PLAN A. “Naisip mo na ba kung saan tayo five years from now?” tanong ni Ryan, habang iniikot ang whiskey sa baso. “Five years?” tanong ko pabalik, habang nakasandal kami sa rooftop bar railing. Malamig yung hangin, pero mas mainit ang tingin niya. “Kung sabay tayo mag-level up,” sabi niya, “walang makakatalo sa’tin. Promotion, condo, kotse, maybe even... wedding.” Tumawa ako noon, pero may kilig na halong kaba. “Basta wag mo lang akong pagtaksilan, Ryan.” “Promise,” sagot niya, sabay abot ng pinky finger. Tinanggap ko. Isang maliit na deal. Akala ko noon, yun na ‘yon—us against the world. Pero sa corporate world, walang forever. At lalo nang walang loyalty. Spoiler: hindi niya tinupad ang pangako. At mula noon, tinupad ko ang sakin—na kahit kailan, hindi na ako maniniwala sa mga sa

