♡CHAPTER 3♡

2110 Words
A day with Shakia♡ ZHAI'S POV NG BIGLANG BOOM..... May humatak sakin at dire diretso kami sa gilid ng kalsada. Nagkatitigan lang kami parehas. Nasa ibabaw ko sya at nasa ilalim niya ko. Mas maganda sya sa malapitan, ang sarap titigan ng mukha niya. "Wag ka dito sa kalsada baliw ka"rinig kong sigaw nung isang driver Agad na tumayo si shakia,tumayo din naman ako, hindi sya makatingin sakin, tapos ako hindi din makatingin sa kanya. "Ayos ka lang?"sabay pa naming sabi sa isa't isa. Napatitig ako sa kanya pero sya ang unang umiwas ng tingin kaya, napaiwas na din ako. "May masakit ba sayo?"sabay ulit naming sabi Nagkatinginan kami pero this time natawa kami parehas. "Ano baliw lang?"sabi ko tumawa sya "Matagal na kong baliw"nakangiti niyang sabi "Kanino?"sabi ko tumawa ulit sya "Sayo! char baliw sa sarili ko syempre"sabi niya sabay tawa napailing ako "Kunware ka pa, inlababo ka sakin ehh"nakangisi kong sabi. "Inlababo? oo nga inlababo ako sayo yung tipong gusto kong kunin lahat ng hugasing plato sa bahay at sayo ko dadalin"nakangiti niyang sabi, hindi ko naintindihan kaya napakunot ang noo ko. "Huh? di ko gets, slow ako"sabi ko, at tinawanan niya naman ako "Ugok ka, sabi mo diba inlababo, ehh ano ba yung lababo? di ba yun yung place kung saan hinuhugasan yung mga plato"tawang tawa niyang sabi, nilapitan ko sya at binatukan. "Ugok ka din, ayos din ehh nohh? dami mong alam"sabi ko pinisil niya yung pisngi ko. "Maganda kasi ako, kaya madami akong alam"sabi niya napataas ang kilay ko. "So anong connect"sabi ko, natawa ako nung umikot yung mata niya "Lintek ka,napakaepal mo,wala kang kwentang kausap"kunot noo niyang sabi, natawa na naman ako ng malakas "Mahalaga gwapo ako"sabi ko at tumawa ulit, napangiwi sya. "LOL?ANONG CONNECT?"taas kilay niyang sabi, tawa parin naman ako ng tawa. "League of legends ba?LOL?"sabi ko inambaan niya ko ng hampas tumawa lang ulit ako. "Hanep,bumili ka nga ng kausap mo"sibangot niyang sabi at nakanguso pa. "Penge pera"sabi ko na nagpapaawa inirapan lang naman ako. "Haypp ka,magtrabaho ka kung gusto mo ng pera"sabi niya at inirapan ulit ako sabay flip hair. "Pikon"parinig ko, humarap sya sakin "Ka"dugsong niya "Rin"sabi ko "Basta pikon ka din PERIOUD"sabi niya at natawa na naman ako. Nilapitan ko sya at niyakap, niyakap naman niya ko pabalik. Hindi ko alam pero bigla nalang akong naiyak naramdaman niya yata yun kaya mas hinigpitan pa niya yung yakap niya sakin. Kahit pala may nagpapasaya sayo, yung tipong tawa ka ng tawa tapos biglang papasok sa isip mo yung masakit na pangyayari sa buhay mo maiiyak at maiiyak ka parin. Ending para kang tanga kasi pagkatapos mong tumawa, umiyak ka naman, hayyssttt. "Basang basa ka, tara muna sa mall at ibibili kita ng damit"sabi niya at hinila ako kung saan Pagdating namin sa mall sya na yung namili ng isusuot ko. Ikinuha niya ko ng hoodie jacket, na color white tapos black na pants tapos shoes din na white, astig noh?hehehe. Ako na yung nagbayad nagtalo pa nga kami sa harap ng cashier ehh, kasi sya daw yung magbabayad. Ngayon? andito na kami sa park, nakaupo lang at parang tangang nakatulala sa kawalan. "Bibili muna ko pagkain natin"sabi ko at tumayo, tumango lang sya at ngumiti. Dumiretso ako sa isang malapit na tindahan at bumili ng kung ano ano. Pagkatapos kong bumili, bumalik na ko sa park. Medyo nagtaka ako kasi wala si Shakia, pinikit ko yung mata ko ng dalawang beses at pagdilat ko andon na sya, weird. "Shakia, kain ka"sabi ko kahit nagtataka ako, dahil sobrang weird talaga nung nangyari. Pinagsawalang bahala ko nalang,hayssstttt nababaliw na ata ako. "Ang tahimik mo?"sabi niya nagpilit ako ng ngiti. "Namimiss ko lang si mommy"pilit ang ngiti kong sabi Hinawakan niya yung ulo ko at sinandal sa balikat niya. "Iiyak mo lang yan"sabi niya pero umiling ako I want to know you, i want to know everything about you, shakia. "Gusto kitang makilala willing ka bang sabihin kung san ka nakatira, sino parents mo, at kapatid mo?"sabi ko at tinignan sya sa mata, pinisil naman niya yung ilong ko at nakangiting tumango. "Patay na parents ko, may isa kong kuya nasa bahay lang sya"sabi niya medyo nanlaki yung mata ko nung sinabi niya yun, patay na parents niya? "Kailan? namatay yung parents mo?"sabi ko nagpilit sya ng ngiti, pero bahagyang tumutulo yung mga luha sa mata niya niyakap ko sya. "Last last week, namatay sila dahil bumagsak yung eroplanong sinasakyan nila"lumuluha niyang sabi "I'm sorry to hear that shakia, and i'm sorry dahil napaiyak kita"sabi ko habang pinupunasan yung luha niya. "Okay lang"sabi niya "Nilapitan kita nun sa hospital dahil alam ko yung pakiramdam na mawalan ng isang ina"nakantingin lang ako sa kanya at ngayon? parehas ng nag-uunahan sa pagbagsak yung luha sa mga mata namin. "Alam kong kailangan mo ng karamay at nung mga panahon na yun, kailangan ko din ng karamay,hindi ako nagkamali na lapitan ka dahil eto ngayon, kaibigan pa kita"nakangiti pero lumuluha niyang sabi. "Alam ko yung nararamdaman mo, kasi naramdaman ko din lahat yan ehh, may tiwala ako sayo, alam mong kaya mo yan, pagtatawanan talaga kita pag hindi"sabi niya at tumawa. Sa hindi malamang dahilan nagtawanan kami parehas. "Abnormal ka talaga kausap"sabi ko at inabutan sya ng panyo. "Madrama na masyado ehh, dapat happy lang tayo"sabi niya. Tapos medyo nabigla ako nung tumulo yung sipon niya, humagalpak ako ng tawa gago hahahahaha. Tapos sya tawa din ng tawa habang nagpupunas ng ilong. "Puta ka baka makain mo yung sipon mo"sabi ko ngumiti sya "Nakain ko na piste ang sarap nga ehh"sabi niya napakunot ang noo ko. "Kadiri kang piste ka"sabi ko inirapan niya ko. "Gago,masarap nga tikman mo"sabi niya at lumapit sakin. Hinawakan ko yung kamay niya para pigilan sya. "Ang kulit bilian mo baby masarap nga"sabi niya tapos ako tawa ng tawa habang umiiwas. Nung nakawala ako sa kanya tumakbo naman ako palayo. Naghabulan lang kami ng naghabulan na parang bata. Hanggang sa matalisod ako at Boommm! Dire diretso ko sa putikan. Nilingon ko si shakia at tawa ng tawa kaya tumayo ako at hinatak sya, atsaka ko sya tinulak sa putikan.. Hinawakan ko yung ulo niya para hindi sya mabagok. Mahirap na baka mawala pa sya sakin. (A/N:Lande char!?) Ayun nakahiga kami parehas sa putikan, okay parang tanga lang. Ganon talaga pag katabi mo yung taong gusto mo, lumilipad yung utak mo hahaha. "Matunaw ako" Nabalik ako sa mundo nung sinabi niya yun. Mabilis pa sa alaskwatro ako umiwas ng tingin. "Tssk nahiya pa"sabi ni shakia at tumawa ng malakas. "Happy?"inis kong sab. "Hindi promise"tawang tawa niyang sabi abnormal talaga. "Takte ka"sabi ko Pinisil niya naman yung ilong ko, at pinitik niya din yung noo ko. "Animal ka naman"sabi niya at umupo "Galit ka na niyan"sabi ko Hinarap niya ko at nginitian ng matamis. "Hayssttt, bat naman ako magagalit, tumayo ka na nga dyan"iiling iling niyang pang sabi at inalok niya yung kamay niya na tinanggap ko naman. Naglakad kaming dalawa ng magkahawak ang kamay papunta sa upuan dito sa park. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa nagsimula na syang magsalita. "Natatakot ako"mahina niyang sabi, napalingon ako sa kanya. "Natatakot san?"kunot noo kong sabi nilingon niya din ako. "Natatakot ako na one day hindi mo na ko makikilala, natatakot ako na baka hindi mo na ko makita"sabi niya at dahang dahang tumulo yung mga tubig na nagmumula sa magaganda niyang mata. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung mukha niya. "Hindi dadating yung araw nayun Shakia, ikaw yung tao na hindi lang magiging parte ng buhay ko, dahil ikaw yung taong pipiliin kong makasama habang buhay, ikaw yung babaeng aalagaan ko at papahalagahan ko basta ikaw yung tipo ng babae na pag iniwan ako ikakamatay ko"nakangiti kong sabi mas maraming luha na yung lumalabas sa mga mata niya. Dahan dahan ko syang nilapit sakin atsaka ko sya niyakap ng mahigpit. "Hindi mo maintindihan sa ngayon, pero darating yung araw na iiwan mo kong nag-iisa Zhai, natatakot ako, hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko"umiiyak niyang