CHAPTER 11: RIVALS

1464 Words
“How is she?” Tanong ko nang nasa loob na kami ng lift. “She’s doing okay now. You don’t have to worry about her, and I’m not going to the hospital anymore. May nurse and staff naman na nag-aasikaso kay Cassandra sa hospital.” Baritonong sambit nito nang hindi ako nililingon at nanatiling nakatingin lang sa pinto ng lift. “I’m still want to process the annulment.” Seryoso at malamig kong sambit. Nilingon ako nito nang nakakunot ang noo. Nakita ko ang pagigting ng panga nito at pagdilim ng mukha habang nakatingin sa akin. “Hindi ako papayag. Besides, nakakalimutan mo yatang may kontrata tayong dalawa. Hindi ka pwedeng makipaghiwalay sa akin dahil sa gusto mo lang. I won’t allow that.” Seryosong sambit nito saka binaling ang tingin sa harapan. Napaawang nalang ang labi ko, hindi ko na ito maintindihan. Hindi ba mas pabor pa nga sa kanya kung maghihiwalay kami? May pag-asa na sila ni Cassandra at possible pang hindi na matuloy ang kasal nila ni Dominic. Binaling ko nalang ang tingin sa bintana habang nakakuyom ang mga kamay dahil sa sobrang inis.   --- Nakaabang kaming lahat sa labas ng manor at naghihintay sa pagdating ni Dominic, sinundo ito ng pinsan niyang si Lance. Maya-maya pa ay may natatanaw ko na ang isang itim na Maybach papalapit sa amin. Huminto ito sa harap ng entrada ng manor at bumaba ang driver para pagbuksan ang nakasakay sa backseat. Lumabas ang isang matangkad at maputing lalaki, napansin ko ang kaseryosohan sa mukha nito at ang pagkakahawig nito kay Harry. But his expression looks softer than Harry. “Welcome home, Dominic.” Bati ni Chairman Vallejo, bakas ang tuwa at pagkasabik sa mukha nito. I saw his genuine smile towards Dominic. Ngumiti rin ang binata saka nagsalita. “Thank you, dad.” Baritonong sambit nito. Binaling nito ang tingin kay Harry saka ngumiti. “Harry, Beatrix. It’s nice to see you again.” Aniya, nginitian naman ito ni Harry saka siya tinapik sa balikat. “Welcome back, let’s go inside. We should celebrate that you’re already here.” Tugon ni Harry. Ngumiti naman ako rito saka binati si Dominic, ito nalang ulit ang pagkakataon na makita ko siya. Halos hindi ko na matandaan noong huli kaming nagkita. “Welcome home Dominic. Ang tagal nating hindi nagkita, kumusta ka sa New Zealand?” Tanong ko rito habang naglalakad papasok sa loob ng manor. “Handling businesses, para mas ready na ako to take over Vallejo Enterprises.” Aniya saka ngumiti, napatingin ako kay Harry na noon ay papalapit sa amin. Hinawakan ako nito sa baywang saka iginaya patungo sa loob ng manor. His face became serious. It was dark, and unreadable. Nakikinig lang ako habang naguusap sila sa dining, pinakikinggan ang mga pinag-uusapan nil amula business, New Zealand at tungkol sa kasal ni Dominic kay Cassandra. maya’t maya ko rin tinitingnan si Harry kapag nasasali sa usapan at nababanggit ni Dominic si Cassandra. hindi ko maiwasang maawa kay Dominic, he didn’t know anything about sa babaeng iyon at kay Harry. Base on Dominic’s personality, siguradong hindi niya matatanggap kapag nalaman niyang may relasyon ang kapatid niya at ang fiancée niya. “Oo nga pala, thank you Harry for taking care of Cassandra.” Sambit ni Dominic, ngumiti naman si Harry saka nagsalita. “It’s nothing. Hindi na iba sa akin si Cassandra, ang besides she’s recovering, pwede na nating ituloy ang paghahanda sa kasal niyo lalo na’t nandito kana.” Tugon nito,  ngumisi ako saka nilagok ang laman ng wine glass ko. “Beatrix, I hope you’ll get along with Cassandra lalo na’t malapit na siyang lumipat dito sa manor.” Muling sambit ni Dominic saka binaling ang tingin sa akin. Dahan-dahan kong binaba ang wine glass saka ngumiti rito. “Of course, I’m excited to see her here, excited kaming makasama siya dito sa manor. Hindi ba Harry?” Nakangisi kong sambit rito saka binaling ang tingin kay Harry na noon ay blangko lang ang ekspresyon ng mukha. “Kailangang matuloy na ang kasal ninyong dalawa ni Cassandra, Dominic. Total nandito kana rin naman, at para matulungan mo na si Harry sa