Naiwan si Kendrick sa New Zealand para ayusin ang mga documents na kailangan niya bago pumunta ng Italy. Kami naman ni Ayesha ay umuwi na ng Pilipinas, para muling ipagpatuloy ang buhay, doon ko narin binabalak na i-enroll si Ayesha sa pasukan para makahabol ito sa school year. Hanggang sa makauwi kami ng Pilipinas ay walang Harry ang nagpaparamdam sa amin. Talaga nga yatang kinalimutan niya na ako, at pinaasa lang niya sa mga hilaw niyang salita. “Ayesha! Apo!” Bungad ni daddy nang makababa kami ng kotse, nakaabang ito sa entrada ng mansion at masayang naghihintay sa amin ni Ayesha. Patakbo namang lumapit ang anak ko at yumakap sa lolo niya. “Lolo!” Masayang sambit ni Ayesha, nakilala niya ito kaagad dahil palagi silang magkausap sa skype. “Hi dad. Kumusta po?” Nakangiti kong sambit

