MASAYANG NAG-AAWITAN at nagkakasiyahan ang grupo ng mga nilalang na may katawan ng tao sa itaas ng parte at pawang buntot naman ng isda sa ibaba ng baywang. Mula sa mga tao, ang tawag sa kanila’y sirena o mga tagapangalaga ng karagatan. Sila ang bersyon ng mga diwata ng kabundukan dahil sa patuloy na pagbabantay nila sa katubigan. Tahimik silang naninirahan sa ilalim ng karagatan kung saan hindi matatagpuan nino man. Ang buhay na mayroon sila ay payak at tahimik. Pangkaraniwang din iyon kung ikukumpara sa mga tao ngunit hindi iyon parating ganoon sapagkat may mga bagay na hindi napagkakasunduan ang kanilang lahi katulad na lamang kung paano mamuhay ang mga katulad nila kaya nahahati sila sa dalawang pangkat. Ang una ay mga lahi ng Mermedia, ang mga buntot nila ay makukulay at halos kumi

