Lumipas ang araw, linggo, at mga buwan. Naging abala ako sa office at si Harry naman ay naging abala rin sa kumpanya at sa kasal ni Dominic at Cassandra, she already recovered from her accident. Pero ang sabi ng doctor may mild amnesia siya kaya wala siyang naaalala prior to her accident. Nakakatawa lang, in a blink of an eye, ang babaeng kinamumuhian ko ngayon ay walang maalala tungkol sa kataksilan nilang dalawa ng asawa ko. Galit na galit parin ako kay Cassandra pero naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko magawang magalit ng todo sa kanya dahil wala siyang maalala. Hindi ko alam kung totoo bang wala nga siyang maalala o nagpapanggap lang siya para umiwas sa gulo. Naging kakaiba ang pakikitungo sa akin ni Harry, kung dati ay halos hindi kami magkita sa loob ng isang araw, ngayon ay siya pa mismo ang sumusundo sa akin sa opisina despite of his busy schedule. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa ginagawa nito o maiinis. Halos hindi na ako nakakalabas ng manor ng hindi siya kasama. Minsan, gusto ko nalang isipin na baka this time, totoong nagbago na nga si Harry. Na baka sa wakas ay natutunan niya narin akong mahalin. Pero agad kong winawaksi sa isip ko iyon dahil kasing lamig parin naman ng yelo ang pakikitungo nito sa akin, ayokong umasa sa maling akala. Dahil alam kong bandang huli ay ako rin naman ang masasaktan, ako parin ang uuwing talunan.
“Congratulations Dominic.” Bati ko rito nang lumapit kami ni Harry sa bagong kasal na sina Dominic at Cassandra. ngumiti naman si Dominic saka tumugon sa akin.
“Thank you, Beatrix, you look wonderful in your dress.” Tugon nito. Humigpit ang hawak ni Harry sa baywang ko kaya napatingin ako rito.
“Welcome to the family Cassandra.” Sambit ko saka binaling ang tingin sa babaeng katabi ni Dominic, napansin ko na pumayat si Cassandra, baka dahil sa aksidente? Hindi rin katulad ng dati ang mga kilos at ekspresyon nito. Dahil ba sa amnesia niya kaya siya nagbago? Ganun ba talaga kapag nawawalan ng memorya? Pati ang kilos at emosyon nito ay nagbabago rin?
“Thank you, Beatrix.” Tugon nito sa akin saka ngumiti. Nangunot ang noo ko nang ngitian ako nito, sa unang pagkakataon ay nginitian ako ni Cassandra, may sakit ba siya? Nainis lang ako sa ginawa nito at muling nakaramdam ng galit nang maalala ang ginawa nila. Ano bang akala niya na porket kasal na siya kay Dominic at may amnesia siya ay makakalimutan ko na ang pagtataksil nilang dalawa ni Harry?
“This is a happy day, Beatrix, you shouldn’t look like that.” Narinig kong sambit ng lalaking katabi ko. Pinanliliitan ko ito ng mata saka humarap rito.
“You should be happy right now, lagi mo nang makikita ang babaeng iyon at hindi niyo na kailangan pang magtago sa penthouse mo.” Mahina kong sambit rito, pinangunutan ako nito ng noo saka binaling ang tingin sa akin. Nagulat marahil sa sinabi ko, hindi niya siguro akalain na malalaman ko ang tungkol sa penthouse ng Dela Merced.
“I don’t know what you’re talking about.” Aniya, ngumisi ako rito saka kinuha ang hawak nitong wine at nilagok iyon.
“Really? Fine, deny it as much as you want Harry, ‘coz that’s all you have to do right now. Pero hindi mo parin mababago ang katotohanan na hindi mo na ako maloloko.” Tugon ko rito, bumuntong hininga si Harry saka hinapit ako sa baywang dahilan para magdikit ang mga katawan namin.
“We’re married, at kung iniisip mo parin ang pakikipaghiwalay sa akin, tigilan mo na, you’re just wasting your time. My wife.” Aniya, saka ngumisi sa akin. Tinaasan ko ito ng kilay saka hinawakan ang kamay nito at tinanggal sa pagkakahawak sa baywang ko.
“Well then, excuse me. I want to enjoy this party.” Tugon ko rito, nangunot ang noo ni Harry at napaawang ang labi nito. Pissed.
“Beatrix.” Baritonong sambit nito, muli ko lang itong nginisian.
“This is a happy day, my dear husband. You shouldn’t look like that.” Nakangisi kong sambit rito saka kumuha ng isang baso ng champaign na dala ng waiter na dumaan sa harap namin, nilagok ko ang laman nito sa harap ni Harry saka ito tinalikuran at lumapit sa ibang bisita na kakilala ko at hindi na ito muling nilingon. Ramdam ko ang paninitig nito sa akin dahil nakikita ko siya sa gilid ng mga mata ko.
Hindi na ako ang dating Beatrix na nagbubulag-bulagan nalang sa mga ginagawa ng asawa ko, iyan ang pinangako ko sa sarili ko mula nang makompirma ko ang relasyon nito kay Cassandra. Kung kinakailangan kong makipagsabayan sa paglalaro ni Harry ay gagawin ko, makawala lang sa kanya.
Umalis rin ng mga oras na iyon sila Dominic at Cassandra para sa honeymoon nila sa Barcelona. Ilang araw lang naman sila doon dahil kailangan naring bumalik ni Dominic para tulungan si Harry sa company. I sense something about Dominic and Cassandra, alam ko naman ang dahilan ng pagpapakasal ng dalawa, dahil sa Negosyo. Pero may iba akong nararamdaman sa babaeng iyon, parang ibang tao kung kumilos. I know something is off, at aalamin ko kung ano man ang tinatago ng Cassandra na iyon.
---
Author’s Narrate.
“How are you feeling Cassandra? Alam kong mahihirapan kang mag-adjust dito sa manor because of your condition.” Sambit ni Chariman Vallejo habang nasa dining sila at kumakain. Inangat ni Cassandra ang tingin rito saka ngumiti.
“Yes… I mean, masasanay din po ako.” Tugon nito. Tumango tango naman si Chairman Vallejo at ngumiti rin rito saka pinagpatuloy ang pagkain. Tahimik namang nagmamasid si Beatrix sa kinikilos nito, hindi siya mapalagay dahil narin awkward para sa kanya ang makasama sa iisang hapag ang babaeng kinamumuhian niya.
“You should work in the Vallejo Mall Cassandra. makakatulong iyon sayo sa pagbabalik ng ala-ala mo kaysa nandito ka lang sa manor.” Muling sambit ni Chairman Vallejo. Lahat sila ay napaangat ng tingin kay Chairman Vallejo, matalim na binalingan ng tingin ni Beatrix si Cassandra.
“P-po?” Utal na sambit ni Cassandra.
“Chairman Vallejo, baka mahirapan si Cassandra sa office. Isa pa wala pang isang buwan mula ng kinasal sila ni Dominic, baka gusto niya munang magpahinga dito sa manor.” Sambit ni Beatrix.
“That’s why I want her to work there, if she meets other people, she’ll might recover faster.” Ani ni Chairman Vallejo, hindi na muling nakasagot si Beatrix dahil hinawakan ni Harry ang kamay nito sa ilalim ng lamesa.
“You are right dad, isa pa nandito naman si Beatrix para alalayan si Cassandra sa office.” Sambit nito saka binaling ang tingin kay Beatrix, tinignan rin siya nito ng masama saka nirolyo ang mga mata rito at tinanggal ang kamay nito sa kanya.
“That’s a good idea Cassandra, nag-manage ka naman ng business niyo hindi ba? I’m sure madali kang matututo sa mga office works. Should I throw you a welcome party?” Sarkastikong sambit ni Beatrix rito, naiilang na ngumiti si Cassandra at hindi malaman kung ano ang isasagot nito, ramdam niya at malamig na pakikitungo ni Beatrix sa kanya, pero hindi niya alam kung bakit.
Pagkatapos kumain ay naglakad-lakad si Cassandra sa garden para magpahangin, hanggang ngayon ay hindi parin ito makapaniwala sa lahat ng nangyari. Halos hindi ito makatulog dahil sa dami ng iniisip at pag-aalala sa nanay at kapatid niya.
Pabalik na siya sa loob ng manor nang nadaanan niya si Harry at Vincent na masinsinang nag-uusap. Tinapik ni Harry si Vincent sa braso nang makita siya nito, tumango naman si Vincent saka umalis. Hindi malaman ni Cassandra kung dapat ba siyang lumapit kay Harry o umalis nalang. Ngunit hindi niya namalayan na papalapit na pala sa kanya si Harry, seyoso ang mukha nito at deretsong nakatingin sa kanya.
“Good job Cassandra, now you can work inside the Vallejo Mall. Hindi ko inaasahan na mas mabilis tatakbo ang mga plano natin.” Sambit ni Harry nang makalapit ito ng tuluyan kay Cassandra.
“Um… pwede bang magtanong? Naayos mo na ba ang tungkol sa pamilya ko? Yung utang namin, si nanay? Si Anthony? Gusto ko lang malaman.” Mahinang sambit ni Cassandra. nangunot ang noo ni Harry at binalingan ng matatalim na tingin si Cassandra na para bang hindi nito nagustuhan ang sinabi.
“What do you mean?” Baritonong tugon nito.
“Anong what do you mean? Hindi ba’t may kasunduan tayo? Kaya ako nandito dahil nangako ka na magiging maayos ang buhay ng pamilya ko.” Aniya.
“Don’t worry about it, ako nang bahala don.” Tugon naman ni Harry.
“Kailan at paano? Alam mo kung hindi mo naman kayang tuparin ang pinangako mo Mabuti pang sabihin ko nalang sa kanila ang totoo.” Sambit ni Cassandra habang nakakunot ang noo rito, hindi siya makapaniwalang pumayag siyang makipagkasundo rito at magpakasal sa kapatid nito samantalang hindi naman nito tinutupad ang usapan nila. Napangiwi siya nang hawakan siya ng mahigpit sa braso ni Harry.
“I told you that I’d pay it! At ako nang bahala sa nanay at kapatid mo, huwag mo akong pangungunahan Cassandra. Don’t test my patience you don’t know what I can do to you. Focus on being Cassandra Montemar!” Singhal nito saka nito binitawan ang braso ni Cassandra, nangingilid ang luha nito dahil sa takot kay Harry. Alam niyang wala siyang laban dito, sino ba naman siya? Para sa kanya ay isang malaking pader si Harry na mahirap kalabanin at hindi mo gugustuhing makabangga.
“Cassandra.” Kapwa sila napalingon sa lalaking papalapit sa kanila. Si Dominic.