PLAN B. “Nasa gitna tayo ng corporate event, Ryan,” sabi ko, habang hawak pa ang champagne glass na hindi ko man lang na-inom. “And you’re leaving?” Tumigil siya sa paglalakad, pero hindi tumingin sa akin. “She needs guidance. Strategic investor siya,” aniya, tinutukoy ang babaeng sumunod sa kanya. “You chose her,” bulong ko, kahit naglalaban ang pride at lungkot sa lalamunan ko. “I chose power,” sagot niya. Walang pag-aalinlangan, parang hindi ‘yon mabigat. Humakbang ako paatras, pero tinitigan ko siya. “Then don’t ever ask for my love… when you don’t even know how to respect it.” Tumawa lang siya—maliit, malamig, at puno ng pagka-sigurado. Mula no’n, hindi na ako umiyak dahil kay Ryan. Pero sa gabi ring ‘yon, natutunan kong ang pinakamalalambing na pangarap ay kayang tapatan ng

