5

1844 Words
“NALIMUTAN n’yo na ako ni Mom, ah.”       Napangiti nang maluwang si Katrina. Nasa balcony sila ni Harvy at masayang pinagmamasdan ang mga ilaw sa ibaba. Hinayaan sila ng ina nito. Tumawag si Harvy sa bahay nila kanina upang ipagpaalam siya sa kanyang ama. Hindi kailanman naging mahigpit ang kanyang ama sa kanya kaya pinayagan siya. Malaki rin ang tiwala nito sa kanya. Kilala na rin nito si Harvy kaya alam niyang hindi ito gaanong mag-aalala sa kanya.       “I like your mother.” She sighed dreamily. Ang sarap-sarap ng pakiramdam niya. Hindi niya iyon mailalarawan ng mga salita. Para siyang lumulutang sa alapaap ng kaligayahan. Ganoon pala kasarap umibig. Ganoon pala kasaya.       “She likes you, too. I told you she’d like you.”       Hinarap niya ito at nginitian nang pagkatamis-tamis. “Thank you for bringing me here. I’m having so much fun, Harvy.”       Bahagya siyang nailang nang lumapit ito nang husto sa kanya. Napasandal siya sa railings. Itinukod nito ang mga kamay nito sa stainless railing kaya tila nakulong siya sa mga bisig nito. Yumuko ito sa kanya. Pagtingala niya ay muntik nang maglapat ang kanilang mga labi.       Napalunok siya. Mararanasan na ba niya ang kanyang first kiss?       “Can I kiss you, Katrina?” he asked in a husky voice.       Natawa siya. Hindi niya malaman kung bakit. Wala namang nakakatawa. Hindi dapat ganoon ang naging reaksiyon niya. Bakit ba siya natatawa? Nais niyang mainis sa kanyang sarili.       Tumuwid ito at bahagyang nagsalubong ang mga kilay nito. “What’s so funny?” tanong nito.       “You,” sagot niya, pilit na sinupil ang kanyang tawa. Baka baliw na siya sa paningin nito. “Do you really have to ask? Sa mga nababasa kong pocketbooks, basta na lang nanghahalik ang lalaki, hindi na nagtatanong pa. Ang hina mo naman, eh. Para nama—”       Natigil siya sa pagsasalita nang bigla siyang  haklitin nito sa baywang at hapitin siya. Bago pa man siya makapiyok ay nasa mga labi na niya ang mga labi nito.       Nanlalaki ang kanyang mga mata habang hinahagkan siya nito. Inuutusan niya ang kanyang sariling pumikit dahil ganoon ang napapanood niya sa mga pelikula. Nakapikit din ang mga heroine sa mga nababasa niyang pocketbooks para mas feel na feel ng mga iyon ang halik ng Prince Charming ng mga ito.       Tila hindi gumagana ang kanyang isip. Nais din niyang tumugon sa halik nito. Ayaw niyang ma-disappoint ito sa kanya. Ngunit tila tuod na nanatili lang siyang nakatayo roon, dilat na dilat ang mga mata.       Pinakawalan ni Harvy ang mga labi niya. He looked at her. Tila na-amuse ito nang makitang nanlalaki pa rin ang kanyang mga mata. Hinaplos nito ang kanyang pisngi. Muli itong yumuko at hinagkan-hagkan ang sulok ng kanyang mga labi.       “Close your eyes, baby,” bulong nito sa pagitan ng mga halik.       Sa pagkakataong iyon ay pumikit na siya at nagpaubaya. She would enjoy their kiss. Dapat lamang na maging memorable ang first kiss nila. She wanted to remember that special moment when she was old and gray. Ang nais niya ay mapapangiti at kikiligin pa rin siya kapag naalala niya iyon.       “Enjoy,” anito bago muling sinakop ng mga labi nito ang mga labi niya.       The kiss was very gentle. Tila sinusuyo ng mga labi nito ang mga labi niya. Tila ingat na ingat ito sa bawat hagod ng mga labi nito sa mga labi niya.       Unti-unting natutuhan niya kung paano tumugon sa halik nito. Nahihiyang iginalaw niya ang kanyang mga labi. Ikinulong niya ang ibabang labi nito sa pagitan ng mga labi niya. She gently nipped it. Ipinaikot din niya sa leeg nito ang mga braso niya. Lalo siya nitong hinapit at mas lumalim ang halik. She opened her mouth instinctively for him. He groaned.       