Chapter 28 Pumunta na ako sa dining kung nasaan si Ayesha at si Dad. Hinintay naming bumaba si Harry, ipapakilala ko na ang anak naming dalawa. Maya-maya lang ay bumaba narin ito at pumasok sa dining, sabay-sabay kaming inangat ang tingin dito, tumango naman ito nang makita si Dad. “Good morning, Chairman Montes.” Baritonong sambit nito, nginitian siya ni Dad, nilapitan ko ito saka kumapit sa braso nito. “I have a surprise for you.” Bulong ko rito. Bahagyang nangunot ang noo nito nang lumapit si Ayesha sa amin. “Mommy…” Sambit nito habang salitan niya kaming tinitingnan ni Harry. “Beatrix, w-what…” Yumuko ako para pantayan si Ayesha saka tiningala si Harry na noon ay takang-taka. Hindi nito malaman kung anong sasabihin niya. Pero bakas ang saya sa mukha nito na lalo kong nakita