sabi, mas binaon niya pa yung mukha niya sa balikat ko, iyak lang sya ng iyak. "Hangga't hindi mo ko binibigyan ng magandang dahilan para iwan at kalimutan ka, hinding hindi ko gagawin yun"sabi ko at mas hinigpitan ko pa yung yakap ko sa kanya. "Kahit na sinasabihan ka na ng baliw, tanga at inutil, kahit na pinagtatawanan ka na, hindi mo parin ako iiwan"mahinahon niyang sabi dahan dahan akong umiling. "Sabihan na nila ko ng kahit anong masasakit na salita, pagtawanan na nila ko wala akong pake, atsaka ano bang kinalaman mo dun, wag mo ngang iisipin na pinagtatawanan nila ko ng dahil sayo sa ganda mong yan, tsskkk bobo na ang pagtatawanan ka, atskaa yang mukhang yan shakia pinagmamalaki, hindi ginagawang katatawanan, kaya ako? sobrang swerte ko dahil nasakin ka, mamatay man sila sa kakatawa, pake ko? ehh meron naman akong shakia terryle sa buhay ko, kaya lagi mong tatandaan na balewala lahat sakin, basta nandyan ka sa tabi ko"nakangiti kong sabi at hinarap ko sya sakin. Punong puno ng luha yung mukha niya, pinunasan ko yun, gamit ang kamay ko. "Tahan na, habang buhay tayong magkasama ulol"sabi ko at bahagya ko ng nakita yung maganda niyang ngiti. "Sure ka? hindi mo ko iiwan katulad nung iba? katulad nila mommy?"tumutulo ulit ang luha niya nagpilit na ko ng ngiti, pumasok kasi sa utak ko si mommy ko, miss ko na sya. "Hindi ko maipapangako, pero gagawin ko ang lahat, makasama ka lang hanggang sa huling hininga ko"sabi ko magpilit sya ng ngiti. "Ako, ipapangako ko na, makikita mo ko hanggang sa huling hininga mo"sabi niya at yumakap ulit sakin napangiti ako. "Pano ko makakasiguro?"sabi ko mas niyakap niya ko ng mahigpit. "Katulad mo, gagawin ko din ang lahat para matupad yung pangako ko sayo"sabi niya dahilan para mapayakap ako sa kanya ng mahigpit na mahigpit. Masarap sa feeling yung may kaibigan kang ganito, tapos yung bigla syang iiyak sa harap mo dahil, natatakot syang one day mawala ka sa buhay niya. Sa iba, nakakatawa pero para sa akin masarap sa feeling yun, minsan nalang ako makakilala ng ganitong tao, kaya papahalagahan ko na. "Hindi ka pa ba uuwi?"tanong ko Napatingin sya sa relo niya at napatayo. "Shoccksss 1 am na pala, baka hinahanap na ko ni kuya"sabi niya at tinignan niya agad yung cellphone niya. "Damn it, 105 miss calls and 200 text messages galing kay kuya, s**t im dead"natataranta niyang sabi, kita ko na yung kaba sa mukha niya. "Ihahatid na kita, ako na bahalang magpaliwanag sa kuya mo"sabi ko, at napatingin naman sya sakin. "Nakooo hindi na"sabi niya sakin napakunot ang noo ko "Bakit?ihahatid na kita"pagpupumilit ko, umiling ulit sya "No, magkita nalang tayo bukas umuwi ka na, baka hinahanap ka na din sa inyo"sabi niya at medyo nabigla ako dahil isang mabilis na yakap ang binigay niya sakin atsaka sya tumakbo. Katulad ng lagi niyang ginagawa huminto sya atsaka humarap sakin sabay sayaw na parang bata nagheart sign sya atskaa nagbabye sakin. "Bukas ulit ingat ka"sigaw niya "Ingat ka din"sabi ko at nagwave na sa kanya sabay pa kaming tumalikod sa isa't isa. Nakangiti akong naglakad pauwi sa bahay. Pumara ako ng taxi, hindi na ko nahiya kahit sobrang putik ko, tsskkk wala na kong pake hahaha. Mabilis lang naman ako nakarating sa bahay, nagbigay agad ako ng pera at lumabas na ng taxi. Pumasok na ko sa loob ng bahay, nakakalungkot at nakakapanibago dahil wala na si mommy na sisigawan ako dahil anong oras na naman ako nakauwi. Huminga ako ng malalim dahil ramdam kong tutulo na yung luha ko. Naglakad nalang ako papunta sa kwarto ko, dumiretso ako sa cr at naligo, napakadumi ko kasi, grabe yung tubig color brown, yari ako nito kay daddy, magsusumbong si manang nito, sabihin puro putik sa cr ko, haysstttt. Nagsuot ako ng pantulog at dumiretso sa kama ko. Inalala ko lang yung mukha ni shakia, at maya maya pa nakaramdam na ko ng antok. "Good night my shakia"mahina kong sabi Dahan dahan kong ipinikit ang aking mga mata at wala pang ilang minuto nakatulog na ko ng mahimbing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD