Harry. Simula ng gabing iyon ay hindi na muling nawala sa isip ko si Beatrix, at ang Kendrick na iyon, anong mayroon sa kanilang dalawa? Isipin ko palang na may relasyon sila ay nagiigting na ang panga ko sa galit. “Sir?” Narinig kong sambit ni Vincent, nawala sa isip ko na nasa kalagitnaan ng apala ako ng meeting. “Are you okay sir? We can postpone this meeting if you want.” Dugtong nito, iwinasiwas ko ang kamay para magmando na ipagpatuloy ang presentation. “It’s okay, please continue.” Tugon ko, muling nagsalita ang isa kong empleyado at pinagpatuloy ang presentation. Pagkatapos ng meeting ay agad akong bumalik sa opisina ko, nakasunod naman sa akin si Vincent. “Vincent, please make an appointment meeting with Ms. Beatrix Montes.” Seryoso kong sambit dito, bahagyang ngumiti si

