Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Venus habang nakatingin sa ginawang bonfire nina Luis at Juan. Magkatabi silang dalawa ni Bebe at sina Juan at Luis naman ay magkatabi, parang wala lang ang nangyaring suntukan sa mga ito kanina dahil nag-uusap na habang may hawak na bote ng beer. "Ang ganda," usal niya habang ang mga mata ay naka-focus sa apoy. Gabi na at tanging liwanag na lang ng mga solar na poste sa bawat gilid at ang apoy na nasa gitna nila ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid. Nakaupo sila sa damuhan na may latag na makapal na tela. Lahat sila ay nakatuon lang ang atensyon sa apoy, there is something about the flame that renders us without smile, yet content. "Is this your first time?" Mayamaya ay narinig niyang tanong ni Bebe, ngumiti siya. "Yes," tipid niyang sag

