Weeks have passed. Walang pagbabago sa pakikitungo ko kay Harry, kapag nandito siya sa mansion para bisitahin si Ayesha ay nagkukulong ako sa kwarto o di kaya ay nagpapalipas ako ng oras sa office at uuwi nalang kapag nakaalis na siya. Isa sa kinatatakot kong mangyari ang ganito, yung puro galit nalang ang nararamdaman ko para sa kanya. Inabala ko nalang ang sarili ko sa trabaho. Ako na ang nag-manage ng company ni Dad kaya naging busy din ako sa kaliwa’t kanan na meeting. Pero may mga oras parin na kapag wala akong ginagawa ay naiisip ko ang babaeng iyon at ang anak nila ni Harry. Alam kong bata pa si Ayesha para maintindihan ang sitwasyon namin, pero paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat kapag nagumpisa na siyang magtanong sa mga bagay-bagay? Maiintindihan niya kaya ang naging desis