kumpanya.” Sambit naman ni Chairman Vallejo. Tumango naman si Dominic saka sumimsim ng wine nito. Pagkatapos naming kumain ay pumunta ako sa garden para magpahangin hawak ang isang baso ng wine at nakatingin sa mga alitaptap na nagliliparan sa buong garden. Nagningning ang mga mata ko nang makita ko ang munting liwanag sa lumilipad sa paligid. Napakaganda. Simula nang lumipat ako dito sa manor ay ngayon lang ako napadpad sa bahaging ito ng bahay. Lumapit ako sa gazebo at sumandal sa pillars saka sumimsim ng wine na hawak ko. The solemn of this place gives peace to my mind. Hindi kagaya sa loob ng manor, ramdam na ramdam ko ang tension sa loob lalo na kay Harry simula nang dumating si Dominic. Alam kong may iba siyang iniisip at hindi siya masaya sa pagdating ng kapatid niya. Mga bata pa lang kami alam kong Malaki na ang galit nito kay Dominic dahil anak ito sa labas ni Chairman Vallejo. “It’s still the same.” Narinig kong baritonong sambit ng isang lalaki, tumingin ako sa kinaroroonan ng boses at nakita ko si Dominic, marahan itong naglalakad habang nakapamulsa ang mga kamay. Nakatingin sa paligid na para bang ineeksamina ang bawat halaman at bulaklak na naroon. “Why are you here? Drinking, alone.” Dugtong nito, bahagya akong ngumiti rito saka inangat ang hawak na baso at inalok ito kay Dominic. “I didn’t know na mayroon palang ganito kagandang garden dito.” Sambit ko rito. Lumapit ito ng bahagya saka nagsalita at tumingin sa paligid. “Inalagaan ng mommy ni Harry ang halos lahat ng halaman na nandito, paborito niyang bulaklak ang mga iyan, naalala ko nung mga bata pa kami dito kami naglalaro ni Harry. We’re very close until my mom died from the car accident.” Aniya, kita ko ang lungkot sa mukha ni Dominic lalo na nang mabanggit nito ang mama niya. “I’m sorry hindi man lang ako nakauwi nung kinasal kayo ni Harry.” Dugtong nito saka humarap sa akin. Ngumiti ako rito bago nagsalita. “It’s okay…” Mahina kong sambit. “Harry looks so cold outside but I know he has a warmed heart. And I know you’re the only one who can change him. Sana huwag mong sukuan ang kapatid ko, gaya ko hindi rin biro ang pinagdadaanan ni Harry lalo na sa company.” Sambit nito, bahagya akong nagulat sa sinabi nito hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon sa akin. Hindi ko akalain na ganun kaimportante sa kanya ang kapatid niya samantalang si Harry… wala siyang ibang inisip kundi ang sarili niya at kung paano niya pa mas mahihigitan si Dominic. A felt the guilt inside me. “I-I know… you don’t have to worry about us. Ang dapat na isipin mo ang nalalapit mong kasal.” Tugon ko rito. Binalingan ako nito ng tingin habang seryoso ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi ko alam kung dala lang ba ng alak na ininom ko pero parang may gustong sabihin si Dominic na hindi niya masabi sa akin. “Beatrix.” Narinig kong sambit ng isang baritonong  boses, pareho kaming napalingon ni Dominic sa pinanggagalingan non’. Si Harry, nakakunot ang noo habang papalapit sa amin ni Dominic, binaba ko ang hawak kong alak sa table. “Let’s go inside, Dominic, you should also rest. Magkikita pa kayo ni Cassandra bukas.” Sambit nito nang makalapit na sa amin. “Right, mauna na ako sa inyo.” Tugon ni Dominic, tipid na ngumiti si Harry rito saka lumapit sa akin at hinawakan ako sa baywang. Huminto sa paglalakad si Dominic saka kami muling nilingon. “By the way. Ano nga palang ginagawa mo sa Cebu noong naaksidente si Cassandra?” Tanong ni Dominic, bumitaw sa pagkakahawak sa baywang ko si Harry saka nagsalita. Kita ko ang gulat sa ekspresyon nito, maging ako ay nagulat rin sa biglaang tanong ni Dominic, how did he know na nasa Cebu din si Harry noong mga oras na iyon? “I have a business meeting at nabalitaan ko na naaksidente si Cassandra, kaya pinuntahan ko siya. Why? Is there something wrong?” Tugon ni Harry. Ngumiti naman si Dominic saka muling nagsalita. “Nothing, I just want to know.” Sambit nito saka kami muling tinalikuran at tuluyan nang umalis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD