♡CHAPTER 4♡

1862 Words
BASKETBALL♤ ZHAI'S POV "Hindi nakakatuwa Jasper"inis kong sabi, pero mas lalo pa syang tumawa. Pano ba naman kase! binuhusan ako ng tubig habang nakahiga dito sa kama, sino bang matutuwa? sabihin niyo papatayin ko. "Easy bro, katuwaan lang"pigil ang tawa niyang sabi. "Kapag ito naulit pa,Jasper bubugbugin talaga kita!"galit kong sabi sa kanya atsaka padabog na naglakad papunta sa cr, padabog ko ding sinara yung pinto. Nanunura talaga ang hinayupak, rinig na rinig ko yung tawa, malatin ka sana bukas. Mabilis ko lang tinapos yung paliligo ko, inaaya kasi ako ni Jasper maglaro, yun lang talaga yung dahilan kung bakit niya ako binuska at binuhusan ng tubig habang natutulog, bwisit na yun. Pero naiintindihan ko naman sya, alam kong inaaya niya lang ako dahil sobrang durog ako, alam niyang nasasaktan ako ng sobra, hindi naman kasi ganon yang si Jasper, pag mga ganitong time nasa bahay lang yun, natutulog lalo na at malapit na yung pasukan. Dati nasaktan din ako ng sobra, inom lang ako ng inom halos sa bar na nga ako nakatira nun eh, at muntik na din akong tumalon sa building, siguro ayaw na nila maulit yun kaya pinipilit nila kong libangin. Ngayon ko lang napatunayan na sobrang swerte ko sa kanila, dumagdag pa si shakia sa mga taong nagbibigay ng lakas sakin ngayon. Napangiti nalang ako, para akong tangang nakangiti habang dahang dahang tumutulo yung tubig sa katawan ko galing sa shower. "Powta, bro matagal ka pa dyan!"sabi niya sabay kalampag nung pinto. "May balak ka bang sirain yung pinto?"pasigaw kong sabi, binubwisit talaga ko ng matindi, ihagis ko to sa pluto. "Wala naman bro, ang sakin lang hindi ka babae, bilisan mo maligo"mahinahon niyang sabi "Maghintay ka! nasa mood ako maligo ngayon wag mo kong pakialaman, at isa pa surang sura na ako sayo, pag hindi ka talaga tumahimik ihahagis kita sa pluto!"inis kong sabi, at lalo pa kong nainis nung tumawa lang sya. Lumabas na ko sa cr, at nilapitan ko agad si Jasper atsaka ko sya binatukan ng malakas, kaso ang hinayupak tawa parin ng tawa. "Tara na nga, at baka pag nagtagal pa tayo dito mabura ko yung pagmumukha mo"surang sura kong sabi. Naglakad na ko palabas ng bahay, dumiretso ako sa parking lot. Pagkasakay ko sa kotse ko, sumakay din si Jasper. "Wala kang dalang kotse?"sabi ko, agad syang umiling Pinaandar ko nalang yung kotse ko at pinaharurot papunta sa school. Open naman yung school namin, para sa mga estudyante nilang gustong maglaro habang nasa bakasyon. Pagdating palang namin sa harap ng gate, nakita ko na agad yung team. Alam ko na hindi niyo pa alam, kami ang pambato ng school namin sa larangan ng basketball. Kung akala niyo na MVP ako, nagkakamali kayo. Mas marami pang magaling sakin sa team, tanggap ko naman na hindi ako MVP dahil ako mismo nakikita ko, nakikita ng dalawang mata ko na may mas magaling pa sakin. "Bro, may isang team dito sila nalang kalabanin natin?"sabi ni Jack sakin. Si Jack Collins sya yung captain ng team. "Okay"sabi ko. "Game"sabay sabay nilang sabi, nagtanguan kami ni Jasper at sabay na naglakad papunta sa Court. Pagdating namin dun agad nilang kinausap yung makakalaban namin, umupo muna ko sa gilid hanggang sa nakita ko si Shakia na papasok ng Court. Pano niya nalaman na nandito ako? ang weird na talaga. Tumayo ako at sinalubong na sya, malayo palang kita ko na yung magaganda niyang ngiti, kaya napangiti din ako ng bahagya. Nasa tapat ko na sya ngayon, hinawakan ko yung kamay niya at hinila sya paalis sa harap ng court. "Good morning" sabi niya, sabay yakap sakin. "Good morning din"sabi ko. "Napagalitan ka ba kagabi?"sabi ko tumango sya. "Nasigawan lang naman ako hehehe, sanay na ko"sabi niya natawa ako. "Basta okay ka lang?"sabi ko, tumango ulit sya "Wag kang mag-alala okay lang ako"nakangiti niyang sabi sakin, tumango ako. "Pano mo nga pala nalaman na nandito ako" kunot noo kong sabi. "Nakita ko yung ate mo, sa labas ng bahay niyo tinanong ko kung nasaan ka at sabi nga ng ate mo nandito ka"sabi ko, napatango nalang ako. "Ayan pagkain at energy drink ,sabi kasi ng ate mo nagbabasketball ka daw kaya dinalan na kita ng pampalakas ng katawan"sabi niya at inabot sakin yung isang plastic. "Thank you, ikaw ba kumain ka na?"tanong ko. "Yap, kumain na ko"nakangiti niyang sabi. "Mamaya nalang kita kakausapin, may laro pa ko"sabi ko. "Pwede manood? support lang"sabi niya, hindi na sana ako papayag kaso nag beautiful eyes pa sya, mas gumanda tuloy sya sa paningin ko. "Sige na nga, tara na sa loob"sabi ko. Hinawakan ko agad sya sa kamay at sabay kaming naglakad papunta sa court. Pagdating namin sa court, nagsisimula na yung laban at lamang kami, galing. "Dale kanina pa ba nag-start?"sabi ko dun sa isang player, kasama ko sa team syempre. "10 minutes na simula nung nag-start yung laban"sabi niya, tumango ako atsaka ko nilingon yung katabi ko, na kasalukuyang tutok na tutok sa laban. "Shakia papasok ako sa game, dito ka lang ah"sabi ko at hinalikan sya sa noo, atsaka naglakad papunta kay Jasper. "Ingat ka, mabilis si number 5"sabi niya paglapit ko palang dun, tumango ako. "MVP galingan mo"sabi ko, tinawanan lang naman ako "Gago, ayusin mo laro mo" sabi niya tumango ako, tinignan ko si shakia at nung nagtama yung mata namin, kumindat sya, kaya bigla akong napaiwas ng tingin. "Game na bro"sabi ni Jasper kaya tumakbo na din ako sa gitna. Tinanguan ko lahat ng members, at boom nung pumito na, pinasa agad sakin yung bola. Tumakbo lang ako papunta sa ring namin, hanggang sa may humarang sakin, si number 5 Ito yung sinasabi ni Jasper na mabilis daw, kung mabilis sya mas mabilis ako. Aagawin na sana niya yung bola sakin, kaso mabilis akong tumakbo papunta sa ring then shoot. Nakita ko si Jasper na tawa ng tawa, nilapitan ko sya. "Mabilis na yun?"nagyayabang kong sabi. "Iba ka ngayon maglaro, bro"namamangha niyang sabi, tumawa ako. "Inspired kay mommy, at syempre sa babaeng gusto ko"sabi ko, ngumiti sya sakin "Sana hindi ka magustuhan nung taong gusto mo"sabi niya, dahilan ng pagkunot ng noo ko. "Joke lang, baka mawala ka sa mood"sabi niya at nilayasan ako. Napailing nalang ako sa kawalan, panira talaga ng araw yung isang yun. Nagsimula na ulit yung laban, at kami lang lagi ni Jasper ang nakakapuntos. Nakakatuwa dahil todo cheer talaga si Shakia, ang ngiti ko tuloy habang naglalaro abot langit. Matapos ang ilang minutong paglalaro, last quarter na at 50-52 ang score. Lamang sila, at last 3 minutes nalang. Bumalik na kami sa court at naglaban ulit, nagsisimula nakong mainis dahil laging sumasablay yung tira ko at tira ni Jasper. "Go Jasper and Zhai, talunin niyo sila kyaaahhhhhh kaya niyo yan!"buong lakas na sabi ni shakia, napangiti na naman ako. Pangako Shakia, mananalo kami. Mas naging mainit ang laban, nagsisimula na naman kaming maging halimaw sa court. Inagaw ko agad yung bola dun kay number 5, at tumakbo sa ring then shoot. Hindi na namin hinahayaang makashoot at makapuntos yung kabilang team. Nasa akin na ang bola ngayon, kaharap ko yung pinakamagaling na player nila, nginisian ko sya atsaka tumakbo. Walang magaling na player para sakin, taob kayong lahat pag ang naglalaro ay inlove na tao. Agad kong shinoot yung bola, last 2 seconds nalang, at boom! panalo kami. "Kyahhhhhh Zhai ang galing mo, kyahhhhh your the best!"sigaw ni Shakia. Sinalubong ako ng yakap ni Jasper. "Inspired ka nga, grabe ang galing mo"sabi niya, natawa ako. "May next MVP na, shet"sabi ni Jack, napailing ako. "Wala parin tatalo kay pareng Jasper"nakangiti kong sabi. "Ulol bro grabe nga yung laro mo kanina, pang MVP"nakangiti niyang sabi. "Lagi mong iisipin na may mas magaling pa sayo"sabi ko at tumawa. "Abnormal ka talaga, libre mo kami magaling ka naman diba?"sabi ni Jasper at tumawa. "Sige basta alak, game?"sabi ko, sabay sabay silang tumango. Good, kailangan ko ng alak sa mga oras na ito. Nilingon ko si Shakia, nakangiti sya sakin nilapitan ko sya. "Ipapakilala kita sa kanila, tara"nakangiti kong sabi at hinawakan sya sa kamay. "Mga bro, si Shakia bestfriend ko"nakangiti kong sabi. "Bestfriend? baka love" nakangising sabi Jasper, pinanlakihan ko sya ng mata, hanep makuha ka sa tingin. "Hi Shakia, Jasper nga pala ang pinakapoging kaibigan ni Zhai"napatampal nalang ako sa noo ko, abnormal talaga. "Hello"sagot ni Shakia, napalingon ako sa kanya at ang pula pula ng mukha niya. "Zhai, uuwi muna ko"sabi niya, napakunot ang noo ko. "Bakit?"tanong ko sa kanya. "Sumama ka muna sa kanila, maya nalang sa park"sabi niya at ngumiti, tumango nalang ako. "Ingat ka bye"sabi niya at tumakbo palabas, sinundan ko nalang sya ng tingin at pagharap ko. Damn it, medyo nabigla alo nung may mga hawak na bola yung kabilang team, magsasalita na sana ako kaso nabato na nila ko ng bola. Tumama lahat sa ulo ko, tapos nabato din ako sa sikmura. Sobrang sakit! "ZHAI!"sabay sabay nilang sigaw, pati sigaw ni Shakia narinig ko din. "Damn it, bakit niyo ginawa yun"galit na sigaw ni Jack, nahihilo ako. "Dapat lang sa kanya yan, baliw"sabi nung number 5. "Baliw? gago ka ba!"sigaw ni Jasper "Gago na kung gago, pero baliw yang kasama mo!"sigaw nung number 5. Tumayo ako at malakas siyang sinapak, kahit sobrang sakit ng tiyan at ulo ko kinuha ko yung natitira kong lakas para masapak sya. "Nagagalit ka kasi totoo? Padala ka na sa mental gago!"sigaw niya sakin, sasapakin ko na sana ulit sya kaso naunahan na ko ni Jasper. "Sabihan mo pa ng baliw at gago yung kaibigan ko, sisiguraduhin kong hindi ka na makakapaglaro ng basketball"mahinahong sabi niya pero ramdam ko yung galit niya. "Baliw yang kaibigan mo, kaya habang maaga pa ipadala niyo na sa mental"sigaw niya, wala pang isang segundo bagsak na sya sa sapak namin ni Jasper. Sinikmuraan ko sya, at si Jasper naman sinapak niya sa mukha. Kasabay ng pagbasak niya, ang pagbagsak ko umiikot ang paningin ko, putcha. "Zhai"si Shakia, nagulat ako nung nakita kong umiiyak siya. "Shhh stop crying, i'm okay"pilit ang ngiti kong sabi. Sobrang sakit ng ulo ko, pati ng tiyan ko, nahihilo pa ako. Dahan dahan kong pinikit ang mata ko, magpapahinga muna ko. SHAKIA'S POV Sunod sunod na tumulo yung luha ko nung dahan dahan syang pumipikit. Nagkagulo na yung mga kaibigan niya, si Jasper binuhat agad si Zhai katulong yung Jack. Nakatayo lang ako, at nanginginig. Hindi ko alam gagawin ko, kung susundan ko pa ba o hindi na. Habang tumutulo ang mga luha ko, nag-iisip ako. Puro kasi lalaki yun, mababait silang tignan pero hindi kasi ako mabilis magtiwala. Hanggang sa naisip ko na wag na lang silang sundan, natatakot din ako dahil babae ako, wala naman si Zhai para ipagtanggol ako. I'm sorry Zhai, wala muna ako sa tabi mo ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD