Chapter 23- forgiveness “What? Nakalimutan mo na ba? ikaw itong palaging nagsasabi sa akin na lumayo na ako kay Harry hindi ba?” Sambit ko dito. Ngumiti ito habang pinaglalaruan sa daliri ang hawak na ballpen. “Noon iyon, Beatrix. Dahil akala ko, mas magiging masaya ka kapag iniwan mo siya at nawala na siya sa buhay mo. I thought I can give you the happiness that you deserved. Pero nagkamali ako, hindi ka magiging masaya hangga’t hindi mo pinapalaya iyang puso mo. Subukan mong sumugal muli, subukan mong sundin ang sinasabi ng puso mo. Maybe this time you will find the happiness that you’re always looking for.” Aniya, parang may kung anong humaplos sa puso ko. Ngayon ko lang narinig na magsalita ng ganito si Kendrick. Nangingilid ang luha ko, hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yung

