"sabi ko nginitian niya lang ako ng matamis.
"Wait mommy ang ali aliwalas po ng mukha niyo ahh, ano pong meron?"sabi ko natawa sya ulit
"Wala bunso, o sige na kumain ka muna bago pumasok"sabi ni mommy, umiling ako
"Hindi na mommy, mamaya nalang po, bye"sabi ko at kiniss sya sa pisngi lalabas na sana ako
"Payakap ng isa"sabi ni mommy napangiti ako at nilapitan sya atskaa niyakap
"I LOVE YOU ZHAI, TAKE CARE"sabi ni mommy at kiniss ko sya sa pisngi.
"I love you more mommy, bye po"sabi ko napansin ko na may tumulong luha sa mata niya pero binalewala ko na yun at naglakad na palabas ng bahay.
END OF FLASHBACK~~~
Napakatanga ko para hindi mapansin na nagpapaalam na sya nun, kaya pala umiiyak sya, tapos tinanggihan ko pa sya sa alok niyang kumain ako.
Kung alam kolang mommy na ganito mangyayari hindi na kita iiwan nung araw na iyon.
Kung makakabalik lang ako sa nakaraan mommy, kung makakabalik lang ako ginawa ko na.
Lakad parin ako ng lakad hanggang sa di ko na namalayan na nasa gitna na pala ko ng kalsada at may paparating na truck.
Ito na siguro yung katapusan ko, pinikit ko ang mga mata ko at inintay na mabangga ako ng truck.
Ng biglang...
TO BE CONTINUED...