KOTSE ni Quiven ang gamit ni Rajed nang magtungo siya sa coffee shop. Matagal na siyang naroon at pinili lang na hindi lumapit kay Regine. Nakapuwesto ang babae sa tabi ng glass wall kaya kitang-kita ni Rajed sa kinaroroonan niya. Naantig siya nang isang oras na halos ang lumipas ay hinihintay pa rin siya nito. Palabas na sana siya ng kotse nang makita ang paglapit ng lalaking pamilyar sa kanya. Hindi na niya itinuloy ang paglabas nang makita niyang hindi itinaboy ni Regine ang lalaki. Namukhaan niya ang bagong dating. Isa ito sa apat na lalaking nakunan ng imbestigador na inutusan niyang sundan lahat ng kilos ng girlfriend. Hindi niya mapigil ang sariling gawin iyon. Pamilyar rito ang mga sasakyan niya kaya kaagad na malalamang sinusundan-sundan na naman niya ang activities nito. Naisip

