Pagkatapos naming kumain ay hinatid narin ako nito sa hotel, tinanggal ko ang seatbelt ko saka humarap ng bahagya rito. “Mag-iingat ka sa pagdadrive.” Sambit ko dito. Ngumiti naman ito ng bahagya saka muling nagsalita. “I will.” Aniya, tumango ako saka akma sanang bababa na nang muli akong tawagin ni Harry. Humarap akong muli rito pero ganun nalang ang pamimilog ng mga mata ko nang angkinin nito ang labi ko. banayad ang paghalik nito, ilang segundo akong nablangko at naestatwa. Hanggang sa kumawala ito. Pigil na pigil ang paghinga ko habang nakikipagtitigan dito. “I’m sorry. Hindi ko na napigilan.” Aniya, saka kinagat ang ibabang labi nito na lalong nagpabulabog sa Sistema ko. ramdam na ramdam ko ang pamumula at init ng mga pisngi ko. Yumuko ako para iiwas ang tingin dito. Pero hi

