ALDRIAN’S POV “ANO ba `yan, Aldrian? Ang baho naman ng usok ng yosi mo!” reklamo ni Alegria habang pinapaspas niya ng kamay niya ang usok ng sigarilyo na pumupunta sa mukha niya. Nasa labas kami ng mall na iyon. Itinapon ko sa paanan ko ang sigarilyo at pinatay iyon sa pamamagitan ng pag-apak ko doon. Hindi naman ako adik sa sigrailyo. Naninigarilyo lang ako kapag gusto kong kumalma ako. Tulad ngayon, gusto kong kumalma tungkol sa mga naranasan at nakita ko sa dugyot na sinehan na iyon! “Sorry. Gusto ko lang kasi na mawala sa utak ko iyong mga nakita ko sa… s**t!” gigil na turan ko. Tawa lang nang tawa si Alegria. “Eh, ikaw naman kasi! Ang kulit mo. Sinabi ko na `wag tayo do’n, sige ka pa rin!” “Dapat kasi sinabi mo agad. Ginusto mo rin talaga na magkaganito ako, eh! Nananadya ka!”

