Chapter 29 Tulala ako habang nasa loob ng kwarto at nakaupo sa sahig sa may gilid ng kama. Nakatanaw sa malaking bintana. Paguwi ko ng mansion ay nagkulong na ako sa kwarto. Binilin ko muna sa katulong si Ayesha dahil ayokong makita niya ako sa ganitong estado. Para akong mababaliw sa kakaisip. How can he do this to me? Napakasama niya. Muling dumaloy ang panibagong luha sa mga pisngi ko. Kanina pa ako umiiyak pero parang hindi maubos-ubos ang luha ko. Narinig ko ang pagtunog ng phone ko na noon ay nasa tabi ko lang. Rumehistro ang pangalan ni Yasmine dito, hindi na ako nakapagpaalam sa kanya kanina dahil abala na siya kay Jayden. Pinahid ko ang luha saka sinagot ang tawag nito. “Hello Beatrix? Nakauwe kana ba? Ipapahatid sana kita sa driver e….” Aniya, pero natigilan ito nang magsalita

