Chapter 24 “Mag-iingat ka sa pagda-drive.” Nakangiti kong sambit kay Kendrick bago ako nito niyakap at naglakad na papasok ng sasakyan niya, binaba pa nito ang salamin ng passenger seat saka kumaway sa akin. Sinundan ko sya ng tingin hanggang sa hindi ko na ito matanaw. Humugot ako ng malalim na buntong hininga saka pumihit na para pumasok na sa loob nang mapansin ko ang isang itim na SUV. Maliwanag ang entrada ng hotel kaya kitang-kita ko kung sino ang nasa loob ng sasakyan. Si Harry, malamlam ang mga mata nito at halos tumagos ang pagkakatitig sa akin. Bahagyang umawang ang labi ko nang bumaba ito ng sasakyan. Hindi parin pinapatid ang titig sa akin. Iniwas ko ang tingin at nagumpisang mataranta. Bakit siya nandito? Paano kung makita niya si Ayesha? I gathered my wit and smiled at him.