Bago pa man sila makalimot ay bigla niyang narinig ang tinig ng ina nito.       “Harvelo! Your father is on the phone!”       Bigla niya itong itinulak palayo sa kanya. Nang lingunin niya ang entrada ng balcony ay wala naman ang ina nito roon. Saka lang siyang nakahinga nang maluwag. Sana ay hindi nakita ng ina nito ang nangyari sa pagitan nila ng anak nito.       Hindi niya magawang tumingin nang diretso kay Harvy. Alam niyang namumula siya nang husto. Hinaplos nito ang pisngi niya.       “N-nasa p-phone d-daw ang dad mo,” nauutal na sabi niya. Hindi pa rin niya magawang tumingin nang diretso rito.       He softly chuckled. “I’ll be back.” Hinagkan nito ang ibabaw ng ulo niya bago ito pumasok sa loob.       Nanghihinang napasandal siya sa railing. Nasapo niya ang kanyang dibdib. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Parang sasabog na nga ang puso niya sa sobrang kaligayahan. Nasalat niya ang kanyang mga labi na hinahagkan ni Harvy kanina lamang.       Ganoon pala ang pakiramdam ng mahalikan ng lalaking iniibig. It was more than magic. Parang nagkatotoo ang isang fairy tale sa kanya. She found her Prince Charming. She found the one.       Kahit bata pa siya ay sigurado na siya sa nararamdaman niya. It was not just a simple crush or intense infatuation. She was in love. So much in love.   “HARVY!” mahinang saway ni Katrina sa binata nang bigla siyang hilahin nito patungo sa likurang parte ng malaking library. Nahuhulaan na niya ang nais mangyari nito. Kinakabahan siya ngunit may halong antisipasyon at excitement iyon.       Walang nagtutungo sa bahaging iyon dahil hindi maganda ang lighting doon. Mga lumang libro lang din ang nakalagay sa mga shelves.       “Harvy,” saway uli niya nang isandal siya nito sa isang shelf. “Baka may makakita sa `tin dito.”       “Sshh...” anito bago bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Bago pa uli siya makapagprotesta ay inangkin na nito ang mga labi niya.       The moment their lips touched, she forgot everything else, everything around her. Tila lumipad ang katinuan niya. Iniyakap na lang niya ang mga braso niya sa leeg nito at buong pusong tinugon ang halik nito.       Napaungol si Harvy at lalong pinalalim ang halik. Binundol ng matinding kaba at takot ang dibdib niya nang maramdaman niya ang isang matigas na bagay sa bandang tiyan niya. Hindi na siya ganoon kainosente upang hindi malaman kung ano ang matigas na bagay na iyon.       Nagbalik ang katinuan niya. Itinulak niya ito palayo sa kanya. “Harvy, tama na,” mariing sabi niya.         Nagpasalamat siya nang sumunod ito. Lumayo ito sa kanya at sumandal sa bookshelf. Kapwa nila hinahabol ang kanilang hininga. Hinayaan niyang dumausdos siya at mapaupo sa sahig.       Ganoon din ang ginawa nito. Tahimik lamang sila at hindi nag-iimikan. Niyakap niya ang kanyang mga binti at ipinatong ang baba sa kanyang tuhod. Hindi niya maipaliwanag ang nadarama niya. Parang may sinindihan itong apoy sa kalooban niya. Palagi niyang nababasa ang mga ganoon sa mga romance pocketbook. Kaya kinakabahan siya dahil palagi niyang nababasa ang mga ganoong eksena at alam niya kung saan madalas nauuwi iyon.       Kahit mahal niya si Harvy, hindi pa rin tamang magpaubaya siya rito. Bata pa siya. Alam pa rin niya ang mga limitasyon niya. Isa pa, hindi niya alam kung ano ang itatawag sa relasyon nila. Parang sila na pero parang hindi. Ang gulo.       Mag-MU ba sila? Hindi lang niya sigurado kung “malabong usapan” o “mag-un” ang ibig sabihin niyon.       Mula nang unang beses na hinalikan siya nito, halos hindi na ito nawala sa tabi niya. Kapag wala sila sa eskuwelahan ay dumadalaw ito sa bahay nila. Madalas din siyang yayain nitong lumabas. Kapag may pagkakataon ito, magnanakaw ito ng halik sa kanya. Gagawa at gagawa ito ng paraan upang makapagsolo sila at mahagkan siya. Siya naman ay buong pusong nagpapahalik.       Alam niyang dapat ay inaalam niya ang talagang estado ng kanilang relasyon. Nahihirapan siyang mag-concentrate tuwing nakakaharap niya ito. Bago pa man kasi niya mabuksan ang paksa ay naglalambing na ito, at agad na lumilipad ang lahat ng coherent thoughts sa isip niya.       Naisip din niyang baka ganoon ang nakasanayan nito pagdating sa pakikipagrelasyon. Sa Amerika ito lumaki at hindi uso roon ang ligawan o lalaking nanunuyo. Nais sana niyang maligawan upang kahit paano ay maranasan niya iyon. Ngunit wala siyang magagawa kung ayaw nito. Magkakalakas ng loob din siguro siya sa mga susunod na araw.       “Katrina?”       Bumaling siya rito at ngumiti. He reached for her hand. She gave it gladly. Hindi siya nito hinila patungo rito. Marahan na pinisil lang nito ang kamay niyang hawak nito. Nanatili ito sa puwesto nito at hindi sinubukang tawirin ang distansiya sa pagitan nila. They sat there holding each other’s hands. It was kind of sweet, too.       “I have to control my hormones,” anitong bahagyang natatawa.       She smiled. She was flattered actually. She felt like he couldn’t get enough of her whenever he was kissing her. Pakiramdam niya, napakagandang nilalang niya.       “You really have to,” biro niya, kapagkuwan ay sumeryoso. “We’re still too young. Ngayon, alam ko na kung bakit sinasabi ng lahat na mapupusok ang kabataan. We...” Yumuko siya, labis na nahihiya, saka nagpatuloy. “W-we can’t do it, Harvy.”       Sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang kung magpapatuloy ang ganoon, hindi malayong magawa nilang lumusong sa hindi dapat. Sa estado ng pag-iisip niya tuwing hinahalikan siya nito, hindi imposibleng ipaubaya niya ang lahat.       Hinagkan nito ang kamay niya. “I know.”       “Have you done it already? With someone else?”       Naaaliw na tumingin ito sa kanya. “Are you asking me if I’m still a virgin?” Tila nagsasayaw sa kaaliwan ang mga mata nito.       “Yes,” nahihiyang sagot niya. Nag-init ang kanyang mga pisngi.       “I was fourteen when I lost it.”       Kahit inaasahan na niya ang sagot na iyon, tila may kumurot pa rin sa puso niya. She told herself she was being silly. Sa bansang kinalakhan nito, kaswal lamang kung ituring ng mga kabataan ang s*x. People there were liberated. Isa pa ay lalaki ito, walang hymen na iniingatang huwag mapunit.       “Hey,” untag nito nang manahimik siya. “She’s the school’s w***e. What I felt for her was just lust. I did it with her because I wanna get rid of my virginity. She’s three years older than me.”       Tinatagan niya ang kanyang loob at hinarap ito. Sinalubong niya ang mga mata nito. “What do you feel for me?” Lust din ba? Ang hirap isipin niyon.       Nais niyang mapangiwi sa kanyang mga naisip.       Umisod ito palapit sa kanya at masuyong hinaplos ang kanyang pisngi. Naipikit niya ang kanyang mga mata nang masuyong dampian nito ng halik ang mga labi niya. “You are the most special girl for me. Next to Mama, of course.”       Napangiti siya. Sapat na iyon sa kanya sa ngayon. Kahit ang nais niyang marinig mula rito ay mga kataga ng pagmamahal, okay na ring siya ang ikalawang pinakaespesyal na babae sa buhay nito.       I love you, Harvy. I will always will.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD