Chapter 7

1440 Words
Dalawang kama. Isang kwarto. Napatingin ako sa receptionist, pero bago pa ako makapagreklamo, kinuha na ni Ava ang keycard. “No choice.” Tahimik lang kami pagpasok. Parehong hindi alam kung paano magsisimula. Binuksan ni Ava ang bag, saka tinanggal ang blazer niya. “Ayoko ng drama, Enzo.” Pinanood ko siya, hinuhubad ang corporate armor niya. “Hm,” tango ko. “Sino’ng nagsabing gusto ko ng drama?” Lumingon siya. “Ikaw mismo.” Pinanood niya ako, parang naghihintay kung bibigay ako sa laro niya. Pero hindi ako tanga. “Relax ka lang,” sabi ko, habang inaabot ang tumbler ko. “Wala akong balak gumawa ng scandal dito.” Naningkit ang mata niya. “Good,” sagot niya. Pero sa tono niya, parang siya mismo ang hindi sigurado. Hinila ko ang bag ko sa kabilang kama. Tahimik kaming dalawa. Pero ramdam ko ang bigat ng bawat galaw niya. At t*ngina, hindi ko alam kung bakit. Tatlong katok. Malamig. Matigas. “Ava,” boses ni Adrian mula sa labas. “May ipapakita ako sa’yo. Urgent.” Napatingin ako kay Ava. Nakita kong ayaw niya. “Huwag mo nang patagalin,” sabi ni Adrian. “Mas lalo lang magiging mahirap.” Napapikit si Ava, huminga nang malalim, saka lumapit sa pinto. “Babalik ako,” aniya, hindi tumingin sa akin. Tahimik lang akong tumango. Ayaw ko siyang pigilan. Pero may bumibigat sa loob ko—masama ‘to. Nang sumara ang pinto, naiwan akong nakikiramdam. May agenda si Adrian. Alam ko ‘yon. Pero bakit parang hindi lang trabaho ang nakasalalay dito? Tiningnan ko ang phone ko, walang bagong text. Tahimik. Mas lalong nakakabahala. Kung meron mang gustong wasakin si Adrian, hindi lang ‘to tungkol sa promosyon. Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto. Si Ava—maputla, nanginginig ang kamay, hawak ang phone niya. Tahimik niya itong inabot sa akin. “Tingnan mo ‘to, Enzo.” Nakasilip ako sa screen ng phone ni Ava. Isang email thread. Walang pangalan ng sender. Pero ang subject line? "Report: Inappropriate Employee Relationship." Binasa ko ang laman. "Unprofessional conduct between two employees… inappropriate closeness affecting team morale." May attachments. Pagbukas ko, isang serye ng screenshots. Mga chat namin ni Ava. Mga usapan na hindi dapat nakikita ng iba. Mga linya na pwedeng bigyan ng ibang kahulugan. Put*ngina. Paano nila ‘to nakuha? Hindi ko alam kung anong mas malala— Na may kumuha ng private conversations namin… o na may intensyon silang gamitin ito laban sa amin. “T*ngina,” bulong ko, hindi makapaniwala. Hindi ito simpleng tsismis. May taong gumagalaw sa likod namin. At ang gusto nila? Patumbahin kami. Naramdaman ko ang tingin ni Ava. “Enzo…” mahina niyang sabi, ramdam ang bigat sa boses niya. Nagtagpo ang mata namin. “Gusto nila tayong sirain.” Paulit-ulit kong binasa ang email, pilit ina-analyze ang bawat linya. Hindi ito simpleng tsismis. Ito ay maingat na pinlanong bitag. At kami ni Ava ang target. “T*ngina,” bulong ko, pinindot ang screen para makita ang timestamps. May pattern. May intensyon. “Hindi ito aksidente,” bulong ko kay Ava. Napapikit siya sandali, bago dahan-dahang tumango. “May gusto sa ating matanggal.” Tahimik siyang huminga nang malalim. “Pero sino?” Isang tanong. Isang sagot na hindi namin alam. Pinilit kong mag-isip. Adrian? Malamang. Pero bakit ganito kalinis? Regina? Posible. Pero bakit sa ganitong paraan? Pwedeng may iba pang kasabwat. Nag-vibrate ang phone ko. Muling bumalik ang kaba sa dibdib ko. Unknown Number: "Congrats sa bagong promotion n’yo—promotion sa chismis." Put*ngina. May nanonood talaga. Itinaas ko ang tingin, pero walang kakaiba sa paligid. Tahimik ang kwarto. Pero ramdam kong may isang taong naghihintay ng reaksyon namin. At hindi sila titigil. Tahimik si Ava. Hawak pa rin niya ang phone, pero hindi niya tinitingnan. Alam niyang galing ito kay Adrian. Alam niyang may laro siya. Pero paano patutunayan? “P*nyeta,” mahina niyang sabi, napahawak sa sentido. Alam kong gusto niyang lumaban. Pero alam ko rin ang iniisip niya—paano kung matalo ulit? “Anong gagawin natin?” bulong niya, halos hindi ako makatingin. Parang may bumabara sa lalamunan niya. Takot. Hindi lang sa sitwasyon. Hindi lang sa trabaho. Lumapit ako, hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Ava.” Hindi siya gumalaw. Malamig ang boses ko, matigas, pero hindi galit. “May tiwala ka ba sa’kin?” Napatingin siya sa akin. Isang tanong na may dalang bigat—hindi lang tungkol sa trabaho. Kung hindi tungkol sa kanya. Sa amin. Saglit siyang napatitig. Parang may gusto siyang sabihin. Pero walang lumabas na salita. At sa katahimikan na ‘yon, alam ko na—hindi pa niya kayang sumagot. Sa kabilang bahagi ng hotel, rinig ang halakhakan. Si Adrian. Kasama ang ilan sa team. Nag-iinuman sila, pero hindi ito simpleng kasayahan—may ginagawa silang laro. “It’s all about the narrative,” ani Adrian, paikot-ikot ang baso ng whiskey sa kamay niya. “Kapag may usok, maniniwala silang may sunog.” May tumawa. “So, tayo ‘yung usok?” “Exactly.” Ngumisi si Adrian. Mula sa bulsa niya, may inilabas siyang folder. “Narito ang gasolina.” May bagong bala na naman siya. Binuksan niya ang folder. Manipulated screenshots—isang chat conversation na hindi kailanman nangyari. Ako. Si Ava. May mga linyang pwedeng wasakin hindi lang ang reputasyon namin, kundi ang career naming dalawa. “Sigurado ka bang kakagatin ‘to?” tanong ng isa. Ngumiti si Adrian, habang inuubos ang whiskey niya. “Hindi na kailangang siguraduhin.” “Bukod sa chismis,” aniya, habang binabagsak ang folder sa mesa, “bigyan natin ng konting spice…” Ngumiti siya, bahagyang tumingin sa pinto. “Para sigurado.” Umaga. Mabagal akong umiinom ng kape sa café ng hotel, sinusubukang pag-isipan ang mga susunod na galaw. Hanggang sa may bumagsak na papel sa harapan ko. Isang screenshot. Ako. Si Ava. Mga linyang hindi namin kailanman sinabi, pero perpektong mukhang totoo. Put*ngina. Manipulated. “Saan galing ‘to?” bulong ko, pero alam ko na ang sagot. Tiningnan ko ang paligid, hinahanap kung sino ang naghulog nito. At doon ko siya nakita. Si Adrian. Nakaupo sa isang sulok, hawak ang phone niya, walang bahid ng kaba. Nakangiti. Inangat niya ang baso niya, parang nag-toast mula sa malayo. T*ngina mo, Velasquez. Alam niyang nakuha niya ang reaksyon na gusto niya. Pero sa loob-loob ko, hindi pa tapos ‘to. Dahan-dahan kong kinuha ang papel, pinunit ito sa harap niya. Hindi ako nagpakita ng emosyon. Pero sa isip ko, kung laban ang gusto niya, ibibigay ko. Mabilis na bumukas ang pinto ng café. Si Ava, hingal, may hawak na papel. Kopya ng parehong screenshot. Napatingin siya sa akin, bakas sa mata ang galit. “Enzo,” bulong niya, inilapag ang papel sa harapan ko. Binasa ko ulit. Pareho lang. Pero iba ang tono niya ngayon. “Pag bumalik tayo sa opisina…” Humigpit ang hawak niya sa papel. “Tapos na tayo.” Tahimik akong uminom ng kape. Tinitigan ko siya. “Depende kung susuko tayo.” Napaangat ang tingin niya sa akin. Humigpit ang kamao ko. “Pero hindi tayo aalis na talunan.” Tinitigan niya ako, parang iniisip kung may dahilan pa para lumaban. Sa labas, nakita ko si Adrian, kalmado, parang alam niyang natalo na kami. Pero t*ngina, mali siya. Huminga nang malalim si Ava. Tapos, dahan-dahang tumango. “Kung gusto nilang maglaro…” Binuksan niya ang phone, may tinawagan. “…game.” Ngumiti ako. Simulan na ang laban. Pagdating namin sa opisina, isang email agad ang bumungad. Regina Santiago: "Meeting. Now." Tahimik kaming nagkatinginan ni Ava. Pagpasok namin sa conference room, bumungad agad si Adrian—nakahalukipkip, nakangisi. “Welcome back,” aniya, para bang siya ang nagpapatakbo ng meeting. “May gusto kang sabihin?” tanong ko, malamig. Ngumiti siya, nakataas ang kilay. “Marami akong ebidensya,” sagot niya. “Pero open akong makipag-usap.” Napasinghap si Ava. “Makipag-usap?” “Lahat naman pwedeng ayusin,” sagot ni Adrian, naglalaro ang daliri sa hawak niyang ballpen. “Depende sa offer.” T*ngina ‘to. May ganito palang version ng ransom deal. Tahimik akong sumandal sa upuan. “Ganon?” Ngumiti siya. “Depende kung gaano kayo kadesperado.” Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto. Si Regina. Tahimik. Walang emosyon. Pero matalim ang titig. "Hindi ko alam kung sino ang nagsasabi ng totoo," sabi niya, “…pero, may isang aalis sa kumpanya pagkatapos nito.” Sino ang aalis? Handa ba kaming lumaban, o mauuna kaming mabura bago pa kami makapagsalita? May mas malaking papel ba si Regina sa lahat ng ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD