Tatlong taon na ang nakalipas. Bago pa magkalat ang chismis, bago pa maging battlefield ang opisina para sa akin at kay Ava, magkaibang mundo pa kami. Siya, mataas ang ambisyon, palaban, walang sinasanto. Ako, walang koneksyon, tahimik pero matalas. Hindi kami nag-uusap noong una—hindi ko rin naman nakita ang dahilan para gawin ‘yon.
Isang project ang nagtulak sa aming magkausap. Senior account manager si Ava, ako ang analyst.
“Arceo, bilisan mo,” malamig niyang sabi, hindi man lang ako tinitingnan.
“Alin?” tanong ko, walang emosyon.
“Lahat.”
Napangiti ako. “Hindi mo kaya ng wala ako?”
Napahinto siya, sinukatan ako ng tingin. “Anong sabi mo?”
“Wala,” sagot ko, habang iniaabot ang report. “Lagi kang nagmamadali at nagpapakamatay sa trabaho, pero mali ang computation mo rito.”
Sinilip niya ang papel.
Tama ako. Alam kong tama ako.
“Baguhin mo,” sabi niya ng malamig.
“Mas mabuti kung ikaw ang gagawa,” sagot ko.
Naningkit ang mata niya.
Dito nagsimula ang sunog.
Crucial meeting. Malalaking executives. Si Ava, confident, at diretso ang presentasyon.
“May risk sa strategy,” putol ko, bago pa siya makapagtapos.
Napatingin siya, pero hindi siya nagpahalata. “Paki-explain, Arceo.”
Tinuro ko ang figures sa screen. “Hindi realistic ‘to based sa forecast.”
Tahimik.
Isang tingin mula sa director. “I-adjust mo, Ava.”
Sa sumunod na meeting, ginamit ni Ava ang adjustments ko—pero hindi niya ako binanggit, wala man lang credits.
Napangisi lang ako. Ganon pala ang laro dito.
Hindi na kami nag-usap pagkatapos noon. Hindi na rin niya ako pinansin, pero sa bawat meeting, may sagupaan. Ako, tahimik pero matalas. Siya, matapang pero matigas ang ulo. Isang digmaan ng utak, walang gustong bumigay. Hindi pa namin alam, pero dito nagsimula ang hindi matapos-tapos na siklo naming dalawa.
Company retreat sa Batangas. Ang mga tulad ni Ava, laging gustong manalo. Ako? Wala akong pake. Pero siyempre, sa kamalasan, magkapartner kami sa isang team challenge.
“Hindi mo ‘to kaya nang mag-isa,” sabi ko, nakangiti.
“Mas gusto kong mag-isa kaysa makipag-partner sa’yo,” sagot niya, nakataas ang kilay.
“Eh ‘di mag-isa ka,” sabay bitaw ko sa lubid.
Kinagabihan, nag-inuman ang lahat. Hindi ako sumabay. Pero si Ava? Wala pang isang oras, mas madaldal na.
Nasa tabing dagat ako, lumapit siya—hindi lasing, pero iba ang tono.
“Alam mo, Arceo…”
“Hm?”
“Masyado kang matalino para sa isang taong walang ambisyon.”
“Ikaw rin,” sagot ko. “Masyado kang ambisyosa para sa isang taong hindi masaya.”
Natahimik siya.
Hindi ko alam kung napikon, pero hindi siya nakasagot.
Tahimik kaming dalawa. Ang hangin, malamig. Ang alon, marahan. Pero ramdam ko ang bigat sa kanya.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya.
“Dapat bang may dahilan?”
“Gusto ko lang malaman.”
“Hm.”
Napatingin siya sa akin. Ako lang ang taong hindi niya kayang basahin.
Tumayo siya, lumakad palayo. Pero hindi niya alam, kahit hindi siya tumitingin, naiwan sa akin ang bigat ng hindi niya sinabi.
Kinabukasan, hindi na namin ito pinag-usapan.
Pero mula noon, iba na ang paraan ng pagtitig niya sa akin.
Wala namang nagbago.
O baka meron—hindi lang namin inaamin.
Corporate gala. Malalaking pangalan, malalaking ambisyon. Ako? Napilitan lang dumalo.
Si Ava, naka-itim na gown, parang reyna sa gitna ng ballroom. Hindi ko siya pinansin—pero hindi rin ako makatingin sa iba.
“Come on, Ava,” bulong ni Adrian, pilit siyang iniimbitang sumayaw.
Walang choice si Ava. Pero hindi rin masaya.
Sa gitna ng sayaw, pinuntahan, at hinawakan niya ang kamay ko.
"Let’s go," bulong niya.
Nagulat ako, pero sumunod.
Sa balkonahe, nakatingin siya sa city lights, hawak ang champagne.
"Kanina mo pa ako tinitingnan," aniya.
"Dahil ang ingay mo," sagot ko.
"T*ngina mo," bulong niya, pero mahina—hindi sigurado kung inis ba o natatawa.
Ngumiti ako. "Wala ka namang sinabi kung may mali ko."
Tahimik. Walang away, walang corporate war.
"Andami mo kasing alam," bulong niya.
"Dahil hindi ka magaling magtago," sagot ko.
Tumingin siya sa akin—parang may gusto siyang itanong.
Tumunog ang phone niya.
Si Ryan.
Biglang nag-iba ang mukha niya. Uminom ng champagne, umiwas ng tingin.
“Wala ‘to,” aniya.
Napansin ko ang saglit na lungkot. Pero hindi ko na tinanong.
Huminga siya nang malalim. Bumalik ang poker face.
“Balik na tayo.”
Tumango ako.
Alam kong hindi ko na siya mararating ngayong gabi.
Pero sa isip ko: Paano kung hindi ako umatras?
At sa mata niya: Paano kung hindi siya lumayo?
Ava’s POV.
Mula sa alaala ng gala, bumalik ako sa mas brutal na realidad.
Sa labas, corporate war. Sa loob, tahimik na giyera sa pagitan naming dalawa.
Matapos ang meeting kay Regina, isang maling galaw lang, may babagsak.
Kailangan kong protektahan ang sarili ko—kahit si Enzo pa ang masagasaan.
Isang client visit sa labas ng Maynila. Isang suite lang ang available.
Tiningnan ko ang keycard, saka kay Enzo. “No choice.”
Wala na siyang sinabi.
Sa loob ng kwarto, nagkatitigan kami—pero walang nagsalita.
Humiga ako sa kama, tumalikod.
Pero kahit anong gawin ko, ramdam ko pa rin ang presensya niya.
Tumayo ako, dumiretso sa minibar. “Gusto mo ng whiskey?”
“Hindi.”
“Okay.”
Napatingin ako sa kanya—tahimik, nakatitig sa city lights.
“Kanina mo pa ako hindi pinapansin,” sabi ko, hindi ko rin alam kung bakit ko tinanong.
“Kanina mo pa ako iniiwasan,” sagot niya.
Put*ngina. Oo nga pala.
Hawak ko ang phone ko. Walang text. Walang distraction.
Lumingon ako kay Enzo. Hindi siya gumagalaw, pero alam kong hinihintay niya akong bumigay.
Napabuntong-hininga ako.
Bakit parang mas mahirap na ngayong lumayo?
At bakit parang mas gusto ko nang hindi na siya iwasan?
Nag-vibrate ang phone ko. Isang text mula sa unknown number.
"Sigurado ka bang si Enzo ang gusto mong kasama? Masisira ka niyan, Ava."
P*nyeta. Sino ‘to?
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
Napatingin ako kay Enzo. Tahimik siya, pero bakit parang may mali?
Pumasok bigla sa isip ko—si Adrian ba ‘to?
O may mas mataas pang nakikipaglaro sa amin?
Ramdam kong tumataas ulit ang pader ko.
Paano kung tama sila?
Paano kung si Enzo nga ang dahilan kung bakit ako babagsak?
Huminga ako nang malalim.
Hindi ako dapat matakot.
Pero bakit parang natatakot ako?
“May problema ka ba?” tanong ni Enzo, hindi ako tinitingnan.
“Wala.”
“Hm.”
Lagi niyang alam kung kailan ako nagsisinungaling.
“Bakit ba ang tahimik mo?” halos padabog kong tanong.
Sa unang pagkakataon, tumapat ang tingin niya sa akin—derecho, matalim, walang atrasan.
“Bakit ba palagi kang lumalayo?” sagot niya.
Napalunok ako.
Alam kong hindi lang ito tungkol sa trabaho.
Bago pa ako makasagot, may kumatok sa pinto.
“Ava. May ipapakita ako sa’yo,” malamig niyang sabi.
Si Adrian.
At doon ko napagtanto—may mas malalim pang laro na nagaganap.
Naiwan si Enzo sa kwarto.
Hindi siya sumunod. Hindi dahil wala siyang pakialam—kundi dahil alam niyang siya mismo ang problema.
Humarap ako kay Adrian. Alam kong may masamang balita siya, pero hindi ako umatras.
“Ano na namang laro ‘to, Adrian?”
Inabot niya ang isang folder. Screenshots ng mga chat namin ni Enzo.
Manipulated. Pnyeta, pero totoo ang itsura.
"Professional misconduct," basa ko.
“Bullsh*t,” bulong ko.
Ngumisi si Adrian. "Pero sino ang makikinig sa'yo, Ava?"
Sa isang iglap, alam kong kaya nila kaming itapon palabas ng kumpanyang 'to.
“Pwede nating pag-usapan,” sabi ni Adrian.
“Anong kapalit?”
“Simple lang.” Ngumiti siya. “Lumayo ka kay Enzo.”
Biglang bumigat ang dibdib ko.
Put*ngina. Ang dali, ‘di ba?
Bitawan si Enzo. Gawing walang kwenta lahat.
Pero bakit hindi ko magawa?
Bumalik ako sa kwarto. Tahimik akong tinitigan ni Enzo.
“Anong sinabi ni Adrian?” tanong niya, kalmado pero matalim.
Hindi ako makasagot.
Alam kong may hinihintay siyang sagot.