HINDI na dapat ginugulo ni Rajed si Tita Perl nang ganoong oras pero hindi niya napigilan ang sarili. Mag-aalas nuebe ng gabi kanina nang mag-reply ito sa text niya-na dumating na mula Hong Kong sina Antonn at Regine. Nag-rush siya papunta sa bahay ng mga ito. May aksidente sa daan kaya inabot siya ng pasado alas diyes bago siya nakarating. Abut-abot ang pasalamat niya na hinintay pa rin siya ni Tita Perl kahit hatinggabi na. Wala man itong sinasabi ay nararamdaman niya na naroon pa rin ang dating fondness nito sa kanya. Anak pa rin ang pagtrato nito sa kanya, tulad noong unang araw niya sa bahay ng mga ito na ipinakilala siyang best friend ni Antonn. Ah, si Antonn. Hindi pa sila tapos ng kaibigan. Hindi niya palalampasin ang ginawa nito. Si Tita Perl rin ang nagkuwento sa kanya. Narinig

