Chapter 13: CONTRACT

1195 Words
“I’ve been looking for you everywhere.” Baritonong sambit ni Dominic nang makalapit na kanila Harry at Cassandra. She felt the dryness on her throat. “Um… we were talking about Vallejo Mall, binigyan lang ako ng advice ni Harry.” Nakangiting sambit nito. “Let’s go, we need to go.” Sambit muli ni Dominic. “S-saan tayo pupunta?” “We did a deal right? We should get the contract.” Aniya, nilingon nito si Harry saka matipid na ngumiti bago sila tinalikuran. Agad na sumunod si Cassandra rito. Samantala, nakatanaw naman si Beatrix sa may veranda at pinapanuod ang nangyayari sa garden. Hindi man niya naririnig ang pinag-uusapan ni Cassandra at Harry pero ramdam niyang seryoso ang pinaguusapan ng mga ito. Kinuha nito ang phone niya saka tinipa ang numero ng sekretarya. “Kumusta ang pinaiimbestigahan ko sayo?” Tanong nito. “Ongoing parin po Ms. Beatrix, but don’t worry. Sasabihan ko yung private investigator na bilisan.” Tugon ng sekretarya nito sa kabilang linya. Binaba nito ang phone saka naglakad na patungo sa kwarto nila ni Harry para maghanda papasok sa opisina. Hindi pa man sya nakakarating ay nakasalubong na nito si Harry sa hallway ng manor. “Susunduin kita mamaya sa office mo. May out of town meeting ako sa Batangas, and you’ll come with me.” Seryosong sambit nito, pinagkrus ni Beatrix ang dalawang braso sa dibdib saka tumugon dito. “Hindi ako pwede. Marami akong tatapusin sa office dahil naghahabol kami para sa christmas season.” Aniya, saka tinaasan ng isang kilay si Harry. “Tatlong araw tayo sa Batangas, maghanda ka ng mga gamit mo.” Tugon nito. Napaawang ang labi ni Beatrix saka naiinis na kinuyom ang mga kamay. “Ano bang hindi malinaw sa sinabi ko?! Hindi ako sasama sayo Harry! Ano bang akala mo, susundin ko lahat ng gusto mo? Hindi ako sasama sa business trip mo.” Singhal nito. Lumapit ng bahagya si Harry saka nito tinitigan ang bawat sulok ng mukha ng asawa. Ngayon niya lang napagtanto kung gaano ito kaganda lalo na sa malapitan. “Don’t you know that you look cute when you’re angry?” Nakangising tugon nito. Humakbang paatras si Beatrix saka nirolyo ang mga mata rito. “Hindi kita maintindihan, dati gustong-gusto mong sumama sa mga business trip ko. Ipapahanda ko nalang sa mga maid ang mga gamit mo, I’ll pick you up at 5pm sharp.” Dugtong nito saka tinalikuran ang asawa at umalis na. Padabog na pumasok sa kwarto si Beatrix. Muli itong nilingon ni Harry saka napangiti. Paglabas ng manor ay sinlubong ito ni Vincent saka pinagbuksan ng pinto ng sasakyan. “What happened to Cassandra’s body?” walang emosyong tanong nito kay Vincent na noon ay nasa driver’s seat na. “Narecover na siya ng mga pulis at hinihintay nalang na maclaim ng pamilya niya sa punerarya.” Tugon ni Vincent. “Settle Yasmin’s debt and hospital bills. Siguraduhin mong hindi makakahalata ang pamilya niya.” Baritonong sambit nito. Tumango naman si Vincent saka muling tumugon. “Yes sir.” --- Naghihiyawan ang ilang kalalakihan na nadaanan nila Vincent at iba pang tauhan nito sa labas ng opisina ng money launderer na si Mr. Pablo. Masikip at halos lumang-luma na ang building kung saan ito nagoopisina. Sabay-sabay na sinundan ng tingin ng mga lalaki sila Vincent hanggang sa makarating sila sa dulong pinto at harangin ng dalawang lalaki na nagbabantay doon. “Sinong kailangan niyo?” Seryoso at matigas na sambit ng isang lalaking nasa pinto. “Nandito ako para magbayad ng utang kay Mr. Pablo.” Malamig na sambit ni Vincent. Nanlaki ang mga mata ng dalawang lalaki at agad-agad na pinagbuksan ng pinto sila Vincent. Naabutan nito na nakaupo si Mr. Pablo sa sofa at nanunuod ng t.v habang nakapatong ang mga paa sa lamesita. Nakakunot ang noo nito sa mga tauhan habang nakataas ang kilay kanila Vincent na para bang ineeksamina ang itsura ng mga ito. Nanlaki ang mga mata ni Mr. Pablo at halos mapanganga nang ipakita ni Vincent ang laman ng suit case na dala nito. Punong- puno iyon ng pera, agad na sinara ni Mr. Pablo ang suit case na para bang takot na takot na baka mawala ito sa harapan niya. “Anong ibig mong sabihin na binabayaran mo ang utang ni Yasmine sa akin? Sino ka ba?” Paguusisa nito. “Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako, tanggapin mo na ‘yang pera at simula ngayon huwag mo nang guguluhin ang pamilya ni Yasmine.” Tugon nito saka tumayo na. “Totoo bang patay na si Yasmine?” Muling tanong nito. Tiningnan lang ito ng masama ni Vincent saka naglakad na patungo sa pinto. Walang ibang nagawa si Mr. Pablo kundi tanawin ang mga lalaki habang papalabas ng pinto. May kung ano siyang nararamdaman na parang hindi tama. May duda siya sa mga lalaking iyon. Tinawag nito ang isang tauhan saka may binulong rito. Tumango naman ang lalaki saka mabilis na umalis. Isang malaking palaisipan para sa kanya ang koneksyon nito kay Yasmine. At kung bakit nito binayaran ang utang nito ng sobra-sobra pa sa interest. Saamantala, habang nasa City Hall. Nakatitig si Cassandra sa papel na nasa harapan niya, may kung anong pumipigil sa kanya na pirmahan ang marriage contract nila ni Dominic. Pero wala siyang magawa, alam niyang posibleng may mangyaring masama sa nanay at kapatid niya kapag hindi siya sumunod sa usapan nila ni Harry. Kaya dali-dali niyang pinirmahan ang papel. Pagkatapos ay umalis narin sila sa City Hall, habang nasa sasakyan ay tahimik lang si Cassandra habang nakatingin sa bintana. Ngayon ay totoong kasal na nga ito kay Dominic, iniisip niya kung anong magiging buhay niya ngayon na kinasal na siya rito. At kung tinupad na kaya ni Harry ang usapan nila? “Perhaps, we should celebrate our contract signing. Where do you want to eat?” Baritonong tanong ni Dominic, napalingon naman si Cassandra rito. Mukhang totoo ngang wala ni katiting na interest si Dominic sa kanya at ang dahilan lang ng pagpapakasal nila ay para sa business ng pamilya niya. Hindi siya makapaniwalang ganito mag-isip ang mga mayayaman. Ginagawang business ang kasal. “I don’t think there’s something we should celebrate. Gusto ko nang umuwi, kailangan ko pang magprepare para sa office bukas.” Malamig na tugon ni Cassandra saka muling binaling ang tingin sa bintana. Hindi na muling tumugon pa si Dominic at sinenyasan nalang si Con na umuwi na sa manor. --- Napatingin si Beatrix sa phone nito nang magring iyon at rumehistro ang pangalan ni Harry. Inangat nito ang wrist watch na suot ang tiningnan ang oras. 5pm na pala, halos hindi niya namalayan ang oras dahil sa dami ng nirereview niyang documents sa opisina. Kinuha nito ang phone saka sinagot ang tawag. “I’ll wait outside your office.” Baritonong sambit ni Harry sa kabilang linya. Sumandal si Beatrix sa swivel chair nito saka hinawi ang buhok. “I told you. I’m not going. Marami pa akong dapat tapusin dito.” Tugon nito. “I’ll give you five minutes to come here, or else ako ang aakyat dyan at bubuhatin kita pababa ng opisina mo.” Seryosong sambit nito saka binaba nito binaba ang phone. Naiinis na muling hinawi ni Beatrix ang buhok saka tumayo at kinuha ang bag niya. “Ikaw nang bahala dito.” Bilin nito sa sekretarya nang madaanan niya ito patungo sa elevator. “Okay po Ms. Beatrix.” Aniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD