“HOW’S London?” “London pa rin,” nakangiting tugon ni Katrina sa tanong ni Cheryl. Hinagkan nito ang kanyang pisngi. “Hindi ako nakapamili,” reklamo niya rito. “It’s okay, we’ll go back there.” Umupo sila sa sofa sa loob ng kanilang hotel room. Kararating lamang nila ni Vann Allen sa Las Vegas. Magpapahinga lang nang kaunti ang binata, pagkatapos ay sasabak na naman ito sa trabaho. “How’s business?” tanong niya rito. “Okay. No problem at all. Maayos ang kita ng lahat.” “`Yong bagong head ng security nga pala?” naalala niyang itanong. “He’s at the restaurant downstairs. Ang sabi ko, doon muna siya habang nagpapahinga si VA.” “Bakit doon siya? Hindi pa ba mag-uumpisa ang trabaho niya?” “You know how VA hates it when a

