SO, THIS IS WHAT A REAL LIFE IS. A happy life. Something warm graced her heart whilst she stared at Blitzen who was busy buying bangus at Sta. Cecilia's local market. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang napakaliwanag na ngiti ni Blitzen habang nakikipagtawanan at nakikipagtawaran ito sa tindera ng bangus. May isang oras na rin silang namimili ng kung anu-ano ngunit ni minsan ay hindi niya pa nakitaan ng pagod si Blitzen. Ni minsan din ay hindi pa nawala ang ngiti nito sa mga taong nakakasalubong nila o sa mga tinderang binibilhan nila. Everybody in that place knew Blitzen as Dio. Nobody dared to call him Blitzen. He was still treated as a legitimate son of that small town. Nakakatuwang isipin na kaibigan ang turing ng mga tao kay Blitzen doon. Noon niya napagtanto ang tunay na dahilan kun

