Chapter 10

1838 Words

NANLAKI ang mata ni Fredo nang makita niyang naputol ang isa niyang kamay. Nalaglag iyon sa lupa kasabay ng pagpulandit ng masaganang dugo sa kaniyang braso. Sa gulat niya ay hindi agad siya nakasigaw. Nakasigaw lang siya nang mapagtanto niya na naputol ang kamay niya sa isang taga lang do’n ni Nenita! Pagtingin niya kay Nenita ay nanlilisik ang mga mata. Muli nitong itinaas sa ere ang hawak na itak sabay hataw sa kaniya. Sa pagkakataong iyon ay nakaiwas siya. Umatras siya agad kaya sa hangin tumama ang pagtagang iyon ni Nenita. Patuloy sa pagwasiwas ng itak si Nenita habang atras naman siya nang atras. Tumutulo sa lupa ang dugo niya. Kinikilabutan siya dahil hindi siya makapaniwala na wala na ang isa niyang kamay sa isang iglap. Wari niya ay tuluyan nang nawala sa katinuan si Nenita. N

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD