"FINALLY, WE CAN TALK." Napalunok si Krisstine nang biglang magsalita si Blitzen. Batid niyang kanina pa ito nagtitimpi—noong nasa kotse palang sila hanggang sa makauwi sila sa mansion. Kalalabas lamang niya mula sa ospital. She had to stay there for more than a day because she was too weak to go home. At buong biyahe nga nila pauwi kanina ay tahimik ang binata. Kaya naman nang mapag-isa sila sa kwarto niya ay alam niyang sasabog na talaga ito. Nagkunwari siyang natutulog para hindi na siya nito kumprontahin. She didn't know what to say. Ayaw niya ring patulan ang galit nito kasi alam niyang kagagalitan lamang siya nito. "Don't play games with me. Alam kong gising ka," naiinis na wika nito. She slowly opened her eyes. "I'm tired," aniya sa mahinang tinig. Walang halong kaetchosan iyon.

